08
UNLOVED.
Heartbreak
"So, Aeri, maraming nagtatanong kung kamusta na daw ba kayo ni Architect Elisha? I heared umalis daw siya?" Tanong ng babaeng host ng show.
"We're actually fine. Yes, he went to Spain to attend a conference. May nag offer rin daw sa kanya ng contract doon so he'll stay there for 6 or 7 months."
"Any plans for your wedding? When?"
"Y-yeah." I cleared my throat. Bawal mautal, Aeri. Umayos ka. "Tatapusin niya lang daw yung project niya sa Spain and then, we'll get married."
"Ah, I see. How about you, Laurence, may girlfriend ka ba?"
"Wala po." He chuckled.
"Marami ang nagshiship sainyo dati, nagkaroon ba kayo ng something? Hmm?"
"Uhm, actually, Lautence and I are really good friends. Ever since." Sagot ko at sumag ayon naman si Laurence.
Nagtanong lang ang host tungkol sa movie hanggang sa katapusan ng show.
"Thank you so much for having us, please watch our movie guys!" I said.
"Yeah, magandang movie ito guys. We do hope na you'll watch this one. Thank you!" Si Laurence.
"May lakad ka pa?" Tanong ni Rence nang nasa backstage na kami.
"Yup. I have a contract signing sa isang make up line and then I'll go home to get my things for later."
"Oh, sige. See you later, Aeri." I just smiled at him tsaka humiwalay na para makapunta na sa dressing room.
Since medyo nalate matapos yung show eh hindi na ako nakaoagpalit dahil aalis na rin kami agad patungo sa venue. Sa mismong office kasi ng make uo kine gagawin ang contract signing. 20 mins lang ata patungo roon.
Nang dumating ako ay agad na nagsimula ang ceremony.
"Thank you for choosing me to be your product endorser. You know how much I love make ups. I can't wait to work with you guys." I said.
"Thank you rin, Miss Aeri for accepting our offer. I promise you, hindi ka namin bibiguin. We'll send you our new summer collection so you can try our amazing products." Si Miss Annika, ang manager ng make up line.
"Really? Thank you so much!"
Pagkatapos nun ay binalikan ko ang kotse ko sa studio para makauwi na.
"Mich, magpapasundo ako sa service mamaya. Ayoko magdrive papuntang La Union kasi baka lalo akong mapagod. Daanan niyo ako sa condo. Dun na rin ako maglulunch." Bilin ko kay Mika.
"Okay po, Miss. I'll call you later. Ingat po!"
Nagdrive na ako pauwi ng condo. Pagkarating ko sa unit ay nagpahinga ako sa coach saglit tsaka tumayo para kumain ng lunch.
12:30 na ng tanghali at dadaanan ako ng service at exactly 1pm. Naisip kong mag quick shower muna para fresh ako tsaka matagtag ang make up ko.
I didn't blow dry my hair. Hinayaan ko siyang matuyo ng kusa. Sinuot ko ang black tank top ko tsaka denim shorts. Pinatongbko rin ang white laced cover ups ko. I partnered my outfit with a classic arizona birken and a shades.
Saktong may nag doorbell sa pintuan ko. I peeked on the eyehole and I saw Kuya Rico, a driver from the agency. I quickly open the door.
"Ma'am tara na po nanjan na po ang service. Nandun po si Mika, Archie at Ma'am Ashley." Ani kuya Rico while getting my bags.
Sinuguro ko muna na wala akong nakalimutan tsaka ko inilock ang pintuan ng condo.
Nasa van na ako ng biglang tumawag si Elisha sa face time.
"Hi, did you eat your lunch? Where are you now?" He asked.
"Hi, babe. Yeah, tapos na, ikaw? I'm on my way to La Union."
"Oh, I see. Take care okay? Don't worrg about me. Mag enjoy ka lang jan. Okay ba yun, babe?"
"Yes, babe. I will."
"I have to go now. Bye, I love you,"
"I love you," Then I ended the call.
"Katamis." Si Tita Ashley.
"Sana all! Huhu!" Si Mika.
"Sana may papi Elisha rin ako." Si Archie.
Natawa naman ako sa kanila.
Natulog lang ako buong byahe. Pagkagising ko nasa resort na kami. I looked at my wrist watch and it's already 2pm. Konti lang naman daw ang scenes na ishihoot dito. Ang target ay ang sunset, gabi at sunrise. Uuwi raw kami bukas ng hapon.
