Back
/ 52
Chapter 21

Chapter 20

Missing piece

Rhainne Jhammira Alethea Lopez

"Ulan! Anong plano?" tanong ni Jenaiah habang inaayos ang papel na kakailanganin para sa foundation day na gaganapin bukas. It's been two weeks since nangyari ang birthday namin ni Yana and we're perfectly fine. As Amrielle said approach them pero hindi ko parin maiwasang hindi mag aalala at matakot na hayaan silang lapitan ako.

"The same" I answered to her

We are planning to build a Coffee and Conversation Booth in this we set up a coffee and conversation station where students can relax and chat with each other. They let me plan this even though the president of our class suggested that I'll be that one who's gonna plan it.

Pinafinalize nalang namin ang proposal ng booth namin and ready to build na. I just love coffee kaya ko naisip to.

"Okay wala ka na bang idadagdag?" Jenaiah said, siya ang katulong ko sa mga gawain ko ngayong araw.

"Maybe Bakery or Pastry Station, Feedback or Suggestion Wall and Coffee and Conversation Pairing: Pair students up to have a conversation while enjoying a cup of coffee, and challenge them to find common interests or topics to discuss. That's all"- Jenaiah just nooded at me at pinasa na ang final proposal for this booth

Hindi naman ako nag tagal at sumunod na sa dalawa kong kaibigan na ngayon ay nass cafeteria na. Sana all relax

"Ulan! Dito!" tawag ni Amrielle saakin, uh no it's shouting

"Si Jenaiah?"

"Pinasa yung proposal, she'll be here any minute"

____

It's foundation day today but I feel like I don't want to go. Ewan I feel drained.

Pumasok ako but hindi ako nag pakita sa kahit sino, even my friends. Nandito lang ako sa rooftop. I don't know. I just feel empty again. How stupid this life is. I'm starting to miss him again. Pero hindi pwedeng habang buhay ay ganon ang mangyayari kaya habang maaga pa ay pigilan ko ito.

I let out a heavy sign

Ano namang gagawin ko? Wala akong gana makipag usap, makipag kapwa tao at magpakita sa mga tao.

Kanina pa vibrate ng vibrate ang phone ko, well I know that they're looking for me. I just want to be alone right now. Gusto ko nga ba? or I just want to be found? Ang gulo

I see unfamiliar number on the screen of my phone. Sino naman to? Kung sino sino na tumatawag saakin kanina siya lang pala makakakuha ng atensyon ko. Hindi ko parin naman sinagot ang tawag but there's something inside that wanting that number to call again, weird.

I shrugged, siguro naman ay namali lang ng dial ang may-ari ng phone number na yon dahil hindi na ulit yon tumawag. Bahala na nga bababa na nga lang ako

"Where have you been!" galit na bungad ni Rayla, understandable naman yung galit niya. Kanina pa kasi ako hindi nag papakita sakanila, and now it's afternoon already. Ngayon ko palang naisipang mag pakita sa mga ito.

"Gago ka talaga Ulan. You're ghosting us again" inis rin na turan ni Amrielle. Ghosting us, tsk. Kung pwede lang wag mag pakita sa mga to kanina ko pa ginawa

"I was in the rooftop" sagot ko na kinakunot ng noo nilang tatlo

Ano nanamang problema ng mga to

Hindi pa ba sila sanay?

or

Hindi na sila sanay?

It's been months since I've been stable. Ngayon ko nalang ulit naisipang umiwas at tumakbo sa lahat.

"You're pushing us away again" seryosong sabi ni Jenaiah

Pushing away.......again

I would love to do that

but I can't

Masyado silang mahalaga saakin para itulak ko sila palayo. I can't lose anyone, not anymore.

