CHAPTER 39
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 39: "GIYERA" pt.2
NARRATOR
"Bakit hindi nyo sinabing may reunion palang nagaganap?!" Malakas na sigaw ni Lucio. "G*go! Hindi ka invited!" Balik naman ni Demon kay Lucio. Ngumisi si Lucio na parang nanalo na sya agad, alam nya kasing may alas sya. Ang nanay ni Lucifer at ang babaeng mahal nya, galit na galit ang mata ni Lucifer ng makita nya ang mukha ni Lucio, ganon din ang naramdaman ni Lucio.
"Nasaan si Mama?! At si France?!" Tanong ni Lucifer na umalingaw-ngaw sa buong paligid. "Ang mama mo? Ayun oh!" Tinuro nya ang rooftop at nandun ang mama ni Lucifer na hawak ng isnang miyembro ng BBW. "Si France?" Tumawa ng parang baliw si Lucio.
Agad na nag-init ang dugo ng tatlo na sila Satan, Demon at si Lucifer sa mga nakikita nya. "Heto sya" Dahan-dahan syang tumingin sa katabi nyang naka-itim na kapote. Nakaramdam naman ng takot at kaba si France ng gawin iyon ni Lucio, no choise na sya. Malalaman din naman ng mga kaibigan nya so bakit pa nya paoatagalin? Dahan-dahan nyang hinubad ang hood sakanyang ulo at tumingala.
Nanlaki ang mga mata nila Devi at nila Lucifer ng makita si France sa panig ng kalaban.. "F-france" Mahinang sambit ni Fae. "Sol" Bulong ni Lucifer. Nagka-titigan pa si Demon at si Satan bago bumaling ang tingin kay Lucio. "Tapusin na natin to!" Siga ni Satan.
Lahat sila ay sumugod... Maliban kay France, naistatwa sya sakanyang kinatatayuan, para bang nakapako ang dalawa nyang paa sa damuhan. Naka-titig lang sya kay Lucifer na nakatayo din, walang imik, tulala lamang sya sa mga mata ni France. Namumuo ang mga luha sa mata ni Lucifer habang si France naman ay nakakaramdam ng galit at kaunting puot, dali-daling tinabig ni Demon si Lucifer para mapa-ilag sa lumilipad na palasao. Dahil don ay nagising si Lucifer sa katotohanan, ng muli nyang tignan si France ay... Wala na! Wala na ito duon.
Lahat sila ay nakipag-laban, marami-rami narin ang napatay ni Devi at ni Fae, ganon din sila Alier at si Gab. Nagtagpo ang landas ni Satan at ni Demon. Magkatalikuran sila, "Parang hindi sila nauubos" Wika ni Demon. "Humingi na tayo ng tulong" Suhestyon ni Satan. "Alam ko kung sino yang tinutukoy mo.. Pero tayo ba ang pupunta sakanya?" Demon said.
"Hindi sya papayag kung hindi tayo.. Sandali lang naman eh" Sabi ni Satan. "Oh sige.. Sama na natin si Gab" Wika ni Demon. Agad nilang pinuntahan si Gab para sumama ito sakanila, walang nagawa si Gab dahil nga boss nya iyon.
GABRIEL GARCIA
Naglakad kami sa madilim na kagubatan, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilibing ilaw naming tatlo nila Demon at ni Satan. Nagulat ako ng makita ko si France sa panig ng kaaway, pero hindi ko sya masisisi kung magagalit sya.. Dahil sino nga bang hindi? Akala mo mahal ka nung tao pero hindi mo alam kamukha mo lang pala yung taong mahal nya..
Nakarating kami sa isnag---Gate? May gate? Ngayon lang ako naka-punta dito. Ano bato? Agad kaming sinalubong ng lalaking naka-itim, "Si boss ho ba ang hanap nyo?" Tanong nya. Tumango lang si Satan, dali-dali ng pumasok sa loob ang lalaki para tawagin yung boss daw.
"Naguguluhan ka no?" Tanong ni Demon. Tumango ako, "Marahil ay hindi mo pa talaga kabisado ang buong university na ito.. Itong kinatatayuan natin ngayon ay pagma-may-ari ni Duke Cassiano. Ang nakakatandang kapatid ni Lucifer" Paliwanag ni Satan. Ahh okay! Si Duke! Naririnig ko na ang pangalan nya dati pero hindi ko talaga sya kilala eh.
Lumabas ang isang matangkad na lalaki, moreno, katulad ni Lucifer ay napaka-amo din ng mukha nya. Magulo ang buhok nya na parang hindi nag suklay, pero ang guwapos nya kapag naiilawan sya ng buwan. Lumapit sya saamin ng naka-ngiti, ano to bakla ba ako? G*go! Gab umayos ka!
"Demon, Satan? Anong meron?" Sabi ni Duke. "Kailangan ka namin.. May gieyera nanaman ang nagaganap" Paliwanag ni Demon. "Marami akong inaasikaso dito sa unibersidad ko. Kaya nyo nayan! Tatlo kayo eh" Wika ni Duke, jusko ayaw pa ata!
"Pero hindi namin kaya... Ang mama nyo, hawak sya ni Lucio" Wika ni Satan. Agad na nag bago ang ekspreston ng mukha ni Duke, kinuha nya ang base ball bat sa kaibigan nya at.. Lumapit saamin "Tutulong kami" Wika nya.
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa plaza, lahat-lahat ay ininwento namin sakanya. "Gusto ko ng ma-meet yang France na yan" Masayang wika ni Duke. Nag-madali na kami ng makarinig ng putok, halos mag tayuan ang lahat ng buhok sa katawan ko.
Nang makabalik na kami agad, si Devi aagd ang tinungo ko. Akamang papanain sya pero... Pero sinalo ko, ako--ako ang nata-maan. "Gab!" Sigaw ni Devi. Dahan-dahan akong napa-upo at napa-higa, lumapit sya saakin at hinaplos ang aking ulo. "G-gab! Please.. Wag mo akong iwan" Naiiyak na wika nya. Sobrang dami ng likido ang lumalabas sa kanyang mata.
Pinunasan ko iyon gamit ang aking hinlalaki, ngumiti ako ng pilit "K-kapag ba.. N-nabuhay ako.. Sasagutin mo na ako?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya, "Ano bang sinasabi mo" Tanong nya. "Kung sakaling mabuhay ako... Sasagutin mo naba ako?" Tanong ko muli.
Ngunit wala syang naging imik.. "Lumalabo na ang mata ko.." Wika ko at mas lalo pang himagul-gol si Devi sa pag-iyak.. Hindi kona kaya.. Ipinikit ko ang mga mata ko
"Gab! Oo.. T-tayo na. Baby!"
Tuamwa ako ng napaka-lakas at niyakap sya. "Baby mo na ako ah. Wala ng baiwan yan!" Sigaw ko. Agad syang kumalas sa yakap ko at napakunot ng noo, "P-pano?" Tanong nya. Tumawa akong muli, "Bongi! Natamaan lang naman ako sa braso. Napaka-liit na sugat lang ito---" Hindi kona naituloy ang aking sasabihin ng bigla nya nalang akong...
Halikan, masarap, malambot ang mga labi nya. Pag tapos ay ikinulong nya ako sakanyang mga braso. "I love you baby" Sabi nya. Agad ko syang niyakao ng napaka-higpit.
"I love you two Devi my baby" Matamis na sabi ko.