Chapter 20: Chapter 19

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 26229

Devon's PoV

Agad kaming umupo sa isang bench dito sa pathway ng school. Maraming akong nakikita na naglalakad at napapatingin sa pwesto namin ng lalaking katabi ko.

Sino naman kasi ang hindi mapapatingin sa amin e may kasama akong gwapo. Halos mabali ang leeg nila katitingin. Yung iba nga, halos patayin na nila ako ng tingin.

Iirapan ako o di ka pagbubulungan ako sabay tatawa ng malakas. Hayaan ko na lang silang mainggit sa akin. Psh.

Nang makaupo kami. Agad kong kinuha ang baon ko sa bag ko. At nilapag sa harap nya.

Napakunot naman sya sa akin.

"Gusto mo? Masarap yan, ako ang may gawa." nakangiti kong pag-aalok sa kanya.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Umaasa na magugustuhan nya ang baon ko.

Nakita ko naman na napakunot ulit ang noo nya at napangiwi. Medyo napasimangot naman ako dun. Ayaw nya ba ng baon ko?

"Ayaw mo?" nakasimagot kong tanong sa kaniya.

Bumaling naman sya sa akin ng tingin.

"What's that? What kind of food is that??" simpleng tanong nya at bumaling sya ulit sa baon kong banana que.

Natawa naman ako dahil sa tanong nya. Ang inosente ang pakakatanong nya kasi. Ang kyut! Medyo napasimangot sya.

Naningkit naman ang mata nyang bumaling sa akin ng tingin. Dapat matakot ako sa tingin nyang yun pero mas nanaig ang tawa sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako takot ng tignan nya ako ng ganun.

"What are you smiling at?" nakataas ang kilay na tanong nya sa akin.

^_^v

Nakangiti naman akong nagpeace sa kanya.

"Hehe! Nakakatawa ka kasi e. Ang cute cute mong sumimangot habang nagtatanong ka kung ano ang tawag sa pagkain sa harap mo." totoo kong sabi.

Unti unti namang nawala ang kunot sa noo nya. Pero nandun parin ang naniningkit at simangot sa mukha nya. Pfffs. :)

"Tsk!"

"Haha! Ang tawag diyan sa baon ko ay banana que. Masarap yan tikman mo na kasi." may pamimilit kong sabi sa kaniya.

Agad ko namang kinuha ang tinidor sa bag ko at ako na ang tumusok ng banana que para sa kanya. Mukhang nahihiya pang kumuha. Hehe! Joke lang.

"Heto, tikman mo." nakangiting abot ko sa kanya at tinusok kong banana que.

Napatingin naman sya kamay kong may hawak hawak na banana que. Parang nag-aalangan nyang kunin.

Baka ayaw nya talaga nito. Napagtanto ko na hindi pala kumakain ng mga mayayaman ng pangmahirap na meryenda.

Dahan kong binaba ang hawak hawak nya pagkain.

"S-Sorry kung pinipilit kong ipakain sayo ang baon ko. Naalala ko na hindi pala kumakain ng mga mayayaman ng pangnahirap na meryenda." medyo may kumirot sa puso ko ng matapos kong sabihin yun.

Hindi ko alam kung na offend ko ba o ano. Natigilan ako sa sinabi ko sa kanya. Ang judge mental ko talaga.

Tumingin naman ako sa kanya may pagpapaumahin. Pero laking gulat ko na lang ng nakita kong sunubo nya ang buong buong ang isang banana que.

Hinintay ko syang matapos na kumain ng banana que bago ako magtanong kung bakit bigla bigla nyang sinubo ang buong saging.

Nang makita ko syang papalapit na nyang matapos ang kinakain nya. Agad kong kinuha ang tubig sa bag nya at binigay ito.

"Bakit mo sinubo yun ng buo? Paano kung mabulunan ka? Pinag alala mo ako." nag-aalala kong pangangaral ko sa kanya.

Kinabahan ako bigla.

"Nag-aalala ka sa akin?" wala sa sariling tanong nya.

