CHAPTER 23
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 23: "BIRTHDAY TO NIGHTMARE"
FRANCE LOPEZ
Tanghali naako nagising dahil sa puyat ko kakagawa ng cookies, nilagay ko yun sa ref para maging masarap lalo.. Isang klase lang ang pinasukan namin dahil narin sa biryhday ni Lucifer, marami ang pupunta. Porket lang sa Bloody Dragons dahil nga mag kaaway sila, naka crop top akong white tsaka oversized na pants, and white rubbet shoes. Si Devi naman ay ganon din pero blue naman ang kulay ng crop top nya, si Fae naman ay naka skirt tsaka naka crop top na butterfly halos makita na ang dibdib nya. Si Alier and Gab naman ay naka varsity jacket, kulay green yung kay Alier tas yung kay Gab naman ay kulay blue.
Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon papunta sa main building, ang dami sin naming kasabay na naka porma. Nakarating kami sa main building at sa kwarto kung saan gaganapin ang birthday ni Lucifer. Ang dami na agad tao, palubog palang naman ang araw. Pag pasok namin ay tumambad saamin ang maingay na kanta, ang daming ilaw at ang daming usok. Para kaming nasa loob ng bar
Sinalubong agad kami ng mga lalaking naka maskara, hinatid nila kami kila Lucifer. Malapit sila sa may veranda, sa malaking sofa sila naka upo kasama nanaman si Trixy na naka yellow na dress. Tumayo si Lucifer ng may ngiti sa kanyang mga labi. Yung regalo kong cookies ay naka lagay dito sa maliit kong bag.
Nahihiya akong ibigay iyon dahil sa tabi ni Lucifer ay may mga LV, GUCCI, CHANEL, DIOR, BURBERRY, PRADA at kung ano-ano pang brands. Nag tataka nga ako eh, paano nila nabili yun eh dinga sila makalabas?!
Naupo nalang kami sa sofa, diko pa binibigay ang regalo ko dahil nahihiya talaga ko, sila Devi and Fae ay umiinom na agad ng wine, si Gab and Alier naman ay naka tayo nakikipag-usap sa mga lalaking naka maskara. Si Lucifer naman ay kausap si Trixy, tulad ng kahapon, nag tatawanan nanaman sila habang nag bubulungan. Hays! Ano bang ginagawa ko dito? Kainis na ha!
At dahil boring na boring na ako tumyo nalang ako at pumunta na sa veranda, walang tao dito kung di ako lang. Malakas ang hangin at kumukutitap ang mga bituwin, natatanaw ko ang mga malalayong building, naka hawak lang ako sa bag ko.
Napalingon ako bigla ng makarinig ng sigawan, lahat sila ay nag takbuhan at nag kakagulo. Lalabas na sana ako ngunit may baril na tumama sa glass kaya napa upo ako.
*BANG*
*BANG*
Sunod-sunod na baril ang naririnig ko sa loob, ang dami ding nagsisigawan. Pumasok tuloy sa isip ko sila Devi, nasaan na kaya sila? Dahan-dahan akong tumayo dhail wala na ang mga putok ng baril, lumabas ako ng veranda at bumungad saakin ang mga taong patay na. Napatakip ako ng bunganga dahil ang daming naka hilata sa lapag, tumutogtog parin ang kanta pero may mga nagsisigawan at nag tatakbuhan parin.
Agad kong nakita sila Devi kaya tumakbo ako sakanila, buti nalang ay safe sila. "Ayos lang kayo? Anong nagyari? May sugat ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ko. Umiling lang sila. "France!" Sabay-sabay kaming napalingon sa gawing kanan ng marinig iyon---Si Lucifer katabi si Trixy na parang gulat na gulat ng makita ako.
"F-france y-yung balikat mo" Mahinang sabi ni Fae. Agad ko namang tinignan ang kanan kong balikat... Laking gulat ko na may dugo na ang puti kong damit, nakarandam ako ng hilo at sakit ng balikat kaya napa higa ako.
"France!" Sigaw ni Lucifer na umalingaw-ngaw sa buong lugar. Lahat sila ay nag lapitan saakin, nakakramdam ako ng hilo at sakit. Pumipikit narin ang mata ko
Ramdam kong may bumubuhat na saakin---Si Lucifer, kita ko ang mata nya na nag-aalala, naririnig ko ang mga pagwatag nila sa pangalan ko... Grabing hilo at kirot ang nararamdaman ko kaya't naka tulog ako...
DEVINA KELT
Agad namin sinugod si France sa clinic sa baba ng floor na ito. Ang dami ding sugatan at ang iba ay wala ng buhay, naka rating kami sa clinic at ipinasok na agad si France sa isang kwarto. Andun din yung doctor na gumamot sakanya dati, kami naman ay naka upo lang habang inaantay si France.
