Back
/ 53
Chapter 13

Chapter 12

Yesterday's Loaded Bullets

"Ito na po yung pinapasabi niyo." I was looking at the view from the building habang nakatalikod sa pinto at nakasandig sa swivel chair. Dito ako sa opisina nagpapalipas ng oras.

Kinuha ko naman ang folder na binigay ni Jerry sakin kaya binuksan ko ito.

"You're deadmeat." I whispered while reading the files related to the case of my mother. I picked my phone inside my pocket while dropping the documents in my table.

"Get this asshole. I'll send you the details."

Napakuyom nalang ako ng kamay habang iniisip ang pwedeng gawin sakanya.

Napatigil naman ako sa pagiisip dahil sa tunog ng vibration galing sa phone ko.

"Sumunod ka dito nasa bar kami." bungad ni Jazer sakin.

"I'm busy." sumimsim ako ng kape na dala kanina ng taohan ko.

"Okay, di nalang namin sisitahin tong kapatid mo na nakaupo sa lap ng isang lalaki sa harap ng counter." nabuga ko naman ang ininom dahil sa narinig.

"What is she doing there?!"

Tangina, di ba siya binantayan na Romulo? Mabilis naman akong lumabas sa opisina.

"I'm on my way. Keep you eyes on her." mariing saad ko kay Jazer at mabilis na sumakay sa kotse.

Malakas na hiyawan ang bumungad sakin pagpasok ng bar. Agad namang hinanap ng paningin ko ang mga kaibigan kong ulopong na nagtatawanan sa taas kasama ang magaling kong kapatid.

"Oh ate antagal mo naman." nakangising sabi ng kapatid ko pagkalapit ko sa table nila.

"What are you doing here?? Bawal ka dito Rashana ambata mo pa!" mariing sabi ko dito at agad na hinila ang braso.

"Hayaan mo na Rajim, gusto niya lang naman raw mag relax dahil sa pagaaral." pigil ni Leon sakin kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Alam niyo ang rason ko kung bakit ko ginagawa to." Alam naman nilang delikado ang buhay ng kapatid ko baka mabaliw ako pag may nangyaring masama sakanya.

"Rajim relax, sa tingin mo ba hahayaan naming mapahamak yan." Lapit sakin ni Cassidy at tinapik ang balikat para pakalmahin ako.

Napayuko naman ang kapatid ko habang tiningnan ko ito. Alam kong nararamdaman niyang galit na ako.

"Nasaan si Romulo." sabi ko dito.

"Nasa baba po." sabi ni Rashana sakin habang tinuro ang entrance ng bar.

"Ano yung sinabi ni Jazer sakin? Rashana sinasabi ko sayo, ipapasalvage ko yang lalaking inupoan mo!" himutok na saad ko sakanya kaya bigla itong napatingin sakin at humalagpak ng tawa.

"Gawa-gawa lang ni ate Jazer yun oi para pumunta ka raw dito agad." tiningnan ko naman ng masama si Jazer na tumatawa na. Sarap balatan.

"Alam niyo bang iniwan ko yung importanteng gawain ko dahil lang dito?" nagsalubong na kilay kong tugon sa kanila.

"Oh inom ka muna Rajim, ang hot mo masyado." inabutan naman ako ng vodka ni Zayah kaya nilagok ko ito para mapaklma ang katawan.

Wala nakong nagawa kundi ang umopo at uminom. Yung tatlo naman sila Leon at Cassidy kasama ang kapatid ko ay nasa baba nagsasayawan. Sisitahin ko nanga yun kung di lang ako pinigilan ni Zayah.

"Kamusta yung pinagawa ko." sambit ko kay Zayah. Kami nalang dalawa nakaupo dito sa taas. Si Jazer umalis rin lumandi.

"Trinabaho pa ng mga taohan ko, ramdam kong malalakas ang kapit nito Rajim dahil kahit ako mismo nahirapan maghanap."

"Gagawin ko ang lahat para pagbayarin kung sino man ang may pakana kay mama." mariing sabi ko dito habang nakatingin sa mga nagsasayawan sa baba.

"Mauna nako, ikaw na bahalang mag-uwi sa kapatid ko." tinanguan lang ako nito kaya lumabas na ako ng bar. Sumakay naman ako sa ducati ko at pinahurorot papunta sa nahuli kong malaking isda.

