28
UNLOVED.
Pink
Dahil sa pagod, nag pahinga muna kami ni Aeri bago bumalik sa office. Iniintay ko na siya ngayon dahil nag aayos pa siya
"Love, bilisan mo na jan, malalate tayo." Kinatok ko ang pinto ng cr sa kwarto namin.
"It's your fault, Jacob! Umisa ka pa ulit eh. Baka dalwa na mabuo dito oh siraulo ka!" She shouted. Natawa ako.
Naging maingat talaga ako dahil baka matamaan ko si baby. Pwede naman daw yun dahil may nababasa akong mga article tungkol dito.
Pagkatapos mag ayos ni Aeri, nagtungo na kami sa office. Hinatid ko siya sa desk niya tsaka hinalikan ang ulo niya bago umalis.
The next day is a check up day. Maaga kaming umalis para pumunta sa ospital kung saan nagtatrabaho si Mommy Tasha at Daddy.
Dumiretso muna kami sa OB-Gyne clinic bago pumunta kena dad.
"I'm excited to know our baby's gender, love." Ani Aeri. Kitang kita sa mata niya ang saya at excitement.
"Ako rin, love. Anong gusto mong gender?" I asked.
"I want a boy sana but if girl siya okay lang naman, basta kamukha mo." She giggled. Ang cute niya.
"Ikaw love?" She asked back.
"Girl. Gusto ko ng malambing kasi pag lalaki, karamihan pag bata lang clingy pero pag tumanda suplado na." I answered
"Parang ikaw..." She whispered pero nadinig ko.
"Ano sabi mo, love?" I said acting like I'm getting annoyed.
"Wala, sabi ko pogi mo!" She kissed my cheeks tapos nag peace sign.
"Pasalamat ka love kita." I said na ikinatawa niya.
Maya maya pa kami papasok so pinag stay kami sa waiting area. Hindi naman kami gaano nagtagal doon dahil pagkalabas nung naunang pasiyente samin ay pinapasok na rin kami ng asistant nurse.
"Goodmorning, Mr. & Mrs. Castillo, what can I do for you?" Dra. Angeles greeted.
"Hello, doc! We want to know the gender of our baby and ipapa check up na rin po namin yung tummy ko." Aeri answered.
"Ah, okay. Change into a hospital gown Mrs. Doon po tayo sa may cubicle." Tinuro ni Doc yung gilid ng clinic niya.
Tumayo na din ako at tinulungan si Aeri magbihis. Pagkatapos ay pumunta na si doc doon sa may hospital bed tsaka pinahiga si Aeri.
Nasa paanan niya lang ako all the time nagpapalit palit ang tingin ko kay Aeri at sa monitor ng ultrasound.
Ilang beses pa niya ginalaw ang parang stick ata doon sa tyan ni Aeri bago makita ang imahe ng isang baby.
"It's a girl. Base rin sa itsura ni mommy, nasasabi mong babae ang magiging anak niya dahil according to some research, kapag daw blooming si mommy, girl daw ang gender ng baby niya pero kapag kabaliktaran ang nagyari, boy daw yun." Ani doc.
Napangiti ako habang nakatingin sakin si Aeri na lumuluha sa saya.
"Excuse me, you can change na to your clothes. I'll wait sa desk." Ani doc tsaka lumabas ng cubicle.
Tinulungan ko ulit magbigis si Aeri tsaka lumabas ng cubicle.
"Here are some vitamins for you, mommy and kay baby. You need to be extra careful na kasi malapit lapit na ang month na mangaganak ka. You need to make your body strong, okay?"
"Okay, doc. Thank you po." I said.
Pagkatpos namin magpacheck up ay dumiretso kami sa coffee shop malapit sa hospital dahil doon namin imemeet sila Mom at Dad.
"Hello, hijo. How was it?" Salubong ni Mommy. Humalik ako sa pisngi niya ganon don si Aeri.
Binati ko naman si dad at nag bro bump. Bumeso naman siya kay Aeri bago umupo.