Tumingin naman sya sa akin. May nakita akong emosyon na dumaan sa mata nya pero hindi ko mapangalanan kung ano yun. O baka guni guni ko lang.

Napakunot ako. Anong klaseng tanong nyan? Syempre, nag aalala ako.

"Syempre, ayokong may mapapamak ng dahil sa akin. Sorry kung pinipilit kong ipakain sayo yung banana que. Akala ko kasi gusto mo." mahinhin kong sabi sa kanya at may kasama pang lungkot sa boses ko.

Natahimik naman sya sa kanyang inuupuan. Parang hindi nya alam kung ano ang dapat nyang sabihin.

Palihim akong humugot ng buntong hininga. Nakakahiya ang ginawa ko. Feeling close lang kasi ako.

"It's delicious!"

wala sa sariling napaangat ako ng tingin sa kanya at hindi makapaniwalang pinuri nya ang baon kong banana que.

Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Talaga?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Malay mo, iba pala ang pagkarinig ko sa sinabi nya.

Tumingin sya sa akin ng diretso. May nakita na emosyon sa mga mata nya. Biglang gumaan ang pakiramdam ko bigla. parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

"Yeah!" simpleng sagot nya at may kasama pang ngiti sa labi.

Lumawak naman ang ngiti ko. At para akong bata na pumapalakpak palakpak. Buti na lang at masarap akong magluto.

"Gusto mo pa ba?" nakangiti kong tanong.

tumingin naman sya sa akin at tumango tango na parang bata. Kaya natawa ako dun. Ang kyut.

Agad naman akong tumusok ulit ng banana que gamit ang tinidor nya at masayang ding binigay sa kanya. Buti na lang at medyo naparami ang linuto ko.

Ibibigay ko sana ito kina Trisha yung iba pero hindi ko na nabigay dahil hindi ko naman alam kung saan sila kumain. Baka nandun sila sa canteen. Pero sa susunod ko na lang sila ipagluluto.

Agad kong binalik sa harapan ang tingin ko. Ang sarap sa pakiramdam na may nagkagusto sa linuto mo. Ang gaan gaan nyang kumain. Halata na ngayon lang sya kumain ng banana que.

Napangiti ako bigla. Para syang bata kung kumain. May sauce pa gilid ng labi nya.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa akin. Napakunot siya at naguguluhan na nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko bigla.

"Hindi ka kakain?" tanong nya sa akin.

Akala ko kung ano na ang sasabihin nya, yun lang pala. Akala ko sasabihin nya na hindi masarap ang luto kong banana que.

"Ah! kakain ako. Sige kuha ka pa kung gusto mo. Tamang tama, marami akong niluto." nakangiti kong sabi.

Tumango sya sa akin at kumuha ulit ng isa pang banana que. Mukhang nagustuhan nya ang gawa ko.

Agad din akong kumuha ng tinidor sa bag ko at kumuha ng banana que sa baunan.

Tahimik lang kaming kumakain. Pinapanood lang namin ang mga estudyanteng naglakakad sa harapan naming dalawa.

"Masarap ba ang luto ko?" maya mayang tanong ko sa kaniya at bumaling ako sa kanya ng tingin.

Tumingin naman sya sa akin.

"Yeah! It's sweet but delicious. This is the first time that I eat this kind of food." pagtatapat nya sa akin.

So, tama nga ako. Ngayon lang sya nakakain ng ganito. Medyo naaawa naman ako sa kanya. Dahil may lungkot sa mga mata nya ng matapos nyang sabihin sa akin ang katagang yun.

Umusog ako papalapit sa kanya. Naguguluhan naman syang tumingin sa kanya

Pero hindi ko na lang yun pinansin.

"Gusto mo ba na araw araw kitang bigyan ng banana que o di kaya ipagluto kita? Sabi mo naman na masarap ang luto ko e." makangiti kong suggest sa kanya.

Bigla na lang kasi na pumasok sa isip ko ang bagay na yun. Kakakilala ko lang din sa kanya, pero ang gaan gaan na agad ang pakiramdam ko.

