Chapter 26
Missing piece
Rhainne Jhammira Alethea Lopez
Isang buwan na ang nakakalipas noong pumunta kami sa Batanes.
Ang bilis ng panahon no.
Akalain mo, before Miss Presley was so masungit saakin but now hindi na masyado, minsan na lang.
Everything is going on in unexpected way.
Sa loob ng isang buwan na yon I didn't stop pestering her. I'm always by her side everyday and I feel like my day isn't complete when I don't see her. Nararamdaman ko rin na nasanay na siya sa presensya ko.
Nakakailang date narin kami, for now we consider it a friendly date. I'm happy whenever I'm with her and I feel that she feels the same way too.
Hindi ko na rin alam ang dapat kong maramdaman. Kapag andiyan siya sa paligid ay napakabilis ng tibok ng puso ko na para bang tumatalon ito sa tuwa at galak. I'm happy to see her and I'm craving to see her everyday.
Every time she's by my side I feel like I'm floating on cloud nine. In her presence, my worries fade away, replaced by an overwhelming sense of joy and fulfillment. It's as if she's the missing piece I didn't know I needed, completing me in ways I never thought possible. Maybe she's one of my missing pieces.
Bakit ganto ang nararamdaman ko?. Tama pa ba to?
Hayst
Isang buwan narin akong nakatira sa bahay, at my father's house. Pagkauwi kasi namin we had dinner then Lolo told me na babalik ako sa bahay whether I like it or not at first I disagree of course, but he block mailed me.
Hanggang ngayon pag naaalala ko pangba-block mail niya naiinis parin ako.
That old man.
___
Hindi pa man tapos ang dinner ay tumayo na ako. I hate them. They're controlling my life again and I hate it. Hindi ako sanay ng may nagkocontrol sa buhay ko. I grew up na ako ang nagdedesisyon sa mga gusto at ayaw ko and this.....this is sucks I never expect that this day would come early.
"Ali!" tawag ni Lolo saakin
"What?" inis na sagot ko dito
"Stay. Stay here" sagot niya na siyang nagtrigger saakin
"No!. I disagree didn't I?. Lolo you know what happened in the past and now look you're letting me stay here in this house. No, I don't want to" sagot ko rito nakita ko ring nakatingin si Ate Ryleigh saamin. I bet she's hearing what I'm saying.
"It's an order Jhammira. You can't just run from your family. It's time to make things right. You're bearing it for too long, let go of your resentment. You're not a kid anymore for you not to understand what I'm saying. I know that you already want a peace in your life and this is it. This is your chance to make and fulfill it. Jham I'm doing this for you, for your own good." he said
Good? Eto ba ang good?
Nakita ko naman ang pagpasok ni Ate pabalik sa bahay.
Eavesdropping.
"Lolo, I'm sorry. I can't. You can't make me stay in this hell. Impyerno na nung binalik mo ako rito sa bansang to."
"Understand me. I'm ending your suffering. This is for you, only for you. You'll stay here or you can't enter UG and Empire" he said that makes my world stop
He shouldn't do that!
"No! You can't do that"
"You know that I can" he said giving me his commanding glare.
Fuck, I can't lose. Hindi ako pwedeng maalis sa Empire not now. Hindi pa pwede. Hindi ko pa nakukuha ang kailangan ko.
"Stay and you'll stay in your position" he added
Iniipit niya ako
He's block mailing me because be knows na kailangan ko pa ang posisyong ito para makuha ang pakay ko.
This Old Man
"You know that you once lose that position, that might be the ending of your sacrifices for 3 years. Are you ready to lose it?."
Nakuyom ko ang aking kamay
"Damn you Lolo!" I shouted out of anger but he just looked at me with his commanding eye
"S-stop block mailing me. Lolo you can't just remove me. Hindi pwede. Wag yung pinaghihirapan ko." I angrily answered kasabay non ang luha ko
He just can't remove the power that I've been working for so long.
Matagal kong pinaghirapan ang lahat. I can't lose the only hope that I have. How dare him!
"Simple lang ang deal ko Jham. Stay here and you'll stay too" he said and left me
With all my strength umalis ako sa lugar na yon. Now here I am at the sea side with all this bottle of alcohol.
I just wanted to run.
Ang daming tao sa mundo, bakit kasi ako pa ang nakakaranas ng ganto.