"So, ano nangyari sa check up?" Si dad naman ang nagtanong.
Nagkatinginan kami ni Aeri na parang alam namin ang nasa loob ng isipan ng isa't isa.
"Secret po muna. Ipapaalam na lang po namin bukas." Ani Aeri. Tama nga ako. Ayoko rin muna sabihin sa kanila dahil gusto ko sabay sabay nila malalaman.
Pagkatapos ng konting usapan namin sa coffee shop, umuwi na kami ni Aeri. Ako ang nag asikaso ng para sa party para bukas. Sila Mommy Thena naman ay nasa company dahil nagpatawag ng meeting.
Inubos ko ang buong 2 oras ko sa pag asikaso ng party para bukas.
"Love, let's sleep na. I'm sleepy." Aya ni Aeri.
"May work pa ako love pero papatulugin muna kita."
Tumango naman siya tsaka humiga sa kama. Hinaplos ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya.
Nang mahimbing na siyang natutulog, nagpunta na ako sa office tsaka nag chat sa gc ng family and friends namin na may party bukas na gaganapin dito lang sa bahay since ayaw kong pa byahein si Aeri dahil baka mapagod.
I'm sure she invited her friends, too.
Pagkatapos ay nagtrabaho na ako ng designs. Nang makaramdam ng antok ay pumunta na ulit ako sa kwarto namin tsaka humalik kay Aeri at sa tyan niya.
"Hang in there baby, malapit ka na lumabas jan sa masikip na tummy ng mommy mo. I can't wait to meet you... Stay healthy, okay? Mahal ka namin."
Pagkatpos kong kausapin ang anak ko ay natulog na ako.
Kinabukasan ay may work na ulit kami. Nagpunta kami sa office tsaka hinatid ko siya sa desk niya. Tapos lunch susunduin ko siya tsaka ihahatid ulit tapos uuwi na sa hapon at sabay kakain ng dinner.
Pero dahil may pa baby shower kami later, marami kaming kasama mamayang dinner and I'm sure Aeri will be so happy.
Ayos na ang lahat ng makauwi kami ni Aeri ng lunch. Nagpaalam kami na hindi na papasok later dahil mag aasikaso ako dito tapos papagpahingahin ko si Aeri.
Ganoon nga ang ginawa namin. Ako ay nasa garden si Aeri naman ay kumakain sa veranda kasama si Mommy Thena.
Pagkatapos ko mag ayos ay sinamahan ko si Aeri sa kwarto dahil inaantok. Si Mommy Thena naman ay bumalik na sa office.
Patutulugin ko lang talaga sana si Aeri kaso nakatulog na rin ako.
"Love, wake up. It's 5pm and dadating na sila maya maya. We need to prep. Gosh!" She said.
Ang arte pa din talaga nito. Sana wag manahin ng anak namin yang kaartehan niya. Tsk.
"I love you," I whispered.
She leaned and kiss my lips, "I love you," she replied.
Naligo na siya dahil nakarobe na siya. And amoy body wash siya na strawberry. Ang bango naman.
Tumayo na ako tsaka naligo ng mabilisan. Paglabas ko, nagbibihis na si Aeri. She kind of having trouble wearing her yellow off shouder dress so I went to her and helped her.
Pagkatapos ay nagbihis na ako ng simple button up shirt na yellow rin. Para match kami ni Aeri. Lol.
I paired it with a white shorts. Pagkatapos ay namataan kong nag mamake up si Aeri. Lumapit ako sa kanya at tumingin sa reflection niya sa salamin.
"You look beautiful with or without make up, love."
"Thank you," she chuckled.
"Ano ipapangalan natin sa anak natin, love?" I asked.
Hinarap niya ako pagkatapos niya maglagay ng lipstick.
"I want to describe her as the universe because the universe witnessed our love for each other, right?"
"Hmm, witty." I agreed.
"Tsaka na muna, love. Pero I want to include Luna."
"Sige love. Isama natin yun."
