Back
/ 44
Chapter 26

CHAPTER 25

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 25: "LUCIFER AND DEMON"

FRANCE LOPEZ

Kasalukuyan akong nag babasa ng libro ngayon sa library dahil ang dami ko nanng absent, may babaeng umupo sa kanan ko kaya napa tingin ako sakanya---Si maam Ivy.. Nginitian ko sya at nag patuloy na sa pagbabasa. "Maayos na ba ang lagay mo France?" Biglang tanong ni maam ivy. "Opo, okay na po ako" Sagot ko naman.

"Okay lang kung hindi ka muna makakapag-exam. Basta mag pahinga kalang muna" Sabi ni maam ivy. "Nako maam baka naman po bumagsak ako nyan" Mahina akong tumawa. "Kina-usap kona si Lucifer tungkol dyan, sabi nya nga na ayaw mo daw lumabas dito" Wika ni maam ivy.

Sinabi ni Lucifer kay maam ivy? "Opo.." Tanging naisagot ko. Tumayo na si maam at nag lakad na paalis, natapos kona ang librong binabasa ko kaya lumabas narin ako ng library. Kasalukuyan akong nag lalakad dito sa hallway

"France?!" May tumawag ng pngalan ko kaya lumingon ako sa likod---Si Demon. "Demon?" Patanong na sambit ko. Hinabol nya ang hininga nya tapos ngumiti, "Pwede bang sabay na tayong kumain? Wala kasi sila Chloe eh" Aya nya. "Sige okay lang" Sinama kona sya dahil wala din naman akong kasama. Sila Devi paniguradong nasa cafeteria nayun

Pumasok kami sa cafeteria ng tumatawa dahil sa mga joke at walang kuwentang banat ni Demon. Kumuha na kami ng pagkain at nag hanap ng mauupuan, marami din kasing nakain ngayon. Napukaw ng atensyon ko ang lalaking naka upo sa may bandang dulo kasama ang isang babae---Si Lucifer at si Trixy. Uupo na sana kami ni Dmeon nang biglang...

"France!" Pagtawag saakin ni Devi. "Devi? Fae?" Sambit ko. "Tara dun tayo" Aya ni Devi. Di nya inintay ang sagot ko, bigla nya nalang akong hinila, buti nga di natapon tong pagkain ko eh.

"Pwedeng maupo?" Tanong ni Fae kay Trxy, "Oo naman" Masayang wika ni Trixy. Naupo na kami, makatabi si Lucifer at si Trxy, si Devi naman at si Fae ang nasa tabi ko. Magkaharap kami ni Lucifer at nasa tabi ko si Demon, "Demon? Your here" Trixy said.

Ngumiti lang si Demon at nagsimula nya syang kumain kaya kumain na rin ako, "Bakit ako walang zesto?" Maktol ko, si Devi and Fae kasi meron eh. "Kumuha ka nalang don.. Ang tamad" Asar ni Devi. Napanguso nalang ako. "Iyo nalang yung akin" Alok ni Demon, kukunin ko na sana ang zesto kaya lang.... "Mas masarap tong apple" Sabi ni Lucifer habang binibigay yung zesto.

"Mas masarap kaya tong mango" Sabi ni Demon. "Lasang gamot yan, pano naging masarap?" Kita kona ang inis sa mukha ni Lucifer... "Matabang ang apple na parang tubig, paano din naging masarap?" Tanong naman ni Demon. "Ito nalang ang inumin mo" Halos sabay na sabi nilang dalawa.

"Mukhang ayaw mo France? Akin nalang" Biglang sabi ni Trixy sabay kuha ng zesto ni Lucifer. No choise nako kaya kinuha kona yung zestong inaalok ni Demon. "Salamat..." Mahinang wika ko. Kumain na kami ng tahimik.. Sila Lucifer lang pala yung tahimik

Panay kasi ang halak-hak namin nila Devi and Fae sa mga kuwento ni Demon, si Trxy naman ay katulad lang ni Lucifer na tahimik habang kumakain. "Ano kaya pa France?" Tanong ni Demon habang natawa. "Magtigil ka na nga, sumasakit na yung tiyan ko" Sabi ko habang naka hawak saaking tyan.

