Back
/ 33
Chapter 19

19

UNLOVED.

Chance

"Jacob, wake up." Nagising ako ng tapikin ni Alyannah ang pisngi ko. Doon ko namalayang nakatulog pala ako doon sa upuan sa tabi ni Aeri.

"What day is it?" I asked.

"Day three, Jacob. Umuwi ka muna at magpahinga kami muna ang bahala kay Aeri. For sure, pagagalitan ka ni Aeri dahil pinapabayaan mo ang sarili mo."

Tumayo ako at nag stretch. Oo nga, kailangan kong magpahinga.

"Inasikaso na pala nila Tita Tasha yung case ni Aeri. Nakausap na nila ang police kahapon at okay naman na. Thank god!" Aniya. Tumango ako.

Nagstay pa ako sa loob kasama si Alyannah. Saktong aalis naman ako ay natanaw kong dumating si Elisha sa window glass. Feeling ko ay dumiretso dito pagkagaling sa mahabang byahe.

Nilingon ko si Aeri tsaka hinaplos ang mukha niya. "Love, uuwi muna ako ha? Andito naman sila Alyannah tsaka si Elisha. Babalik ako, promise." I leaned and kiss her forehead.

"I love you, sana pagbalik ko gising ka na." I whispered.

"Kayo muna bahala dito, Yannah. Tawagan niyo na lang ako." Tumango sakin si Alyannah tsaka ako lumabas ng kwarto.

"Huy, Jacob." Tawag ni Elisha.

"Dapat nagpahinga ka muna bago ka magpunta rito. Puyat ka pa sa mahabang byahe eh." Sabi ko.

"Ikaw ang dapat magpahinga, tutukan mo ang sarili mo. Mamaya ikaw naman ang magkakasakit niyan."

"By," tawag ng isang babae. Pamilyar sakin yun ah. Nilingon ko ang likod ko at nakitang si Bea iyon.

"Hey, Jacob." She smiled.

"Hey, what are you doing here? Akala ko nasa Spain ka?" Tanong ko.

"Yeah, umuwi ako ng nabalitaan ko ang nangyari."

"Oh, close ba kayo ni Aeri?"

"Ah, no. Sumama lang ako kay Elisha."

"Bro, she's the girl that I am dating." Napabaling ako kag Elisha.

"Wait, really? Well, congrats. You finally found someone." Tinapik ko ang balikat ni Elisha.

"Uuwi muna ako, Elisha. Kayo muna ang bahala rito."

Tumango naman siya bilang sagot. Sumakay na ako sa kotse ko tsaka nagdrive patungo sa condo ni Aeri. Noong gabi rin ng aksidente, nakuha ko ang mga gamit niya sa kotse.

Her phone and bag was damaged. Good thing ang bag lang ang nasira at hindi ang nasa loob niyon.

As soon as I arrived at her condo, nagtungo ako sa kitchen to grab something to eat. Marami pang stocks doon si Aeri. Sayang naman kung hindi macoconsume.

Pagkatapos kumain ay nagshower ako. May iilang damit akong iniwan dito dahil minsan ay dito ako natutulog. Matapos maglinis, ang condo naman ang nilinisan ko.

Nang mapagod ay nahiga ako sa malambot niyang kama. I smelled the sheets and it smelled just like her. Oh, I miss her.

Pumikit ako at hindi ko namalayang nakatulog ako...

9am na ng nagising ako. I checked my phone kung may mga text ang mga pinsan ko.

Yannah:

Aeri is still sleeping. Magpahinga ka rin muna jan.

5:14am

Elisha:

Bro, balik na lang kami bukas. Yung mga pinsan mo ang naiwan dun. Magpapahinga muna kami ni Bea. Take a rest, too.

6:00am

Ako:

Salamat, Elisha.

Mom:

How's Aeri? I'm hoping for her fast recovery. Don't forget to look after yourself, son. Okay? I love you.

6:00am

Ako:

She's still sleeping, mom. I hope she'll wake up soon. Yes, don't worry about me. I love you more, Mom.

Unknown Number:

Jacob Castillo? This is Aeri's mom. Can you please come over our house? Kailangan ka namin makausap.

8:00am

Ako:

Okay po. I'll be there.

Dahil sa nabasa kong text ng mommy ni Aeri ay dali dali akong naligo tsaka umalis ng condo. Dumaan ako sa isang coffee shop para bumili ng kape.

Galit. Galit ang nararamdaman ko sa parents ni Aeri. Lalo na kay Tita Athena. Pero naisip kong ano ang magagawa ng galit ko? Maibabalik ba nun ang malay ni Aeri?

