Chapter 34: 33

'Til it Lust (R-18)Words: 15864

A/n:

First, wala akong alam sa process ng ganitong case kasi hindi ko naman pinangarap na maging abogado so if may maling info, comment po nang maayos para ma-edit ko. Yung maayos na hindi nakakasira ng pagkatao ha.

Ngayon hindi ko na alam kung paano isulat. Haha. Ano ba yung proccess? Zero knowledge here😂

Unedited...

"D—Dad," ani Pablo nang makarating sa bahay dahil hinatid nina France at Danica. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin sya dahil sa trauma.

"Ano na naman ang nangyari, Pablo?" galit na tanong ni Ted dahil may tumawag sa kanya na nasa kulungan nga si Komi for sa investigation.

"Mauna na ho kami," paalam ni France at inakay si Danica dahil usaping pamilya na ito.

"Hijo, what happened?" nag-aalalang tanong ni Mara saka lumapit sa anak at niyakap. "Are you okay?"

Umiling si Pablo saka humarap sa ama nang pinakawalan siya ng ina.

"D—Dad," ani Pablo. "L—Let's help, Komi, dad," pakiusap niya.

"Sabi ko na nga bang wala talagang magandang gagawin ang batang 'yon eh!" galit na sabi ni Ted. "Kasagsagan pa naman ng election tapos may kaso pa siyang hinaharap! Paano kapag malaman nilang anak ko siya!"

Kakatawag lang niya sa presinto at attempted homeside daw ang ikakaso kay Komi ng mga relatives.

"K—Kumusta na ho ba ang n—nasaksak?"

"Nasa ICU!" sagot ni Ted. "Agaw-buhay! Kapag namatay 'yon, pwedeng homeside or murder ang ikakaso sa kanya ng pamilya!" napag-alaman niyang may kaya ang pamilya. Sumasama lang ito sa pag-rally laban sa kanya dahil magsasaka ang pamilya ng kasintahan nito. Madadawit talaga ang pangalan niya lalo na't active ito sa pag-rally laban sa kanya kaya sasamantalain iyon ng mga kalaban niya sa politika.

"D—Dad, let's help Komi, please. W—Wala siyang kasalanan."

"Walang kasalanan?" galit na tanong ni Ted. "Eh nanaksak nga siya! At ako na naman ang idadawit dito lalo na't ibinalita pa!" ang dami kasing naka-video at nag-post at nakita pa si Pablo. "At ikaw? Bakit ka nandoon, ha? Hindi ba't ang sabi ko, layuan mo siya? Tingnan mo kung ano ang nangyari? Pati ikaw nadamay! Jusko naman, Pablo! Hindi mo ba ginagamit ang utak mo, ha?"

"Ako ang nakasaksak, Dad!" matapang na pag-amin ni Pablo kaya natigilan si Ted.

"Anak, ano ang pinagsasabi mo, ha?" gulat na tanong ni Mara.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Pablo!" galit na utos ni Ted.

"Ako ang nakasaksak sa kanya! Komi was there to help me but I accidentally stabbed him. N—Nandilim ang paningin ko at h—hindi ko na alam ang ginawa ko," naguguluhang pag-amin niya. "W—Walang kasalanan si Komi, Dad. I—Inako niya 'yong kasalanang ako ang may gawa. A—Ako ang dapat na nandoon! A—Ako ang nakasaksak! N—Natakot ako kaya hindi ako nakapagsalita nang dinampot siya ng pulis."

"T—Totoo ba, Pablo?" naiiyak na tanong ni Mara.

"M—Mom, please help him. A—Ayoko ring makulong but I did it. Inosente siya!"

"Bakit, Pablo?" galit na tanong ni Ted na napahilamos sa mukha.

"Dahil anak mo 'ko, Dad!" galit na sagot ni Pablo. "He approached me kasi anak mo 'ko! Galit siya sa 'yo kaya sinugod niya ako!"