"Wala namang nakakatawa" Biglang sbai ni Lucifer. "Demon umalis kana nga dito" Utos ni Lucifer, nag katitigan sila ng mata sa mata. Para bang nag-uusap silang dalawa, biglang tumayo si Demon kaya tumayo din si Lucifer.

Nagkatanguan sila at nagharap kaya napatayo din kami, "Ano bang problema mo ha?!" Malakas na tanong ni Demon. "Ikaw ang broblema! Layian mo ang girlfriend ko!" Bulaslas ni Lucifer. "Paano kung ayaw ko?" Tanong ni Demon na para bang nang-aasar. "Hindi kona gagawin yung dati... Kaya ko nang lumaban ngayon para sa mahal ko" Dagdag pa ni Demon.

Napakunot naman ako ng noo, "Ako ang mahal nya" Malamig na sabi ni Lucifer. "Aagawin ko sya" Mahinang wika ni Demon na rinig na rinig naman naming lahat... Ako ba yung pinag-uusapan nila? "Kung magagawa mo" Sabi ni Lucifer at humakbang pa sya ng malapit kay Demon. Ngumisi si Demon, "Kapag nalaman nya ang lahat.. Paniguradong saakin na ang bagsak nya" Nakangising sabi ni Demon.

"Kaya---" Dina na ituloy ni Demon ang sasabihin nya dahil bigla nalang sinapak ni Lucifer si Demon dahilan para sya ay mapa sub-sob sa lupa. Akma namang lalapit ako kay Demon pero hinawakan ni Lucifer ang braso ko ng mahigpit. Hinila nya ako palabas ng cafeteria, pumunta kami sa likod ng building kung saan walang tao.

"Ano bang problema mo?" Kalmado kong tanong. Ginulo nya ang buhok nya, "Pwede ba layuan mona si Demon?!" Pasigaw na sabi nya. "Nagseselos kaba?" Tanong ko habang nag pipigil ng ngiti... "Pano kung oo. Lalayuan mona sya?" Balik nya saakin.

"Pero kaibigan ko sya---"

"So satingin mo kaibigan ang turing nya sayo? Dimo ba napapansin ha?! May gusto sya sayo!"

Napatigil naman ako sa sinabi ni Lucifer... Ako gusto ni Demon? "First day palang natin as mag jowa... Ano toxic na agad?" Pasigaw na sabi nya. "S-sorry.." Ang tangi kong nasabi. "Sol ayaw kong iwan moko" Sabi ni Lucifer habang nakatingin sa mga mata ko.

Niyakap ko sya, "Hindi kita iiwan" Bulong ko sakanya. Binawian nya rin ako ng yakap, "I Love you sol" Bulong nya naman saakin. "I Love you two sol" Sagot ko.

-

LUCIFER

Hinatid kona si France sa klase nya at nagtungo sa dorm nila Demon, wala akong paki kahit na kuta pa nila yun. Gusto ko syang maka-usap ng harapan, sinalubong naman ako ng tauhan nya "Anong ginagawa dito ng lider ng Dark Chaos?" Tanong nya. "Gusto kong maka-usap si Demon. Kaya tawagin mona sya kung ayaw mong masapok" Utos kong agad nyang sinunod.

Lumabas na si Demon, "Ano nanaman?" Bungad nya. "Uulitin ko lang.. Layuan mona ang girlfriend ko" Malamig na sabi ko.

Ngumisi sya, "Lucifer ano? Ako nanaman ang magpaparaya?" Tanong nya. Napabugtong hininga ako sa sinabi nya, "Ayoko ng maiwan Lucifer." Sabi nya, "Kaya umalis kana dito" Dagdag nya pa.

"Gusto mo talaga ng gyera?" Taas noong tanong ko.

"Sige ba.. Pag nanalo ako saakin sya. Pag nanalo ka edi sayo na sya"

"Wag mokong hinahamon Demon, alam mo ang kaya kong gawin"

"Saksi ako sa mga kademonyohan mo. Hindi ako natatakot"

"Magkita tayo mamaya sa plaza" Huling wika ko bago umalis.

Naglakad naako papunta sa plaza, hinahamon talaga ako ng Demon nayan! Papakita ko sayo kung anong kaya ni Lucifer...

Tatalunin kita Demon.

Share This Chapter