Meet Paul my dearest brother and Savannah his wife,
My dearest brother and his wife
Brother and his wife
Shit! Double shit!
Kung bomba siguro ang inihagis ni Jhossa sa kanya malamang ay nakayanan pa ni Kyshaun ang impact ng pagsabog nito.
But this? This declaration rendered him immobile and shock, his ears become deaf in other sounds and noise.
Ang tanging bagay na paulit-ulit na bumabalik at nagpapabingi sa kanya ay ang mga salitang binitiwan ni Jhossa .
He is Paul my dearest brother and Savannah his wife.
Fucking hell! Si Paul, ang lalaking pinagseselosan niya mula pa noon ay kapatid ni Jhossa?
But how the hell did it happen? Ang pagkakaalam niya ay nag-iisang anak lang si Jhossa ng mag asawang Perkins.
But if it's true, if Paul is really her brother, then he is really doomed!
He collect his wits, at tumingin sa direksyon ni Paul at Savannah na pareho ding nakatingin sa kanya. Savannah is holding Paul na hawak-hawak pa rin ang pangang nasaktan.
" I-i is it true? K-kapatid mo ba talaga si Jhossa?" Halos hindi niya mabanggit ng malakas ang salitang kapatid.
Saglit muna siyang tinitigan ni Paul, bago ito naglakad papunta sa isang parang vault na nakalagay sa gilid na bahagi ng silid. May kinuha itong isang kuwadro doon, must be a family picture at ilang dokumento, pagkatapos ay humakbang pabalik si Paul at inilapag sa lamesa ang mga hawak-hawak.
" I was sixteen years old ng dumating si Jhossa sa buhay naming mag-anak. Mom is about to give birth at that time, ang tagal tagal nilang naghintay ni daddy na masundan ako, at nakadoble pa sa saya nila na ang ipinagbubuntis ni mommy ay babae." Paul paused at tila inaalala ang nakaraan. Kyshaun just sit there and listen, nakasalalay sa pakikinig niya ang kaligayahan niya na nagbabadyang mawala dahil sa kagaguhan niya.
" Mom was very cautious during her pregnancy, she was a very obedient preggy mother, walang ginagawa para abusuhin ang katawan so she can deliver my baby sister safe and sound, everyone is so excited for her arrival but something happened. May babaeng tumawag sa bahay at hinahanap ang daddy, nanghihingi ng suporta saying that he is the father of that woman's child and what do you expect would be the reaction of my mom?" Napailing si Paul at napahugot ng malalim na hininga.
" When dad and I went home, nakita namin si mommy na dinudugo na, we didn't know how long she was in that condition but she was hysterical, and she was blaming dad for everything, saying that it was his fault kasi may ibang babae palang naanakan ang tatay ko, after that mom passed out and was comatose for a month or so and because of loss of blood and her water broke already she undergo cesarian section, but the baby didn't survive, patay na siya ng isilang."
" Hindi namin alam ang gagawin namin, dad and I were very frantic, we knew that if mom wake up, hahanapin niya ang baby and we were pretty sure she will at lalo siyang made depressed kapag nalaman niyang patay na ang batang isinilang niya and considering the fact that she is angry with my father dahil sa nalaman niya tungkol sa ibang anak nito, baka hindi na niya tuluyang mapatawad ang daddy. And I don't want that to happen. Kahit na galit ako kay daddy dahil sa mga nalaman ko still ayokong masira ng tuluyan ang pamilya namin.I wanted us to be intact and I guess kinakampihan talaga kami ng pagkakataon dahil inalok sa amin ni Mirla, that's the name of the woman na naanakan ni daddy, yung anak nila sa halagang kalahating milyon. And she promised us na hindi na siya maghahabol pa at na igigive up na niya ang lahat ng karapatan niya sa bata at na puwede naming ilagay sa birth certificate na ang mommy ang legal na nanay ng bata."
