Back
/ 53
Chapter 2

Chapter 1

Yesterday's Loaded Bullets

"Hoy Rajim tangina mo ibalik mo yan gago ka!" nangigil na sambit nung lalaking panot na pinadala ni papa para bantayan ako. Para na kaming timang ditong naghahabulan sa divisoria.

Ang epal parang hiram lng e, gusto ko lng naman hiramin yung tsinelas na powerpuff girls kay aling Sonya kaso nahuli ako ni panot kaya no choice sinuot ko nalang tapos tinakbo. Isasauli ko naman to mamaya eh, momodelo ko lang muna mga ilang minuto.

"Wag mo 'kong habulin ano ba ang epal mo!" singhal ko habang hinihingal. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Tumigil naman siya habang nakahawak sa tuhod nya. Nakailang topsilog siguro to kaya sobrang hingal, sana binenta nya nalang yung ulo nyang mas madulas pa sa floorwax para di nangingialam ng tsinelas.

"Ibalik mo yan, para kang bata isusumbong na kita sa papa mo" saad niya sabay kuha ng telepono sa bulsa nya. Mukhang tatawagan nga si papa. Sumbongero talaga lage nalang, walang bago napaka epal.

"Akala mo natatakot ako? Gusto mo samahan pa kita papunta sakanya eh" sabi ko tsaka iniwanan sya suot parin yung tsinelas galing kay aling Sonya. Bibigyan ko naman ng pera si aling Sonya para dito noh, mukha bng magnanakaw ako sa ganda kong to.

"Aling Sonya akin na to ah? Bilhin ko nalang po, ang epal kasi nung panot na yun" sabi ko sabay labas ng isang libo tsaka binigay sakanya.

"Haynako ka talaga Rajim,  pang-ilang habol naba yan sayo ni Romulo, papagalitan ka nanaman ng papa mo nyan." napangiwi nlng ako sa sinabi ni aling Sonya. Tiyak na pagagalitan nanaman ako ni papa sa bahay nito. Sumbungero kasi yung taga bantay ko lalo na pag wala si papa sa bahay masyadong busy yun dahil narin sa kapitan ng kapulisan ito.

---

"Ano nanaman to Jaziah?? Ang kulit mo talagang bata ka magkokolehiyo kana para ka paring bata umasta" bungad na sabi ni papa sa hapag. Napatawa nlng ako sa busangot nyang mukha. Ang fulfilling kasi pag nakikita ko ang mahal kong ama na asar na asar nanamn sakin.

"Pa naman parang hiniram ko lng yun tapos si Romulo humabol naman bigla sakin kala mo talaga naagawan ng tsinelas kung maka react e" sinamaan lng ako ng tingin ni amang hari.

Simula ng mamatay ang mama ko sa isang aksidente, kami nalang tatlo ni papa at ang kapatid ko ang nasa bahay. Minsan naman kami lang dalawa tsaka si Romulo yung nandito sa bahay kasi parating wala si papa, naglalage sya sa stasyon bilang kapitan ng pulisya.

Gusto ko rin maging kagaya ni papa at ng lolo kong heneral. Mga sundalo yung linya ng trabaho sa side ni papa. Gusto ko maging sundalo kaso ayaw akong payagan ni papa, masyado raw delikado at maraming kalaban. Napatawa nalang ako sa iniisip, delikado raw pero sa pagsali ko sa ano di naman ako binawalan.Isa pa gusto ko munang tuparin ang pangarap ni mama para sakin na maging isang doktor.

Kaya nga sa pasukan pagiging doctor ang kukunin ko , kung hindi papalarin edi yung doctor nlng na magiging guro ko kung sino man.

Natatawa nalang akong isipin yun pero gusto ko talaga maging sundalo di man sa ngayon pero sisiguradohin kong matutupad iyon.

