Back
/ 44
Chapter 7

CHAPTER 6

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 6: "PERFECT"

FRANCE LOPEZ

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ni maam ivy sa loob ng classroom nya, hinihintay ko lang ang sasabihin nya pati narin ang score ko.

Tinignan ako ni maam ivy at ngumiti sya kaya ngumiti rin ako pabalik, "Good ms. Lopez!" Masayang sambit ni maam ivy. "Ano pong score ko maam?" Kabado kong tanong.

"Alam mo pina-quiz koto sa lahat ng naging estudyante dito sa university nato.. Pero ikaw at si mr. Cassiano lang ang naka PERFECT" Nakangiting sabi ni maam ivy.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni maam ivy, shems! Perfect! Pero wait! Baka apileydo ni unggoy ay cassiano?

Dali-dali naakong pumunta sa cafeteria para sabihin kila Devi ang score ko. Umupo naako sa tabi ni Fae at uminom muna ng zesto, huminga ako ng malalim at nag labas ng malaking ngiti.

"Mga peks! Perfect ako" Masayang sabi ko. Kumunot ang mga noo nila at napatigil sa pag kain.

"Woah? Seryoso ka France?" Patanong na sabi ni Alier.

"Yup" Sagot ko sabay ngiti.

Natigil kami sa pagkain dahil napukaw ng atensyon ng lahat ang mga lalaking papasok dito sa cafeteria. Bloody Dragons, nangu-nguna si Demon at nasa kaliwa nya si Chloe, nasa likod naman nila ang mga lalaking naka maskara.

Lahat ng naka-upo sa gitna ay mabilis nang nawala, agad nang naupo ang Bloody Dragons sa mahabang lamesa sa gitna.

Nakatingin saakin si Demon kaya umiwas ako ng tingin, na-akwardan naako kaya dali-dali akong lumabas at nag tungo nalang sa duyan.

Nakita ko si unggoy na naka-upo sa kaliwang duyan, naka-isip ako ng kalokohan... Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang balikat nya "Unggoy" Wika ko.

Napatayo sya sa gulat, ako naman ay humalak-lak ng malakas, kita kong namula si unggoy. Naupo ako sa kanang duyan at naupo narin si unggoy sa kaliwang duyan, alam kong nagulat sya pero bakit walang ekspresyon yung mukha nya? Tsk!

"Thank you" Masayang sambit ko habang nakangiti. "Basic" Mahina nyang sagot.

Tumayo sya at akmang aalis na pero "Teka! Ano bang pangalan mo?" Kunot noong tanong ko. Hindi sya lumingon, pero napatigil sya.

"Bukas malalaman mo" Malamig na sabi nya sabay lakad na papalayo.

Haysss! Ang dami nyang dama! Pumikit nalang ako at itinulak ang sarili ko dito sa duyan, napaka hangin pero di masyadong maaraw dahil natatakpan ng mga matataas na puno.

DEVINA KELT

Kanina paako tinatarayan netong si Chloe, pag ako nainis tatayo naako at sasampalin ko na sya! Piste! Kala nya maganda sya-- well okay sige! Maganda sya pero mukha syang dilid sa sobrang payat. Er

Di ako nag papatalo, tinatarayan ko din sya, "Hoy? Baka ma dukleng ka" Biro ni Gab. Tinaasan ko sya nang kilay

"Mag tigil ka, piste" Giit ko, tumawa nalang sya.

Grezz. Bakit ba gustong-gusto ng lalaking toh na inaasar ako? Piste! Nanliligaw sya pero ganyan sya.

Tahimik lang kaming nakain, si France diko alam kung saan ng lupalop ng mundo nag punta. Sabay-sabay kaming napa lingon sa babaeng nag kalampag ng lamesa sa likod.

"Bukas! Bukas na ang balik nya!" Sigaw ng isang babae. Lahat sila ay nag bulungan at hindi namin maintindihan, sumulyap ako kay Gab dahil alam kong may alam sya.

