Chapter 6
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
DEVILISHLY MAY's P.O.V
Lumipas ang mga araw at ngayon ang ika-dalawang linggo ko dito sa HA.
Sa ngayon ay nandito ako sa loob ng section dangerous room, 8:45am na ngunit wala pa rin sila.
Naisipan kung lumabas ng room upang sila ay hanapin. Habang nag lalakad ako ay nagtataka kung bakit walang mga studyanteng pagala-gala. Wala ding kahit isang istudyante sa loob ng mga buildings.
Malapit na ako sa hallway ng mga locker nang makita ko ang mga istudyanteng papabalik na sa kani-kanilang room.
"Hi ate, saan kayo galing?" tanong ko sa isang babae.
"Sa Battle arena. Teka! diba ikaw yung bagong teacher ng section Z?" tukoy niya sa Dangerous section.
Tumango naman kaagad ako sa kaniya bilang sagot. "So nakita mo ba kung nasan sila?" tanong ko.
"Ang alam ko nasa clinic sila ngayon." sagot niya na ikinakunot ng aking noo.
Ano naman ang ginagawa ng mga iyon sa clinic?
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Naglaban kasi yung Dangerous section at Vigor section kanina." sagot niya at muling nagsalita. "Sige po, mauna na ako may klase pa kasi kami e." paalam niya.
Tumango naman ako saka ngumiti, gumanti rin ito ng ngiti sa'kin bago siya naglakad palayo.
Kaagad naman akong tumakbo papunta sa clinic. Dalawa ang clinic dito sa HA, isa sa mga kalalakihan at Isa naman para sa mga kababaehan.
Nang nasa tapat na ako ng clinic ay agad kung hinawakan ang door knob saka iyon tinulak papasok upang bumukas ang pinto saka ako pumasok.
Nang makapasok na ako ay napatingin silang lahat sakin.
Napataas naman ang isang kilay ko nang makita kung lahat sila ay may mga pasa, yung iba ay konting sugat sa gilid ng kanilang labi.
"Anyari sa inyo?" tanong ko, kahit nalaman kona na nakipaglaban sila.
"Wala."
"Nakipag-away?"
"Nag bugbugan?"
"Rambulan sa kanto?"
Kanto-ng pinagsasabi nito?
"Naki-pag asaran?"
Patanong na sagot nilang lahat kaya ko sila tinarayan sabay lapit sa kanila.
"Wala bang nurse dito?" tanong ko, dahil sila lamang yung gumagamot sa mga pasa at sugat nila.
"Wala." simpleng sagot ni Uno.
Takte?! dalawa yung clinic, tapos walang nurse? Haup!
Kakaiba rin pala si tita Cristena. May pinagawa na dalawang clinic, tapos kahit isang nurse wala!
"Bat walang nurse?" tanong ko pa.
"Kasi kung gusto mo pang gumaling o mabuhay, ikaw na mismo ang gagamot sa sarili mo." seryusong wika ni Aron.
Marami pa pala akong di alam sa paaralang ito, na kailangan kung malaman.
"Eh! ikaw Bata, bat ka nandito?" tanong ni tandang Calyx.
"Malamang pinuntahan kayo!" sagot ko saka nag cross arm.
"Tulungan na kita." mahinang wika ko kay HARING TANDA/KING ZEUS saka ako lumapit sa kanya.
"Tsk! I don't need your help, Bata!" pa asik na wika niya sakin.
*Pok*
Nakiki-bata rin eh!
"F*CK!" malutong na mura niya, matapos ko siyang batukan.
"Ang dami mong arte, HARING TANDA! Eh tutulungan na nga kita." masungit na wika ko habang yung mga ALAGAD niyang MATATANDA ay nagpipigil na ng tawa.
"tsk!"
***
"Oh ayan na, tapos na!" nangigigil kong sambit saka binalibag sa mukha niya yung ice bag at kaagad na tumakbo palabas ng clinic.
"F*CK! D*MN YOU, LITTLE. COME BACK HERE!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya.
Huminto naman ako saka bumaling sa kaniyang kinaroroonan.
"TANDA!" I mouthed then I smirk at him.
"BUBWIT BUMALIK KA!"
"DI AKO BUBWIT TAENA NITO!"