Tsaka isapa nakafocus ako sa paghahanap sa mga kasangkot sa nangyare kay mama. Alam ko na hindi simpleng aksidente lng yun, hindi naman ako pinanganak kahapon para magbulag-bulagan sa nangyare sa mama ko.

"Ate nasayo ba yung glue ko?"saad ng kapatid kong nakalaklak ng gluta sa sobrang puti, di bale maganda naman mana sakin. Mga alagad ng dyosa kasi kami.

"Eh ikaw nasayo ba?" Saad ko habang nakadekwatro sa kama

"Kaya nga hinahanap ko diba." sabi nya tsaka ako inirapan. Abang bata to kung di ko lng to kapatid matagal ko na tinapon sa drawer eh.

"Nakita mo bang hawak ko?" Tiningnan ko sya habang nakataas ang kilay

"Wala." tugon nya sabay kuha ng unan

"Oh yun naman pala e bat mo pa hinanap saki-"

Yawa ang sakit. Bigla akong hinampas ng unan gago ,yung unan ko pa talaga na nilagyan ko ng bato tangina.

"Bwesit ka talaga!" nangigigil na sabi nya at akmang ihahampas na nanaman sana sakin nung hinila ko yung buhok nyang mabango pero sabog di marunong magsuklay amp.

"Hoy Rashana Jade Lopez! wala ka talaga allowance sakin ha, sige tuloy mo kapal ng kulangot mo yung unan pa talagang may bato hinampas mong gaga ka." sabi ko sabay hawak sa kamay nya tsaka binawi yung unan ko.

"Epal ka talaga ket kailan! kala mo talaga sya nag aallowance si papa naman heh!" Inirapan lng ako nito sabay talikod. Napahawak nalang ako sa sentido ko kasi kumirot, gago ikaw ba naman hampasin ng unan na may mga bato . Bobo mo Rajim bat mo kasi nilagyan tanga ka.

Nakahiga ako sa kama nang magvibrate yung cp ko. Agad ko itong binuksan at nakitang nagiingay nanamn ang mga unggoy kong kaibigan. Himala ata tng mga to.

Jazer Kendall Jacinto

Hoy gala tayo mamaya malapit na pasukan daliiii.

Cassidy Castro

Tara bar nlng tayo tsaka dating gawi.

Leon Ameron

Ay taray girl tara para makahanap narin ako ng fafa dun , wala nakong dilig te ilang days na.

Rajim Lopez

kadiri ka talaga magfilter ka naman oi tanga jusq HAHAHHAHAHA

Zayah Marrow

I'm in pero stay still lng, baka dipa tayo nagbabar nanggugulo na kayo. Mga 8pm punta na tayo dun.

Tiningnan ko ang orasan magpapasado 7 na rin pala. Agad ko namang inoff cp ko tsaka pumunta ng cr para makapaghanda na rin. Tamad yung mga kaibigan ko pero pag gala ibang usapan na yan.

I just wear black fitted jeans with a white strapless white top na pinatungan ko naman ng black leather jacket plus boots.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin, tangina kaninong mukha ka kol ang ganda mo naman. Napatawa nlng ako magisa dahil sa naisip ko. Well kahit naman ganito ako may ibubuga naman ako sa mukha. Arabian beauty ako pero yung kulay ko namana ko sa mama kong maputi pati narin ang kulay amber kong mata.

Agad ko namang kinuha cp ko at tinawagan si leon.

"Saan na kayo?" sabi ko sabay paliguan ng pabango sarili ko. Di naman as in na sobrang dami nilagay ko, sakto lng para mamatay sila sa bango ko.

"Girl nandito na kami ikaw nlng kulang hinayupak ka pa VIP ka masyado bilisan mo na." tamong lalaki to di makapagpigil. Napailing nlng ako sabay labas ng bahay.

Agad naman akong umangkas sa itim kong ducati panigale v4 at pinasibad agad ito.