I'm not strong
Hindi ako malakas.
Hindi ko na rin kaya.
I just wanted to end everything.
Why can't I just have my peace?
Bakit ang daming kontrabida sa buhay ko?
Kinuha ko ang cellphone ko and I texted his number
Old man
[Deal]
sent.
[Good. You choose the right path]
[Open your heart to them, Apo]
[I would love seeing happiness in your eyes again]
[I hope you understand that I'm doing this for your own good]
[I can't bare another year seeing your lifeless eyes]
[Buhay ka nga pero ang puso at kaluluwa mo ay parang patay naman]
[I'm sorry if I block mailed you. Wala na akong maisip na paraan para mapasunod ka.]
[Be happy again. My Apo]
[I'm tired seeing you waking up every morning feeling dead and lifeless. Life didn't end that day]
Yes life didn't end that day but part of me died that day.
*****
I was in my deep thoughts when suddenly I felt someone pat my arm.
Sino ba to?. Nagdadrama yung tao dito e
"Ay galit agad" Amrielle said, maybe because I frowned when I face her. She's a big istorbo kasi. She can be quite the troublemaker. I'm just trying to gather my thoughts here.
"Ano ba kasi? Bat baka nangangalabit ka?"
"Malamang kasi lunch na. Ano tutulala ka na lang ba diyan mag hapon?" sagot nito saakin
Kanina pa pala ako tulala.
"Yung dalawa?" tanong ko dito, wala na kasi yung dalawa parang kanina lang katabi ko yun a
"Nauna na, ang tagal mo kasing bumalik sa reality" she answered and started walking palabas, sumunod naman ako. Ngayon ko lang naramdaman yung gutom.
"Hindi ka ba sasabay kay bebe mo?" biglang tanong nito
"She texted me kanina na she has a meeting so no"
"Eh kay Ate Ryleigh? kay Ate Allisha or kay Yana?" dagdag na tanong pa nito
Ewan ko ba sa mga kaibigan ko simula nung vacation trip sa Batanes ay naging kaclose na nila yang mga yan. Well hindi naman mahirap kaibiganin tong mga kaibigan kaya di narin nakakapagtaka.
These past month lagi rin silang magkakasama at ako ay nahihila ng tatlong to. Sila lang naman ang close nadadamay lang ako. Kinakausap ko naman sila, it's enough no need to have a deeper connection.
"Bakit ako ang tinatanong mo?. Hindi ba't kayo ang close?" I sarcastically rebutted
"Tsk ang bitter talaga!. May meeting sila eh kaya for sure sila Yana lang muna makakasabay natin" she answered and I rolled my eyes
Alam naman pala niya tapos tinanong pa ako may ma-topic lang e.
"Ang tagal niyo naman" bungad ni Rayla saamin
Kompleto na pala sila.
Yes sila, Yana's whole friends and my friends
"Eh eto kasing si Ulan balak atang tumitig lang sa kawalan"
"I was in deep thoughts. You can leave me there; I'm not stopping you from eating. My hands aren't in your way, so you can still take a bite even if I'm not around," I retorted. My two friends exchanged glances, unable to hide their amusement at my response.
"Ewan ko sayo Ulan, ini-English mo nanaman ako"
Pagkatapos naman naming kumain ay bumalik na sila Yana sa room nila at kami naman ay pumuntang library tatambay daw sila
I don't know kung anong trip ng mga to sa buhay nila.
[Where are you?"]
Bungad niya ng sagutin ko ang tawag niya. Siguro tapos na ang meeting nila
[Library lang po]
[Come here] sagot niya kaya naman dali dali kong inayos ang gamit ko at tumayo na, hindi na nagtataka yung mga kaibigan ko, hindi narin sila nagtatanong, nasanay na ang mga bitch.
Pagkarating ko sa tapat ng office niya ay agad naman akong kumatok at pumasok. Bumungad naman saakin ang napakagandang babae sa paningin ko.
My heart is pounding so fast
What is happening to me.
The heart knows what it wants
Biglang pagkakaalala ko sa lyrics ng kantang pinatugtog ni Amrielle.
Why so sudden?
