Chapter 3
Yesterday's Loaded Bullets
"Hey kapatid alis nako" saad ko kay Rashana na naglalakad pataas mukhang balak ata ako gisingin. Well maganda umaga ko ngayon kaya maaga talaga akong gumising since may lecture kami ngayon sa skwelahan.
"Are you okay? anong sumapi sayo??" she asked curiously habang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Ano ba tong kapatid ko parang ngayon lang nakakita ng dyosa. Di ko nalang ito sinagot at nagpatuloy sa garahe ng mga sasakyan.
I was about to drive ng makita ko si panot papasok ng bahay. "Hoy Romulo! Halika dito dali." tiningnan naman ako nito tsaka pumunta sa harap ko.
"Si Rashana bantayan mo ng mabuti sa skwelahan niya, don't take your eyes off her." seryosong saad ko dito. Kahit naman inaasar ko tng si panot alam ko namang mapagkakatiwalaan to. Tinanguan niya naman ako, mukhang naiintindihan sinasabi ko. Dapat lang, kapag seryoso na pinaguusapan naiintindihan nya agad, yun maganda kay Romulo marunong lumugar yung asaran sa seryosohang usapan. Bantay ko lng siya sa kalokohan pero pag mga ganito, i can handle myself very well.
Agad ko namang sinibad yung sasakyan ko papuntang Custadio. Tinanguan ko lng yung mga security guard na nagbabantay sa main gate para makapasok agad ako.
May mga checkpoint pa kasi bago makapasok eversince na nagsimula na yung klase. Yung mga kaibigan ko naman mukhang wala pa ata dito kasi dko nakikita yung mga sasakyan nilang nakaparada. Late mga tukmol unang pasukan e.
I was busy looking for spot para magparking when i noticed a woman frowning while holding her phone. Mukhang may kausap , kulang nlng makipagmeet up kay satanas grabe magsalubong ang kilay eh. Napatingin naman siya sakin habang tinabi ko yung ducati ko sa sasakyan niya ata since naka tihaya siya sa likod nito pero agad ring binalik ang tingin sa harap na para may kaaway sa sama ng tingin.
"Do i really need to repeat myself? Inject it to her, damn it! stop working and quit if you don't know how to." narinig kong sabi niya habang nakaupo parin sa motor ko. Ewan ko ba parang nakaipit ata pwet ko ayaw umalis.
"Next time you eavesdrop , bring a notebook ang make sure you listed every words i drop" malamig na tugon nito tsaka binalingan ako ng tingin. She's still wearing her emotionless eyes na para bang wala ng pake kung ano man ang sasabihin mo sakanya.
Nakaalis na siya pero nakatunganga parin ako. Nagulantang naman ako sa tunog ng buzzer , nagstart na yung klase pero nandito pako sa parking lot. Shit naman.
Agad ko naman tinakbo ang block ko , mahihirapan ata ako nito di ko pa naman alam kung saan yun. Nakailang room nako pero di ko parin mahanap kaya no choice but to ask nlng. Lumapit ako sa babaeng naka uniform na may student council sa uniform mukhang officer ata to na nagroaming.
"Ahm miss, i just want to ask kung saan ang medicine department?" agad namang napalingon ito sakin at napatulala saglit. She's still staring at me kaya diko maiwasang mailang.
"Oh, ahm here i'll just give you a map" she give me a map mukhang namimigay ata kasi marami syang dala sa likod ng pocket nya.
"You're a freshmen? I'm Kath by the way." tanong at pakilala niya habang tiningnan ko yung mga nakalagay sa map
"Ah yeah." baling ko dito tsaka nginitian siya. Nagpaalam naman na agad ako dito kasi sobrang late nako potek sana pala nanghingi ako agad kay auntie ng map dito sa Custadio malaki pa sa inakala ko.
---
"Block 03...04...05 oh shoot nandito kalang pala pinahirapan mo pako." bulong na saad ko nang maabot yung pinto ng block ko. Nagkaklase na ata kasi nakasirado yung mga pinto , di ko makita yung loob naka sarado pati kurtina or baka walang klase. Samin na block lng naman nakasarado yung iba hindi naman, yung pinto lang.
Agad ko namang binuksan yung pinto na sana di ko nalang ginawa para akong lulubog sa kahihiyan tangina. Nilibot ko yung tingin sa classroom, napatingin sakin yung mga kaklase ko na parang namamangha? sabog ba mga to?
"You're 30 minutes late." natigil naman ang pagiisip ko dahil sa boses na yun kaya mas lalo tumahimik ang buong silid.
Nabaling naman ako sa nagsalita at napaatras pa ako ng kunti dahil sa nanaliksik nyang mata habang nakatingin sakin.
"Ahm...sorry po ma'am , nahihirapan po kasi akong hanapin yung room," mahinang saad ko dito
"You're holding a map." malamig na tugon nito habang di inaalis ang tingin sakin.
"Ah, kakabigay lng po." she motioned me to come in the center kaya sinunod ko ito.
"Introduce yourself." she firmly said and draw some circles to the table beside her using her index finger.
