Back
/ 44
Chapter 42

CHAPTER 41

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 41: "GIYERA" pt.3

FRANCE LOPEZ

Paglabas namin ng building ay nag-kalat ang mga namatay sa daan, halos kulay pula na ang paligid dahil sa mga dugo. Ang daming patay at naka-ratay na dito, "Ah guys.. Tignan nyo" Wika ni Rhiann. Nakatingin sya isnag lugar kaya tuming din kami, at nanlaki ang mga mata namin ng makita ang isang building na-nasusunog na pala, hindi! Dalawang building na ang na-susunog. Takte! Apat pala!

"P*tangina" Bulong ni Lucifer, kitang-kita ko ang apoy sa mga mata ni Lucifer. Napa-yukom ang mga kamao nya dahil dito, ganun din sila Satan at si Demon na galit na galit na ang mukha ngayon, "Tapusin na natin to" Sabi ni Satan.

Lahat kami ay sumugod, sa gawing kanan sila Devi at sa gawing kaliwa naman sila Trixy. Kami nila Lucifer ay magka-hawak lang ang kamay, habang inaatake kami ay napapatay agad ni Lcuifer ang mga iyon dahil sa mahaba nyang itak na dala. Halos maging pula na ang suot kong uniform dahil sa mga dugo, si Lucifer naman ay naka-black polo parin kaya maayos parin syang tognan. May mga kaunting dugo nga lang sakanyang mukha, "Wag mo kong bibitawan maliwanag ba?" Sabi ni Lucifer habang kami ay tumatakbo. "Oo---" Hindi na ako nakapag-salita ng bigla nalang may humila saakin---Si Lucio.

Hinila nya ako saaking braso ng napaka-higpit, si Lucifer naman ay hindi na ako nahabol dahil may mga lalaking umatake sakanya. "Nababaliw kana ba?! Niloloko ka lang ni Lucifer!" Giit nya. "Hindi--" Di kona naman naituloy ng bigla nya akong sampalin.

"Bobo! Wag kang magpapaloko!"

Sa kalagitnaan ay may-naisip ako plano... Tinignan ko sya at ngumisi, "Sa tingin mo ba magpapaloko ako kay Lucifer?" Lalo pang lumawak ang ngisi saaking mga labi. "Hindi ako tanga. Sinaktan nya ako kaya sasaktan ko din sya" Wika ko, ngumisi naman si Lucio at hinawakan ang kamay ko. "Magaling." Sambit nya at hinila na ang aking kamay tungo sa gitna.

LUCIFER

Walanghiya! G*go talaga yang Lucio nayan! Dali-dali akong umakyat sa building kung nasaan si Mama. Pagka-pasok ko palang ay suntok agad ang naabot ko, hindi ako pumayag! Isang malakas na suntok din ang pinakawalan ko. "Nasaan si Mama?" Bungad ni kua Duke. Ngumuso ako sa isnag pinto at sya naman ay nag tungo ruon.

Kinakalaban ko lahat ng nasa labas habang si kuya Duke naman ang nasa loob, si France ay hawak ngayon ni Lucio at alam kong hindi nya yun sasaktan.. Sana nga, dahil kapag-sinaktan nya si France ay guguho lalo ang mundo nung hayop nayun! Ang dami ng kasalanan ng g*gong yun sa pamilya at kaibigan ko kaya magbabayad kang hayop ka!

Lumabas si kuya Duke kasama si mama, "Ma!" Pagtawag ko sakanila, agad akong niyakap ni mama ng mahigpit at binigyan ng halik sa pisnge. "Kailangan na natin lumabas dito.. Nag-aapoy na ang taas" Mabilis na wika ni kuya Duke. Agad na kaming lumabas at nadatnan nalang namin na nag-aapoy na nga ang taas ng building na iyon.

Halos lahat ng building ay nag-aapoy na rin, pati ang mga damuhan, cafeteria, at ang main building. Hila-hila ko si mama habang si kuya Duke naman ang pumapatay sa mga nakaka-salamuha namin, nagtigil ang lahat ng bigla nalang mapa-higa si mama. "Ma!" Sigaw ni kuya Duke. Napa-upo ako sa damuhan habang pinag-mamasdan si mama na ngayon ay may palaso na sakanyang noo.

Napaka-raming dugo agad ang umagos na parang gripo, hawak ko ang kamay ni mama habang sya ay naka-higa. Lumapit saamin si kuya Duke na naluluha na, "M-ma.. Wag mo kaming iiwan" Wika ni kuya Duke, maging ako ay napa-luha na dahil sa nakikita ko. Hinaplos ni mama ang aking pisnge, "Xyver Thor Cassiano.. Ang aking bunso" Banggit ni mama sa buong pangalan ko.

Tinignan nya si kuya at hinaplos din ang pisnge nya, "Franco Duke Cassiano... Ang una kong anak" Naluluhang wika ni mama. "Gusto ko ng makasama ang papa nyo.. P-pagod narin ako. D-duke gusto ko si Arnia para sayo, T-thor.. Masaya ako na si France ang makakatuluyan mo" Mahabang wika ni mama. Ipinikit nya na ang dalawa nyang mata, kasabay non ang pag buhos ng aking mga luha. "Ma!" Sigaw ni Kuya Duke.

