Back
/ 44
Chapter 5

CHAPTER 4

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 4: "SIKRETONG LAGUSAN"

FAE KATSUMI

Pabalik na kami ni Alier sa clinic dala ang mga pagkain. Ang dami nanamang nag tatagbuhan sa gawing kaliwa, sa sobrang chismosa ko ay sinundan ko sila, kasama ko si Alier.

Ang dami ang nakikipag sik-sikan, at nanonood. Tumungtong kami ni Alier sa isang bench para makita namin kung anong meron.

Namilog ang mga mata namin ni Alier dahil may isang lalaki ang naka sabit sa puno, tumutulo parin ang kanyang dugo. Nakalabas ang lamang loob nya at may tatak nanaman ng isang dragon sa may dila nya.

Tumakbo na kami ni Alier dahil sa takot, pag balik namin sa clinic ay nadatnan naming tulog parin si France, si Devi and Gab naman ay tulog narin.

Nag tabi na kami ni Alier dito sa sofa, matutulog din kami dahil sa pagod, buti nga napipigilan konang mag suka ngayon.

-

FRANCE LOPEZ

Idinilat ko ang dalawa kong mata at inilibot iyon, dahan-dahan akong umupo sa kama at natanaw kong kumakain na pala sila sa maliit na table. Gabi na siguro dahil madilim narin sa bintana

"France!" Masayang wika ni Fae sabay akap saakin. Niyakap din ako ni devi, napa higa panga kami sa kama eh.

"Kumain kana muna" Pag-aya saakin ni Gab.

Hinainan naako ni Devi, "Ano bang nangyari sayo at sinumpong ka nanaman ng hika?" Nag-aalalang tanong ni Alier

Ayokong sabihin sakanila, for sure babawian ni Devi si Claudio. Isa pa baka ka grupo nya sila Chloe, natatakot ako.

"Ah.. N-napagod lang ako kanina" Ang tanging lumabas saaking bibig. "Sinapak ko si Claudio bayun?" Sambit ni Devi. Napa ngiti naman ako ng kaunti dahil don.

"Bat mo kasama yung lider ng Bloody Dragons?" Tanong ni Alier

What?! Lider? S.. Sya yung lider? Takte! Mas lalo paakong natatakot ngayon.

"Ahh... Eh.. Penge ako!" Natatakot na talaga ako.

Kumain nalang kami at thansk god! Dahil di na sila nag tanong pa...

-

"Mga peks... Kanina may namatay nanaman" Sambit ni Fae. "Huh? M.. Meron nanaman?" Tanong ko

Shems!

"Umagang-umaga ang daming namamatay" Giit ni Devi. "Baliktad kasi dito, tuwing umaga mas marami ang napapahamak at namamatay. Pag gabi naman lahat ay nag papahinga, kaya mas payapa ang paligid kapag sumilay na ang buwan" Mahabang lintana ni Gab

"Natatakot naako" Sambit ni Fae. "A..ako din" Sabi ko.

Kahit hindi ipakita ni Devi ang takot nya alam kong pareho lang kami ng nararamdaman. Habang tumatagal ay palala na ng palala ang mga nasasak-sihan namin dito, patagal ng patagal mas nakakatakot at nakakakilabot ang mga nangyayari.

"Saan yung Sikretong lagusan?" Biglang sambit ni Devi. Napatingin naman kaming lahat sakanya dahil sa sinabi nya.. May sikretong lagusan?

"Ha.. Ahh. A-ano yun?" Wika ni Gab. "Hoy! Gabriel! Wag mokong pinag loloko na hindi mo alam yun ah!" Galit na sambit ni Devi "Dipa tayo nakakarating dito, sabi na sakin ng mga classmate ko na may sikretong lagusan dito. Kung saan di alam ng lahat" Dagdag pa ni Devi

"Oonga meron.. Pero hindi ko alam kung nasaan" Sagot ni Gab. "Maraming armadong lalaki ang nakabantay sa gate, minsan din ay umiikot ang gate kaya pag na tyempuhan mo iyon ay pwede kang makalabas.. Kung dika mahuhuli" Seryosong sabi ni Gab "Kaya sa sobrang gusto na nila makalabas at makaalis dito ay gumawa sila ng sikretong lagusan, balita ko may mga nakakalabas na nga duon eh, meron din akong nababalitaan na malapit lang yon. Nadadaan-daanan daw pero di nila napapansin na pwede kang makalabas don" Dagdag pa ni Gab.