---

"Miss id mo akin na." saad nung bouncer mukhang bago ata to kasi di ako kilala. Sa tito ko tng bar na pinasukan namin parati pag tumatambay kaya kilala na kaming magkakaibigan dto.

"Miss anoba akin na sab--" Agad ko namang nilabas ang itim na card na may tatak na bungo tsaka sinalpak sa bunganga nyang maingay. Agad naman nanlaki ang mga mata nya at dali dali akong pinapasok. Ayoko sa lahat yung paulit ulit magsabi unli ampota.

Mga amoy ng sigarilyo at malakas na music ang sumalubong sakin pagpasok. May mga naglalaplapan sa gilid ko habang naglalakad ako patungo sa table ng mga kaibigan ko. Nakita ko naman yung ibang bouncer na papalit sakin kay tinanguan ko lng ang mga to habang sila ay bahagyang yumoko bilang galang. Sinabihan ko namana sila di na kailangan wala naman kami sa loob ng DPO (Death Phoenix Organization) tsaka ko na isasabi yung ibang detalye pag trip ko na magkwento.

"Ang tagal mo naman Raj pinaglihi kaba sa pagong." bungad ni Jazer sakin ng makaupo sa gilid nya. Inabotan nya naman agad ako ng vodka tsaka sinimsim ko ito.

"Hindi kaagad ako pinapasok, mukhang bago ata yung bantay kanina." Napalingon naman sila agad pag sabi ko nun.

"Wag mong sabihing may ginawa ka nanaman dun kaya natagalan ka?" Taas na kilay na sabi ni Zayah. Napaismid nlng ako. Well pasalamat nga yun goodmood ako kaya wala akong ginawa.

"Nope, mabait ako ngayon kaya hinayaan ko lng." sabi ko habang nilibot ang tingin sa mga tao sa loob ng bar. Maraming nagiingay pero sobrang mas maingay sa baba, grupo ng mga naggagandahang babae. Ang wild nilang tingnan mukhang mga mas matanda pa samin. Nilibot ko ang tingin sakanila ng huminto ito sa isang babaeng umiinom na parang binagsakan ng lupa ang mata.

"Raj si Leon hanapan mo raw ng fafa,"

Nakatitig lng ako sa babae habang minamasdan ang mga kilos nito. Ang ganda nya. Sobrang ganda. She's wearing a black silk satin dress na bumagay sa hugis ng katawan nya. I can't take my eyes off her para akong naka stuck.

"Raj hanapan mo raw ng fafa si Leon hoy!" agad naman akong nawindang ng hinablot ni cassidy ang ilang hibla ng buhok ko kaya nabaling sakanya ang paningin ko.

"What?!" sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lng ako."Malaki kana Leon ikaw na maghanap epal to, nahiya kapa sa lagay na yan kala mo talaga di pa nakahanap gusto mo bigyan pa kita ng daang hotdog jan." dugtong ko dito kaya nagsitawanan lng ang mga gung gong. Trip talaga akong asarin ngayon inangyan.

Binalik ko ang tingin dun sa babae at nakitang nagpupumiglas ito sa limang lalaking gusto syang kaladkarin. Inawat naman ng mga kaibigan niya ang mga ito pero mukhang di ata natitinag, mga lasing narin ata yung mga kasamahan nung babae.

Agad naman akong tumayo kaya napatingin sila Jazer sakin.

"Code red" nandidilim kong saad at mabilis pa sa alas kwatrong tumayo at sumunod sila sakin.

"Sumama na kasi kayo samin maglalaro lng tayo sa kama saglit." rinig kong saad ng pangit na may gintong ngipin sa gitna. Tangina ampangit ng pagkatao. Nakita kong nakapikit yung babaeng tinitingnan ko kanina na hawak nung isang panget na lalaki , mukhang nakatulog sa kalasingan.

"Anoba ibigay nyo siya samin ampapanget niyo!" Sigaw nung isang babaeng kaya nagalit yung may gintong ngipin. Akmang sasampalin nya ito ng biglang tumikhim si jazer.