Hindi pwede. I might lose my mind

I have an abandonment issue. I fear being left alone. Ayokong maiwan, takot akong mawalan and that connects with my Attachment issue. I was so scared of being left alone to the point that I didn't want anyone near me. I visited many psychiatrist to help me cope it and it helps me a lot. Pero it doesn't end it with that. Masyadong mahaba ang proseso bago ako natutong mag papasok ulit ng mga tao sa buhay ko. I tend to push people away because my mind is telling me that they're gonna leave me sooner or later. Marami akong pinagdaanang session bago ko matutunang mag tiwala ulit. My psychiatrist told me that since I was a child meron na ako non, mas lumala lang siyang noong namulat ako sa katotohanan na—everyone left me—even my family. My psychiatrist told me that it was all in my Cognitive development. Sabagay masyado pa nga naman akong bata para maranasang iwan ng lahat. I have no one to lean on. I have no shoulder to cry on. Masyadong maaga akong tumanda. Now I hate everyone for that and I think I need to visit my psychiatrist for that. I want to cope with this rage inside me. I want to forgive and forget para gumaan na ang lahat para sakin.

Gusto kong makalaya sa lahat ng sama ng loob.

"I'm sorry for that" sagot ko after namahimik ng matagal. I was thinking about it. Should I visit my psychiatrist again. I want to ask her how to cope the rage and anger within me

"Prof Lopez is Looking for you Ulan. Dapat siguro ay pumunta ka doon, halos mabaliw sila kakahanap sayo. They're worried, sabi nila mula kahapon ay hindi mo sila kinakausap" banggit ni Rayla while busy arranging the coffee na gagamitin sa booth sila ata magbabantay dito. Maganda ang kinalabasan ng booth namin, probably because malaki ang budget nito or sadyang magaling lang mag ayos ng lugar ang president ng class namin. I was shocked na maganda ang naging disenyo ng coffee and conversation booth namin. Medyo marami narin ang  sticky note na nakadikit  sa feedback wall mamaya ko nalang titignan ang mga feedback nila.

I want to have a Cafe.

"Come in" rinig kong sabi ni Ate kaya naman binuksan ko na ang pinto. Hindi nako nagulat na nandito lahat ng kaibigan niya. Normal things. Baka mas ikagulat ko pa kung wala sila dito.

Kung makatingin naman tong mga to ay para akong convicted.

"Finally you show up" Ate and lumapit saakin sabay hila paupo sa couch which is sa tabi ni Prof Alvares I mean Ate Allisha. I smell her perfume a warm vanilla. I like it. Kanino ko nga ulit naamoy yung perfume that hints of vanilla, musk, and those playful floral notes like rose.

Their presence is intimidating, but I'm way too cool to bother their presence lalo na't nag sama sama ang mga kamag anak ni Elsa—lalo na yung isa diyan sa may tapat ko na kanina pa masama ang tingin saakin. Nireregla nanaman siya

"Where have you been? Do you know that I've been looking for you since 7am" malumanay na sabi ni Ate pero mahahalata mo sa sakanya ang pag kainis. Sino bang hindi magagalit, ikaw ba naman mag hanap ng taong ayaw mag pakita

Titig na titig sila saakin, masyado nilang hinihintay ang sagot

"Rooftop" they glare at me in disbelief

Tatanong tanong tapos nung sumagot ang papanget ng reaction!

"See you have nothing to worry about. Mga tao pa nga matatakot sa kapatid mo" oh kilala niyo na yan. No other than Elsa's sister—Miss Presley

She look at me and rolled her eyes. Taray!

Sarap dukutin!

Pero parang mas masarap pag pinatirik yan magdam—mali mali

Yung utak my virus!

"Baby Mira pag pasensyahan mo na lang si Celine ha. Mukang kulang nanaman sa tulog eh. Let's go, Ryleigh pahiram muna ng Kapat--" she didn't finish what she was supposed to say when someone interrupted her "Tsk I'm going now. I'm wasting my time here" Agad naman kaming napatingin sa Propesorang akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob dahil sa mag kasalubong nitong kilay at matalas na tingin sa–kamay ni Prof Lacson na nakahawak sa bewang ko, hindi ko man lang namalayang diyan siya nakahawak!. Galit si Elsa!.

Nauna kaming lumabas sakanya. Ewan ko ba bakit ko to sinusunod si Prof Lacson e. Makahila kasi kala no mawawala ako! I can't believe she let her friend play me like a toy!.