Halos mabingi ako, para bang nag-slowmo ang paligid, tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko.. Galit at paghihiganti ang nasa utak ko, hinaplos ko ang mukha ni mama at binigyan sya ng matamis na halik sa noo, ganon din ang ginawa ni kuya.

Tumayo ako at ikinuyom ang kamao ko, wala ng buhay ang mawawala! Wala ng buhay ang papanaw! Mag handa ka Lucio! Magababayad ka!

FRANCE LOPEZ

Maging ako ay natigil ng makita ko si maam ivy na naka-handusay na sa damuhan, walang buhay... Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Lucifer, ngayon ko lang sya nakitang ganito. Nag-aalab ang mga mata nya, nakikita ko ang mga reflection ng apoy sa mata nya. Maitim, nanlilisik, galit at nakakatakot, tumakbo si Lucifer at pinag-tataga ang mga kalaban, walang naka-ligtas.

Akmang pupuntahan ko si Lucifer ng bigla nalang may humawak saaking braso---Si Lucio, "Wag kang maawa France! Sinaktan ka nya!" Bulaslas nya. Mahigpit ang hawak nya saaking braso na tila ba gusto nyang putulin ito.

"Bitawan---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng ambahan nya ako ng sapak... Pumikit ako at hinintay ang kamao nya na dumikit saaking mukha, pero... Pero wala!

"Subukan mong idikit ang kamao mo sa taong mahal ko at sinisigurado kong ito na ang huling araw mo sa mundong 'to"

Isang pamilyar na boses.. Idinilat ko ang aking mata at---Si Lucifer, nakatitig lamang sya sa mga mata ni Lucio ng galit na galit. Binitawan ako ni Lucio, ang mga kaibigan ko ay nasa likod ni Lucifer... Lahat sila, ako naman ay nandito sa panig nila Lucio.

"Wag kang mag-alala Lucifer.. Hindi ko sya papatayin dahil sya ang papaty sayo" Nakangising wika ni Lucio. Ngumisi din ako at lumapit ng kaunti kay Lucifer, lahat sila ay nagulat ng makita akong nagka-kaganto, halos lumuwa na ang mga mata nila sa sobrang gulat...

Inilabas ko muli ang aking balisong at tinutok ito sa leeg ni Lucifer, lahat sila ay napa-takip ng mga bibig nila.. "France.." Sambit ni Lucifer na ngayon ay naluluha na. "Titigan mong mabuti si Lucio" Mahinang sambit ko upang hindi marinig ng iba.

Kumunot ang noi nya at tinitigan si Lucio, yan! It's my time to shine! Hindi naman ako papayag na wala akong mapatay no! Tinitigan ko ang mga mata ni Lucifer kung saan kitang-kita ang reflection ni Lucio na naka-ngisi. Agad kong inihagis patalikod ang aking balisong at tumama ito sa noo ni Lucio. Lahat sila ay nagulat nanaman, nangtignan kona si Lucio ay naka-hilata na sya, akala talaga ng lalaking yun ay tanaga ako! Tsk! "Ikaw ang bobo" Giit ko.

Nasa plano ko yun, na kunwari ay si Lucifer ang papatayin ko pero hindi! Si Lucio ang dapat na mag-bayad sa lahat! Tanga sya! Bobo pa sya! Agad akong niyakap ni Lucifer. Lahat din sila ay niyakap ako, "Baka France yan" Sabi pa ni Demon.

"Galing no ah.. Pa-kiss nga" Ng akama na akong hahalikan ni Duke ay sinapak agad sya ni Lucifer.. Owps! "May jowa ka na! Subong kita kay Arnia eh" Inis na wika ni Lucifer.

Nagtawanan naman kami, sawakas! Natapos rin! Dali-dali kaming tumakbo tungo sa kagubatan dahil napupuno na ng apoy ang buong university, ang mga natirang BBW naman ay tumakbo narin papalayo. Tanaw namin dito sa malayo ang gumuguhong university, "Sayang" Wika ni Satan. "Hindi nasayang lahat ng pag hihirap natin... Babawi tayo" Wika ni Demon.

Lahat naman kami ay nabaling ang atensyon sa babaeng naglalakad tungo saamin, naka-pajama sya, may pa-head band pa, mahaba ang buhok, parang bata ganon. May maliit na  teddy bear pang hawak, "Hoy Duke ano na! Akala ko ba matutulog na tayo?! Saang lupalop ng mundo ka pumunta ha?!" Bulaslas ng babae. Sa tingin ko ay sya si Arnia

Napa-kamot ng batok si Duke, "Hanggang diti nalang.. May kailangan pa ako---" Di na nya naituloy ang sasabihin nya ng pingutin sya ni Arnia. Napatawa nalang kami dahil duon.

"Kapatid dito nalang ah.. May storya din yung university ko eh" Pagpaalam ni Duke. Umalis na sila ni Arnia ng magka-hawak ang kamay, pero sa tingin ko ay patay yang si Duke kay Arnia pag dating sa bahay nila.

Lumabas kami ng univeristy, gubat parin ang nadaanan namin. Magka-kasama lang kaming nag-lalakad, namangha panga si Rhiann eh kasi ngayon nalang daw ulit sya naka-labas...

Ang saya lang...

Share This Chapter