Back
/ 40
Chapter 3

Chapter 2

The Ex-Wife Of The Billionaire Playboy

Samantha's PoV

"Mommy." Sabay na tawag saakin ng mga anak ko.

"Bakit?" Tanong ko sakanila.

"Baduy daw po ako sabi ni Akirra." Sumbong ni Akinna.

"Bakit totoo naman ah, hysst twin sis kaya di ka nagugustuhan ni --." Di na natuloy ni Akirra ang sasabihin niya ng tinakpan ni Akinna ang bibig niya.

"Good night mommy, mauuna na po kaming matulog." Sabi ni Akinna at hinila ang kambal niya.

"Sige ingat kayo susunod si Mommy." Sabi ko at hinalikan sila.

Nang makaalis sila at makapunta sa kwarto nakatulala ulit ako. Magagalit ba saakin si Ivan kapag nalaman niyang may anak kami tapos di ko man lang sinabi.

Mahal niya parin ba ako? o may iba na siyang mahal?

Siguro may mahal na siyang iba, babaero eh.  Galit ang magulang ko saakin dahil nakipag hiwalay ako kay Ivan di man lang nila alam kung ang totoo.

Sobrang lungkot ko. Kung siguro wala sina Akinna at Akirra ngayon matagal na akong sumuko sa buhay.

Buti nalang may negosyo ako kung hindi. Naghihirap na sana ako.

Buti nalang kasama ko si Aling Carmena sa pag-aalaga saakin. Tinuturing ko siyang ina.

Ang totoong magulang ko galit saakin nawala na din ako ng ganang sabihin kay ate at sa mga kuya ko si kuya Andrew ang nakakaalam.

Di ko inaasahan na magkikita kami kanina ni Ivan.

Agad akong nabalik sa reyalidad ng biglang tumunog ang cellphone ko.

At nakita kong tumutawag si Diana. Ang  kanang kamay ko sa Mafia World.

"Hello." Malamig na sabi ko.

"Queen." Umiiyak na sabi niya saakin.

"Why are you crying?" Malamig na tanong ko pero may bahid ng pag-aalala.

"Jan muna ako matutulog, nagtatampo ako kay Denver Huhuhu." Umiiyak na sabi niya.

"Nasaan ka?" Malamig na tanong ko.

"Nandito sa Bahay." Sabi niya.

"Hintayin mo ako diyan." Malamig na sabi ko.

At binaba ang tawag.

Agad akong lumabas at agad kong nakita si Aling Carmena na  naglilinis.

"Gabi na ho, bukas nalang po kayo maglinis. Doon na po muna kayo sa kwarto ng kambal matulog." Sabi ko.

"Sige anak. Mag-ingat ka." Sabi niya at hinalikan ako.

"Opo." Sabi ko at agad na kinuha ang susi.

Diana's PoV

Nanatili parin akong umiiyak ngayon nagtatampo ako kay Denver eh. Kinuha niya yung lollipop ko huhuhu.

"Wifey naman, patawarin mo na ako." Sabi niya.

"Hindi kita mapapatawad ng isang araw. Kinuha mo yung lollipop ko Huhuhuhu." Humihikbing sabi ko.

"Wifey naman eh! Bibilhan kita ng maraming maraming ganyan. Isa lang naman kinain ko eh." Naka ngusong sabi niya.

"Eh kung sampalin kaya kita. Siguro kaya ka nangungulit dahil may babae ka no?" Masungit na tanong ko.

"Wifey naman eh, syempre sayo lang ako kahit maraming magaganda ang lumapit saakin." Sabi niya saakin.

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong tingin mo saakin pangit! I hate you sampu." Sabi ko.

𝐓𝐨𝐤*𝐓𝐨𝐤*𝐓𝐨𝐤

Tunog ng pintuhan. Yeheyy!

"Lalayas muna ako hehe! Doon muna ako magpapalipas ng gabi kina Icey bwahaha. Wag mo na akong hahanapin di mo din naman ako mahahanap haha." Sabi ko at inirapan siya.

"Nireregla kaba?" Tanong niya.

"Itanong mo sa mars baka sagutin ka ni venus." Sabi ko at agad binuksan ang pinto.

"The Fvck." Bulong niya

Fakfak? Sana all may fakfak.

"Tara na Queen." Sabi ko sakanya.

Tumungo naman siya. Naka mask siya ngayon ng black kaya di ko kita yung mukha niya.

"Sino ka?" Masungit na tanong ng asawa ko.

"Pakialam mo ba." Sabi ni Queen at inirapan niya si Denver.

Ang sungit talaga ni Queen.

"Aba ang sungit naman niya." Bulong ni Denver.

"Kayo pala kayo yung nagkatuluyan bagay pa naman kayo parehas kayong isip bata tsk. Tsk." Sabi ni Queen at agad na tinanggal ang mask.

"Sam?" Gulat na sabi ni Denver.

"Ako nga. Nagtatampo sayo si Diana doon muna siya saakin. Makikita mo rin naman itong bestfriend ko at kung pwede lang wag mo munang sasabihin sa Dangerous 7 na nandito na ako ah." Sabi ni Queen.

"S-sam sandali." Sabi ni Denver.

"Sa sunod nalang tayo mag talk. busy ako ngayon." Sabi ni Queen at hinila ako paalis.

"Bye bye hubby. Magtatampo lang ako hehe labyow." Sigaw ko.

______

Don't Forget to vote, comment, and share. ♡︎

Share This Chapter