Siguro narin dahil sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nag aaral parin ako sa eskwelahan na ito. dahil sa kanila, nakakapag aral ako.

"Really?" parang hindi makapaniwalang tanong nya.

Natawa ako ng konti at tumango tango sa kanya.

"Oo"

"Ok then." simpleng sagot nya at may munting ngiti na sumilay sa kanyang labi.

Lumalaki naman ang ngiti ko sa labi. Hindi ako makapaniwalang pumayag sya sa inaalok.

"Sabi mo yan a. Wala nang bawian." natatawa kong sabi sa kaniya.

Bigla naman syang napangiti. Excited naman akong lutuan sya ng banana que.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng banana que. Parang sya lang ang nakaubos sa binaon ko. Pero ok lang naman sa akin.

Pero habang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko ang ngiti nya sa labi.

"Pwede pa kitang tawaging Vin?" wala sa sariling lumabas sa bibig ko ang word na yun.

Napatiklop ako ng bibig. Syet! Walang preno ang bibig ko. Kung ano ang nasa isip ko, yun agad ang sasabihin ko.

Nakakahiya. Baka sabihin nya na feeling close ako.

Napatingin naman ako sa kanya ng may nakakahiyang tingin.. At dahan dahan akong nagpeace sa kanya.

Napahiya ako a.

"Hehe! S-sorry. K-kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Kung ano ano kasi ang p-pumapasok sa isipan ko. Hehe! Feeling close lang kasi ako." nahihiya kong paumanhin sa kanya.

Nakangiwi na lang ako ng makita kong titig na titig sya sa akin. Medyo nailang naman ako dun. Kaya iniwas ko sa kanya ang tingin ko.

"It's okay, I like it."

Napatingin ako bigla sa kanya ng matapos nyang sabihin yun sa akin. Tama ang nadinig ko diba?

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Pero may tuwa sa puso ko ang nag uumapaw na saya.

"In one condition."

Napatigil naman ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya at hinintay kung ang ang susunod nyang sasabihin.

"Ano yun?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Can I call you Von too?"

Dun naman ako napatigil sa sinabi nya. Akala kung may ipapagawa sya sa akin para lang tawagin ko sa ng ganung pangalan yun lang pala.

Ngumiti naman ako sa kanya ng sobrang laki.

"Okay."

"Call me Vin, then.."

"Tawagin mo din akong Von."

Sabay naman kaming ngumiti. Agad naming pinagpatuloy ang kumain.

Habang kumakain kami. May natamaan ang mata ko. Hindi kalayuan sa kinakaupuan namin ni Devin. Alam kong siya na siya iyun. Kahit naman malayo o malapit lang sya, mapagtatanto mo na sya talaga yun.

Biglang nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nakikita ko. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor na hawak hawak ko. Ano mang oras handa ng itusok.

G*go ang lalaking yun, napaka playboy nya talaga. Parang gustong gusto kong sabunutan ang buhok nya.

Buhok nya sa ulo. Kung ano ano ang nasa isip nyo.

Mukhang ang saya saya nya pa habang nakikipagharutan. May kasama pang chansing ang gago. Abat! Putulin ko ang kamay nya e.

Nakakagigil talaga ako. Hindi niya ba alam na nakatingin ako sa kanila, kasama ang bago niyang babae. Nakakainis sya. Ang sakit nila sa mata.

May kumurot din sa puso ko habang nakatingin sa kanila.

Agad kong iniwas ang tingin ko ng makita kong napatingin sya bigla dito sa pwesto ko, medyo kinabahan naman ako dun. Baka sabihin nya na nagseselos ako sa kasama. Kahit totoo naman.

Parang gusto ko silang pag-umpugin. Nakakainggit este nakakagigil talaga ako.

"Hey! are you okay?" tanong bigla ni Devin sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya at binigyan ng ngiti pero hindi abot sa mata ko. May kumirot sa puso ko ng makita ko si Calvin na may kasama na namang babae.