Nakita ko syang blangko ang mukha, bumalik ang atensyon ko sa babaeng sumisigaw sa likod dahil may sinasabi pa sya "Dadanak nanaman ang napakaraming dugo! Maghanda nakayo!" Sigaw nya.

Huh? Diko sya maintindihan, sino yung babalik? Bakit dadanak ang dugo? Anmeron?

Bumilog ang mga mata at labi naming lahat ng bigla nalang may tumusok na balisong sa noo ng babae, napa tayo kami nila Fae at napaatras.

"What the.." Bulong ko, napatingin kami sa gawi nila Demon. F*ck! Sya yung bumato ng balisong.

"Napaka-ingay!" Sigaw ni Demon, halata sa mga mata nya ang galit kaya napakunot kami ng noo ni Fae.

Ngumisi naman si Chloe pati narin yung mga lalaki nilang kasama, ket na kalahati lang ng mukha nila ang kita ay tanaw parin ang mga labi nila.

Kumabog ng napaka lakas ang dibdib ko ng mag tama kami ng paningin ni Demon, he smirk at me. F*ck! Ano batong lalaking toh?! Gusto ko syang sapakin ulet.

Hinila na kami ni Alier and Gab palabas ng Cafeteria, ang ibang estudyante ay nag labasan din at tumakbo. "G*go talaga yang si Demon" Mahinang sambit ni Gab

"Nakakatakot sya." Wika ko.

-

FRANCE LOPEZ

Mag-gagabi na kaya nag lakad naako papunta ng dorm, kanina ay ang daming nag tatakbuhan at may mga sumusuka pa. Ano nanamang nangyari?

Papasok na sana ako ng dorm pero bigla nalang may kamay na humarang sa daraanan ko, agad ako napatingin sa kaliwa at naka ramdama ko ng takot ng makita ko si...

"D-demon?" Kabado kong sambit. "France.. I'm sorry" Wika nya, "Alam kong mali ako.. Hayaan mo sanang bumawi ako, patawad" Dagdag nya pa.

Ewan! Sa itsura nyang badboy ay hindi sya nakakaawa pero pag tinitigan mo sya sa mata nya ay napaka kalmado at parang may nakatagong anghel.

"Tinatanggap ko ang sorry mo" Sambit ko. "Salamat.. Promise babawi ako" Sagot nya sabay ngiti.

"Y-yung kamay mo.. Aakyat naako" Sambit ko. Agad naman nyang tinanggal ang kamay nya kaya umakyat naako.

Dinaako sumulyap sakanya, nag patuloy nalang ako sa pag akyat ng nakatingin sa lapag. Napahawak ako saaking noo dahil nauntog ako, alam kong tao ito.

Agad ko syang tinignan at napatigil ako "Mag ingat ka, maraming manlooloko dito" Malamig nyang sambit sabay takbo na pababa.

Parang napako naman ang mga paa ko dahip sa sinabi nya, huh? Manloloko? Tsk.

Pagka pasok ko sa kwarto ay agad akong niyakap ni Fae habang umiiyak, si Alier and Gab naman ay naka upo lang sa sofa, Habang si Devi ay nasa dining area naka upo.

"Saan ka galing? Gabi na ah" Sabi ni Devi sabay inom ng tubig. "Anong nangyari?" Tanong ko habang sinasara ang pinto.

"M.. May n-namatay nanaman" Maluha-luhang sabi ni Fae.

Ano? May namatay nanaman? Ano batong school nato?! Konti nalang talaga maloloka naako.

"Wag kanag lalayo saamin France. Natatakot naako" Sambit ni Devi

Agad ko namang niyakap si Devi at Fae para pakalmahin, si Gab naman ay lumabas ulit. Sanay na kami kay Gab na lagi nalang nawawala, si Alier naman ay sinamahan na si Fae sa kwarto.

Hayss! Makakatagal pa kaya kami dito? Syempre oo ang dami pang months ang natitira samain.. I mean kaylan pakami mananatiling buhay?

Ang sakit sa ulo ng school nato!

Share This Chapter