" And Jhossa during the time was only a days old. Gusto ko siyang kamuhian katulad ng pagkamuhi ko sa nanay niya, but how can I do that? The first time that I saw her she really captures my heart. She is so adorable and so beautiful and so innocent so paano ko magagawang magalit sa kanya. And I don't have the heart to get angry lalo pa at alam kong sa pagdating niya sa buhay namin, mabubuo niya ulit kami. And we were so right, dahil nung nagising si mommy at iniharap namin si Jhossa as her newborn child, we saw how happy she was at hindi na niya nakuha pang sumbatan ang daddy tungkol sa anak nito sa ibang babae, and true to her words wala na kaming narinig pa mula kay Mirla simula noon." Paul paused at tumingin sa naguguluhang anyo ni Kyshaun.
" Pero paanong hindi ko nalaman na may kapatid si Jhossa? I didn't even see you around at wala rin naman siyang sinabi sa akin," naguguluhang tanong ni Kyshaun.
" Hindi ako nagalit kay Jhossa but I am an hypocrite kung sasabihin kong hindi ako nagalit sa ama ko. At sa sobrang galit ko kay daddy natakot ako na baka masabi ko ang sikreto tungkol sa pagkatao ni Jhossa kay mommy and I might ruin their happiness, that's why I requested to study and live in abroad, kahit si Jhossa ay hindi ako kilala maliban na lang sa mga kuwento ng mommy at daddy at saka umuuwi ako tuwing bakasyon sa eskwela , hindi pa kayo ni Jhossa noon."
" But why not tell me na mayroon pala siyang kapatid?"
" Matagal ka ng gusto ng kapatid ko, maybe she was too overwhelmed na naging kayo, and you are too possesive Kyshaun, halos lahat ng lalaki ay pinagseselosan mo kahit nga lang magbanggit si Jhossa ng pangalan ng ibang lalaki ay issue na sa iyo, paano pa kaya kung sabihin niya ang pangalan ko, would you believe her if she tells you that she has a strange brother, na minsan lang din naman niya makasama at makita?" Paul shook his head ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha niya.
" Mahal na mahal ka ni Jhossa, hindi pa kayo ikaw na ang lalaking pinangarap niya at pinangakuan na mamahalin habang buhay so imagine what happened after that scandal. Ang akala mo ay niloko ka ng kapatid ko, you even accused her of sleeping with other man, ni hindi mo siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, I was there nakita ko kung paano nagmakaawa sa iyo ang kapatid ko para lang pakinggan mo, but you never listened. Imagine my anger ng tratuhin mo siyang parang basahan at ipahiya sa harapan ng taong siyang tunay na nanloko sa iyo."
" W-what do y-you mean?"
" Crizel drugged Jhossa dahil gusto niyang palabasin na nakikipag kita sa ibang lalaki ang kapatid ko sa tuwing hindi kayo magkasama."
Naikuyom ni Kyshaun ang kamay, so everything was a fake then. At ang babaeng iyon ang dahilan ng lahat.
" Binuhat ko si Jhossa palabas ng kuwarto ng hotel at doon nga kami nakuhanan ng litrato, but if you look closely at the photo, you will see that Jhossa is really knocked out, at na papalabas na kami ng hotel room at hindi papasok tulad ng sinabi ni Crizel."
" And to top it all that, ni hindi mo siya nakuhang damayan noong nawala ang daddy at mommy, alam kong nabubulagan ka ng galit noon, but can't you even set aside that even for a second and let her mourn instead of giving her too much pain lalo na ng pinalayas siya ng bangkong pag-aari niyo dahil kasama sa mga na foreclose na ari-arian ng pamilya ko ang bahay na tinutuluyan niya?"
Tila nawalan ng lakas na napasandal sa upuan si Kyshaun. Ang sobrang galit na nararamdaman niya kanina ay naglahong parang bula, napalitan iyon ng takot at kaba.