----

"Nandun na po yung pinadukot niyo." magalang na bungad ng isang taohan ko pagpasok ko sa isa sa mga abandonadong warehouse na pagaari ng DPO.

Pumasok ako sa loob at naabutang natutulog pa ito kaya sinenyasan ko naman sa Jerry na gisingin. Kumuha naman ito ng timba at binuhos sa lalaking tulog.

"Tangina sino kayo?!" Nilapitan ko ito at umopo sa harap niya. Nakagapos ito at mababakas ang takot sa mga mata.

"Anong nalalaman mo." mariing sabi ko habang pinaikot ang dagger sa kanang daliri ko.

"Anong pinagsasabi mo?! wala akong al--ahhh!!!." malakas na tinusok ko ang dagger sa kanang hita nito.

"Let's talk about facts shall we?" mariing sambit ko at tiningnan ito na walang emosyon.

"Wala talaga akong alam sa sinasabi mo!"

Dahil sa inis ay diniinan ko ang dagger na nakabaon sa hita niya kaya mas lalo itong napasigaw sa sakit.

"Okay, mabilis naman akong kausap."

Tumayo na ako at sinenyasan ang mga taohan ko. Pumunta ako sa gilid at doon umopo habang nakatanaw sa ginagawa ng mga taohan ko.

"T-tama na parang awa niy-aahhh!!!" Hinihingal na sambit nito habang pinagsusuntok siya ng mga taohan ko. Hindi pa yan magiging sapat hanggat wala syang sinasabi.

Napatingin naman ako kay Jerry na nakatingin pala sakin, mababakas ang takot sa mata nito pero agad ding nawala at nagiwas ng tingin.

Kinuha ko naman ang kutsilyo sa gilid at dahan dahan kong pinalakbay ang mga daliri sa tulis nito.

"Jerry." sambit ko at tiningnan ito ng walang emosyon.

"Come here."

Napalunok naman ito at mabilis na lumapit sakin na nakayuko.

Binigay ko naman sakanya ang matulis na kutsilyo at napatingin lang siya dito.

"What do you think of banana peeling?"

Nakatingin lang ito sakin.

"Isn't it exciting?" dugtong ko sabay lagay ng kutsilyo sa palad nito. Nginusoan ko ang lalaking duguan na dahil sa ginawa ng mga taohan ko.

"What do you want me to do miss."

"Peel him." malamig na sabi ko. Yumoko naman siya at lumapit sa lalaki.

"Tama na!! M-maawa kayo!!" napangisi naman ako habang pinagmasdan itong balatan ni Jerry.

"Kung nagsalita ka sana di ka aabot dito." rinig kong sabi ni Jerry. Umiiyak na ang lalaki dahil sa sakit. Ikaw ba naman balatan ng buhay.

"P-patayin niyo nalang ako." nanghihinang sambit nito.

"Joyce Amayo." malamig na sambit ko dito kaya agad itong napalingon sa gawi ko.

"W-wag maawa kayo! Huwag niyo siyang idamay." nahihirapang sabi nito at mas lalong umiyak. Di ko naman talaga gagalawin yan, di ako nandadamay ng tao.

"Sasabihin ko na." nanghihinang sabi nito. Kaya napaayos ang upo ko tsaka tiningnan ito ng malamig.

"Diko kilala ang m-mukha niya okay. Na-nakamask siya parati pero sigurado akong babae siya dahil sa boses nito nung utusan niya kaming sundan ang kotseng minaneho ni Mrs. Lopez." mabilis na sambit nito na nakapagpapigil sakin. Babae? Babae ang nagutos na ipapatay si mama? Sino? Wala naman akong nabalitaan na may kaaway siya.

Tiningnan ko ito ng tumahimik na. Nahimatay ata sa sobrang pagod.

"Dalhin niyo sa Hospital at siguraduhin niyong di magsasalita yan." Tumayo nako at lumabas na sa warehouse. Nasasakin kong hahayaan ko pa syang mabuhay. Sana lang ay tama itong sinabi niya dahil pagod na ko.

Pumasok naman ako sa kotse at napahawak ng mariing sa manobela. Napatingin naman ako sa madilim na langit. Kunti nalang ma mabibigyan ko na rin ng hustisya ang pagkamatay mo. Sisiguraduhin kong magdudusa siya kahit sino pa siya wala akong pakealam.

A fucking woman huh.

Share This Chapter