Kala mo naman kung sinong matangkad, eh! ââ_________ââ
***
"Kamusta yung bukol mo?" nakangising tanong ko kay HARING TANDA.
"Tsk." asik niya saka niya ako inirapan.
Masa loob pala kami ngayon ng room.
4:20pm na pero di parin kami makauwi dahil ang lakas ng ulan.
Bumalik ako sa aking table saka kinuha yung phone ko sa bag at tinawagan si twin bro.
"Hey bro, where are you now? Kanina pa ako nag hihintay dito sa room ng section Z." gigil na wika ko nang sinagot niya yung tawag ko.
"(I'm so sorry twin sis. Di kita masusundo dahil may p*tang*nang sumira ng kotse ko.)"
"THE HELL?!" inis na sigaw ko saka ko siya binabaan.
"May problema ka ba, babyteacher?" taas kilay na tanong ni Aron.
Umiling naman ako at pilit na ngumiti sa kanila.
***
Sa ngayon ay nasa parking lot na ako sa Academya dahil medyo tumigil na yung ulan. Napanguso na lang ako ng umulan ulit ng malakas.
"Ang malas ko." nakangusong wika ko sa aking sarili saka pumadyak padyak pa.
5:30 pm na pero di pa rin tumigil yung lintik na ulan! Ano dito na lang ako matutulog?!
Medyo dumidilim na ang paligid at parang ako na lamang tao natitira rito marahil kanina pa umuwi yung mga istudyanteng may di-kotseng sasakyan.
Habang ako ay tumatagal dito sa parking lot ay nilamig na ako dahil sa malamig na ihip ng hangin.
Napasadal na lamang ako sa pader, pinag-mamasdan itong parking lot ay may nakita akong isang magarang kotse na natira sa madilim na parte.
Hmmm.... what if makikisabay na lang sa nag mamay-ari niyan? Tanong ko sa aking isipan saka ngumiti at nag lakad papalapit sa kotse.
Ilang minuto ang lumipas at nakasandal lang ako sa kotse, naghihintay sa taong nagmamay-ari ng kotseng mamahalin.
Napangiti naman ako nang may nakita akong isang bulto ng tao papunta sa gawi ko.
Madilim na kasi kaya hindi ko maaninag yung mukha niya.
"What are you doing here, bubwit?"
So kay Haring tanda pala itong kotse na ito!
"Auhhmmmm...... pwede pa favor?" pilit ngiting tanong ko dahil may kasalanan pa ako sa kaniya kanina.
"What is it?" kalmado ang boses na tanong niya.
"A-ahh... eh, p-pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" nag aalangan na tanong ko.
"Please?" mahinang wika ko nang makita kung nag iisip pa ito.
Ang seryuso nitong mukha ay napalitan ng mapag-larong mukha. "In one condition." nakangising wika niya kaya napalunok ako ng laway.
"A-Ano yon?" tanong ko naman.
"Mamaya ko na sasabihin."
"Okay." kibit balikat kong sambit.
"Hmmm.... get in." wika niya kaya napangiti ako.
"Thank you." pagpasasalamat ko sa kaniya.
Tumango sya at pumasok na sa kotse niya kaya ganon din ang ginawa ko.
***
"We're here." simpleng wika niya.
Agad ko namang binaklas yung seat belt saka napatingin ako sa pinto ng kotse ng bumukas iyon bigla.
Si Zeus/Haring tanda lang pala.
Tumigil na ang ulan kaya hindi na ako mababasa paglumabas ako.
"Sige mauna na ako, thank you ulit." ngiting wika ko.
Akmang tatalikod na ako ng hinawakan niya ang braso ko.
"Auhhmmmm..... may kai------------ *tsup* ---Hmmmppp!"
Napatulala ako dahil sa kaniyang ginawa.
HE KISSED ME. ZEUS KISSED ME!
WHAT THE F?!
"Good night and sweet dreams my beloved baby teacher." nakangising wika niya sabay kindat saka ito sumakay sa kotse. "Pasok na." nginuso niya pa gate ng aming bahay bago nagmaneho papalayo.
*tug*
*dug*
*tug*
*dug*
SH*T LANG!
..
Votes and comments are highly appreciated!ð
Follow me on my social media accounts;
Fb: Maystearypiece Wp
Gp: Maystearypiece Story Updates
Pg: Maystearypiece Stories