"Hey nakatulala ka diyan" I came back to the reality when she snap her finger right in front of my face, gosh nalulutang nanaman ako "Did you eat already?" Tanong niya kaya naman tumango ako
"How about you?" tanong ko rito
"Yes. Kumain kami nila Ryleigh kanina" sagot nito habang nakabaling ang tingin sa laptop niya. Marami pa ata siyang gagawin.
"Come here" she said at inaya akong lumapit sakanya
Pagkalapit ko ay hinila naman ako nito paupo sa lap niya and she hugged me while sniffing my neck.
Lagi siyang ganyan. Gustong gusto yung amoy ko
"I'm tired, but my pahinga is here" she said at mas lalong siniksik ang muka niya sa leeg ko. Buti nalang talaga wala akong kiliti diyan
"Masyado ka kasing hard working. You can rest, hindi masama mag pahinga kahit isang araw lang" sagot ko rito, habang siya busy parin sa pag amoy sa leeg ko. Dati atang bampira to si Miss Ma'am
"You know why. Alam mo namang I need to work hard para mabilis kong mabayaran ang bahay" she said at humilay na sa leeg ko
Now she's facing me. I gave her a smile.
"I know at ayaw mo namang tulungan kita" I said to her
"There you are again. Ale no, isa pa onti nalang. I can do this" depensa naman nito
Onti nalang daw.
That house cost 30 million. Kasama na ang lupa. Ang lupa nagmamahal pero ang bahay hindi.
Wala pa sa kalahati ang nababayaran niya. Hindi rin sapat ang kinikita niya as a professor. Hindi ko kini-criticize ang profession niya ah. Yes malaki ang sahod ng mga prof dito but it's not enough, lalo na may pinapaaral pa siyang kapatid and siya lang din ang maaasahan ng pamilya niya lalo na't siya lang din ang may trabaho. Her mother was a housewife and his father is unknown, she has a sister, well actually di ko pa ito namemeet but sabi niya dito rin daw yon nag aaral knowing the tuition here malaki talaga ang magagastos niya.
"If you say so CC" I said
I was about to stand up when she stopped me
"Can you just stay here for a while, please" malambing na sabi nito at sumiksik ulit sakin
Paano ako tatanggi
Masyado siyang clingy pero walang label
No label enjoyer
Ilang minuto ang lumipas at hindi parin siya umaalis sa pwesto niya. Siguro nakatulog na to lumuwag na rin kasi ang pagkakahawak niya saakin
Dahan dahan ko naman inalis ang muka niya sa leeg ko. Tama nga ako nakatulog na dahan dahan ko siyang inayos lara buhatin papunta sa couch. Nang mailapag ko na siya ay nanatili naman ako sa sahig.
"Hayst, masyado kang nagpapagod. You're very hard working" habang hinahagod ang malabot niyang buhok
How did we end up in this?
Sa sobrang bilis ng panahon hindi ko namalayang ganito na kami.
Hindi ko maintindihan ang sarili.
I'm happy with her.
Masaya ako. I'm happy because she exist in my lifeless world.
She paints it, she paints my monochrome life.
Dapat na ba akong kabahan dahil napapangiti niya na ako?
Ilang minuto ang lumipas tulog parin ang napakagandang diyosa na biyaya ni Lord.
Siguro nung umulan ng blessings nasa labas siya.
Dapat may klase ako ngayon e kaso wala daw yung prof kaya ayun di na lang ako pumasok.
"Hmmm" rinig ko sa likod ko
Nakatalikod kasi ako sakanya. Naglalaro ako e, kanina pa ako dito nag lalaro simula nung mabored ako.
"You're here pa pala" she said in her bedroom voice.
"Yeah, I don't want to leave you sleeping kasi" I said ng hindi siya nililingon at busy sa cellphone ko
"Did I sleep for too long?" tanong nito, naramdaman kong bumangon siya
"Hindi naman po CC. It's enough para makapagpahinga ka" sagot ko rito saktong tapos na rin yung game kaya nilingon ko na siya
"Are you hungry po?" tanong ko rito
She nooded
"Sige I'll just buy you food"
Mabilis lang naman akong nakapunta sa Cafeteria at ngayon ay pabalik na ako sa office niya ng bigla akong may nakabangga. Shet babae pa nga.
"Hala sorry po!" the girl said
agad ko namang pinulot yung nahulog niyang gamit at binigay sakanya.