Nasa room na ako. Mag isa ako rito sa kwarto dahil gusto ko ng privacy. Inayos ko muna ang mga damit na dala ko na halos lahat ay pang beach. Malamang. Isinalansan ko ng maayos iyon sa cabinet.
Nang matapos ay humiga ako sa kama at nagpahinga. Ng nag 4pm ay lumabas ako sa balcony ng aking kwarto. Tinanaw ko ang dagat at ang araw na handa ng lumubog maya maya.
I took a photo and post it on my story. I put a caption "peaceful"
Iniintay pa namin mag alas singko y media ng hapon para mapasakto sa 'golden hour'. Habang maaga pa ay bumaba na muna ako para maglakad lakad sa tabing dagat.
I'm still wearing the clothes that I am wearing earlier. Dumagdag lang ang beach hat at shades.
Naglakad ako patungo sa sun lounger at doon namahinga.
"Yes, I was with Architect Jacob Castillo earlier. We went to the site." Ani isang babae na nasa di kalayuan. Napansin ko kaagad siya dahil nabanggit niya si Jacob.
"Miss Aeri!" Tawag ni Mika. Hindi ko siya namalayan. Nasa babae oa rin ang atensyon ko.
"Oh, sorry. What is it?" I asked.
"Si Architect Beatriz Acosta yan, ah? Amg ganda niya talaga." Manghang sabi ni Mika.
"You know her?"
Her brows furrowed. "Hala? Hindi mo ba siya kilala Miss? Sya lang naman ang rumored girlfriend si Engineer Jacob. Lagi daw nagsasama ang dalawang yan eh. Parang hindi na raw mapaghiwalay. Bagay sila." Her giggle made ny blood boil.
I tried to act normally. Sinikap kong wag siyang sigawan.
"Ah, okay. I didn't know."
"Tara na daw pala, Miss Aeri. Magsisimula na po tayo." I nodded tsaka sumunod sakanya.
So he's already dating someone. Wala na akong aasahan pa sa kanya. Mali, wala ka na talagang aasahan sa kanya, ikaw ang nang iwan eh. Hindi na siya babalik sayo, Aeristell. Just accept that.
Nagshooting lang kami ng mga scenes. Ang scene na iyon ay ang pagtatapat ni Laurence sakin. May kissing scene doon pero hindi ako pumayag. Sa angle na lang daw ng camera idadaan.
Natapos kami ng mga alas nuebe ng gabi. Bumalik lang ako sa room ko para makapagshower at makapagpalit. Pupunta kami ngayon ng buong crew sa beach front para makisama sa party.
I am wearing a black smocked off shoulder cropped top. I partnered it with a ripped denim shorts and a pair of arizona birkenstock.
Pumunta na ako sa beachfront kasama si Mika. Nandun na raw ang mga kasama namin. Natanaw ko si Laurence na may kausap na babae. Fan niya siguro.
Wala naman siguro makakakilala sakin dito dahil madilim. Nang marating namin ang table na pinuwestuahan nila ay umupo na ako. Sobrang ingay na ng paligid. Ang hiyawan ng mga taong nandito at ang lakas ng speaker ay nagparindi at nagpaingay ng paligid.
Inilibot ko ang paningin ko sa may harap ng stage. Maraming tao doon na nagsasayawan. Nahagip ng mata ko yung babae kanina. Si... Acosta. Architect Beatriz Acosta.
Tama nga si Mika, maganda siya. Maputi, matangkad, mahaba ang buhok at balinkinitan ang katawan. At architect siya, engineer si Jacob, perfect comination sila. Wala kang laban doon, Aeri.
Ilang saglit pa akong tumitig sakanya ng biglang may lumapit sa kanyang lalaki. Kinawit ni Beatriz ang kamay niya sa braso ng nakapamulsang lalaki saka sila nag usap.
Maya maya ay tumingkayad si Beatriz at nakita kong dumapo ang labi jiya sa oisngi ni Jacob. Yes. They're dating. Totoo nga.
Iniwas ko na ang paningin ko roon dahil nakaramdam na ako ng kirot sa dibdib ko. Uminom na lang ako ng uminom hanggang sa mahilo ako.