"Hi i'm Rajim Jaziah C. Lopez , nice meeting y'all." I said while smiling. Some of them gasped a bit pero agad namang umayos na parang may nakakatakot sa likod.
Agad ko naman binalingan yung Professor kong maganda na ubod naman ng sungit. Sobrang sama tingin nito sakin parang ibabaon ako pota ano kasalanan ko dito?
"Sit down." she shortly said tsaka tumalikod sakin at humarap sa board. Agad naman akong umopo sa may dulo malapit sa bintana tsaka inayos yun bag ko.
Tiningnan ko ang harapan ng makitang nagsusulat ito. Professor Soline Kace Ramirez. Napanganga naman ako ng mabasa ang pangalan nya. Fuck, siya yung huling prof sa orientation na di sumipot. Diba doctor to? Bat nandito? Di ba sya busy? Busy kaya yung mga doctor.
"I have three rules here" she said while staring at us. Malamig parin ito tumingin, ni katiting na emosyon wala man lang akong makita.
"Be responsible , focus your eyes only on me and don't be late." she coldy said habang nakatingin samin hanggang sa dumapo sakin yung mata niya. Napaiwas naman ako ng tingin dito. Yawa di ko kaya tumingin sakanya para akong nalulunod.
Napalundag naman ako sa lakas ng salampak galing sa mesa ni Ma'am Soline.
"Didn't i make myself clear when i said to focus your fucking eyes only at me." she clenched her jaw while staring at me. Di ko maiwasang tumingin sa mga kaklase ko na parang maiihi na sa takot. I startled when another smash hit the mess , napalingon naman agad ko sa harap at sumalubong sakin yung mata nyang nagaapoy nanaman.
"Damn it, Kace keep your nerves calm" she murmured pero dko masyadong marinig dahil sa sobrang hina at nakapikit ito na tila kinakalma ang sarili.
Di ko mapigilang mapalunok. I hate to admit but she really look so hot in her pencil cut skirt and white longsleeve nakabukas pa yung tatlong botones niya revealing her cleavage. Napaiwas naman ang tingin ko dito. Ang init pota.
Nagdidiscuss lang sya sa harap. Ang professional nya talagang tingnan. Her existence screams elegant, luxury and of course a beauty i must say. From her perfectly fine eyebrows, to her amber eyes, pointed nose and her red lips. Napalunok naman ako at agad umiling iling, damn it ano batong iniisip ko. What the hell Rajim umayos ka professor mo yan.
"Miss Lopez answer the remaining question on the board" Nakakalunod naman yung boses paranh kinakausap parin ako. Ket malamig magaan parin sa pakiramdam.
"Miss Lopez!" muntik nakong matumba sa inuupuan ko ng magsalita sya. Tangina may sinabi ba sy??
"Ma'am?"saad ko sabay tayo habang kinakamot yung eyebrow ko.
"Are you even listening?" She frowned while crossing her arms
"Ah may sinabi po ba kayo?" tangina nababahag buntot ko pag sya kaharap ko. tangina rajim ginagawa mo? Kung nandito lang mga kaibigan ko sure akong pagtatawanan ako ng mga to , bakit kasi sa block 03 pa si Leon napunta edi sana may katulong ako dito.
"Get the hell out of here Lopez." she's clenching her jaw again while pointing the door. Galit na galit gustong manakit? Ayos lang mukha syang hot mommy na nakulangan sa polbora na galing sa mayon volcano.
Agad naman akong lumabas at nanatili nalang sa gilid ng pintoan. Gusto ko sanang umalis at disturbohin mga kaibigan ko pero mamaya nalang pala baka kaltukan ako ni aunt Lian. Behave muna habang first day pa noe.
Ilang minuto pa ang dumaan at natapos narin yung lecture dahil isa isang nagsilabasan mga kablock ko. Nagchat ako sa gc namin na magkita nalang kami sa cafeteria. Paalis na sana ako nang mabunggo ko si Ma'am Soline. tanga mo talaga Rajim.
"Are you blind?" napaiwas nlng ako ng tingin dito at pinulot yung nahulog na book sakanya at inabot ito.
"Sorry po Ma'am, paalis na dapat kasi ako" I softly said looking at my feet.
"Are you saying it's my fault that you're blind enough to not notice my presence?" malamig na sambit nito kaya agad ko naman itong tiningnan, sumalubong sakin yung magkasalubong nyang mga kilay. Angry birds yarn. I chuckled upon hearing my thoughts
"What's funny?" nanliliksik nanaman itong nakatingin sakin kaya inayos ko ang tindig.
"Wala ho, may iniisip lang." she hissed and she was about to leave when i held her hand. I fixed her third botton para di masyadong kita yung cleavage niya. Tila napako naman ito sa kinatatayuan dahil di ko man lang narinig itong nagsalita.
"There okay na" i said at tumingin sakanya. Parang nahipnotismo naman ako sa tingin na pinupokol niya. She immediately composed herself at cleared her throat.
"Gotta go." she left without glancing at me. Di ko mapigilang mapangiti habang tanaw parin ang daan na tinatahak niya. Umiling iling nlng ako tsaka umalis na.