"O-Okay lang ako, s-sige kumain ka na lang dyan. Sayo na lang nyan, b-busog na naman ako." sabi ko sabay ngiti.

Pero nandun parin ang lungkot sa mukha ko. Kaya napabuntong hininga na lang ako para mawala ang bara sa lalamunan ko.

Napatingin naman ulit ako sa pwesto nila. May naghahatak kasi sa akin na tumingin sa gawi nila.

Pero pagbaling ko ng tingin sa kanila. Parang ginugutay gutay ang puso ko. Parang napako ang mata ko sa kanila. Napahawak ako sa nandang puso. Ang sakit ng naramdaman ko ngayon.

Nasaksihan ko na kung paano naglapat ang labi nilang dalawa.

Bakit ganun? Paulit ulit na lang ako nasasaktan ng ganito. Lagi na lang niya akong sinasaktan. Gusto kong magwala para mailabas ang kinikimkim ko. Pero wala akong lakas na gawin yun.

May butil na namang luha ang pumatak sa mata ko.

Calvin's PoV

Ewan ko ba kung bakit bigla akong naiinis nang sinabi nyang may importante daw syang gagawin. Mas importante ba ang gagawin nya kaysa sa amin. Tsk.

Mas lalong nadagdagan ang inis at badtrip ko ng maalala ko ang nakita ko kanina sa field.

Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong naramdaman ng parang gusto kong manuntok o mambugbog ng tao.

Umaasa akong babalikan nya ako kanina sa clinic. Kaya naghintay ako sa kanya. Pero iba ang dumating, si nurse Kristine ang nakita kong dumating kanina. Hindi ko alam kung bakit sya ang gusto kong maggamot sa pasa sa labi ko.

Pero hindi ko ipinahalata na dismayado ako ng s'ya ang gumamot sa akin.

Ang ginawa ko na lang para maalis sa isip ko ang nerd na yun. Binaling ko kay nurse Kristine ang paghihintay sa kanya.

Biniro ko pa sya na kung hindi lang sya nurse ng paaralan, baka linigawan ko na sya. Pero biruan lamang yun. Alam ko naman na may boyfriend si nurse Kristine e. Nakita ko minsan sa parking lot na sinundo ng boyfriend nya. At saka hindi naman sya yung type kong babae.

Oo, maganda nya sya pero hindi ko talaga alam kung bakit wala akong naramdaman na kahit ano. Isa na siguro ang may matanda sya sa akin ng ilang taon.

Matapos nya akong gamutin, agad akong nagpaalam sa kanya na papasok na ako sa room. Hindi ko naman na mahihintay ang hinihintay ko.

Pero habang naglalakad ako. Nakita ko sya. Nakita ko syang nakikipagkulitan sa lalaki. Base sa suot nung lalaki, isa syang soccer player dahil sa damit.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung time na yun. Naramdaman ko na lang ang pagkainis. At may isa pa akong naramdaman pero hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko sa nararamdaman kong yun.

Dahil sa nararamdaman kong pagkainis at sa hindi ko mapangalanam na emosyon. Ang agad akong umalis. Pero pagtalikod ko sa kanila, bumulagta sa harap ko si Tristan.

Si Tristan na nakangisi habang nakatingin sa akin at tumingin sa likuran ko. At mas lalong nagpangisi sa kanya ng malawak.

Matapos ang nangyari sa room kanina. Umalis agad ako sa room dahil sa hindi ko maipaliwanag ang dahilan.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ang mga paa ko. Dahil recess time na, pumunta lang ako sa canteen para bumili ng kakainin ko at agad ding umalis sa loon.

Kung magtatagal ako dun. Baka dumugin pa ako ng mga babae. Pero hindi talaga mawala wala ang pagtitilian nila kung nakikita nila ako.

Halos ang mga babaeng nalalagpasan ng nilalakaran ko, napapatingin sa kanya. Halos mabali na ang mga leeg nila. Psh. Ang hirap talaga maging gwapo. Habulin ng mga babae. Tsss.