Napaupo si Ted saka nag-isip kung ano ang gagawin.

"May nakakita na ikaw ang sumaksak?" kapagkuwa'y tanong ni Ted.

"W—Wala ho yata. H—Hindi ko alam," sagot niya.

"Good," ani Ted. "Pero kapag magising ang sinaksak mo, pwede siyang maging testigo na—" napabuntonghininga si Ted. "Ako ang bahalang maglinis ng kalat mo."

"S—Si Komi, dad."

"I can only save one son," sabi ni Ted kaya napanganga si Pablo.

"Anak mo rin siya, dad! Wala siyang kasalanan!"

"May kasalanan o wala, siya na ang nandoon! Kukuhaan ko na lang siya ng magaling na lawyer!"

"No!" giit ni Pablo saka tumalikod.

"Saan ka pupunta, Pablo?" galit na tanong ni Ted.

"I'll save him! Aaminin ko ang totoo!"

"Aaminin? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Tingin mo kapag sinabi mong ikaw ang sumaksak, safe na siya? Madadawit pa rin siya bilang kasabwat mo!" sabi ni Ted.

"At least mababawasan ang kaso niya!"

"At ikaw?" ani Ted. "You're not going anywhere, Pablo!"

"But dad—"

"Harold!" malakas na tawag ni Ted sa bodyguard kaya agad itong pumasok. "Bantayan n'yo si Pablo at 'wag na wag ninyong palalabasin!"

"D—Dad, hindi naman tama na!"

"Pumasok ka sa kwarto mo!"

"Sorry, dad," paumanhin ni Pablo saka nagpumilit na lumabas pero hinaharangan siya ng bodyguard.

"Stop it!" saway ni Mara. "Pablo, anak, huminahon ka muna ha. Please, sundin mo muna ang dad mo."

"Mom, tutulungan ko si Komi!"

"Shutup!" saway ni Ted saka pinapasok. "Dito ka lang hanggat hindi ko sinasabing lumabas ka! Wag mong sirain ang pangalan ko, Pablo! Kung si Komi ang nandoon, si Komi na! Harold, alamin mo kung saang hospital dinala ang sinaksak nila! Alam mo na ang gagawin mo bago pa siya magising."

"W—What do you mean na alam na ang gagawin?" tanong ni Pablo. "No, dad! Please!"

"Nililinis ko lang ang kalat mo!"

"Fuck you, dad!" malakas na sigaw ni Pablo kaya natigilan ang ina.

"Pablo," ani Mara.

Dinuro siya ni Ted. "Hindi ko alam kung ba't nagkakaganyan ka, Pablo! Kung gusto mong tulungan si Komi, wag kang lumabas ng bahay! Wag kang magsalita dahil sa inyong dalawa, siya pa rin ang iisipin ng lahat na may kasalanan! Hindi ka ganun, Pablo!"

"Tingin mo gusto ko ang ginagawa ko?" napailing na tanong ni Pablo. "Naiinggit nga ako kay Komi dahil malaya siya! Lahat ng gusto niya ay nagagawa niya dahil walang nakakaalam na anak mo siya! Samantalang ako? Kailangan kong maging mabuting anak para maging mabuting ihimplo sa mga tao! Bawal gumawa ng masama at bawal magkamali. Kailangan good boy ako lagi kasi anak ako ni Congressman!" sumbat niya nang hindi na niya kayang pigilan. "A—Alam mo kung ano ang pinakamasakit, Dad? Ang maging anak mo!" sumbat niya.

Wala siyang nagawa nang ikulong siya ng ama sa kwarto. Sinubukan niyang tumakas pero ang higpit ng bantay sa kanya.

"J—Jannah," sabi niya nang pumasok si Jannah sa kwarto na may dalang pasalubong at pagkain.

"Hindi ka pa raw kumakain," sabi ni Jannah.

