Back
/ 53
Chapter 10

Chapter 9

Yesterday's Loaded Bullets

"Mamayang 6pm nalang tayo magkita sa DPO para mapagusapan ng mabuti yung mission at para narin makaalis tayo pag sapit ng 7." Tinanguan naman namin ang sinabi ni Zayah habang kumakain. Marami nanamang tao sa cafeteria, yung iba may kanya kanyang grupo habang nagkwekwentohan.

"May club naba kayong sasalihan??" Sabi ni Cassidy habang nagpupunas ng bibig.

"Wala pa , siguro sa music club nalang ako." sambit ko dito at nilabas yung cp ko.

"Ako rin sama nalang ako sayo Raj" saad naman ni Jazer kaya tiningnan ko ito.

"Gaya-gaya ka talaga, naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo tapos sasama kapa sakin sa music club."tugon ko naman at ang mukong binelatan lang ako.

"edi don't! di na ikaw ang rajim na nakilala ko nagbago kana talaga" nagdradramang sabi nito sakin na may pahawak pa sa dibdib.

"tumigil ka baka di kita ma tantya" seryosong saad ko dito habang nilibot ang tingin sa paligid. May nararamdaman akong nagmamasid sakin. Ginala ko pa ang mata ko hanggang sa huminto ito kay Andrea na nginitian ako.

Kinayawan ko naman ito at pinalapit sa table namin. Napatingin naman sila Leon kay Andrea ng kawayan ko ito.

"hey join us, dito kana kumain" sabi ko dito paglapit niya.

"no need, may kasama rin kasi ako nagoorder pa" nakangiting sabi nito. Ang cute ng itsura nya ngayon dahil naka lugay ng maayos ang buhok at bumagay naman yung salamin niyang suot.

"Edi dito mo nalang rin paupoin tutal malaki naman tong mesa" singit ni Jazer at umosog naman kami ng upo.

"I'm Jazer by the way" ngiting dugtong nito at kinuha ang tray na hawak niya at nilapag sa mesa.

"salamat, i'm Andrea" nakipagkamay naman sila dito habang isa isa naring nakipagkilala.

Ilang minuto pa ay may lumapit saming 4 na babae. Mukhang ito yung mga kasamahan niya pero naka student council ang uniform. Don't tell me officer rin to?

"upo kayo." nakangiting sabi naman ni cassidy kaya tinulongan na namin silang ilagay yung mga pagkain nila sa mesa.

"Hi thankyou, I'm Keira."

"I'm Jessy"

"Raven here"

"I'm Asha"

Isaisa nilang pakilala samin kaya nagpakilala narin kami sakanila at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentohan lang kami sa table. Napag alaman naming si Andrea pala ang Student Council President ngayong Sy. Di halata na may obligasyon siya sa school.

"We're currently preparing the new list of clubs na magoopen next week." Seryosong saad ni Andrea habang sumusobo ng pagkain.

"Kayo anong sasalihan niyo?" saad naman ni kiera habang sumisimsim ng juice.

"Pinagiisipan pa namin" rinig kong sabi ni Leon.

Abala kasi ako magscroll sa email ko dahil nakalimutan kong may update pala ang isa sa mga tauhan ko. I heard a murmured around the place kaya nagangat ako ng tingin. Dumapo naman ito sa entrance ng cafeteria. Napakunot ang noo ko sa nakita.

"Ang pogi talaga ng boyfriend ni Doc Sol." Kinikilig na sabi ni Asha na nakatingin rin pala doon. Napasamid naman ako sa sinabi niya. Ano raw?? Boyfriend?? Tangina?

Mukha bang pogi yan? Parang sinaksak nga ng dextrose eh. Napunta naman ang tingin ko sa kamay nitong nakapulopot sa bewang ni Ms. Sol. Di man lang niya inalis.

"Ang ganda pala ni ma'am pag ngumiti noe diba Rajim?." nakangising sabi ni Jazer kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.

I hate the fact that she's smiling at him pero pagsakin parang kulang nalang patayin ako. Nakasubaybay lang ang tingin ko sakanilang dalawa na nagngingitian. Sarap burahin ng mukha ng kausap niya.

