Back
/ 44
Chapter 33

CHAPTER 32

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 32: "I'll TRY"

CHLOE CRUZ

Kasalukuyan kaming nandito sa taas ng dorm namin nila Demon, naka-tulala lang si Demon sa main building kung-saan ginaganap ang birthday ni France. Ilang araw na syang hindi nakikipag-usap, ilang araw narin syang di kumakain ng maayos, ilang araw narin syang naka-titig sa kawalan. At ilang araw narin syang umiiyak dahil sa kagagawan ng France nayan, "Ayaw mo pa bang kumain?" Mahinahong tanong ko kay Demon.

Naka-tulala lang sya sa main building, "Umalis kana" Malamig na sabi nya, hinaplos ko ang likod nya at tumabi sa kanan nya. "Ilang araw ka nang ganyan... Baka panahon na para kalimutan sya" Paliwanag ko.

Tinitigan nya ako ng napaka-lalim, "Sya lang ang gusto ko" Wika nya. Napasinghap ako sa hangin at tumingin sa kawalan, "Paano ako?" Biglang tanong ko.

Kita ko ang pag-kunot ng noo ni Demon, "Ano bang sinasabi mo?" Tanong nya. Baka panahon na... Baka panahon na nasabihin ko kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ko para kay Demon, "Demon, hindi ba halata?" Balik ko sakanya.

"Sabihin mona" Utos nya, muli ko syang tinignan at huminga ako ng malalim. "Demon gusto kita... Demon mahal kita" Pagsabi ko ng totoo, "Tsk. Wag mo kong g*nagag* Chloe" Sambit nya.

Hindi ko na kayang maging kaibigan lang, matagal na kitang mahal Demon! Wala pang France Lopez sa buhay mo mahal na kita! At sobrang tanaga ko dahil hindi ko alam kung paano pigilan ang p*tanginang nararamdaman ko! Ang sakit! Ang sakit-sakit na Demon! Lagi nalang KAIBIGAN ang tingin mo saakin... Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko, wala na kong paki sa magiging reaksyon mo, sasabihin kona ang totoong nararamdaman ko para sayo Claudio Ruiz (Demon)

"Demon mahal kita simula nung mapad-pad kami dito nila Rhiann at ni Heaven, ikaw ang una kong nakita at minahal sa kulungang toh... Kaya nung nalaman kong mahal mo si Heaven sobra ang galit ko, tiniis ko lahat.. Lahat-lahat, Demon naalala mo yung gabing nag-away kayo ni Lucifer?" Mahabang sabi ko, naka-titig lang sya saakin habang nakikinig. Namumuo naman ang mga luha saaking mga mata...

"Demon sayo ako kumampi non kahit alam ko ang buong nangyari! Demon ang dami kong inaway at kinalaban para lang mapansin mo na mahal kita! At nung nakilala ko si France... Alam mo gusto ko agad syang akapin, pero naunahan ako ng galit ko. D-demon di mo ba ako napapansin? Demon... " Paliwanag ko, dina nakatiis ang mga luha saaking mga mata. Sabay-sabay na silang tumulo, "Demon ako yung taong nag-mamahal sayo.. D-demon ako yung taong laging nasa tabi mo"

Dagdag ko pa.

"I'm s-sorry.. Chloe hindi ko alam"

"Alam ko! At ang tanga ko kasi nag papaka-tanga ako sayo!"

Di na nagpa-pigil ang mga luha ko, ang dami nang bumabag-sak na basang likido saaking dalawang mata. "Demon.. Please mahalin mo naman ako" Sabi ko, alam kong mukha na akong tanga dahil nag-mamakaawa ako sa pag-ibig ng isang tao. Napaka-tanga ko talaga! Ang dami kong sinira para lang sa taong mahal ko... Bakit ganto?

"Please Demon.. Ako naman yung mahalin mo, a-ako naman"

"Paano kung hindi ko magawa? Chloe ayaw kitang saktan." Paliwanag ni Demon.

"Atleast sinubukan mo di ba?"

"P-pero ayaw kong masira ang pagka-kaibigan natin" Sambit nya pa. Huminga ako ng malalim dahil tama sya... Baka masaktan lang ako, baka sa dulo ako lang ulit, baka hindi nya ako mahalin tulad ng pag-mamahal ko sakanya.

"Pangako.. H-hinding-hindi masisira ang pagka-kaibigan natin, s-subukan mo lang Demon.. Please" Paliwanag ko. Desperada na talaga ako! Wala na akong paki sa mga mangyayari, ang gusto ko lang ay subukan namin ang mag-mahalan ng higit pa sa pagka-kaibigan...

"Hindi ako nanga-ngakong mamahalin din kita tulad ng pagma-mahal mo saakin... Pero pina-pangako kong susubukan ko." Demon said.

