Back
/ 53
Chapter 18

Chapter 17

Yesterday's Loaded Bullets

"Tita moma look i got one!."

Nagtatalon naman sa tuwa ang bata habang nakahawak sa maliit na spiderman na nakuha namin sa claw machine.

Napatingin naman ako kay miss sol na nakangiti habang nakatingin kay Cody. Ang gandang view.

"Let's go there po!" agad naman akong hinila ni cody patungo sa may basketball.

"Do you want to try that?."

Mabilis naman itong tumango tango at nakaspread ang mga braso. Binuhat ko naman ito.

"Shoot the ball baby." nakangiting sabi ni Miss Sol habang may hawak na bola at binigay sa bata.

"Yes love."

Sinamaan naman ako nito ng tingin dahil sa sinagot kaya natawa nalang ako. Inirapan pa ako nito bago magbaling ng tingin sa bata na nagsimula ng magshoot ng bola.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa basketball area dahil mumkhang nagenjoy ata si Cody. Kalaunay pumunta naman kami sa dance arcade machine.

"Halika ma'am sumali kana samin."

Nakapwesto na kami ni cody sa harap ng machine. Hinakayat pa namin si miss pero ayaw kaya nginusuan ko si cody na hilahin yung tita niya.

"c'mon tita moma join usss."

Walang nagawa si miss kundi magpadala sa paghila ni Cody sakanya. Nagstart na yung song kaya sumayaw sayaw naman kami habang tumatawa.

Parang nabingi ata ako at bigla nalang tumigil yung nakapaligid sakin. Mukha ni Doc Sol na tumatawa ang tanging nakikita ko. It may sounds corny but she feels like freezing my surrounding at hinihila ako nito papunta sa kanya.

"Hey lopez are you okay?"

Nagising naman ako sa realidad nang hawakan nito ang mga balikat ko. Tiningnan ko naman ang screen ng dancing machine at natapos na pala ang kanta. Nalipat naman ang tingin ko sa batang nasa gitna namin na may malawak na ngiti at nagpalipat lipat ang tingin samin dalawa.

"Is my tita moma that pretty po ba that's why your eyes glued to her?"

Napanganga naman ako sa batang may mapang asar na ngiti sa labi. Tiningnan ko naman si ma'am na di makatingin sakin.

Tumikhim naman ako at ibinalik sa bata ang tingin.

"Are you hungry? Do you want to eat na ba??."sabi ko dito at napailing naman ito at may itinuro sa gilid.

"I want to try that po."

It's a photo booth. Hinawakan ko naman ito sa kamay at dinala dun. Pumasok na kami sa loob. Siya muna ang pinapwesto ko habang nilalagyan ng hairband na mickey mouse. Nakailang posing pa siya kaya natawa ako sa kakyutan nito.

Hinila naman ako nito paupo kaya napatingin ako kay ma'am na nakangiti pala samin. Si cody lang pala ang magpapangiti sakanya, siguro dapat ko ng suhulan tong bata para nakangiti ito palagi.

"say cheese."

Nakailang pose rin kami dalawa ng biglang tumayo ang bata at hinila si miss na nasa gilid lang namin at nanonood.

"Picture po tayo tita momaa."

Umopo naman si miss sa tabi ko kaya di naman maiwasang magtambolan ng malakas ang dibdib ko. Ang lapit niya masyado sakin. Sumusuot sa ilong ko ang pabango niya.

Nilagay ko naman sa lap ko si Cody. I slowly snaked my arms to her waist para mas mapalapit siya sakin. I can feel her hot breathe at ang pagtaas baba ng dibdib nito.

"relax amore mio"

Napapikit naman ito sa pagbulong ko sa tenga niya kaya napangiti ako sa naging reaction nito. Kalaunay dumilat ito at umusog ng kunti pero dahil matigas ako ay hinila ko pa ito papalapit sakin.

"Say wackyy."

Napangiti naman kami sa camera matapos sabihin iyon ni cody sa maliit na boses.

Nakatatlong shot rin kami bago lumabas at kinuha ang picture na nadevelop.

Nakangiti lang akong nakatingin sa picture na hawak ko. Kinuha ko yung mga pictures namin ni Cody. Diko naman maiwasang matunaw habang nakatingin sa pictures naming tatlo. We're like a family here.

Yung unang pics ay nakangiti lang kaming tatlo, the second one is nakahawak kami pareho sa pisnge ni Cody. Di ko maiwasang matawa sa last pic , tumatawa si Cody samin habang nakatingin at ako naman ay humalik sa pisnge ni miss na gulat ang reaction.

Andami ko pang kurot sa tagilirang nakuha dahil sa ginawa ko at kaming dalawa ni Cody naman ay panay tawa lang. Ewan ko ba anlakas ng loob kong halikan siya sa pisnge kanina. Rajim "tumatapang" Lopez.

"C'mon let's eat na buddy."