Naglakad lakad lang ako dito sa pathway. Dahil medyo nangangalay na ang mga binti ko agad akong umupo, Isa sa mga bench dito.

"Hi!"

Nagulat naman ako ng may biglang umupo sa tabi na babae. Kaya napatingin naman ako sa tabi.

Nakita ko ang babaeng maganda at ang sexy. Ehem. Ganyan ang mga type ko sa isang babae. Maganda ang pangangatawan. Ehem. Nakabukas ang dalawa nyang batones sa suot nyang uniform.

Witwiw!

Yum!

"Hello baby!!" paos ang boses kong bati din sa kanya. At binigyan sya ng nakakaakit na ngiti.

Nakita ko naman ang pagkamula ng pisngi nya.

"I'm Clair, and you are?" may pag aakit nyang pakilala sa akin sabay lahad ang isa nyang kamay.. Kagat kagat nya pa ang ibabang labi nya.

Sh*t! Nakakaakit ang labi nyang ampupula.

Napangisi naman ako sa kanya at inabot ang pakikipagkamay nito sa kanya. May halong chansing. Haha!

Naramdaman ko naman ang pagpisil nya sa kamay kong hawak hawak nya parin. Ako na ang unang kumalas sa kanya.

May naramdaman naman akong pares ng mata na nakatingin ngayon sa pwesto namin kung saan kami nakaupo ng babaeng nagngangalang Clair.

Nilibot ko ang paningin ko habang napako ang tingin ko sa babaeng nerd. Nang nakita nya akong nakatingin sa kanya agad syang umiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ng tibok ng puso ko. Alam kong wala akong sakit. Lagi ko itong nararamdaman kung nagkakasalubong ang tingin namin.

Napahawak ako sa dibdib ko kung saan parte ng puso ko. Hindi parin kumakalma ang pantig nito.

Wala sa sariling napakagat ako ng labi. Hanggang ngayon hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya.

Pero bigla na lang panayukom ang dalawa kong kamao. Bigla akong nainis dahil hindi pala sya nag iisa. May kasama itong lalaki. Yung transferee.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng makita ko si nerd na ngumiti dito. Tangna. Bigla akong naramdaman ng pagkainis. Hindi ko alam kung saan nanggaling.

May lalo akong nainis at nanggigil ng makita ko kung ano ang kinakain nila sa kanilang harapan. Mas lalong humigpit ang pagkayukom ng kamao ko.

Ito na naman ang nararamdaman ko. Ito na naman ang naramdaman ko nung nakita ko syang may katawanan na lalaki. Basta may kausap syang iba. Lagi ko itong nararamdaman.

Yung lalaking nasa field kanina. Parang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na sya dati. Saan ko na nga ba sya nakita?

Biglang pumasok sa isip ko kung saan ko unang nakita ang lalaking yun. S'ya yung lalaking kasama ni nerd noon din sa field. S'ya yung lalaking kasama na naman ni nerd noon.

Dun din ang unang nakaramdam ng kakaiba. Kakaiba na ngayon ko lang naramdaman. Na kahit sa tanang buhay ko, hindi ko nararamdaman.

Parang gusto na ako lang ang gumagawa ng ganun sa kanya. Parang gusto ko yung walang nakakapansin sa kanyang iba maliban sa aming magkakaibigan.

May parte sa akin gusto ko syang ipagdamot. Hindi naman ako ganito ng una sa kanya. Kahit konting panahon lang kami nagkakilala.

May gusto na ba ako sa kanya? bigla na lang pumasok sa isip ko ang bagay na yun.

Napatigil ako.

No..

No....

Alam kong hindi ito pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko hindi ganun yun.

D*mn it.

Pero bakit nakakaramdam ako ng pagkainis at pagkaselos nung may nakita akong may kasama syang lalaki o kausap? naguguluhan kong tanong sa isip ko.

Tumingin ako sa kanya ng may pagkalito. Kahit hindi nya nakatingin sa akin.

Nang makita ko syang pasimpleng tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.