"Wala akong gana! Si Komi, kumusta?"

"Sa pagkakaalam ko, nakalabas na siya," sagot ni Jannah.

"Ha? P—Paano? Yung sinaksak—"

"Nagising na siya," sabi ni Jannah kaya napanganga si Pablo. Ang akala niya ay may ginawa ang ama para hindi na magising.

"I—Ibig sabihin—"

"Hindi na siya nagkaso," sabi ni Jannah nang mabasa ang nasa isip ni Pablo. "Kaya don't worry ha."

"W—Why?"

"Hindi ko rin alam ang buong detalye pero lumabas na self-defense ang nangyari dahil yung kutsilyo ay pagmamay-ari naman ng biktima at hindi na rin talaga nagkaso pa sila. Bakit? Hindi ko rin alam. May tumulong ata kay Komi na makalaya," sabi ni Jannah.

"Pablo, Jannah," ani Mara nang pumasok.

"M—Mom. Si Daddy ba ang tumulong kay Komi?" masayang tanong niya.

Ngumiti si Mara. "Sa pagkakaalam ko, inaasikaso ng daddy mo ang abogado pero nakalaya na raw si Komi nang magising ang biktima."

"W—Who did it?"

"Hindi ko rin alam," sagot ni Mara.  "Mahigpit ang seguridad ng hospital hanggang sa nagising ang biktima pero nang magising ito, hindi na niya tinuloy ang kaso. Hindi rin siya nagsalita pa tungkol sa 'yo. Ang sabi nito ay aksidente ang nangyaring pagsaksak at wala na itong binanggit kahit na pangalan mo."

"Posible kayang ang mommy niya ang tumulong?" tanong ni Pablo.

"Baka," sagot ni Mara pero wala namang pakialam ito kay Komi dahil may iba nang pamilya. Nong bata pa si Komi, sinabi nilang namatay ang ina sa panganganak dito pero ang totoo ay sinadya nitong iwan si Komi sa kanila dahil hindi alam ng pamilyang buntis ito. Ikakasal din kasi ito sa ipinagkasundo kaya kailangan nitong itago ang panganganak.

----------------

"Ang lamig," sabi niya nang bumaba sa eroplano matapos ang mahabang byahe.

"Okay lang 'yan, nandito naman ako. Hug me na lang," sabi ni France sabay akbay sa dalaga. "Welcome in Madrid!"

"Thanks," pasalamat niya. Ito ang kauna-unahan niyang pag-travel abroad kaya mix emotion. Excited siya na kinakabahan dahil sa pamilya ni France.

Sinundo sila ng driver. Pagdating sa bahay, wala pa raw ang mga magulang nito dahil nasa Italy pa at mamayang hapon pa darating kaya kumain na lang sila at nagpahinga muna.

Dahil sa pagod, nakatulog si Danica pero paggising niya ay wala na si France sa tabi niya kaya lumabas siya. Muntik pa siyang mawala dahil sa lawak ng mansion. Buti at nakapagtanong siya sa nakasalubong na katulong kaya hinatid siya nito sa sala.

"Good afternoon," bati niya sa magandang babaeng nakaupo sa sofa. Ito ba ang nanay ni France? Sobrang ganda naman sa personal at ang bata pa tingnan.

"You must be Danica?" nakataas ang kilay na tanong ni Madrid.

"Y—Yes po," nahihiyang sagot niya na nagsisi kung bakit lumabas siya na wala si France. Hindi siya makatingin nang diretso pero ramdam niya ang pagsuri nito mula ulo hanggang paa. Grabe ang mga mata nito, tagos hanggang kaluluwa kung makatingin.

"Ano ang work ng parents mo?"

"Teacher ho si Mama at pulis naman ho si Papa," magalang na sagot niya.

"Maupo ka," sabi ni Madrid kaya naupo si Danica sa tapat nito. "Mahal mo ba ang anak ko? o mahal mo lang siya dahil mapera siya?" diretsahang tanong nito. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan sa pagiging prangka ng kaharap.