" Hindi ko na sana gusto pang sabihin sa iyo ang totoo because I made a promise to Jhossa na hindi makikialam sa inyo, but dude hindi ko na kinakaya ang ginagawa mo sa kapatid ko. I know na kayo ang magkasama noong panahong nawala siya and I really thought na okay na ang lahat, but in just a snap of your unwanted jealousy nasaktan mo na naman ang kapatid ko and that is unforgivable. Pero hindi ko pakikialaman ang desisyon na iyan ng kapatid ko. Kung patatawarin ka niya it's up to her, pero kung hindi naman then I guess you deserve it," Paul said at inakay na nito ang asawa palabas ng opisina, leaving Kyshaun speechless and dumbfounded.
Jhossa stared at the big screen in front of her blankly, natapos at muling nag umpisa ang ipinapalabas pero kahit isang sequence ng pelikulang pinanonood niya ay hindi niya naiintindihan.
May ibang bagay ang pilit na umookupa sa isip niya at kahit na anong pagpag niya dito paalis ay hindi niya ito maipagpag.
Her mind is too full at may pakiramdam siya na hindi na niya kayang intindihin ang mga susunod na mangyayari and while she can still think clearly, kinakailangan na muna niyang mapag isa upang madesisyunan ang mga bagay na kailangan niyang gawin.
She was thinking of what to do nang biglang umilaw ang screen ng cellphone niya, and Kyshaun name flash on it.
He was calling...
Pero bakit? Dahil ba may nalaman ito at na gusto na nito ng kasagutan ngayon?
Mabilis niyang kinancel ang tawag nito, sa estado niya ngayon, the least she wanted is to talk to him. Ayaw na niyang marinig ang boses nito.
She was too tired of him.
Palagi na lang ganoon.
He would come to her at his convenience, but once na hindi nito nagustuhan ang isang bagay, all hell would lose at her expenses.
Tama ba iyon?
Ano dakila na siya ngayon at wala ng karapatang masaktan?
But come to think off it!
She doesn't feel too much pain now, unlike before na halos ikamatay at ikadurog niya ng pagsalitaan siya ni Kyshaun ng mga masasakit na salita.
Wala siyang ibang maramdaman kundi galit.
At pinamamanhid ng galit na iyon ang puso niya.
Galit para kay Kyshaun, sa lalaking minahal niya at minamahal pero walang ibang idinulot sa kanya kundi puro sakit at kabiguan.
Akala pa naman niya, makakapag-umpisa na silang dalawa. Iyong tipong wala nang mangyayari pang ganito, na hindi na siya makakarinig pa ng kahit na anong insulto mula dito lalo pa at napatunayan naman niya ang pagiging malinis niya dito , but she guess she was wrong.
Because Kyshaun let her down once again at hindi na niya kaya pang unawain ang bagay na iyon.
Kaya napagdesisyunan na lang niyang lumayo.
Away from this mess. And away from him..
" I need to go to my friends," bulong niya at saka nagmamadaling tumayo at naglakad palabas ng sinehan.
Her mind was set into a very particular deed.
At iyon ay ang umalis na at magpakalayo-layo.
At kalimutan ang taong siyang dahilan ng mga pagdurusa niya ngayon.
Tama na! Enough is enough!
I already gave him his chance, but he just throw it away.
Now ang puso ko naman ang pagbibigyan ko.
Pagpapahingahin ko na muna siya sa mga sakit na naramdaman niya.
I guess it's time to bury those burden and leave them all behind.
Tama na ang sobrang pagpapakatanga kay Kyshaun.
They are done. Through. Tapos!
And it's final!
Goodbye Kyshaun!
" Enjoying the view?" Jhossa asked in a very familiar voice na agad na ikinalingon sa kanya ng kaibigang si Shey.
Napamulagat ito ng makita siya, well medyo matagal na kasing hindi siya nagpaparamdam sa mga ito simula ng huli silang nagkita noong kasal nang babaeng ito.
