Back
/ 40
Chapter 30

Chapter 28

The Ex-Wife Of The Billionaire Playboy

Alivia's PoV

Kakarating lang namin galing sa jowk ba't ko sasabihin jowa ba kita?

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘭𝘭, 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘦𝘦𝘯𝘢𝘨𝘦𝘳 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘰?

Dahan Dahan akong pumunta sa kwarto ng mga bata baka tulog na sila 12: 00 mn.

Nang makarating ako dahan dahan akong pumasok sa kwarto nila. Omg!

Ang cute nila, para silang perfect family, team Zakim [Azaki × Kimberly] ako.

Agad kung kinuha ang cellphone ko, at agad silang kinuhaan ng picture.

Waw! May Display na ako, kailangan kaya sila ikakasal. Excited na ako. Sana kayo rin bwahaha.

Komontra crush ni Kuya Xander Park, yung napa tulfo ata yun pero di ko knows este di ko alam nahahawa na ako kay Akirra.

So yun nga di ko talaga alam kung Xander Park ba pangalan niya, hindi naman ako chismosa para alamin ang buhay niya.

Alam niyo kasi wag natin pakialaman ang taong wala din namang pakialam saatin, mag focus nalang tayo sa taong may pakialam saatin. OKeY?

Kahit di ko tunay na anak si Kim napamahal narin naman ako sakanya eh. Gusto kung bisitahin at damayan si Sam pero delikado daw.

Ayaw akong payagan ni Andrew, baka madamay daw ako. Alagaan ko nalang daw sina Akinna at Akirra kasama sina Kim at Zak. Pero okey kang naman saakin.

Kinikilig kasi ako sakanila eh, pati rin naman yung iba sa nagbabasa eh aminen niyo?

Samantha Icey's PoV

Nagising ako ng 4 o clock.

Agad kung tinanggal ang pagkayakap niya saakin at agad akong tumayo, nagugutom ako.

Awit! 4 weeks ng comatose si manang. At si Elias di ko alam kung saan, di naman siguro siya makakasagabal saakin.

Agad akong bumaba para pumunta sa Ref, teka nasaan yung chocolate ice cream ko at yung eden na cheese ko dito sa ref. Kakabili ko lang yun kanina. Bukas na bukas kung sino man ang kumuha noon puputulan ko ng ulo huhu. Gigil nila ako.

Di ko namalayan na may luha ng pala sa mata ko. Magising nga si Ivan.

Agad akong bumalik sa kwarto. Agad akong humiga sa tabi niya.

"HOY! IVAN GISING NA." Sabi ko sakanya.

"IVAN." Tawag ko sakanya pero tulog parin.

Agad kung kinuha ang unan ang agad na binato sakanya.

"A-aray." Sabi niya.

"Ano bang problema mo Icey?" Tanong niya saakin.

"Eh nagugutom ako eh kanina pa kita ginigising eh, isusumbog kita sa kuya Andrei ko." Umiiyak na sabi ko.

"Sige na, kukuha na ako. Wag ka ng umiyak." Sabi niya.

•

"Wow! Sharep sharep." Sabi ko habang kumakain ng Chocolate Ice cream.

"Gusto mo?" Tanong ko sakanila.

Magkakaharap kasi kaming kumain lahat hehe.

"Ako gusto ko." Sabi ni Diana.

"Kunin mo yung isang galon sa ref sayo na yun." Natatawang sabi ko habang sarap na sarap.

"Teka! Ako ang bumili non tapos ibibigay mo lang sakanya." Sabi ni Ivan.

"Pakialam mo ba, yun ang gusto ko eh." Taas kilay na sabi ko.

"Teka! Nakalimutan ko yung eden." Sabi ko.

"Eden?" Tanong nila.

"Ah oo, yung pinabili ko kanina kay Ivan." Sabi ko.

Agad akong tumayo at kinuha ang eden na cheese at agad binalatan, wahh parang gusto ko siyang isawsaw sa Ketshup.

Kaya agad akong kumuha ng ketshup at nilagay sa mangkok.

Agad akong bumalik. Ng makaupo ako agad ko yung tinikman.

"Ansarap." Masayang sabi ko at pumalakpak.

"Teka! Bakit parang naging isip bata si Queen." - Cheska.

"Ikaw ba talaga yan queen?"- Vivian.

"Wag na kayong magdaldalan, gusto niyo." Tanong ko ang daldal nila.

"Ako, gusto ko rin yan." Sabi ni Diana, magkatabi kasi kami ngayon eh.

"Sis may sakit kaba?" Tanong ni Kuya Andrei.

"Ewan ko, pero kanina ang masama yung pakiramdam ko." Sabi ko.

"Gusto mo dalhin ka namin sa hospital." Sabi ni Kuya Andrei.

"No way! Oa ka isusumbog kita sa kuya Andrew ko." Sabi ko.

"Hysst! Dapat sa simbahan natin yan dalhin eh." Sabi ni Violet.

"Bakit sa simbahan, linggo ba ngayon?" Tanong ni Windy.