Bigla ko na lang hinalikan ang babaeng nasa harap ko. Hindi ko napansin na nandito pa pala sya sa tabi. At isa pa, wala naman akong pakialam kung mainip man sya.

Medyo nagulat ang babaeng hinalikan ko. Parang hindi nya inaasahan na hahalikan ko sya.

Hindi ko ginalaw ang labi ko sa kanya. Nagkadikit lang. Pero ramdam ko na gumalaw ang labi nya sa ibabaw ng labi ko. Pero hindi ko sya pinagtuunan ng pansin.

Gusto kong makita kung anong naging reaction ni nerd ng makita nya ang ginagawa namin ng babaeng kasama. Hindi ko maalala kung anong pangalan. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong makita.

May nagtutulak kasi sa akin na gawin ito. Makalipas ng ilang minuto agad kong dumistansya sa babaeng nasa harap ko. Mukhang nabitin pa. Pero wala akong pakialam.

Wala sa sariling napatingin sa pwesto nila. Nakita ko silang nagliligpit ng pinagkainan nila. Nang mailigpit nila, agad na hinila ni nerd yung lalaki.

Napayukom ulit ako ng kamao. Napababa ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak. May lalo akong nairita sa nakita ko. Tsk. Tangna. Bwisit. Nakakairita.

Hindi ko nakita ang reaction nya.

"Ouch! Get off my hand, assh*le. Sh*t! It's hurt." napabalik na lang ako sa sarili ng may bigla nagtitili sa tabi ko.

Agad ko naman binitawan ang kamay nyang hawak hawak ko. Hindi ko namalayan na ang higpit na pala ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Sorry!"

"Sorry, your ass!! D*mn you." galit na sigaw nya sa akin.

Nagmartsya syang umalis sa harap ko. Kaya napakurap kurap na lang ako dahil dun.

Woah!..

Devon's PoV

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Huminga muna ako ng malalim at lumingon ako sa kaharap ko.

Nabigla ako ng nakita ko nakatingin pala sya sa akin. Tapos lumingon sa tinitignan ko kanina.

Napakunot naman bigla ang noo nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko." t-tapos ka na bang kumain?" medyo utal kong tanong sa kaniya.

Hindi nya nagsalita. Napatitig lang sya mga mata ko. Parang may hinahanap. Dahan dahan ko namang iniba ang tingin ko para lang hindi nya makita ang namamaga kong mata.

Nakakahiya kung makita nya akong umiyak. Pero agad din akong tumingin sa kanya ng may ngiti sa labi.

"H-Halika na, mukhang tapos ka naman na kumain. Baka malate pa tayo sa susunod na klase natin." pagyayaya kong sabi sa kaniya at biglang tumayo.

Inayos muna namin ang pinagkain namin bago umalis. Baka mamaya pagalitan kami dito e.

Nang matapos naming linisan ang pinagkainan namin. Agad ko syang hinila papalayo. Ayokong makita ang Calvin na yun  Hindi din ako masyadong tumitingin kay Devin sa mata.

Nagpatangay na din si Devin ng paghila ko. Hindi na sya nagreklamo pa. Dahil may hiya ako sa katawan, agad kong binitayan ang pagkakahawak kamay namin.

Tumigil muna ako ng paglalakad at humarap sa kanya.

"Sorry pala sa paghila." nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa kanya. Napakamot na lang ako ng ulo dahil dun.

Tumingin naman ako sa kanya ng nakangiwi. Mas lalo akong napangiwi ng makita ko syang nakatingin sa akin ng seryosong tingin.

Medyo napayuko ako.

"Why Did you cry?" walang emosyon nyang tanong sa akin.

Gulat akong napabalik ng tingin sa kanya. Paano nya nalaman na umiyak ako? Ang galing naman nyang bumasa ng emosyon at makahalata.

"P-paano mo nalaman?" utal kong tanong sa kaniya.

Pataas bigla ang kilay nya.

"So totoo nga, you cried."

Lumaki agad ang mata ko. Syet! Hinuhuli nya pala ako. Napasimangot ako bigla at napakagat ng ibabang labi.