Hindi ko pa sila mapapatawad sa ngayon dahil sa mga ginawa nila kay Aeri simula noon pa. I belive that time will heal. Mapapatawad ko rin sila at sigurado akong ganoon rin si Aeri.

Nang marating ang bahay nila ay nadatnan kong nag aaway si Tita Athena at Tito Troy.

"Kung hindi mo sana sinabihan ng ganoon si Aeri hindi siya maaaksidente. Wala kang konsensiya, Athena." Si tito Troy.

"Ikaw rin naman. Dahil sa pamimilit nating gawin ang gusto natim sakanya nasakal siya. Hindi lang ako ang may kasalanan dito, Troy. Pareho tayo." Si tita Athena. Umiiyak na.

"You don't have to blame each other. Hindi po natin ito ginusto." Singit ko.

"J-jacob." Tawag ni Tita Athena. Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak.

"I hope you can forgive me. Please. I'm sorry for everything. For being a bitch." She sobbed.

Umupo ako sa harap niya tsaka siya tinayo. Pinaupo ko siya sa sofa ng living room nila.

"To be honest, I am really mad at you, for everything that you've done to Aeri. Lalo na yung nangyari sa kanya ngayon. But not now, Tita. Sa ngayon hindi ko pa po matanggap ang sinapit ni Aeri. Kaya hindi pa po ako handang patawarin kayo. Hindi niy po alam kung ano ang pinagdaanan ni Aeri. Kaya nga po nung hiwalayan niya ako ng biglaan, ayaw ko siyang iwan, dahil she will be left again, wala siyang makakasama..."

"She even told me that she had a lover so that I'll get rod of her. Pero napakatapang po ni Aeri. Nakayanan niya po lahat."

"Hijo, hindi pa kami handang magpakita kay Aeri. Kaya please, stay with her. Take care of her. Kapag ayos na ang lahat, pangako haharapin namin siya at hihingi ng tawad sa lahat." Si tito Troy.

"Kahit hindi niyo po sabihin, talagang hindi ko po iiwanan ang anak ninyo."

"Thank you, Jacob. Ipagkakatiwala ko na sayo si Aeri." Si Tito Troy.

Pagkatapos nun ay nagtungo na ako sa hospital. Umuwi muna si Yannah at Kiezer since sila ang nagbantay kahapon. Ang kasama ko ngayon ay si Arianna at Hades. Nasa labas silang dalawa. Ako naman ay masa tabi ni Aeri.

"Love, nakausap ko ang parents mo. They said hindi pa sila handang harapin ka. Kaya magpagaling ka na jan para hindi pa huli ang lahat sa kanila."

Nagbantay lang ako kay Aeri magdamag. Nang mag umaga, pinunasan ko ang braso at mukha niya. Tsaka hinawakan ang kamay niya.

Nakabalik na rin si Elisha at Bea. Nung dumating sila ay umalis muna ako sa ICU at nagtungo sa cafeteria ng hospital para kumain. Pagkatapos ko ay bumalik na rin ako kaagad.

Pinagmamasdan ko ang mukha ni Aeri. Malinis na ang mukha niya at may kaunting mga maliliit na sugat sa pisngi at sa may labi. Mayroon rin siyang puting benda sa noo.

Maya maya ay gumalaw ang kanyang kilay kasabay ng kanyang daliri. Nakita rin iyon nina Elisha dahil nandoon sila sa glass window, nakatanaw.

Agad akong tumawag sa nurse station. Mabilis naman silang nagtungo kasama ang doctor ni Aeri.

Chineck nila si Aeri at ng matapos ay lumabas ang doctor para kausapin ako. Katabi ko si Elisha at si Bea at ang dalawang oinsan ko naman ay nasa likod namin, nakikinig.

"Ang paggalaw ni Miss Aeri kanina ay ang sign na nagrerespose ang kanyang katawan sa mga nangyayari sa paligid niya. This signs can tell that a comatose patient is going to wake up anytime soon. We need to monitor her."

I felt relieved. Pero may takot pa rin sa puso ko na baka magkaamnesia si Aeri.

"Thank you, doc." I said.

Tumango ang doctor samin. "Excuse me," tsaka naglakad siya palayo

"Thank god, mabilis ang recovery niya." Si Elisha.

Nag update ako sa sitwasyon ni Aeri sa Manager niya tsaka kay Mom pati na rin sa parents niya.

Her manager is busy fixing Aeri's issue. Siya muna ang nagsasalita para kay Aeri. Kahapon dumalaw rito si Archie at Mika. Kanina ay si Laurence Andres tsaka si Andrea at Diannara ang dumalaw.

