Back
/ 53
Chapter 38

Chapter 37

Yesterday's Loaded Bullets

"Is everything ready?"

Kinuha ko ang bag na hawak ni Soline. Mag out of town kami ngayon dahil sembreak namana sakto. Isang linggo na akong maayos kaya di na masakit yung tama ko dahil pinagamot ko rin ito sa DPO dahil may hospital section naman kami dun , para na rin mapadali ang pag galing ko.

Nagmaneho na ako papuntang Tagaytay. Doon kami tutuloy sa isa sa mga resort ko. Napapansin kong antahimik niya lately. I mean tahimik naman talaga sya pero iba ngayon

"Hey are you okay? Wag mo'ko masyadong isipin baka mabunti--aarayy to naman!."

Napatawang tumingin ako sa daan dahil nakatanggap nanaman ako ng kurot ni mahal na reyna. Sinamaan lang ako nito ng tingin bago binalik ito sa labas ng bintana.

"Ano ba kasi iniisip mo??" tanong ko dito tsaka hinawakan ang malambot na kamay nito.

"I was thinking why you become a human when you look like a mosquito."

Napanganga ako sa sinabi nito dahil seryoso lang itong nakatingin sakin habang sinasabi ito na parang walang pakialam sa reaksyon ko.

"If naging lamok ba ako hahayaan mong masipsip kita?"

Nagbago naman ang mukha nito at nakasalubong na ang kilay.

"with your mucky dull-witted mouth? I would never , you're disgusting me goodness."

Mamatay na ata ako kakatawa dahil sakanya. Kung hindi lang sana ako nagmamaneho baka hinablot ko na sya at ipinasok sa bulsa ko. Her reaction is everything goodnes.

"Kita mo tong magandang mukha ko?" tinuro ko ang mukha ko sakanya habang nakatutok parin ang tingin sa harap.

She chewed her lips and analyze my face. I almost flinched when she touched my right cheeks. I could feel her warm palm that gives calmness to my system.

"Aside from sordid greasy unexplained lil details in your face, this is definitely one of the mistake creation of Father."

She moved her hand away from my face and gave me a lil smirk. Teka di ko ma proseso ano raw?? Did she just insult the face of her future??

"I refuse to acknowledge your judgement mah lady. Ipasok nalang kaya kita sa EO para luminaw mata mo na itong mukha kong to ay mukha ng magiging asa--"

Nakailang kurot na siya sa sakin mukhang pakpak na ang tagiliran ko dahil sa matutulis niyang kuko. Tinatawanan ko nalang ito , ako dapat nagtatampo pero wala na natutunaw nanaman ako ket di naman siya ngumiti sakin. Lahat nalang ata sakanya maganda sa paningin ko.

Kinuha ko na ang bag namin sa likod ng sasakyan nang makarating na kami.

"Rajim ijah buti naman at nakabisita ka dito! Sino naman itong magandang babaeng dala mo?"

Napangiti ako nang salubongin kami ni Nanay Tesa ang caretaker ko dito. Sila ang nagaalaga nitong resort ko kasama ang pamilya niya.

"Nay kamusta po kayo! Ah nga po pala si Soline ho."

Pinakilala ko si Soline kay Nanay matapos ko itong yakapin. Parang napako ang tingin ko ng ngumiti ito kay Nanay, ang ganda shit.

"Oh sya pumasok muna kayo sa silid niyo at magbihis, naghanda talaga ako ng maraming pagkain ng sinabi mong bibisita ka dito."

"Sila Tay Hulyo nga po pala asan?."

"Nasa dagat nangisda nang mabalita ko sakanyang pupunta ka dito. Kasama niya si Greg."

Pumasok na kami sa kwarto na hihigaan namin. Di na ako nag abalang magsabi na dalawang kwarto dahil matutulog ako sa tabi nitong Amazona.

"Mauna kanang magbihis aayusin ko lang tong gamit natin." sabi ko dito kaya tumango naman ito at pumasok na sa cr.

Nakangiti lang akong nagaayos ng gamit namin nang bumukas ang pinto ng cr. Gumala ang tingin ko sa katawan nito. Naka robe lang siya , ang fresh nyang tingnan.

"what are you looking at?." supladang tanong nito kaya naman ay mabilis na napaiwas ako dito ng tingin.

"H-huh?yung ano y-yung dingding pwede na idisplay sa museum maganda kasi tingnan."

Aligagang tumayo naman ako sa pagkakaupo at nagmamadaling kumuha ng damit. Napapikit pa ako nang sumuot sakin ang bango niya habang tinatahak ang pinto ng banyo.

Napahawak ako sa dibdib ko nang mabilis itong tumitibok. Tangina pag di pako nagmadali baka makagawa ako ng di dapat. Masyado syang nakakaakit tanginaa.