Grabe naman makatitig to
"Miss" bumalik naman siya sa reality dahil sa pag tawag ko
"Ay, sorry po. Ganda niyo po kasi." nahihiya niyang sabi
"I'll go ahead"
"Ay teka po Ate" pigil nito saakin at nakahawak pa sa kamay ko
"Ahm alam mo po ba saan office ni Miss Presley?" tanong nito
Anong kailangan niya kay CC?
"Yeah"
"T-talaga? Hala hulog ka ng langit Ate ganda" masaya nitong turan at niyakap ako
"Ay sorry po" she said when she realized na nakayakap siya sa akin "saan po ba ang daan papunta sa office niya?" tanong niya
"Just follow me" I said at naramdaman ko rin ang pag sunod at pagtitig niya sa likod ko
Pagkarating namin ay agad ko itong binuksan hindi na ako kumatok alam niya namang ako yon
"Ang tagal mo nama-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng mapansin niya ang babaeng nasa likod ko, natatakpan ko kasi ito dahil mas matangkad ako sakanya "who's that?" taas kilay nitong tanong at lumapit sa pwesto namin
"Crystal?" turan nito sa babaeng crystal daw
"Hi?"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Crystal
Pumunta naman ako sa table at inayos ang pagkain niya.
"Ahm hihingi sana ako extra may project kasi kami" sagot nung Crystal
I bet she's CC sister.
Hindi ako bobo para hindi malaman yon no. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nila. Pero kay CC lang ako. Period.
"Yun lang ba?" tanong ni CC at tumango naman si Crystal
Bumalik naman si CC sa table niya at kay kinuha sa bag.
"Gosh. I don't have cash. Crystal pwede bang mamaya ko nalang ibigay? Kailangan mo na ba agad?" tanong nito
"Sige pwede namang mamaya Ate sabihin ko nalang sa mga kaklase ko" sagot nito
"Here" I interrupted while handing 2k. Pareho naman silang nakatingin saakin
"Ba-bakit?" tanong ko sa dalawa. Dalawang tao pareho ng mata ang nakatingin saakin.
"Ale, no"
"Come on your sister needs it." pagpupumilit ko dito
Alam kong tatanggihan niya nanaman yan kagaya nung ibang tulong ko.
"Dali na. I won't accept no as an answer" I said
"Fine. Pero babayaran ki-" I cut her off
"Wag na, ano ka ba" I said at bumalik sa couch
"No. I'll pay you later" pag mamatigas nito
"And I won't accept that. Kumain kana dito"
"Kumain kana ba?" tanong ko kay Crystal at tumango naman ito
(A/n: Feeling close siya)
"Lunch yan no?. Snack hindi pa diba?. Come let's eat" I said
She changed me. CC changed me
"Hindi ka makakatanggi diyan. Halika na rito" pag aya niya sa kapatid niya kaya naman wala itong nagawa kundi lumapit
"Bat ang dami mong binili?" tanong nito saakin
"Hindi mo ba ako ipapakilala sa sister in law ko-aray! CC naman bat ka naman nanghahampas ng paper bag" asik ko dito
"Stop that, mamaya maniwala siya" saway nito saakin
"Crystal Jade Presley po, 17 years old" pagpapakilala nito, mahiyain pala siya tapos yung kapatid niya walang hiya-joke
"Rhainne Jhammira Alethea Lopez you can call me yours-joke lang Ate Rhainne nalang itawag mo sakin" agad akong napangiwi ng maramdaman ko ang pagbaon ng kuko ni Miss Ma'am sa tagiliran ko
"Lopez ka po?" Tanong niya and I just nooded
"Hala edi kayo may ari nitong school?"
Madaldal rin pala
"No. Hindi ako kasali, si Ate lang ang owner ng school na to" sagot ko dito
"Ahh, edi hindi ka nagbabayad tuition?" tanong niya
Interview ba to
"Hindi"
"Sana all" rinig kong bulong niya
"Gusto mo rin bang walang babayaran? I can pay your tui-aray!" daing ko ng hampasin ako ni CC ng unan.