Ngayon, kasalukuyan kong binabantayan si Aeri. I don't want to leave her side because I want to see her as soon as she wakes up.

I stayed beside her until midnight. Nagpaalam na rin muna si Arianna at Hades tsaka sila Elisha na uuwi raw muna. Okay lang naman sakin na maiwang mag isa rito.

Nakatulog ako ng mga bandang alas tres. Nagising ako ng may humaplos sa pisngi ko.

"Yannah, what day is it?" Tanong ko. Nakapikit man ay alam ko ng umaga na dahil si Yannah ang laging gumigising sakin.

Nang wala akong narinig na response ay namulat na ako. Saktong pagkabukas ng mata ko si Aeri ang nkita ko. Nakamulat siyang nakangiti at ang kamay ay nasa pisngi ko.

"Love? Thank god, your awake! Wait I'll call the nurse." Hirap man ay tumango siya.

Nang dumating ang nurse at doctor ay tinawagan ko ang parents ko at niya. Pati na rin ang mga kaibigan niya sa showbiz including her manager. And also my cousins.

Dadalaw raw ang mga nasa showbiz mamaya kasabay ng manager niya. Aayusin pa nila ang balita na gising na si Aeri.

Pagkatawag ko ay agad na dumating ang mga pinsan ko at sila Mommy. As for her parents, they didn't come yet because hindi pa rin sila handa and they thought na they'll make Aeri feel worse.

Pagkatapos siyang i check ng mga doctor, inilipat siya sa isang private room. Kinausap muna ako ng doctor at sinabing wala daw siyang amnesia. We have to stay here until the tests are done. Kailangan pa rin daw kasing i monitor at pagpahingahin si Aeri.

Nagpabili ako ng box of roses kay Hades and I gave it to Aeri. Favorite niya kasi iyon.

"Thanks, l-love.." hirap na sabi niya.

"Don't force yourself, love. Magpahinga ka muna." I told her. Since hindi siya makapag salita ako ang nagkwento sakayna tungkol sa pagkatapos ng aksidente niya.

Pagkatapos nun ay nakatulog na siya. Siguro ay napagod. Hinayaan ko muna siya roon.

Gabi na ng nagising si Aeri. Dumating ang mga kaibigan niya mula sa industriya. Hindi naman sila nagtagal. Kinamusta lang nila si Aeri tsaka umalis rin dahil kailangan daw ni Aeri magpahinga.

Tulog na si Ariana sa mahabang sofa sa kwarto, nakahiga sa hita ni Hades. Si Hades naman ay tulog na rin habang nakaupo at nakahalukipkip ang braso.

Si Elisha at Bea ay nasa labas, kumakain. Kami lang ang nandito ngayon. Umuwi na rin kanina si Mommy at Daddy.

Nilingon ko si Aeri na nakapikit. Alam kong gising siya. "How are you, love?"

Tinaas niya ang kamay niya at nag thumbs up. "Alam mo, akala ko iiwan mo nanaman ako. Sinabi ko nga sayo na I let you rest but, you'll come back to me. And you did, hindi mo ako binigo, love."

"Napakatapang mo, dahil dun, mas lalo kitang minahal, Aeri. I promise that I will not leave you. I will hold your hand and hindi ko yan bibitawan kahit na anong mangyari. I'll do everything, for you, love. I love you." I leaned and kissed her lips softly.

"I missed you, so much, baby."

"I love and miss you more, love. I'm sorry if I keep you worrying and waiting. I'll never leave you, Javob. Never." She said as a tear fall down. I wiped it.

Nanatili siyang tahimik.

"Sleep ka na, love. You need a lot of rest." Tumango siya.

"One last, where is mom and dad? Alam ba nila ang nangyari sakin?" Hirap pa ring sabi niya.

"I said not to force yourself. Pero nakausap ko ang mom at dad mo. They are kot yet ready to face you after what happened. They regret everything, Aeri. I'm mad at them, to be honest. But time will heal, mapapatawad ko rin sila sa nagawa mo lalo na ngayon at panatag na ang loob ko dahil gising ka na."

"They promised that of things are settled and when you're okay, they will come to you to ask for forgiveness for everything that they did to you. I hope mapatawad mo rin sila kahit sobrang cruel nila."

"Yes, I'd still forgive them because they are still my parents. Hindi pa huli ang lahat para magbago sila. They still have a chance." Utal na sabi niya.

"Tulog ka na, love." She smiled and gave me a nod.

I caressed her hair until she fall asleep.

Thank you for not giving up, Aeri.

Thank you for giving her another chance to be with me...

____♥♥♥____

Share This Chapter