Merong sikretong lagusan? Pwede kang makalabas? Takte nasaan kaya yun?

"Hindi mo talaga alam gab?" Tanong ni Alier. "Hindi eh, kung alam ko yun edi sana di tayo nakaabot ng dalawang araw dito" Sagot ni Gab

Isinantabi na namin iyon at bumalik na sa pag kain, shems! Sana makita namin yung sikretong lagusan.

Gusto kong mag stay dito dahil libre ang lahat, marami ang pwede pero nakakatakot naman. Kada gising mo may mga patayang nagaganap sa paligid mo, may mga crimeng nangyayari sa harapan mo at may mga masasamang bisyo ang ginagawa sa gilid mo.

Buti nalang ay may mga kaibigan ako, sila na ang naging pamilya at tahanan ko.

I will treasure them forever.

-

Natapos na kami sa pag kain kaya ngayon ay pabalik na kami sa dorm. Maayos narin ng pakiramdam ko pero itong si Devi ay nakaalalay saakin na parang may malubha akong sakit.

Gabi na nga at madilim, wala narin gaanong tao sa labas pero may mga naka tambay at nag iinuman.

May mga pagala-gala din sa paligid na animoy may pinag tataguan, ito nanaman! Nakakaramdam nanaman ako ng parang may nag mamasid saamin.

Sinubukan kong hanapin kung sino bayun, inilibot ko ang dalawa kong mata, baka sakaling may makita ko.

At dinga ako nag kamali, may isang naka itim na hoodie sa taas ng building, tingin ko ay third floor iyon. Naka tingin lamang sya saamin, nilag pasan na namin sya kaya ibinaling kona ang paningin ko sa nilalakaran namin.

Naka ngisi lamang sya, hindi ko mawari kung babae ba o lalaki iyon dahil madilim at naka kapote sya.

-

Humiga agad ako sa kama dahil narin sa sakit ng paa, si Gab and Alier ay may pinag-uusapan lang sa sala, si Devi and Fae naman ay nag me-make up. Gabing-gabi na pero buhay parin ang dugo namin dahil naka tulog kami kanina sa clinic.

Wala naman akong magawa kaya na-isip kong maligo nalang muna, nag hubad naako at binuksan na ang shower na maligam-gam lang ang tubig.

Pilit kong nililinis ang labi ko pati narin ang beywang ko dahil sa nangayri kanina ay feeling ko madumi naako. Kahit ano namang linis ang gawin ko sakatawan ko ay di parin mabubura ang alaalang iginuhit nya saaking isipan.

Bakit nya bayun ginawa? Nakakatakot sya ng sobra, pgi nga pangit naman ang ugali kaya wala rin!

Gusto ko syang sapakin at bugbugin pero napapangunahan ako ng kaba at takot, siguro naman ay may dahilan sya kung bakit nya yun ginawa.

-

Pag tapos ko maligo ay nahiga narin ako sa tabi ni Devi at yumakap nalang sakanya.

"Okay kalang France?" Tanong ni Fae. "Oo.. Pagod lang ako" Sagot ko.

Naupo sya sa kama at hinimas ang basa kong buhok "Wag kang mag-alala nandito kami ng ate Devi mo at kuya Alier and kuya Gab mo. I love you bunso" Wika nya sabay ngiti

Napangiti din ako "I love you two" Sagot ko. Nagulat ako dahil bigla nalang umupo si Devi. "Isali nyo naman ako" Nakangusong saad ni Devi

"I love you mga ate" Sambit ko. Sabay silang napangiti at sinunggaban ako ng yakap at halik saaking noo at pisnge.

Pumasok naman sila Gab at Alier kaya napatingin kami sakanila "Di nyo kami sasali?" Tanong ni Alier

"Lika lu-luvs ko" Sambit ni Fae. Agad ng lumapit si Alier kay Fae at nag akapan sila na parang mag nanay.

"Ako Devi my baby?" Naka ngusong saad ni Gab. "No! No! No!" Natatawang sabi ni Devi..

Tumalon sa kama si Gab kaya napatakip kami ng kumot "Devi my baby! I love youu" Sigaw ni Gab.

Nag tawanan lang kami at nag kuwentuhan ng kung ano-ano, ang sarap talaga pag barkada ang kasama. Matik na puro tawanan lang.

Share This Chapter