"Baby Mira, kanina pa ako dito salita ng silita. Are you listening?" biglang sabi nito

Kanina pa pala siya nag sasalita. I was busy seeing our Prof na nag walk out kanina. Maganda siya kahit nakatalikod. Matangkad siya, I think her height is 5'7. Ang buhok niyang sakto lang ang haba. Mga galaw niyang mahahalata mong galing sa mayamang pamilya. Mayaman moments

Very demure

Very cutesy

"Hay nako baby Mira you're not listening talaga!" turan ng katabi ko. Daldal kasi eh ayoko nga ng kausap eh

"Prof wala po ako sa mood makipag asaran sainyo. I'll just go home" walang gana kong sabi

What a day

"Then let's go" hila nito saakin

When someone grabbed my arms to stop Prof Lacson from pulling me. Napatingin ako sa taong nanghila saakin, no other than Professor Celine Claire Presley

Ano nanamang problema niya?

Malamig yung kamay niya pero mainit naman ngayon.

"Where do you think you're going?" taas kilay nitong tanong, hindi ba siya napapagod mag sungit?

"Home" sagot naman nang Propesorang kasama ko kanina. Ang lakas ng loob niyang sumagot palibhasa kaibigan niya. I don't have time to deal with these two people beside me. Ramdam na ramdam ang tense sa paligid, mukang may balak pang magsampalan ang dalawang ito.

"We're going to my Baby Mira house" pang aasar pa lalo ni Prof Lacson. Madadamay nanaman ako sa asaran nila. Kita ko naman ang pag angat ng isang kilay ni Miss Presley na ngayon ay nakahawak parin saakin.

"She's not going with you Angelie" malamig na sagot naman nito

Basta pag nag sabunutan tong dalawa labas nako. Gusto ko lang umuwi! Can't this life be peaceful again!

"Yes she is, diba Baby Mira" Prof Lacson said while smiling at me widely, siraulo ba to kanina galit siya sa nag pigil samin ngayon naman ay nakangiti siya ng wagas

"Tss stop calling her Baby, she doesn't look like a new born" rebat naman nitong isa

At ayan na patuloy ang bangayan nila

Nakakarindi!

"Okay naman sakanya na tawagin ko siyang Baby Mira. It's her decision not yours" mataray na sagot naman ng kaibigan nito

Kelan ba matatapos ang bangayan nang dalawang to

"So nosy let's go Lopez" huling sabi nito bago ako hilahin kala mo kalakihan kung makahila eh mas matangkad pako sakanya. Nakita ko naman ang malawak na ngiti ng propesorang naiwan namin. She's really weird iniwan na nga siya don nakangiti pa siya.

"How dare you let her go with you" bulalas nito ng makarating kami sa parking

Sa pag kakaalam ko wala naman akong pakealaman kung sumama yon o hindi e

"She insisted Miss"

"And you let her?"

"What is your problem Miss?"

"You"

Ako?

Ako pala problema niya eh

"Ganda naman po ng problema niyo" biro kong sagot kaya naman hinampas niya ako, ansakit ah! Napaka ano talaga. Hinila niya ako palayo kay Prof Lacson para hampasin lang!

"Stop being with her. Don't you dare near her again" banta nito saakin kasabay ng pagbigay nya ng matakim na tingin

What am I a kid?

"That's impossible! Just tell me if you have a crush on your best friend Miss" sagot ko naman dito

"What the fuck Lopez? How can you say that!" inis na turan niya saakin.

Ano nanamang ginawa ko?

Para kasing crush niya si Prof Lacson. Lagi ba naman siyang nakatingin dito—masamang tingin nga lang tuwing mag kasama kami nang Propesora

"I don't have a fucking crush on Angelie, nakakadire. I wanna puke right now" maarte nitong saad

Tapos every time na lumalapit sakin si Prof Lacson grabe siya magalit, weird.

"Chill Miss Presley" huling sabi ko bago pumasok ng kotse ko. May kotse naman siya, tskaa kaya niya naring umuwi mag isa sa bahay niya.

Kumatok ito sa bintana ng kotse ko

Ano nanamang kelangan neto

Hindi naman halatang wala ako sa mood ngayong araw no

"Open the door Lopez. You said that we're going home" huh? we're? Kelan ko sinabe yan? pala desisyon

"Ayaw" pagmamatigas ko

I'll open it once she's pissed.