"M—Mahal ko po si France," sagot niya.

"Pero kaya ka lang naman niya papakasalan dahil may nangyari sa inyo at nahuli pa kayo. Hindi ba unfair sa anak ko ang bagay na iyon? Pinikot mo ba siya?"

Naikuyom ni Danica ang kamao at pinakalma ang sarili dahil naubos na ata ang pasensya niya. Haist, bakit ba nagpapahirap sa relasyon ang mga biyenan?

"P—Pareho ho naming ginusto ang nangyari sa amin."

"Parehong ginusto pero kung hindi dumating ang parents ninyo, hindi ka papakasalan ng anak ko!"

"Kung papakasalan man ho ako ni France, nasa kanya na po iyon dahil hindi naman ho siya pinipilit."

"Hindi pinipilit pero tinakot ng ama mo?"

"Ama ko po siya kaya natural lang sa kanya na ipagtanggol ako pero sa yaman ho ninyo, sino ba ang ama ko para kalabanin kayo? Malaya ho si France na gawin ang gusto niya. Kung ayaw ho niyang magpakasal, hindi po ako maghahabol sa kanya."

"Maraming babae ang nangangarap na maupo sa inuupuan mo," sabi ni Madrid sabay taas ng kilay. "Sa tingin mo, bakit ka karapat-dapat na piliin niya?"

"K—Kung alam lang ho nila kung gaano kahirap maupo rito, hindi ko po alam kung pangarapin pa nila," honest na sagot niya. "Mahirap lang po ako. Kumbaga isa akong langgam na kakalabanin ang isang elepante pero kung hindi po kayo sang-ayon na ako ang mapangasawa ng anak ninyo, si France pa rin ho ang susundin ko. Kung tanggalan man ninyo ng mana si France dahil isang dukhang kagaya ko ang pakasalan niya, kaya naman ho siguro naming mamuhay nang simple at masaya basta 'wag lang kayong makialam sa amin. Sanay ho akong mamuhay ng sapat lang kaya kahit walang mamahaling gamit, hindi po iyon kawalan sa akin." Bahala na kung ano ang sasabihin ng kaharap. Eh ano naman kung ayaw nito sa kanya? Eh di uuwi na siya.

"Mom!" masiglang bati ni Paris nang dumating at naupo sa tabi ng ina. "Oh, hello, sister dear!" bati niya na napatingin kay Danica. "Si France?"

"Hindi ko rin alam," sagot ni Danica.

"Mom," nakalabing sabi ni Paris. "Sinarhan niya ako ng pinto sa condo nila!" sumbong niya sabay turo kay Danica.

"S—Sorry kasi hindi ko naman alam na ikaw yung kakambal ni France," paumanhin niya. Hindi talaga nito nakakalimutan yung ginawa niya.

"Sinadya mo talaga 'yon!" ani Paris.

"Ano ang gagawin mo kung hindi ka namin matatanggap sa pamilya?" seryosong tanong ni Madrid.

"Mom!" agad na saway ni Paris. "You're a devil!"

"Pinagsasabi mo?" tanong ni Madrid.

"My gosh! Sumbong kita kina France and Dad."

"Sumbong ka riyan! I'm just asking!" sabi ni Madrid. "What's wrong with that?"

"You humiliate her!" ani Paris.

"Am not!" depensa ni Madrid.

"Daddy! France, si Mommy oh!" sigaw niya pero napangiwi nang malakas na hinampas ni Madrid sa kanang hita. "Ouch, mom!"

"Sure kang kakalabanin mo 'ko, Paris?" mataray na tanong ng ina.

"Of course, not!" agad na bawi ni Paris saka humarap kay Danica. "How much, Danica? Tell us kung magkano ang kailangan mo para layuan ang kakambal ko?"

Napanganga si Danica.