"Agree ako, di naman linggo ngayon ah." Sangayon ni Justine.

"Bahala kayo jan! Teka teka." Sabi ko ng maalala ko kung sino kumuha ng chocolate ice cream ko sa ref umiyak pa ako kanina.

"Bakit?" Tanong nila.

"Sino kumuha ng chocolate ice cream ko, pagkagising ko kanina wala na yung chocolate ice cream ko." Sabi ko.

"Hindi ako." Sabi ni Violet.

"Mas lalo namang hindi ako sa pogi kung to, baka si josh." Sabi ni Aki.

"Teka! Bat ako baka si Justine siya lang naman patay gutom sa Dangerous 7 eh." Sabi ni Josh.

"Oo nga." Sabay na sabi ni Maxrill, Andrei at ni Klyde.

"Hehe, sowry na queen." Sabi niya.

"Diana! Where's my gun." Cold na sabi ko.

"Ewan ko queen, wala ka bang extra jan." Sabi ni Diana.

"Oo nga." Agad kung kinuha ang baril ko.

"Calm down wife." Sabi ni Ivan.

Agad naman tumakbo si Justine.

"Bumalik ka ditong bata ka!" Sabi ko sakanta.

"Akin na yung Rc."- Maxrill.

"Ako na bibili ng Kabaong."- Klyde.

"Makikikain nalang ako ng sopas, tapos yung rc na donate ni maxrill iinumin ko."- Aki.

"Wala ba kayong balak pakalmahin si queen." Galit na sabi ni Violet.

•

"Queen akin na yung baril mo." Sabi ni Violet.

"Ayaw ko, kinuha niya yung chocolate ice cream ko." Umiiyak na sabi ko at niyakap siya kaya agad kung nabitawan ang baril at agad namang kinuha ni Ivan.

"Teka! Ambaho ng pabango mo." Sabi ko at agad pumunta sa cr. Parang nasusuka ako.

Agad naman sumunod saakin si Ivan.

----

Windy's PoV

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung sinabi kanina ni queen.

Paano anong naging mabaho ang pabango eh mabango nga eh ಠ_ಠ.

Minsan talaga wala akong naiintidihan.

"Hoy babaeng slow." Tawag saakin ni Violet.

"Bakit po ate?" Tanong ko sakanya.

"Kanina ka pang nakatulala diyan, mag hugas ka ako na nga nagluto." Sabi ni ate Violet.

"Wag mo ngang sigawan ang bata." Sabi naman ni Kuya Aki.

Hanggang ngayon ba bata parin ang tingin nila saakin? 20 years old na kaya ako. at isa hindi naman ako slow.

"Pakialam monh ipis ka, may atraso ka pa saakin. Simulan mo ng tumakbo kapag nahabol kita ipri-prito kita ng buhay." Sabi ni Ate Violet at agad na hinabol si Kuy aki.

Hysst! Wala ba talagang tutulong saakin. Yung iba kasi busy sa paglalandian tapos yung ibang member ng Dangerous 7 nag lalaro. Buti nalang mabait ako at masipag.

Agad akong pumunta sa kusina agad kung sinimulan ang paghuhugas.

Mamaya kasi makikipagbakbakan kami, ipapatumba na namin ang si Mr. Jeon.

"Windy." Tawag saakin ni teka boses yun ni Justine ah.

Agad naman akong tumingin sakabya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tulungan na kita." Sabi niya saakin.

"Wag na kaya ko na ito." Sabi ko.

"Di ako nagbibiro tutulungan na kita, kumain din naman ako eh." Sabi ni Justine.

"Sige, kung mapilit ka hehe." Sabi ko.

Agad naman siyang lumapit saakin.

"Salamat ulit." Nakangiting sabi ko.

"Walang anuman." Sabi niya.

"HAHA, KAWAWA KA KANINA HAHA." Natatawang sabi ko.

"Nagutom lang naman ako eh, dati ko naman yun ginagawa noon eh." Sabi niya.

"Nakwento nga saamin ni Queen, sabi pa nga niya isip bata ka tapos patay gutom pa." Natatawang sabi ko.

"Madalas ba siyang ng kwe-kwento sainyo?" Tanong niya.

"Minsan lang." Sabi ko.

"Ready kana ba mamaya?" Tanong niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa laban." Sabi niya.

Laban? OH MY GHOST ESTE OH MY ANG KYUT KO.

"May nangyaya bang makipaglaban saakin?" Gulat na tanong ko.

"Huh?" Takang tanong niya.

"Huh?" Tanong ko rin.

"Ang ibig kung sabihin handa kana ba sa labanan mamaya?" Tanong  niya.

"Syempre! Excited na kaya ako." Masayang sabi ko.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya.

_____

Don't forget to vote, comment and Share. Pbstars!🦋

Eedit ko nalang ito kapag wala ng ginagawa haha. Loveyou all. Aral ng mabuti. ❤️

Fb page; Shinelikeastar_13

YT Channel; Shinelikeastar_13

Share This Chapter