" Punyeta, babe! Saan ka ba nanggaling
na babae ka huh? Bakit ang tagal mong nawala at bakit hindi mo man lang kami binabalitaan? Don't you know how worried we are, because stupid you ni hindi ka man lang nagpaalam na mawawala ka sa sirkulasyon. I was expecting na after mong magretire sa magiging model mo eh mas madadagdagan ang oras mo sa amin pero hindi, you were always out of sight. Mas malala keysa noong nag shoshow ka pa sa ibang bansa." Dumiretso si Shey sa kinatatayuan niya at niyakap siya. Hindi alintana ang laki ng tiyan nito upang yakapin siya ng mahigpit, wanting to be sure na nakatayo nga talaga siya sa harapan nito.
Umangal si Jhossa dahil sa higpit ng yakap ng kaibigan. " Grabe ka naman, Shey. Parang anim na buwan lang naman tayong hindi nagkita- kita ah. Dati nga halos dalawang taon tayong hindi nagkikita-kita eh."
" Gaga, iba yun! Dati kapag missing in action ka nakakausap ka pa namin sa telepono at nakikita sa Skype, pero ngayon you literally left us without any information at all regarding sa kung nasaan ka. "
Jhossa smiled. " Actually magpapaalam sana ako,"
" Ano? Gagang to! Kadarating mo lang magpapaalam ka na naman. Anong kagagahan na naman ang naiisip mo?" Hindi nito napigilan ang pagtaaas siya ng boses, naloloka na marahil sa drama niya sa buhay.
Nilampasan ni Jhossa ang kaibigan at tinungo ang veranda nito na overlooking sa buong village na tinitirhan ng mag asawa at blanko ang mga mata na nakipagtitigan doon.
Hinayaan muna siya ng kaibigan sa pananahimik niya kahit naman alam niyang kating-kati na ang lalamunan nitong sermunan muli nito.
God knows Jhossa had it all, pero she was still a void. Kung gaano siya ka successful sa professional career niya ay siyang tindi naman ng burden na dinadala niya sa personal niyang buhay.
" I am leaving, Shey. For good! Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita-kita or kung makikita pa ba natin ng isa't-isa. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. I lost my identity and I am broken, too broken that I don't even know kung mabubuo pa ulit ako. Sobra na akong nasasaktan and I reach now that level na hindi na kayang tumanggap ng anumang sakit. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang manatiling manhid. And the irony of it, sa mga taong mahal ko pa ako nakakatanggap ng mga pasakit." She blew a loud breathe.
"Sometimes I want to cry, pero dahil parang nasanay na ako na tumanggap ng sakit hindi ko na magawa, kahit pekein ang iyak hindi na gumagana. Nakaraming turok na yata sa akin ng anaesthesia. How I wish katulad ninyo ako, masaya , kuntento at higit sa lahat minamahal."
Shey stared at her friend. Hindi ito umiiyak, in fact she has this blank expression on her face, pero ramdam niya ang sakit ng bawat salitang binibitawan nito.
Long gone was her friend na masayahin at puro positibo ang nasa utak, ang kaharap niya ngayon ay isang taong basag at tila bumigay na sa laban.
Lumapit siya dito at hinawakan ito sa kamay.
" Many times I told you na bumitiw na Jho lalo pa at alam naman natin na wala ng mangyayari, Kyshaun has a heart that was hard as the hardest stone. Hindi mo kailangan itama ang sarili mo sa kanya because we both know that you did nothing wrong. If he loves you like you used to tell us, kahit anong mangyari he will stand by you and wouldn't let you sail that boat alone. And as to your true mother ako na muna ang bahala sa kanya. pagtutulungan namin siya ng girls. And if you want to find yourself and fix those broken things I suggest that you should forget about them first. Kaya sige, kung ang paglayo mo ang sa palagay mo ay makakatulong sa iyo, then I am giving you my blessings, and I am sure that the girls will give theirs too. " She said hugging her at the same time.
And for the first time since the last time that she saw her poured her heart out. Jhossa manage to give her a smile. Ngiti ng pasasalamat.