"Stop saying those things" mataray niyang sabi
"Halaka! Kaya mo yong gawin?" gulat na tanong ni Crystal
"Yes. How much is your tuition ba?" tanong ko rito, buti hindi ako hinampas ni Miss ma'am
CC for Celine Claire
"100k per sem po Ate" sagot niya
"Crystal!" saway naman ng Ate niya
"Okay I'll pay for it. How much is your balance ba-aray shit"
"Your mouth Lopez" she said in cold voice, fuck she's pissed already
"Hala ka. Fine I won't ask na"
"UNDERstanding ka pala Ate" natatawang sabi ni Crystal
Diniinan pa nga yung under.
"Magkapatid nga" bulong ko
___
Uwian na nga at nandito ako sa parking lot hinihintay si CC.
"Kanina ka pa ba diyan?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may mag salita sa likod ko
"Miss Ma'am naman bat naman nanggugulat ka!" asik ko dito
"You should stop drinking coffee, ako pa sinisi mo" sagot nito saakin sabay irap
"Ewan ko sayo ma'am. Maaga ako mamatay sa nerbyos" sagot ko naman at binuksan na ang pinto ng kotse para makapasok na siya
"Address mo Miss Ma'am?" tanong ko
Malamang how am I supposed to get her home if I didn't know her address. Yung penthouse ay kay Ate pala at that time dun muna siya pinatira ni Ate and I don't know why hindi na rin naman ako nagtanong. Yung bahay niya it was her gift to her mother and sister kaya she's working hard para madaling matapos iyon.
"Sasabihin ko nalang sayo ang direction" she said and I just nooded
Hindi naman nag tagal ay nakarating kami sa bahay nila. It's just a simple house with a garden. Ang daming bulaklak at halaman. Plantita ata yung Mom ni Miss Ma'am. Hindi naman kalakihan ang bahay at hindi rin naman kaliitan, sakto lang.
"Aren't you going inside?" tanong ni CC, nasa labas na kasi siya ng car kay bintana ng kotse nalang ang binaba ko
"Am I allowed to?"
"Silly, of course. Halika na" aya niya kaya dali dali kong pinark ang kotse at bumaba. Chance na to para makilala ng buong pamilya.
Ganda ko talaga, sobra isang buwan palang ipapakilala na agad sa pamilya.
"Oh andiyan kana pala Celine" bungad ng isang babae saamin, hindi naman ito mukang matanda at hindi rin mukang bata, sakto lang din.
"Ma" turan naman ni Miss Ma'am at lumapit doon sa babae at kinuha ang kamay niya at inilagay nito sa noo. What was that?
"Oh at sino naman itong napakagandang batang to" turan nito ng mabaling ang tingin nito saakin.
Maganda daw ako.
"Hi po, Rhainne Jhammira Alethea po. Mamili nalang po kayo kung alin sa tatlo ang gusto niyong itawag sakin" I said and smile
"Aba, hindi lang pala maganda ito cute din. Ano ba ang madalas itawag sayo? Ang hirap mamili sa dami ng pangalan mo"
"Rhainne nalang po, Ma'am" magalang kong sabi
"Ma, akyat lang kami. Ali let's go" singit ni Miss Ma'am kaya naman sumunod ako sakanya. Pumasok naman siya sa isang pinto kwarto niya siguro
Pagkapasok ko ay bumungad saakin ay puro pink? Babaeng babae.
Walang wala sa kwarto kong monochrome.
"I'll just take a shower" paalam nito at umalis na, pumasok sa bathroom
I saw a picture of her, baby version niya ang cute. Malusog pala siya nung bata siya. Wala pa naman siya kaya naman titignan ko nalang room niya, mag room tour
Hindi naman kalakihan ang kwarto niya hindi rin naman malaki. Sakto lang ulit.
Hindi naman nag tagal ay lumabas na siya sa bathroom.
"What? Masyado kang nakatitig sakin" she said and I realized what she just said kaya naman umiwas na ako ng tingin
Hindi ko naman kasalanan na ang ganda niya!
"Tsk. Don't tell me that you're falling for me" she said and smirked at me.
What have you done to me Claire.
Nandito nanaman ang puso kong pala desisyon.
"N-no I'm not" I answered, fuck why am I even stuttering.
"Why are you stuttering then? Hmmm?" tanong at lumapit saakin. As in sobrang lapit
"L-layo onti" I said but it looks like she's not listening to me
"CC lumayo ka" patuloy parin siya sa ganon kalapit naming posisyon
"Claire, layo kasi" reklamo ko rito, tinulak tulak ko na rin siya ng mahina
Nakita ko naman ang pag titig nito sa labi ko. Oh God wag naman sana.
