12
UNLOVED.
Vacation
The week ended up smoothly. Hindi na kami ulit nagkita ni Jacob pagkatapos namin mag Tagaytay. Nandito lang naman kasi ako sa condo.
I am now fixing my bags that I'll bring for Palawan. I am leaving tonight. Isang silver na maletang maliit lang naman ang dala ko and my carry on backpack. I'll stay there for a week.
Naalala kong hindi pa ako nakakapag pa book ng hotel. Mamaya na lang siguro. For my transpo, naisip kong magpasundo na lang sa service ng hotel.
Since 7pm pa ang flight ko at hapon pa lang ngayon, I called Tita Ashley. Like I said I want to get a haircut because my hair is reaching my butt na.
"Tita, sorry to bother you. I want to ask if I can get a haircut? Need po ba na mahaba ang buhok sa shooting natin?"
"Sige, Aeri. Pwede naman. Kung kailangan man sa shooting, madadaan na yan sa extensions."
"Okay po, Tita. Salamat." Then I hang up.
Mabilis akong nagpunta sa salon. Sa mall pa iyon so doon ako nag punta. Wearing a basic black top tucked in a white ripped shorts and a pair of flat beige sandals dali dali akong nagpunta sa salon. I was wearing a white cap and a mask. For disguise, of course.
Maraming tao ang nagpapasalon ngayon. Sana hindi ako makilala ng mga 'to. Mahirap na. Mag isa lang ako.
Nakatungo lang ako papasok tsaka naglakad patungo kay Timmy, ang nag gugupit ng buhok ko. Kilala ko na siya dahil nirecommend siya sakin ni Archie. Friend nya raw kasi.
"Timmy, ako 'to. Magpapagupit sana ako. Ang dami palang tao. Ngayon ko lang naisip magpagupit eh aalis ako mamaya." Sabi ko.
"Ay, Miss Aeri!" Mahina lang ang pagkasabi niya nun. Bumeso siya sakin.
"Sige Miss, bibilisan ko para hindi ka pagkaguluhan ditey! Jusko!"
Pinaupo na niya ako sa chair kung saan ako gugupitan. Pinagupitan ko ang buhok ko hanggang sa balikat. Hindi naman ako nagtagal sa salon. Pagkatapos na pagkatapos ay umalis na rin ako.
Pagkadating ko sa condo ay 5pm na. Kumain ako at nag half bath. Kaharap ko ang closet ko, namimili ng susuoting damit. I decided to wear my blue and white striped halter strap romper. Nag suot rin ako ng face mask para hindi ako marecognize ng mga tao.
I am now facing myself on my vanity mirror. Naninibago ako dahil sa buhok ko. It's not that bad anyways, I look... Cute.
Naglagay lang ako ng tint sa mukha tsaka earrings. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko.
Yung kwintas nasa akin pa... Pero yung nagbigay, wala na...
5:30 na ng umalis ako sa condo. Nag grab na lang ako papunta sa NAIA dahil iiwan ko ang kotse ko sa condo. I texted dad that I'm leaving tonight. He texted me back, saying take care and enjoy.
Si dad kasi ang medyo maayos sa kanilang dalawa ni mom. Strict lang si dad sakin pagdating sa mga grades ko noon tsaka sa kukuhain kong course. Si mom talaga ang nag cocontrol sa lahat. Minsan nga pati si daddy kinokontrol niya eh.
Dumungaw ako sa bintana ng kotse. My feet is cold because I am just wearing my arizona birkentsock. I put on my black cardigan. I did'nt bring any sneakers with me kase sino ba naman ang mag sasapatos sa beach habang nagbabakasyon diba?
Mabuti na lang at hindi ganoon ka bagal ang usad ng traffic kanina at nakarating ako kaagad sa airport. If not, I'll miss my flight.
Naka upo ako ngayon sa chairs ng gate 2, iniintay mag board. Nag checheck ako ng social media accs ko nang biglang may lumapit na lalaki sakin. He's youger than me. Nasa 16s ata ang age niya.
"Hi, Miss Aeri? Right? Can I get a photo with you? I'm a fan and an a-admirer." He said, a little shy.
He looked so cute. "Sure, what's your name?" I asked.
"I'm Jarred,"
I stand up beside him tsaka tinanggal ang face mask ko at yumuko ng kaunti dahil mas matangkad ako sa kanya. I smiled at the camera.
"Thank you, Miss Aeri. You're so down to Earth." He said.
"Thank you, Jarred. It was nice meeting you. Sino pala ang kasama mo?"
He pointed at the front. "My Mom and dad." Lumingon ako kung nasaan ang tinuro niya. He's parents waved and smiled at me. I waved back at them.
"Sige na, baka malate kayo sa flight ninyo. Have a safe trip," I smiled before putting on my face mask again. He waved and smiled at me before turning his back.
Uupo na sana ako ng biglang mag announce na mag boboard na ang flight na kinabibilangan ko. I carried my bags patungo sa airplane na sasakyan ko.
I reserved my seat beside a window becaise I want to see the view. Hindi naman ito ang first time na mag aairplane ako kasi I've been going to different countries na rin. Ewan ko ba gusto ko talagang nakakakita ng mga magagandang view. Kahit gabi na ngayon, gusto kong makita ang city lights.