"Haix ambaho par." seryosong sabi ni Jazer sabay punta sa gitna nung isang babae at dun sa gintong panget. Nakatakip pa ang isang kamay nito sa ilong nya kaya di namin mapigilang tumawa. Gago talaga pero totoo naman.

"Aba'y gago ka pala!" sabay suntok kay Jazer pero naiwasan nya lng ito habang tumatawa. Napailing nlng ako sabay tingin sa ibang kaibigan ko na nakipagsuntokan na rin sa kasamahan ng panget na to. Agad nmn hinanap ng mata ko yung babae kanina at nakitang nakahiga ito sa gilid at nakapatong ang isang kasamahan nung pangit na lalaki. Bigla nlng nanginit ang mata ko sa nakita.

"Gago kang kupal ka ampanget mo lumayo ka!" binira ko nmn ang kwelyo nito tsaka pinagsusuntok at tindaykan ang mukha.

Hinubad ko naman ang jacket ko tsaka sinabit sa katawan nung babaeng walang malay. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nakahilata na yung may gintong ngipin at ang mga kasamahan nito, nakita ko namang kinakausap nila ang mga bouncer. Agad naman pumunta sa gawi namin yung kasamahan ng babaeng to kanina.

"Oh my gosh Kace!" saad nung naka blonde na buhok maganda rin pero mas maganda tng hawak ko. Tinapiktapik naman nito ang pisnge nung babaeng hawak ko kaya nagmulat ito. Agad naman akong napatigil. Fuck her amber eyes.She's so pretty. Para akong inaakit ng mga mapupungay nyang mata , nakakalasing.

Akmang tatayo na ito ng bigla akong sinukahan. Just great. Really great. Sinamaan ko nmn ng tingin yung mga kaibigan kong nagpipigil tumawa mga gago.

"Get her off me damn." gigil na bigkas ko tsaka sinamaan sila leon na parang walang kupas kung tumawa yawa. Binigay ko naman sakanila yung babae kanina, still staring at her. She's so peaceful parang di ako sinukahan. Binalangin ko nmn ng tingin yung pitong babae sa harap ko na nakatingin sakin ngayon.

"You're welcome." sabi ko saka tinalikuran sila at ang mga abnormal kong kaibigan hanggang ngayon tumatawa parin parang nawawalan na ng bait. Agad naman akong sinalubong at inabutan ng towel ng bouncer nang akmang papasok ako sa private room namin dto sa bar.

"Kadiri ka Rajim ambaho mo." nakaismid na sabi ni Zayah kaya inirapan ko lng ito.

"Sa lahat ng susukahan yung dibdib ko pa talaga." inis na sambit ko tska pumasok ng cr. Rinig ko pa ang malalakas na tawa ng gunggong kong kaibigan.

Habang nilinisan yung sarili dko maiwasang isipin yung babae kanina. Tangina ano ba to she's invading my mind i hate this. Pinikit ko ng mariin ang mata ko pero pagmumukha nya yung bumubungad sa isipin ko. Damn it Jaziah wake the fuck up baliw kaba.

Napabuntong hininga nlng ako at tinapos ang ginagawa. Lumabas na kaming magkakaibigan sa bar. Inaantok na ako baka magalit nanaman si papa nito dahil late nako umuwi. But hell way sermon lang naman kaya niya.

Nagkanyakanyang sakay na kami sa sasakyan namin sila leon at cassidy sasakyan gamit habang kaming tatlo nila Jazer at Zayah naka ducati. Pinaharorot naman nila ito paalis at naiwan muna ako. Kinuha ko naman ang cp ko sa bulsa.

"Prepare the room may darating na limang lalaki jan , you know what to do." saad ko sa kausap ko at umalis na. I really hate witnessing sexual harassment nangigigil ako sa mga manyak.

Share This Chapter