"Hmp! Wala ito, napuling lang ako kanina kaya medyo namamaga ang mata ko." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Hayaan mo na. Halika na baka malate pa tayo e. "pag iiba ko ng usapan.

Pero hindi parin nawala ang pagkakunot ng noo nya. Pero kalaunan tumango na lang at naglakad na kami papuntang room.

Sabay kaming pumasok sa loob ng room. Kaya lahat ng mata ay nasa amin dalawa ni Devin.

Pati sina Megan nakatingin din sa amin. Nakakunot ang noo silang nakatingin, pero maya maya din bigla silang ngumiti sa amin ng malaki.

Ang weird nila ha sa totoo lang. Nakakunot ang noo, tapos bigla bigla na lang ngingisi. Parang baliw lang.

Kaya ngumiti na lang ako ng awkward sa kanila.

May narinig din ako ng bulong bulungan mula sa mga kaklase ko. Ang sasama ng tingin nila sa akin.

"Bakit magkasama silang dalawa?"

"Kyaahhh! Fafa Devin. Ang gwapo gwapo mo talaga."

"Magkakilala ba silang dalawa?"

"Be mine, bebe Devin."

"Parang ang close naman agad sila ni nerd."

"May pagkamalandi talaga ang nerd na yan e."

"Oo nga e. Nakita ko sya noon nakasama pa nya si Liam, yung soccer player. Yung gwapo. Kyaaah!"

"Nakakaasar nya sya e. Tsk."

"Yuck lang! Hindi man lang kamo mahiya."

Yan ang bulong bulungan nila. Parang hindi na nya bulong ang pagkasabi nila e. Ipinaparinig na nga nila sa akin.

Nakakasakit na talaga sila ng damdamin. Yan na lang araw araw ang naririnig ko sa kanila. Hindi ba sila nagsasawa na bulihin ako? Psh.

Patuloy parin ako sa paglalakad patungong upuan ko. Pero rinig na rinig ko ang sinasabi nila sa akin na masama.

Pero may nakaagaw ang atensyon ko sa sinasabi nila. Kaya medyo pahinto ako.

"Parang may similarities silang dalawa, right? Hindi niyo ba pansin ng magkatabi sila?"

Kahit medyo hindi kalakasan ang boses nila ng sinabi nila yun, pero dinig na dinig ko parin.

"Pansin mo din pala yun. Pati din ako e, may napansin din ako sa kanilang dalawa."

"Ano naman ang napansin mo?"

"Yung mata nilang dalawa. Parang iba ang kulay ng mata nila, pati shape ng mukha  parehong pareho."

"Kahit nakasalamin si nerd, kapansin kapansin parin. Medyo nakapagtataka nga e."

"Wag mong sabihin na magkapatid silang dalawa. Haha!"

"G*ga! Paanong magkapatid e, ang layo layo. Kita mo si nerd nagmumukhang katulong lang ni fafa Devin. Haha."

"Grabe ka besh. Haha! Pero tama ka. "

Nakayuko na lang akong umupo sa upuan ko. Pero hindi ko na lang yun dinibdib. Kasi wala naman akong dibdib. Hehe. De joke lang. Psh.

"Yuck! Ang pa--!"

"Mga p*nyeta kayong mga babae kayo. Ang iingay nyo, para kayong bubuyog dyan ha. Hindi ba kayo titigil sa kalalait. Tangna nyo ha. Tanggalin ko yang dila nyo e. Walangyang mga ito." biglang bulyaw ni Megan sa kanila.

Nagulat naman lahat ng biglang syang sumigaw ng malakas. Hindi din ako makapaniwalang nagawa nyang sumigaw ng ganun kalakasan. At mas lalong hindi makapaniwala na may lumabas sa bibig nya, na malulutong na mura.

Woah! Parang ako pa ang hiningal sa hiyaw nyang yun a.

Biglang tumahimik ang lahat ng tao dito sa loob ng room. Parang hindi nila inaakalang sisigaw si Megan.