Ilang minuto akong nanatili sa banyo nago lumabas. Naabutan ko itong nagsusuklay. Di na ito naka robe maka kaswal na damit na ito. Naka above the knee na white dress lang ito. Naka white free long sleeve lang ako na pinarisan ng trunks.

Napalingon naman ito sakin at nakatingin sa mukha ko. Mukha syang nagblublush kasi mapula ang pisnge nito at agad nag iwas ng tingin kaya naman ay ngiti ngiting lumapit ako dito.

"Let's go kain muna tayo."

Nilahad ko ang kamay ko dito at tinanggap naman niya ito. Napangiting tiningnan ko ang kamay naming nakahawak sa isa't isa. Hinalikan ko naman ang likod ng palad nito at nginitian siya.

"pwede bang i tape ko nalang ang mukha mo mahal?" nakangiting saad ko dito habang dahan dahan kaming naglakad palabas dahil sa munting kubo kakain.

"why?." sambit nito habang nagpalingalinga ang tingin sa paligid.

"masyado kanang maganda baka maagaw kapa sakin. Pwede bang i bulsa nal--arayy nakailan kana ngayong araw ha!"

Napagulantang naman ako nang nakatanggap nanamn ako ng kurot dito at inirapan pa talaga ako. Nagpabulong bulong pa ito na di ko naman naiintindihan.

"stop annoying me! I don't know how to deal with you anymore."

Napatawang sumunod ako dito nang mabilis na naunang maglakad ito habang nakabusangot nanamn ang mukha.

"Maya ka sakin di kana talaga makakalak--"

Napahawak ako sa noo ko nang ibinato nya sakin ang plastic na baso sa may mesa. Tangina nagsisimula palang ang araw mukhang mga pasa ang aabutin ko.

"I hate you!."

Napahalakhak ako nang nagsalita ito at salubong ang kilay na tiningnan ako.

"I love you too po!."

Napatigil naman ito sa paglakad kaya naman ay mabilis na pinuntahan ko ito at hinawakan sa kamay. Gulat ang matang nakatingin ito sakin. Bat paba siya nagugulat eh halata naman sa mga kilos ko na mahal ko siya.

"What did you say?."

Nakangiting tumingin ako sa dagat nang sinuri nito ang mukha ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Kita mo yang dagat? It resembles my love for you. It's unmeasurable."

I'm really whipped. Nakatayong nakatingin lang ako sa dagat atsaka ko naman binaling ang tingin ko kay Soline. Nagiwas ito ng tingin at nagpatuloy na sa paglakad. Di ko maiwasang mapangiti habang nakasunod ang tingin ko sa likod nito.

"Rajim! Namiss kita gago bakit ngayon ka lang bumisita!"

Nakangiting mukha ni Greg ang sumalubong samin sa kubo. Lumapit naman ito para bigyan ako ng yakap. Kaisaisang lalaking kaibigan ko ito dito sa tagaytay dahil anak siya ni Nanay Tesa.

Napabitaw naman kami nang tumikhim itong katabi ko sa gilid at masama ang tingin sakin.

"Ah Soline si Greg nga pala anak ni Nanay Tesa."

Nakatulalang nakatingin lang si Greg dito kaya napangisi ako. Sorry nalang sya dahil magiging asawa ko to, desisyon ako eh.

"Wag mong titigan asawa ko yan." mariing bulong ko kay Greg kaya nanlaki ang mata nitong tumingin sakin.

"Oh sya magsikain na kayo halina!."

Napalingon naman kami kay Nay Tesa na pinapaupo na kami sa kubo. Hinila ni Nay Tesa si Soline sa hapag kaya kami nalang ni Greg ang naiwan.

"Ang ganda gago iba ka talaga hanep!."

Napangisi nalang ako nang tinapik tapik nito ang balikat ko at nakatingin kay Miss na nakangiting nakipagusap kay Nay Tesa.

"Kailan niyo balak magpakasal ijah?."

Napaubo ako sa tanong ni Nanay. Nagkatinginan kami ni Soline at nagiwas naman ito sakin habang namumula.

"Wag niyo na itago walang kaso samin yang ganyan ang importante masaya ka ijah atsaka halata naman na may namamagitan sa inyo." nakangiting sambit ni Nanay habang sumusobo sa pagkain niya.

"Mana ka talaga sakin Rajim ang galing mo mamili ng dilag."

Napatawa naman ako sinabi ni Tatay Ismael. Si Greg naman ay nakangising tinutukso ako gamit ang mga mata nito. Di ko tuloy maiwasang mamula. Ang advance naman nila, pupunta naman kami jan pero di sa ngayon, soon na.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy na kaming kumain. Busog na busog ang mga mata ko sa babaeng nakangiti habang nakikipagkwentohan kina Tatay. Hindi siya mukhang masungit pag kaharap sila habang ako parang laging nakasalubong si Lucifer.

How can you easily take over my system? Wala ka namang ginagawa sakin pero nababaliw na ako sayo.

Share This Chapter