"Miss Aeri, prolemado ka ba? Kanina ka pa shot ng shot. Tara sa dancefloor? Sayaw tayo?" Yaya ni Mika.
"Go ahead, Mika. Ikaw na lang. Nahihilo ako." Sabi ko habang hinihilot ang sentido.
"Tara na, Miss Aeri. Nandoon po sila Direk tayo na lang ang naiwan. Hindi ka naman po makikilala jan."
"Okay, fine. Pero saglit lang okay?" Tumango naman siya.
Ganoon nga ang ginawa namin. Sumayaw kami sa dance floor. Sobrang wild na ng mga tao doon. Grabe ang hirap makipagsabayan tapos nahihilo pa ako.
"Ouch," sigaw ko ng may nakabangga na lalaki sakin.
"Watch your step, Mister!" I shouted.
Grabe sa lakas ng pagkabangga niya ay natumba talaga ako. Hindi nga ata nakita ni Mika na natumba ako eh.
"Sorry, Mis- Aeri?" Ani ng lalaki.
Parang kilala ko ang boses na iyon. Nilingon ko ang lalaki at sinikap kilalanin kahit na nahihilo ako at madilim ang paligid.
"J-jacob?"
"Sorry, It wasn't my intention. Sobrang wild ng mga tao kaya kita nabunggo."
Hinawakan niya ang braso ko. Memories of the past flash back in my mind. My eyes heated. Nag iipon na ng luha ang mga mata ko.
"Don't touch me," sabi ko tsaka pinalis ang kamay niyang nakahawak sakin.
Tumayo ako kahit nahihirapan ako dahil sa hilo. Nang makatayo, hinawakan niya ako sa braso ulit.
"Sorry, I didn't mean to-" I cut him off.
"Don't touch me, p-please." I almost whispered. Naramdaman ko ang luhang tumulo mula sa mata ko.
Pupunsan niya sana iyon ng thumb niya pero pinigilan ko siya.
"Stop it, I can wipe away my tears by myself."
"Bakit ka umiiyak? Masakit ba yung pagkabunggo ko? I'm sorry."
"No I... I j-just had... A bad day." I faked a smile. Nagsinungaling na lang ako kesa sabihin kong siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
Ayaw ko na silang guluhin ni Beatriz. Masaya na siya, sila. Okay na ako dun.
Nung nakaraan lang ang lamig niya sakin tapos ngayon, concerned na concerned?! Tss.
"Miss Aeri, Oh my god! What happened?!" Si Mika.
"A-ay Architect Jacob, ikaw po pala. Sorry po ha? Medyo lasing na po kasi si Miss Aeri. Babalik na po kami sa room. Magpapahinga na po siya." Paliwanag ni Mika.
Pinasalamatan ko si Mika sa kalooblooban ko dahil hindi ko na kaya ang emosyon ko. Baka may masabi pa ako na hindi dapat.
"Oh, okay. Ingat kayo. Goodnight," Ani Jacob.
Tumalikod na kami sa kanya at naglakad patungo sa room.
"Miss Aeri, Okay ka lang?" Tanong ni Mika nang nasa kwarto na kami. Hindi ko muna siya pinaalis dahil pakiramdam ko'y gusto ko ng kausap. Ayoko na abalahin pa si Elisha.
"Posible bang mahalin ka ulit ng taong iniwan mo noon?"
"Huh? Bakit mo naitanong yan?" Aniya.
Mabuti na lang at tumigil na ako sa pag iyak. Iisipin na lang ni Mika na dahil sa alak ang pamumula ng mukha ko.
"Uh.. curious?" Palusot ko.
"Para sakin, Depende iyon, Miss Aeri. Posible iyon kung hindi nagbago ang nararamdaman niya para sayo. Pero kung nagbago na, malabo na mangyari yun."
"Ah, I see. Bumalik ka na sa room niyo Mika, Maaga pa bukas. Alam kong pagod ka."
"Sige Miss Aeri. Goodnight."
Pagkaalis ni Mika ay hindi pa ako natulog. Lumabas ako sa balcony na may dalang kape. To help me sober.
Tinanaw ko ang bilog na buwan sa langit. Napangiti ako. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Pinicturan ko iyon at nagpost sa IG.
aeri_garcia: Thank you, Luna. I feel relieved just by looking at your beauty.
____â¥â¥â¥____