Pagkatapos ay bumaba na kami ni Aeri. Binati namin ang lahat ng bisita na dumating bago nag dinner.
Pagkatpos ay nangyari na nga ang iniintay ng lahat. The Announcement.
"Ready na ba kayo malaman ang gender ni baby?" Tanong ni Aeri.
"Feeling ko boy!"
"Girl yan!"
Andaming nagtatalo kung ano ang gender ng anak namin ni Aeri. Nakakatuwa dahil excited na din silang mameet si baby girl.
"3, 2, 1,..." bilang ko.
Pinaputok namin ni Aeri ang poppers na may lamang pink na confetti.
"Hala! OMG!"
"It's a girl!"
"Little Aeristell pala!"
Sigaw nila. Grabe napakasaya ishare ng blessing na ito.
"Bro congrats ah!" Bati ni Eli through VC.
"I'm so happy for the both of you, Aeri and Jacob." Si Bea.
"Hoy, umuwi kayo pag nanganak si Aeri ha! Nako!" Sabi ko.
"Oo nga, gagawin namin kayo ninang at ninong." Ani Aeri.
"Hanep, yaman yaman nyo na-" reklamo nanaman ni Eli.
"Ikaw din naman mayaman ah?" Sabat ko para di katuliy ang sasabihin niya.
Tumawa lang kami tsaka nag kwemtuhan oa ng ilang saglit.
Nagsaya lang kami hanggang gabi. That night was a wonderful night...
Time flies so fast. 7 months na agad ang tyan ni Aeri. We let her to stay in our house na lang last month since malapit lapit na ang due date niya. Masyado na siyang sensitive sa lahat ng bagay.
Habang ako naman ay sa bahay nagtatrabaho. Sa company nila at sa company namin. Simula ng ikasal kami ni Aeri ay di na muna ako tumanggap ng projects abroad to take care of my wife and to be with her, of course.
Yung project na ipapagawa ng dad niya ay minabuting pagkapanganak na lang niya sabihin dahil alam mo naman 'to, napakapasaway.
Ngayon, sobrang ingat na ingat kami kay Aeri. Grabeng suplada niya pero minsan lumalabas ang malambing na side. Minsan minsa'y bumibisita sa kanya ang mga kaibigan niya, family namin at mga katrabaho niya sa showbiz noon.
Our parents are both staying here to look after her. Masyado na silang naeexcite makita ang kanilang apo.
And syempre, ang daddy super excited na din kaya todo alaga talaga ako. Minsan nga talaga napapraning na ako. Lumalabas ang pagka OA ko dahil kay Aeri grabe.
Minsang sisigaw lang yan magpapanic na ako kala ko may nangyari oh ano. Ayaw ko talagang hindi nakikita yang si Aeri eh. Mahirap na.
Lahat dapat ng gusto niya binibigay mo kung hindi, magagalit. Grabe.
"Ano love, kamusta ka?" Tanong ko.
"Okay lang, love."
"May naisip ka na bang name?" I asked again.
"The sun, the moon and the stars." She said.
"Ha? Ano yon love? Niliteral mo naman ata?"
"Sira! Mag isip ka din ng ibang name para sa sun at stars love!"
"What about, Soleil? Or Solveigh?" I suggested.
(Solveigh - Solvey)
"Pwede naman. Bukas na yung star, love."
"Okay, love. Sleep na tayo. Goodnight, amor and baby Luna, sweet dreams. I love you both." Niyakap ko tsaka hinalikan ko ang lips ni Aeri tsaka ang tummy niya.
I caressed her tummy when suddenly I felt my baby's kick!
"Ouch!" Aeri complained.
"Shh, baby. Careful nasasaktan ang mommy."
Grabe this is the first time na nafeel ko ang sipa ng anak ko. Lagi kasi akomg late kapag sumisipa siya.
Ganito pala ang feeling 'no? Nakakalambot ng puso. I can't really wait to have a family with this woman beside me.
I can't wait to meet our litte sunshine, our bright moon and our little star...
____â¥â¥â¥____