"Open it or I'll failed you to my subject"

Stop pestering me or I'll tell Ate to fire you

"Sabi ko nga po bubuksan ko na, baka kasi nangangalay na kayo" I said and smiled widely, fuck ang awkward

"Stop smiling!" utos niya, aba masyadong bossy!

"And why would I do that Miss?"

"I hate your dimples" maikling sagot nito at ibinaling ko sa daan ang aking tingin, ayoko pang mamatay marami pakong pangarap no

"And I love them" rebat ko naman

"Can you just follow me Lopez"

"Kiss muna" pabirong sagot ko naman

"I'm not Angelie to deal with your flirty ass" sagot nya at nanahimik

"Okay then, hindi nalang tayo aalis. I wanted to smile at Prof Lacson" I unbotheredly said, naramdaman ko naman ang tingin nitong nakakamatay

Prof Lacson love's my dimples kaya sabi niya hawig na hawig sa dimple ni Prof Alvares. Well maybe because she's cousin of my mom, yeah right

Top compliment ng mga tao saakin ay ang dimples ko pati narin ang mata ko black na black kasi ito which is rare daw kasi kadalasan ay brown. Hindi ko rin alam kanino ko namana ang color ng mata ko dahil kahit isa sa parents ko ay walang black ang mata kasi brown ang mga ito. Another weird things about me isn't it. Onti nalang mag dududa na akong ampon ako buti nalang hawig ko si Ate kaya hindi parin sapat para mag duda.

Dumating kami sa bahay at feeling welcome yung kasama ko.

"You're so quiet Lopez" biglang sabi nito sa likod ko nauna na kasi ako pumasok gutom ako e. Mas uunahin ko ang gutom ko kesa makipagkapwa tao

"Ikaw rin naman Miss" sagot ko kasabay ng pag bukas ko ng fridge at nilabas ko ang cheese cake na binake ko kahapon.

"So you like reciprocating huh" she said and smirked at me na parang demonyo—pero muka siyang anghel na binaba ng langit "If I love you then I think you'll love me too" makabuluhang turan niya na siyang nagpagulat saakin. Mahihibang na siya. Doc yung pasyente nalipasan ng gamot

"Di mo sure" sagot ko kaya naman hinampas ako nito, sadista talaga

"The heck that kind of attitude Lopez" usal nito sabay irap saakin

Pag siya nang aasar ayos lang tapos pag ako napipikon masyado, amp. Unfair!

"You'll love me too, hmmm. Does it mean you already love me Miss?" inosenteng tanong ko pero gamit ang tono na nang-aasar. Now she's red as tomatoes. Kinikilig ba siya or namumula sa galit? or maybe pareho?

"Delusional, Lopez" simpleng sagot nito at sinubo ang cheese cake na nilagay ko sa plate, sana all kinakain. "It's just an example don't be too full of yourself" dagdag pa nito pero patuloy parin siya sa pag kain. Edi wag Miss hmppp, mahalaga masarap ako magluto!

"I'm a Lopez for a reason Miss. If I'll love or like you someday. I'm making sure that you'll be mine. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko" I confidently said while smirking, nakatingin naman ito saakin with her usual look–no emotions but I heard her chuckled.

What a lie

Lahat ng gusto ko nakukuha ko–a lie.

Material things yes but the things I really desire not at all.

"Spoiled" maikli nitong sagot kaya di nako sumagot biglang sumakit ulo ko e, sarap putulin—joke

After naming kumain ng cake ay niligpit ko na at hinugasan ang mga ito. Hindi lang halata na marunong ako sa gawaing bahay no.

As we settled onto the couch in the living room, she suddenly asked, "Do your friends still live here with you?" The question hung in the air, breaking the silence. I glanced around, realizing how quiet it was. If she hadn’t come over, I’d likely be drifting off in my room, lost in thought. Her question made the quiet feel less heavy, sparking a curiosity that lingered between us.

