Back
/ 40
Chapter 36

Chapter 34

The Ex-Wife Of The Billionaire Playboy

Andrew's PoV

"Anong sasabihin mo?" Tanong niya.

Agad ko siyang sinuntok.

"Bakit mo ako binaril, niloko mo ako Trinaydor mo ako, nangako ka din saakin na di mo idadamay ang kapatid ko." Galit na sabi ko sakanya pagkalabas namin.

Nandito kami ngayon sa hardin nila at medyo malayo doon kaya sigurado kaming di nila kami maririnig.

"I'm sorry." Sabi niya.

"Yan lang sasabihin mo, pasalamat ka may pinagsamahan tayo at may pinagsamahan kayo ni Samantha, kung wala sana kanina ka pa pinaglalamayan." Galit na sabi ko.

"Ginawa ko lang naman yun, dahil yun ang gusto noon ni Dad, ayaw kung gawin yun pero parang may bumubulong saakin." Sabi niya.

"Pero hindi ko alam na ginagamit at niloloko lang ako ni Dad, dahil di ko pala siya totoong ama." Sabi niya.

"What do you mean?." Tanong ko sakanya.

"Ginamit niya lang kami, para mapaghigante sainyo, binantaan nila si mom kaya wala rin siyang magawa. Sinabi ni Dad kay Samantha na si Tita Olivia ang nag plano na patayin siya kaya nagalit si Sam, namatay si Tita Olivia dahil kay Dad." Sabi niya.

"May nilagay na bomba si dad sa saksakyan ni Tita Olivia, dahil nalaman niyang nag tangkang sabihin ni tita Olivia ang totoo." Sabi niya.

"Bakit di mo sinabi?" Galit na sabi ko at kwenelyohan siya.

"Dahil ako ang mamamatay kapag di ko siya sinunod." Sabi niya.

"Mag-sorry ka kay Samantha, pero wag mona ngayon intindihin muna natin siya, hayaan muna natin na mapag-isip isip siya." Sabi ko.

Samantha Icey's PoV

Namatay si Tita Olivia dahil saakin?

Nang marinig kong patapos na silang mag-usap dahan dahan akong naglakad papuntang kotse.

Ng paalis na sana ako, nakita ako ni kuya Andrew.

"Sam, kanina ka pa?" Tanong niya.

"Ah, hindi kakapunta ko lang dito kuya kinuha ko lang ang jacket ko, pupunta na ako kay love." Sabi ko at naglakad na paalis.

Alam kung mag pag-uusapan sila kaya nagpaalam ako na kay Ivan na kukuhanin ang jacket, pero ang totoo may balak akong alamin ang pag-uusapan nila.

Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na nakapasok na pala ako.

"Love." Tawag saakin ni Ivan.

"Hmm?" Tanong ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo, ayos lang ako." Sabi ko mas medyo okay na ako ngayon kaysa kanina.

"Halikana dito." Sabi niya.

Kaya agad akong lumakad apunta sakanya at humiga sa balikat niya. Naka hospital pa akong damit huhu. Sinuot niya saakin ang jacket.

At niyakap ako, hanggang sa nakatulog ako sa balikat niya.

•

Ivan's PoV

Nang makasigurado akong natulog na siya, dahan dahan ko siyang binuhat.

Dinala ko siya sa guestroom nila Tita Elyzze, doon nalang daw kami matutulog mag-asawa naman daw kami kaya okay lang na magkatabi kami.

Nang makapunta ako sa guestroom nakita ko si Ellie.

"Ako na magbubukas." Sabi niya at agad na binuksan pinto.

Nang binuksan niya ang pinto agad akong pumasok at agad siyang dinala sa kama.

Malinas naman at mabango, siguro araw araw itong pinapalinisan ni tita.

"Salamat." Sabi ko.

"Ge, sibat na ako." Sabi niya at agad na umalis.

Ng makaalis na siya agad ko ng sinara ang pinto at ni lock.

Nakatingin ako sakanya ngayon habang mahimbing siyang natutulog.

Agad akong kumuha ng kunan at humiga sa tabi niya.

Agad ko siyang kinumutan at agad siyang niyakap.

"Good night, Love." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

Baka ko ipinikit ang mata ko.

✨Morning✨

Nagising nalang ako ng naririnig kung umiiyak si Icey.

"Love." Tawag ko sakanya at niyakap siya.

"Ivan! Huhu nagugutom ako." Umiiyak na sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Sana ginising mo ako, wag kang umiyak." Sabi ko.

"Baka kapag ginising kita, magagalit ka saakin huhu." Umiiyak na sabi niya.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.

"Gusto ko ng street foods." Sabi niya.

"3 am palang, wala pang nagbebenta ng ganon." Sabi ko.

"Gusto ko talaga yun eh." Sabi niya.

"Diba ayaw mo yun, dati?" Tanong ko.

"Gusto ko na nga ngayon eh, kung ayaw mo idi wag." Sabi niya.

"Oo na, lulutuan nalang kita." Sabi ko.

"Hmm, sige bilisan muna gusto ko ng hatdog, kikian, fishball, chicken nuggets, at dugo." Sabi niya.

"Wala bang i love you, diyan?" Tanong ko.

"I love you Ivan, ayan na nasabi ko na layas! Hihintayin kita dito, babantayan ko na si manang." Sabi niya.

"Pwedeng isa pang i love you with kiss." Sabi ko.

"I love you love." Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.

"Sige! Alis na." Sabi niya.

"Maligo kana ah." Sabi ko.

"Wala akong damit dito." Sabi niya.

"Humiram ka muna kay ellie." Sabi ko.

"Sige." Sabi niya.

"Wag kang magpa stress ah." Sabi ko sakanya.

"Oo na, bakit ba ang dami mong sinsabi, pumunta kana at isa pa magpalit ka nga ng brand ng pabango mo ang baho." Sabi niya.

"Sabi nga noon gusto mong bumili ng ganito dahil mabango." Sabi ko.

"Eh sa ayaw ko na ngayon eh." Sabi niya.

"Sige na, wag ka ng magalit pupunta na ako mahal ko." Sabi ko.

---

Don't forget to vote, comment and Share. Pbstars!🦋

Eedit ko nalang ito kapag wala ng ginagawa haha. Loveyou all. Aral ng mabuti. ❤️

Fb page; Shinelikeastar_13

YT Channel; Shinelikeastar_13

Share This Chapter