"H-hoy ayusin mo tingin mo" I said that got her attention, she smirked at me and the next thing that happened ay sumasabay na ako sa pag galaw ng labi niya sa labi ko.
"L-let me breathe Claire. Masyado kang nag iinit" I said when we set our lips apart.
We're friends
But friends don't know the taste of each other.
"Tsk. Let's go. Nag hihintay na si Mama sa baba" she said at naglakad na palabas kaya naman sumunod ako.
Pwedeng maki Mama?
"Oh hali na kayo rito Celine. Crystal dito ka muna sa kabila at diyan sa tabi ng Ate mo ang Girlfriend niya" sabi naman ng Mama ni Miss Ma'am. I didn't know her name pa, she didn't even introduce herself kanina hinila kasi agad ako nitong si Miss Ma'am papuntang kwarto niya
"Ma!. Anong girlfriend? She's not my girlfriend" awts sakit, pighati, hinagpis, kirot, pain, ouch
Grabe siya maka deny kala mo walang nangyari kanina.
Pero tama nga naman she's not my girlfriend and I'm not her girlfriend
"Ibig kong sabihin girl friend, babaeng kaibigan" natatawang sagot ng Mama ni Miss Ma'am na magiging Mama ko rin in the future.
"Yeah whatever" grabe kahit pala sa nanay niya masungit siya. San kaya to nagmana?. Mabait naman si Mama niya. Si Crystal mabait rin naman. Siguro sa Daddy niya.
"Hay nako, hindi pa pala ako nag papakilala sayong bata ka. Cecilia. Pwede mo naman akong tawaging Mama." she said, sabi sainyo eh magiging Mama ko rin yan
"Nako bata pa ako" sabi nito
"Saang parte ma?" sagot naman ni Crystal
"Tong batang to. Wala kang baong bukas" she rebutted to her daughter, parang di mag nanay.
"Ang daya naman Ma, may pang block mail ka sakin tapos ako walang pang block mail sayo. Asan ang hustisya" kunwaring malungkot na sabi ni Crystal.
Kulit rin ng dalawang to, kaya siguro ubos lagi pasensya nitong si Miss Ma'am kasi nauubos na sa nanay at kapatid niya. Mahirap talaga mag alaga ng matanda na
"Mama mo hustisya" jusko po
"Eh ikaw mama ko ah" Crystal
"Ay Mama mo ba ako? Inampon lang kasi kita nak e" she said na siyang kinatawa ko ng mahina.
Para talagang hindi nanay.
Makulit ang mag ina buong oras habang kumakain kami. Hindi rin sila natigil kakatanong saakin. Halos q&a ata ang pinuntahan ko hindi family dinner. Yes nakiki family na ako. Mama naman na tawa ko ko kay Mama Cecil. Ayaw niya daw ng Cecilia para daw oldies eh oldies naman na talaga siya-joke.
Si Miss Ma'am naman ay tahimik lang din. Minsan naman sumagot pag tinatanong minsan hindi. Bingi bingihan siya. Ganyan lang siya.
Naririndi na sa nanay at kapatid niya. Mag bardagulan ba naman sa hapag kainan.
Mahirap talaga magpalaki ng matanda na
"Una na po ako Mama Cecil, Crystal. Salamat po sa pagkain sa uulitin po." paalam ko sa dalawa na hanggang ngayon ay busy magbardagulan.
"Kaya po pala stress na stress kayo lagi Miss Ma'am. Nagpapalaki po pala kayo ng mga matatanda na" natatawa kong sabi dito
"Tsk. Now you understand why I hate being pissed by you before. Ubos na ang pasensya ko dito sa bahay tapos dinadagdagan mo pa" she said kaya naman natawa nalang ako
"Una ako CC, bye" paalam ko dito pero bigla niyang hinila ang kamay ko kaya naman napatigil ako "bakit?" tanong ko rito hindi niya ako sinagot at binigyan ng halik, smack lang naman.
Pagkahiwalay ng labi namin ay agad akong napangiti. Goodbye kiss.
"Salamat sa goodbye kiss mahal ko, sa uulitin" masaya kong sabi kaya naman napailing nalang ito
Am I falling again?
And if I did, would you catch me?