Napatingin naman ako kay Megan. Nakita ko nakatayo sya sa kanyang kinakaupuan, parang nag aapoy ang mata nya habang nakatingin sa kaklase namin.

Isa itong may pagkamasungit e. May matatalim ding mga dila.

Tumingin naman sa akin si Megan na nakataas ang kilay. Kaya medyo napaurong ang dila ko. Mukhang badtrip sya ngayon.

"O-ok lang ako Megan. Umupo kana, baka mag sumbong ka pa nila." mahinhin at mahinahon kong pagpapakalma sa kanya.

Napakagat na lang ako ng labi dahil medyo nabigla ako kanina. Medyo nakanhinga ako ng malalim ng bigla syang umupo sa sarili nyang upuan.

"Okay ka lang ba Devon?" may pag-aalalang tanong bigla ni Tanya sa akin.

Bumaling naman ako sa kanya ng tingin. Binigyan ko naman sya ng maaliwanas na ngiti.

"H-Huwag kayong mag alala, okay lang talaga ako. Sanay naman na ako sa mga sinasabi nila sa akin." mapait akong ngumiti sa kanila.

"Ano, resbakan natin sila mamaya? Gusto mo? Para makaganti ka naman." maangas na paghahamon ng away ni Trisha.

Medyo natawa naman ako dun. At umiling iling.

"'Wag na guys. Kayo talaga, oo." ngumiti ako sa kanila.

"Kung makapaghamon ka naman, akala mo kaya mo silang lahat. Tsk." sabat bigla ni Tyron sa tabi ni Trisha.

Napabaling naman kami ng tingin kay Tyron. Tapos tumingin kay Trisha. Hmmm. Nag aamoy away ito a. Parang may giyera na namang mangyayari.

Hindi na ngayon sina Megan at Tristan naman ngayon.

Maganda to... Haha....

"Anong sabi mo toron ha? Gusto mo subukan ko na sayo ngayon?" maangas na paghahamon ni Trisha.

"Tsk! Kaya mo ba? Baka naman, isang pitik ko lang sayo, taob kana. Haha." pang aasar ni Tyron.

Wala sa sariling pahilamos kami ng mukha nina Ross. Mukhang may giyera talaga sa pagitan nina Trisha at Tyron.

Tumayo si Trisha sa harap ni Tyron. Agad din na tumayo si Tyron ng pagkakaupo at nakipagmatigasan ng tingin kay Trisha.

Napabuntong hininga ako at iginaya ang paningin sa loob ng room. Napasinghap ako ng makita kong nakatingin lahat sila sa amin dito sa likod.

Pati na rin si Devin, nakatutok din ang tingin nya sa amin dito sa likod. Parang nasisiyahan sya. Hay naku.

Nang naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya, agad syang tumingin sa gawi ko. Binigyan ko na lang sya ng nakangiwing mukha at binalik ang tingin kina Trisha.

"Abat ikaw lalaki ka, baka nakalimutan mo na lang ginawa ko noon sayo. Gusto mong ipaalala ko pa sayo. Kaya sige, ipaalala ko sayo." nakangising pang aasar ni Trisha.

Bigla namang tumalim ang tingin ni Tyron kay Trisha. Mukhang naalala nya yung ginawa ni Trisha kanya noon.

Haha. Naalala ko ang nangyari noon. Medyo natawa naman ako. Psh.

"Na--hmmmp!!" hindi natapos ang sasabihin ni Trisha ng biglang tinakpan ni Tyron ang bunganga nya.

At bigla nya na lang higit si Trisha papalabas ng room.

"Hmppp-- bimmmp-ta-!!!"

Nagpupumiglas si Trisha sa pagkakahawak ni Tyron.

Hindi pa sila nakakarating sa pinto ng biglang bumukas ito at pumasok doon ang next subject namin.

Kasama si Calvin na mukhang badtrip. Hanggang napansin nya sina Tyron at Trisha. Bigla syang napakunot at naguhuluhan na ngayon.

Naningkit naman ang mata ng subject teacher namin.

"What are you two doing?"

Patay....