"Yes" maiksi kong sagot, tinatamad nakong mag salita

Nakita ko namang nakatitig ito saakin na para bang gusto niyang itanong kung bakit dito nakatira ang mga kaibigan ko. So kahit hindi niya pa itanong sinagot ko na

"Sanay akong kasama sila. Growing up with each other made me used to them" I answered that made her nood

Tumayo naman ako para umakyat sa kwarto ko

"Where are you going?"

"Upstairs, may kukunin lang po ako Miss. Masyado niyo naman akong namimiss hindi pa nga ako umaalis e" sagot ko, I'm really happy teasing her it's making me forget my problems.

"So delusional Lopez" sagot nito sabay irap, hobby niya yan nasanay nalang ang tao sa paligid niya na ganyan siya

Umakyat nako at pumasok sa kwarto ko at nag bihis ng pambahay after that kumuha lang ako ng unan at comforter doon nalang ako matutulog sa living room. Mamaya pa naman darating ang tatlong yon e

Agad naman akong bumaba baka mamiss ako ng misis ko–joke ni Miss Presley pala.

"What's that Lopez?" tanong nito, umalis lang ako natanga na si Miss. Hindi niya ba nakikita na unan at comforter to

"Unan at comforter Miss"

"I know dimwit! I mean this isn't your room" sagot nito na pasigaw

"Dito ko matutulog Miss. Gusto mo tumabi ka sakin" I said habang inaayos ang hihigaan ko sa lapag ako matutulog, ginawa kong sapin yung comforter inusog ko yung table sa living room para mas malawak ang space namin ng misis ko–kidding.

Pagkatapos ko namang ayusin ay agad akong nahiga.

"Tara na Miss higa kana rin"

"I'm your professor Lopez! I shouldn't seen with my student sleeping" sagot nito saakin, bahala siya diyan. Talk to my lawyer nalang siya.

Nanahimik naman siya ganon rin ako. Ayaw niya daw matulog eh so ako nalang matutulog mag isa kaya ko naman

___

I woke up dahil sa rinig kong bulong bulungan este usapan

"Andaming pag kain"

"Sino nag luto niyan? Tulog si Ulan"

"Hala what if......."

"GAGOOO TAKBO MAY MULTO!!!"

Mga baliw.

"Ang ingay niyo!" bulyaw ko sa mga to agad naman silang napahinto sa pag takbo, parang mga baliw naman to

"Hala, gising na siya" Amrielle

"Doc gising na po siya" Jenaiah

"Ano ba?! Mga baliw! Anong doc pinagsasabi niyo? The heck dumating lang kayo umingay nanaman ang paligid ko!" inis kong sabi, nakakainis talaga istorbo sa tulog e.

Tumawa naman ang tatlo pero agad ding nanlaki ang mata ng makita ang taong lumabas sa restroom, nandito pa pala siya kala ko umalis na siya kanina nung tinulugan ko siya.

"Totoo ba tong nakikita ko? Am I dreaming? or I'm being crazy?" bulong ni Rayla na ngayon ay katabi ni Amrielle

___

"Gago so kanina pa yan dito si Miss at tinulugan mo talaga?" Amrielle

"Oo, sige na baka nag hihintay na sakin yon sa living room. You know how short tempered she is" I said bago sinundan ang Propesora na ngayon ay nasa living room. Kakatapos lang naming kumain at siya lang pala ang nag luto na inakala ng kaibigan kong may multo, crazy.

"Tsk. You're so slow" bungad nito ng makalapit ako sakanya. Ihahatid ko siya sa bahay niya. Which is di ko alam kung saan

"Talk to my friends about that" sagot ko ay naglakad na palabas. Bahala siya diyan, she has her own feet.

Agad naman akong pumasok sa kotse ko at hinintay si Miss Presley, siya nga rin mabagal pero sinabe ko ba? diba hindi.

"What's the address Miss?" tanong ko dito. Malamang itatanong ko talaga kasi di ko naman alam saan siya nakatira.

"Polaris" ohhh Polaris the one that lolo owns that he gifted me at my 18th birthday, so basically it's mine not to brag.

.......

"Thank you" she said at lumabas na agad ng kotse. The heck?

Thank you?

Gosh why do I expect so much from her.

I shouldn't feel like that, no.

Rhainne Jhammira Alethea you should never.

Share This Chapter