Kinarga ko ito gamit ang kaliwang kamay at nilagay ko naman ang kanang kamay sa bewang ni Miss Sol. Natigilan pa ito at nakataas ang kilay na napatingin sakin pero nginitian ko lang ito.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng toms world. Tahimik lang kaming naglakad papuntang Mang Inasal habang ang bata ay palinga linga lang sa paligid. Ewan ko lang kung kumakain sila dun.

Malapit na kami sa mang inasal nang harangin kami ng isang babaeng may dalang camera.

"Oh gosh you guys are so cute together. Can i take a picture with your family?"

Nakangiting tanong ng babae kay Miss Sol na tahimik lang na nakatingin dito. Ako na sana ang sasagot ng putulin ako nito.

"yeah sure."

Napatingin naman ako dito sa pagpayag. Di ko tuloy maiwasang mapangiti ng malapad.

Pumwesto naman kami at inilapit ko sakin si Miss Sol habang nakatingin ang mukha sa camera.

"Your wife is so gorgeous miss."

nakangiting sambit ng kumuha ng pic samin sabay bigay samin ng dalawang copy ng litrato.Napatigil naman ako sa sinabi nito at napamaang.

" ah hi--"

"Of course."

Mabilis na napalingon naman ako kay Miss Sol dahil sa sagot nito. Binalingan naman ako nito ng tingin at inirapan. Tanginaa landi mo rajim.

Di kalaunay pumasok narin kami sa loob ng Mang Inasal. Umopo naman kami sa may dulo. Binaba ko si Cody sa gitna namin ni Miss.

"What do you want to eat miss?."

"Didn't i told you to call me Kace when we're not in school." masungit na sambit nito sakin

"Ah yeah right Kace ano sayo?."

Tumayo naman ako habang nagaabang ng sagot niya.

"same as yours."

Lumakad nako paalis at pumila sa counter. Pa tanaw tanaw naman ako sa dalawang taong naguusap na may mga ngiti sa labi na nagkukulitan. Ang cute nilang tingnan, para silang mag ina. Mag ina ko.

"Mag ina mo?."

Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng katabi ko sa pila na nakatanaw rin kina Soline. Nginitian ko lang ito bago sumagot.

"they look lovely right?"

"yeah swerte mo."

Napangiti nalang sa sinabi nito at binalik ko naman ang tingin kina miss. Nawala bigla ang mga ngiti ko ng samaan ako nito ng tingin. Inirapan pa ako nito bago bumaling ng tingin kay Cody. luh napano yun?

Ilang minuto pa ay bumalik na rin ako sa upoan. Panay kwento lang si Cody samin. Nakangiting nakikinig lang ako dito the whole time. Pasulyap sulyap naman ako kay Miss Sol na nakangiti rin kay Cody.

"Here's your order miss."

Naputol lang ang tingin ko dito dahil sa lalaking nagserve ng mga pagkain namin. Panay tingin naman ito kay miss sol kaya sinamaan ko ito ng tingin. Napayuko naman ito at umalis narin kalaunan. Titingnan pa talaga ang future ko eh.

Nagsimula na kaming kumain at mukhang nagustuhan naman nila dahil pangalawang rice na nila to. Maganang kumakain si Cody at nagkalat ang mga kanin sa bibig nito.

Kumuha naman si Miss Sol ng tissue sa gilid at pinunasan ang bibig ni Cody.

"Kace misis ko, punasan mo rin yung bibig ko look oh madumi na."

Napahagikhik naman si Cody dahil sa sinabi ko at si miss naman ay masama ang tingin sakin.

"You have a hand ayah."

Nahinto naman ako dahil sa sinabi nito. Did she just call me ayah??

"what? Are you just gonna stare at me?".

Nakataas ang kilay nitong sabi kaya di ko maiwasang mapangiti. Shitt kinikilig ako.

"Dahan dahan lang naman. Tinutunaw mo ko eh."

Napairap lang ito sakin at kalaunay inangat ang mga kamay nito at hinawakan ang panga ko.

"You're really a mess."

Nakatitig lang ako sa mukha nitong sobrang lapit sakin habang seryosong pinupunasan ang mga labi ko. Di ko tuloy maiwasang kabisadohin ang magandang mukha nito.

Ilang saglit pa ay huminto na ito at dahan dahang lumayo. Tumingin naman ito sa mga mata ko pababa sa mga labi ko. Nakita ko pa itong napalunok nang dilaan ko ang ibabang labi.

" Why don't you just kiss her ate pretty. You're too slow."

Agad naman kaming napalingon sa batang nagsalita habang may ngisi sa mga labi. Tangina nandito pa pala to.

"Cody!." mahinang suway ni Miss Sol sakanya kaya napahagikhik nalang ito.

Napailing iling nalang ako dahil sa ginawa. Shit gago ano ba to nakakahiya na nakakakilig? Gago may saltik ka talaga rajim.

Share This Chapter