" Sa pupuntahan mo, siguraduhin mong kakalimutan mo na si Kyshaun ah. Permanently."
Tumango si Jhossa. " Even if it's painful and next to impossible, I will."
" Saan ka nga pala pupunta?" tanong niya, kahit naman pumayag siya gusto niya pa ring malaman kung saan ito magpupunta.
" Hindi ko alam. Secret. Baka sabihin mo pa sa asawa mo."
Sa pagbanggit nito sa salitang asawa ay naalala na naman niya ang asawa na iniwan siya.
" Speaking of that moron, bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako noon tinatawagan. What seems to be the problem at SL na hindi man lang niya magawang makapag report?" Gigil na tiningnan ni Shey ang cellphone pero kumunot lang ang noo nito ng wala man lang naka register doon na text or even miss call.
" Don't worry about anything. Shey. Hindi naman siguro pababayaan ni Kaizer ang business niyo. Remember babe, you have to trust him more than you trust anybody okay. L" Jhossa kissed her on her cheeks at nagpakawala ng mabining ngiti. " I have to go, there's a storm brewing. I have to catch my flight."
" Huh? Ngayon ka na aalis? Pero Jho-"
" Ikaw na ang bahalang magpaalam sa girls for me. " Naglalakad na siya palabas ng bahay nito. Wala nang nagawa pa si Shey kundi ang ihatid na lang siya hanggang sa may pintuan." See you when I see you and always remember that I love you. Kayo na lang ang dahilan kung bakit ako lumalaban." She said and flash her a beautiful smile that makes Shey's heart pound.
Ewan ba niya kung ano ang ibig sabihin ng kabang biglang naramdaman. Tumingin siya sa kaibigan na pasakay na sa kotse nito.
" Jhossa Joud!" Malakas niyang tawag pero sinaluduhan lang siya nito at agad ng sumakay sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito palabas ng kanyang solar, kasabay naman noon ay ang pagdating nang sasakyan ng asawa kasunod ang kotse ni Kyshaun.
" Is that Jhossa?" Agad na tanong ni Kaizer pagkababa nito ng sasakyan.
Tinaasan niya ng kilay ang asawa. " Eh ano naman kung si Jhossa yun? Why the sudden interest?" Aniya at nagpasimangot pa siya ng makita na bumaba rin si Kyshaun sa kotse nito. " What are you doing here, Lewis?" Pinameywangan niya ang binata.
" Tell me , Shey. Saan pupunta si Jhossa?" Kyshaun asked, his expression dark and depressed, desperately seeking for an answer.
Umismid lang siya. " Wala akong pakialam sa iyo, Lewis ha. And don't use that tone on me, nasa bahay kita. Baka hindi kita matantiya ngayon , lalo pa at ikaw ang dahilan kung bakit hindi na magpapakita sa amin ang kaibigan namin."
" What? What the hell are you talking about?"
" Letse ka! Don't play dumb asshole, kasalanan mo ang lahat, and I don't really care kung hindi na magpakita pa sa iyo si Jhossa. Serves you right and screw you! " Her eyes darted him a stone look bago nagmartsa papasok. Binalingan niya si Kaizer na amused na nakatingin sa kanila. " At ikaw, panget, pumasok ka na sa loob. Don't try helping that asshole friend of yours, kung ayaw mong tayong dalawa ang magkaroon ng problema, understood." Bago tuluyang pumasok ay inismiran muna niya si Kyshaun at saka bubulong- bulong pa na tuluyan ng tumalikod.
Narinig pa niya ang malakas na tawa ng asawa habang sinesermunan ang kaibigan.
She thought of Jhossa.
Yes indeed. The storm is brewing.
And it hits Kyshaun Drake Lewis full on his face.
Serves him right!
A/N
Sometimes we have to free ourselves from all those pains that we are experiencing, but it doesn't mean we already gave up.
Remember
Love knows no boundary and it has no limitations, but love do not foresake the fragility of itself, it is not love if you dont get to love yourself first.
Sinnersaintbitch