"S-sana maging okay lang sya" Naiiyak na sabi ni Fae. "Magiging okay din sya.. S-sana" Wika ko, umiiyak na si Fae, si Alier naman ay naka yakap kay Fae. Si Gab ay nasa tabi ko lang habang nakatulala.
Lahat kami ay nabaling ang tingin sa kaliwa ng makita namin si---Demon na tumatakbo palapit saamin. Nilapitan sya ni Lucifer at sinapak, inawat namin si Lucifer na ngayon ay galit na galit ang mukha. Maging ako ay nagagalit din pero diko naman alam kung sya ba ang may gaws non.
"Anong ginawa nyo ha?!" Bulaslas ni Lucifer. "H-hindi kami ang may gawa non" Wika ni Demon habang pinapahid ang labi nyang may dugo dahil sa sapak ni Lucifer. "Sino? Sino nag may gawa non? Kayo lang naman ang kaaway namain dito eh!" Sigaw ni Lucifer.
"Baka nakakalimutan mo ang BBW? Alam mong hindi ko kayang gawin yun kay Frnace" Paliwanag ni Dmeon. "P*tangina! Kinakalaban talaga ko ng p*tanginang BBW nayan!" Sigaw ni Lucifer na umalingaw-ngaw sa buong lugar. "Hindi lang ikaw ang kinakalaban nya" Biglang sabi ni Demon. "Nawawala ang iba sa tauhan ko.. Kanina din ay naka salubong ko ang ibang miyembro ng BBW, may mga hawak silang baril kaya agad akong nag punta dito... Sabi ng iba andito daw kayo" Paliwanag ni Demon.
Lahat kami ay naupo nalang at nag hintay sa doctor, sana okay lang si France. Talagang ako ang paoatay sa lider ng BBW nayan pag may nangyaring masama kay Frnace! Si Demon ay nasa kaliwa habanh si Lucifer at si Trixy naman ang nasa kanan.
Ilang oras ang dumaan at finally! Lumabas narin ang doctor na may dugo sakanyang mga gloves. Sabay-sabay kaming tumayo at humarap kay doc. "Ayos na sya" Para kaming natanggalan ng tinik sa dibdib ng marinig yun. "Gising sya ngsyon. Baka gusto nyo syang puntahan?" Sabi pa ni doc.
FRANCE LOPEZ
Mejo may kirot parin ss balikat ko pero konti lang naman, nasa gilid ko ang bag ko at sana di nayupi yung kookies para kay Lucifer. Bumukas ang pintyan at inilywa nito si---Lucifer na may galit ang mga mata nya.
Nagtungo sya sa kanan ko, "Okay kana ba? Anong gusto mo? Nagugutom kaba?" Sunod-sunod na tanong nya. Ngumiti ako "Okay lang ako.." Sagot ko. "Sorry, di kita nabantayan.. S-sorry di ko alam" Pag hingi nya ng tawad.
"Wala kang kasalan... Sila ang may kasalanan dahil sinira nils ang kaarawan mo" Paliwag ko. "Ay wait lang!" Wika ko, naalala ko yung regalo ko sakanya. Sana ay mapa saya sya neto.
Kinuha ko ang bag ko sa gilid ng lamesa, binusan ko ito at nakita kona ang kulay red na box. Nilabas ko iyon at tinignan muna, baka kasi na yupi, pero ayos naman kaya humarap uli ako sakanya ng may ngiti. "Happy Birthday" Masayang bati ko. Ngumiti din naman sya "Salamat.. " Wika nya.
Kinuha nya yung box at binuksan ito, sumilay ang mga ngiti sa mata nya at sa labi nya. "Ito ang pinaka magandang regalong na tanggap ko.. Salamat" Sabi nya, Ows? Serosyo? Baka echos lang yun? Eh ang dmai ngang regalo sakanya, may lv, gucci at kung ano-ano pa. Tas mas maganda yung kookies? Tologo ba? Yiee i love you na talaga!
Pumasok din sila Devi para kamustahin ako, niyakap nila ako ng mahigpit at hinalikan ang psinge't noo ko. Si Trixy din ay kinamusta ko, pati si Demon na putok ang labi. Sbai nya sakain napa-away daw sya sa labas, si Lucifer ay may inasikaso lang saglit.
Sila Devi ang naiwan dito sa kwarto, sila Trxy at si Demon ay lumabas narin. Mejo may kirot pa akong nararamdaman kaya nag pahinga na muna ako, kasama ko naman sila Fae kaya walang takot saaking dibdib.