"Alam mo ito na ang pinaka-magandang gabi sa buong buhay ko." Pagsabi ko ng totoo. Pinunasan ko ang mga luha saaking pisnge at humarap kay Demon ng maayos.

"Salamat.." Wika ko. "Mahalin mo din sana ako" Dagdag ko pa.

"i'll try..."

Huling wika nya bago ako iwan mag-isa dito sa rooftop, nagsa-saya ngayon sila France sa main building.. At ngayon naranasan ko ulit ngumiti ng totoo, kahit na mailap parin saakin si Demon ay tatanggapin ko dahil sa nangyari sa kanila ni France nung nakaraan.

Demon sana matutunan mo rin akong mahalin...

FRANCE LOPEZ

Pagka-tapos namin sumayaw ni Lucifer ay na-upo na muli kami para kumain nanaman, "Nage-enjoy ka ba?" Biglang tanong ni Lucifer. "Oo, sobra" Sagot ko.

"Hoy baka gusto nyong tumayo at sumayaw?" Tanong ni Devi.

Di na nya inantay ang sagot namin ni Lucifer, hinila nya nalang ako at si Gab naman ang humila kay Lucifer tungo sa gitna. Lahat sila ay sumasayaw na para bang si marimar, tawa ako ng tawa dahil mukhang lasing na si Fae. "Marunong kabang sumayaw?" Malakas na tanong ni Trixy. Malakas kasi ang mga sound kaya pasigaw kung kami ay mag-usap.

"Hindi eh. Pero kumanta oo" Sagot ko, "Ahh.. Si Lucifer magaling sumayaw yan" Sabi ni Trixy. "Pakitaan mo nga Lucifer!" Dagdag pa ni Trxy. Tsk! Si Lucifer magaling sumayaw? Eh sa itsura nga nya... Para syang ceo ng kumpanya, tapos ang seryoso pa lagi ng mukha nya.

Tumabi kaming lahat at bumilog para magka-roon ng dance floor kenempers chuchu! Nasa kanan si Lucifer kasama ang ibang alagad nya. Sa kaliwa naman sila Gab kasama yung ibang naka maskara, "Watch me sol" Sabi ni Lucifer na kinindatan pa ako. Yieee! Eneba!

Tumugtog ang hip-hop at nag-simula kaming manood, nauna ang grupo nila Gab. Marunong talaga sumayaw si Gab dahil nakita kona syang nag tatambling sa school namin dati. Umikot si Gab sa lapag na parang trumpo, "Woah!" Sabay-sabay na sambit namin. Halos puro tambling ang ginawa ni Gab...

Sila Lucifer naman ngayon, it's your time to shine sol! Tumambling patalikod si Lucifer at kumembot-kembot.. Shems! Ang lambot ng katawan nya mga mare!! Sumasayaw sya gamit ang mga paa nya na galaw ng galaw, "Eyy! Eyy! Eyy!" Sabay-sabay na sambit namin.

Tawa naman ng tawa sila Devi sa gilid ko, si Fae naman ay may hawak pang bote ng wine. Hays! Lasinggera talaga! Si Alier naman ay nanonood lang dahil di naman sya marunong sumayaw, sa sports sya magaling. Tulad ng swimming, velleyball, at basketball

"Sol para sayo toh!" Siga ni Lucifer, tumambling si Lucifer at umikot sa ere. Lahat kami ay napanga-nga at napa palak-pak, grabi! Ang galing!

-

Natapos ang birthday ko na pagod ang lahat, naka-higa na sila Devi at si Fae sa lamesa, binabantayan naman sila ni Gab taska ni Alier, si Trixy naman ay nagse-selpon sa gilid at yung mga lalaking naka maskara naman ay umalis na.

Kami naman ni Lucifer ay nasa veranda, naka-inom na si Lucifer habang ako naman tamang sezto lang dahil hindi naman ako umiinom ng alak. "Are you happy?" Biglang tanong ni Lucifer.

Ngumiti ako, "Basta kasama kayo happy ako" Sagot ko. Hinimas ko ang buhok ni Lucifer at tinitigan sya ng mata sa mata.

"Sol puwede ba kitang kurutin sa pisnge?" Pag-papaalam ko, ang tagal kona kasing gustong gawin yon.. Baka naman! "Hindi pwede" Sabi nya

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, natigil sya at tumitig sa dalawa kong mata... Pagkakataon kona! Agad kong pinisil ang dalawa nyang pisnge at pinang-gigilan ng sobra, tawa ako ng tawa habang ginagawa iyo. Kita ko namang inis na si Lucifer kaya tinigil kona

"Sol. Matakit" Inis na sambit nya.

Natawa ako ng malakas ng tanggalin nya ang dalawa nyang kamay sa pisnge nya. Napa-hawak pa ako saaking tiyan sa sobrang tawa ko, "Ano?" Inis na sambit nya.

"Sol mukha kang namumulang baboy" Asar ko.

Share This Chapter