Kanina pa masama ang tingin ko sa kasama niya. Parang gusto kong pilipitin ang kamay nyang kanina pa nakahawak sa bewang ni Ms. Soline.

"Rajim maawa ka naman sa baboy na ilang beses mong pinatay" bulong na sabi sakin ni Zayah. Kaya naman napainom nalang ako ng tubig at umiwas ng tingin sakanilang dalawa. I don't know why i'm acting like this.

"I smell jealousy~~." pakantang sabi ni Cassidy kaya natigilan naman ako. Ako nagseselos? Why would i? shit.

Inirapan ko lang ito kaya naman napatawa ito sa ginawa ko. Sila Kiera naman ay nakakunot ang tingin samin dahil sa kakatawa nitong si Cassidy.

"Hey are you okay??" mahinang sambit ni Andrea sakin sabay tapik sa balikat ko.

"yeah of course masakit lang yung pwet ko" tipid kong sabi dito kaya tinawanan lang ako.

Binalik ko naman ang tingin sa gawi nila Doc Sol. Nawala naman ang ngiti niya ng napunta sakin ang tingin nito. Sinamaan niya lang ako ng tingin at hinila niya naman yung lalaking kasama niya palabas ng cafetiria.

Napatayo naman ako at nagpaalam kina Zayah na mauna nalang ako. Binilasan ko naman ang hakbang ko papunta sa daan na tinahak nila. Kung ito lang pala ang aabutin ko di nalang sana ako sumunod.

They are hugging peacefully.

Sumandal naman ako sa gilid at napahawak sa dibdib ko, kumikirot ito sa di malamang dahilan. Why am i reacting like this? What's wrong with you rajim?

----

"May problema kaba??" lapit ni Zayah sakin pagkatapos ko sunod-sunod na pinaputok ang baril ko dito sa shooting area ng DPO.

"Wala naman." tipid na tugon ko habang nagpapasok ng bala sa baril.

"wag ako raj kilala na kita." sabi nito tsaka tumabi sakin habang pumulot rin ng baril sa gilid.

"Wala nga." seryosong sabi ko habang nakatingin sa artificial human target sa harap.

"Bagsak ang mga taohan mo pagdating ko dito, i know you beat them." seryosong sabi nito sabay tingin sakin.

"ngayon sabihin mo saking wala kang problema." dugtong niya pa.

Sa DPO ako dumiretson pagkatapos ng nasaksihan ko. Di ko alam pero sobrang sama ng timpla ko. This is so wrong. The way i react , feel and think. All wrong.

Pagpasok na pagpasok ko ay pinagsusuntok ko ang mga taohan na nagbabantay sa shooting area. Di ko namalayang sa kanila ko na pala nabuntong ang inis ko. Muntik panga akong nakapatay sakanila dahil sa lakas ng mga nilalabas ko ng suntok.

Wala namang nagabalang awatin ako dahil kilala nila ako pag galit. Tumigil lang ako ng mahimasmasan sa ginawa ko at tumoloy agad dito papasok.

"Dinala mo ba sila sa medics area?." tanong ko dito at kinasa ang baril na hawak ko.

"Yeah, you don't need to worry." sabi nito at kinasa rin ang baril na hawak.

"don't let your emotion take over you Rajim, baka yan pa ang ikakapahamak mo." seryosong sabi nito tsaka mabilis na pinutok ang baril sa harap habang nakatingin sakin. Tiningnan ko naman ang mga natamaan niya. Lahat yun iisa lang ang pasok sa noo.

Tinanguan ko lang ito at sunod sunod na pinaputok ang baril ko. Lahat rin yun pasok. Tiningnan ko ang wristwatch na suot ko. Magaalas 6 na pala, di ko man lang namalayan ang oras.

"Asan yung tatlo?" sambit ko habang hinuhubad ang army gloves na suot ko.

"Papunta na dito, tinawagan ko ang mga yun na sumunod dito dahil di kana mahagilap kanina." sinenyasan ko naman si Jerry na nakatayo sa gilid ng pinto na lumapit samin.

"Ihanda mo yung meeting area sa upper room pati narin yung mga gamit." saad ko dito. Yumoko naman ito ng bahagya at lumabas na.