Ang katabi kong seat ay vacant pa. Ewan ko kung may makakatabi ako. Hinayaan ko na lang iyon at nag picture na lang ng window ng plane tanaw ang labas ng airport.
I put it on my story and put a caption 'taking a break.' As usual marami ang nakapansin noon. Nagtatanong kung saan ako magbabakasyon. Wala ako ni isang nireplyan.
Nag scroll pa ako sa socials ko. Natigil lang ako ng may lumapit na lalaki sa katabing seat ko. Nilingon ko kung sino iyon. I was shocked to see that it was Jacob.
"Jacob? Seat mo ba 'to?" I asked pointing at the seat beside me.
"Uh, you know me? Yes. Ayaw mo ba ako katabi?" He said seriously before seating.
Hindi ka niya ata ako nakilala dahil naka mask ako and short hair na ako. Gosh.
"No, okay lang naman." I took off my mask. Hindi dahil gusto king malaman niya na ako ito, hindi na kasi ako makahinga ng maayos. And besides, wala na ata makakakilala sakin.
"Woah, A-Aeri. I-ikaw pala yan. I didn't recognize you. N-nice hair, huh? You look..." He paused I raised my brows.
Tumikhim siya at nag iwas ng tingin. "C-cute". Napangiti ako dahil ang cute niya.
"Bakit ka naiilang?" I asked, laughing.
"Aeri, about what happened that night.. ah! Pano ko ba sasabihin.."
"Shh.. ano ka ba okay lang yun. Di ko na maalala promise." His face lightened.
"I'm sorry, hindi ko dapat ginawa yun."
"It's okay." I smiled.
"Goodevening, Everyone. This is Captain Gatchalian speaking, on behalf of our crew, we thank you for choosing to fly with us. Have a good night." Anunsiyo ng captain.
"Bakit ka pala pupunta sa Palawan?" Tanong niya.
"Wala, Vacation."
"Alone? Bakit di mo kasama ang fiancè mo?"
"Yes, ako lang. Busy si Elisha. Nasa abroad. Ikaw, bakit ka pupunta dun?"
"Uh, vacation and work. Nag offer sakin si Ethan na ako ang mag rerenovate nung hotel nila sa Palawan."
Tumango ako. Doon na naputol ang usapan namin dahil nag take off na ang plane. Dinapuan kaagad ako ng antok. Nakatulog ako buong byahe.
"Aeri, wake up. Andito na tayo." Nagising ako sa tinig no Jacob. He was tapping my cheek. Napamulat ako at agad napalayo sa kanya ng makita ang posisyon ko.
Nakatulog ako sa balikat niya? Damn it, Aeri. Nakakahiya.
"S-sorry, I fell asleep." I said. Ngumiti naman siya.
He help me with my luggage. Ganoon rin lang ang dala niya sakin. A backpack and a small suitcase.
"Saan kotse mo?" Tanong niya ng makalabas kami ng airport.
I muttered a curse when I realized that I haven't book a hotel at walang service na susundo sakin.
"Uh, wala.."
"What? Saan ba ang hotel mo? I'll drive you."
"I forgot to book a hotel room." Nag aalangang sagot ko.
He is staring at me while his brows are raised.
"Okay, tara sa hotel nila Ethan. Dun ka na mag check in." Tumango ako at sumakay sa kotse. It was from the hotel kasi may nakalagay na name nung hotel sa pintuan ng shot gun seat.
Nanatili kaming tahimik sa loob ng kotse. Hindi naman ganoon ka layo ang hotel jila Ethan kaya narating namin kaagad iyon.
"Sorry po Ma'am, summer po kasi ngayon. Maraming tourists po kaya fully book na kami. Si Sir Jacob ay pinareserve lang po namin sa presidential suite. Dapat ho kasi nagpareserve na kayo bago kayo nagpunta rito." I massaged my head while listening to the front desk girl.
"Sige, miss. Sa room ko na lang siya mag sstay. Thank you," Nilingon ko si Jacob.
Naglakad na siya papuntang room namin.
"Is it okay na sa room mo ako mag sstay?" Tanong ko ng nasa elevator na kami.
"Yeah, malaki ang suite na iyon, don't worry."
"O-okay.."
Nang marating namin ang suite ay nag shower ako sa common bathroom. Si Jacob naman ay nasa kitchen, nagkakape.
Dalawa ang kwarto sa suite hindi ko pa alam kung saan mag sstay si Jacob kasi nasa sala pa ang mga gamit namin.
Tama nga si Jacob, malaki ang suite na ito. May sariling kitchen, dining at living room. May balcony pa.
I am wearing a pink silk spagetti strap sando and a pair of pink silk shorts ng lumabas ako ng CR. Naabutan ko si Jacob na nasa sala, kaharap ang laptop niya.
Nagpunta ako roon at kinuha ang gamit ko. He stood up and get my luggage and also his.
Dinala niya iyon sa master's bed room kasama ng gamit niya. Oh my god! Are we?!
"T-tabi tayo?" I asked.
He smirked at me. " Bakit? Gusto mo bang tabi tayo matulog?"
"A-ah, No, I'm fine. D-dun ka sa kabilang r-room." I pushed him out of the room. Nagawa ko naman siyang itulak kahit mabigat siya. Pagkalabas nya ay sinara ko agad ang pinto.
"Goodnight, Aeri, I'll see you on your dreams." He said.
I can hear his teasing smile. Damn him!
____â¥â¥â¥____