Ilang minuto pa kaming tumambay ni Zayah dito at kalaunay lumabas narin para magtungo sa upper room. Habang papuntang elevator ay sya namang pag dating nila Leon.

"oh saan kayo pupunta?." sabi ni Jazer palapit samin.

" meeting room tayo. May Isa't kalahating oras nalang tayo bago sumibat." seryosong sambit ni Zayah at naunang pumasok sa elevator. Sumunod naman kami dito at pumasok na sa meeting area namin.

Bumungad samin ang nakaayos na mga gamit namin sa taas ng malaking oval na mesa at pati narin sila Jerry kasama ang mga kanang kamay ng mga kaibigan ko. Nakaharap yung tatlo sa laptop at sila Jerry naman pati yung kanang kamay ni Jazer ay chinecheck yung mga iba't ibang uri ng baril sa gilid.

Nagsiupo na kami sa kanya kanyang swivel . Inabotan kami ng Folder ni Rico, right hand ni Cassidy. Binuksan ko ang folder na hawak at bumungad sakin ang walang hiyang alagad ng gobyerno.

Gov. Bernardo Pernites

Pumunta sa harap si Raiah, right hand ni Leon. Bumungad samin ang 3D blueprint ng area na nakapresent sa malaking longscreen tv.

"We will stay here kasama sila Rico at Isiah and wait for eye's signal." sabi ni Raiah at tinuro ang may red na malaking dot. Hindi siya as in sobrang layo sa building pero pwede na para sa lugar kung saan nila hihintayin ang mga hostage na maligtas.

"I already hacked the site." sambit ni Isiah right hand naman ni Zayah.

"We're currently monitoring the area. 500 estimated people found in the place boss." seryosong sambit naman ni Lenard, right hand ni Jazer habang nakatutok ang mata sa laptop.

Tumayo naman ako sa harap dala ang Folder. Agad namang inabot sakin ni Raiah yung laser pointer.

"I will stay here." turo ko sa bandang entrance ng building at pagkatapos ay tiningnan sila.

"Eye , sa likod ka dumaan and lenard assist him." sambit ko habang nilipat ang slide sa bahaging likod ng building.

"We'll stick to our plan last time" seryosong sambit naman ni zayah at tinuon ang tingin sa Folder na hawak niya.

"He's expected to check the hostages later right?" sambit ni Jazer habang nakatingin samin at tinanguan naman ito ni Raiah.

"that's better, i'll fucking smash that onion's jackass balls." seryosong dugtong nito kaya di ko maiwasang matawa. Bone is activate huh.

Gov. Bernardo ang mayhawak sa isang malaking sindikato sa norte na nandadakip ng mga bata and even women para ibenta sa mga foreigner na tigang. He's also part of corruption and a member of mafia cycle. This old hag deserve to suffer. Maraming sinirang buhay.

"Jerry mauna na kayo sa area , we'll just prepare ourselves." Saad ko sabay lapag sa laser pointer. Nagsitayuan naman sila Zayah at lumabas na rin sila Jerry para umalis. Dumiretso naman kaming lima sa dressing room na nasa likod lang ng mga baril na nakahanay.

We all wear an all black combat outfit. Pumunta naman kami sa mga baril. Kumuha ako ng dagger at nilagay sa loob ng bulsa sa may boots ko, baril na nilagay ko sa likod at nagsuot rin ng bulletproof vest na may nakalagay na mga bala at kutsilyo sa harap. Nagsuot rin ako ng combat gloves,dark specs at kinabit ang earpiece at inayos ang wires.

Tiningnan ko sila Cassidy and they're also done. Pareho kami lahat ng outfit pero ang kaibahan ay may mga kanya kanyang tatak ang uniporme namin. Nakatatak ng bungo ang gloves sa bandang knuckles ko pati rin sila meron pero yung mga simbolo nila ang naka lagay.

Nagsilabasan na kami at pumunta sa parking lot. Pumasok na kami sa Arquus Scarabee, a hybrid combat vehicle. Si Jazer ang nasa driver seat at sa passenger naman ako. Ang tatlo naman ay nasa likod at inayos ayos yung mga baril. Pinasibad naman agad ito ni Jazer paalis. It's showtime fuckers.

Share This Chapter