"Are you crazy?" bulalas na tanong ng ina sabay kurot sa hita ni Paris.

"Ouch, Daddy si Mommy oh!" naiiyak na sumbong niya kahit na hindi naman nakita ang ama.

"Isa pa, Paris!"

Napalabi si Paris. "Hindi naman terror sina Lolo Ethan at Lola Tasha sa 'yo nung kayo ni Daddy a. As if na richkid ka."

"Excuse me, Paris?" ani Madrid. "Tingin mo sa mga Villafuerte, dukha?"

"Mom, mas mayaman talaga sina Daddy kaysa sa 'yo," ani Paris.

Hindi alam ni Danica kung ano ang reaksyon niya sa mag-inang nasa harapan. Seryoso ba ang mga ito o nagdadrama lang?

"Wala kang bag sa akin ha!" ani Madrid. "I changed my mind! Tutal may asawa na si France, siya na ang isasama ko mag-shopping!"

"Mom!" bulalas ni Paris. "Unfair mo ha! Oh sige, sabihin ko kay daddy na hindi ka niya bibigyan ng pera!"

"Strong and independent woman ako, noh!" pagmamalaki ni Paris.

"Mom!" tawag ni France nang pumasok kasama ang ama. Agad siyang naupo sa tabi ni Danica at inakbayan ito. "Are you okay? Na-bully ka ba nila?"

Umiling si Danica.

"Maka-bully ka, wagas!" sabi ng ina.

"Bully naman talaga kayong dalawa!" ani France. "At utang na loob, 'wag na ninyong awayin si Danica, Mom! I love her!"

"Oh . . . " ani Paris na natigil sa sasabihin. "Yuck!" nandidiring sabi nito.

"Are you sure na mahal mo siya, France?" seryosong tanong ni Madrid.

"Mom, papakasalan ko siya hindi lang dahil sa responsibilidad na may nangyari sa amin pero ngayon, mahal ko na talaga siya. I can't live without her, mom. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang babae kaya please, magugulo lang ang pamilya natin dahil kapag awayin ninyo si Danica."

"Uunahin mo ang babae kaysa pamilya?" tanong ni Madrid.

"Mom, hindi lang siya pamilya kundi buhay ko na rin siya, Mom." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga saka pinisil. "Sa kanya ako bubuo ng sarili kong pamilya. You will always be my first family pero siya ang pinili kong maging ilaw ng sarili naming tahanan."

"Nakakasuka!" sabi ni Paris. "Daddy!" bulalas niya nang pumasok ang ama."Daddy si Mommy binu-bully si Danica."

"Hoy!" malakas na sigaw ni Madrid. "Bastos ka ah!"

"Madrid," sabi ni Elias saka naupo sa tabi ng asawa pero umurong si Madrid.

"Ano? Maniniwala ka sa sinungaling mong anak?"

"Wala naman akong sinabi," sagot ni Elias saka tumingin kay Danica. "Wag mo nang dibdibin ang sinasabi ng dalawang 'to ha. Kapag may kailangan ka, sa akin o kay France ka magsabi."

"Hala, si Daddy!" ani Paris.

"Wag mo na silang pansinin, ganyan talaga sila," bulong ni France kaya tumango si Danica. "Masanay ka na sa kanila."

"Girls, tikman ninyo ang bagong wine na gawa ko," sabi ni Elias.

"Ay, okay na ba, dad? Ngayon ba ang wine tasting?"

"Bukas pa pero syempre gusto ko mauna kayong tumikim," sagot ni Elias. "Let's go?"

Tumayo sila para tumungo sa wine bar.

"Mom, may bagong labas sina Tito Trevi na bag," bulong ni Paris habang naglalakad sila.

"Shopping tayo," sabi ni Madrid.

"Anong shopping na naman 'yan?" tanong ni Elias kaya siniko ni Madrid si Paris.

"Ah, kasi dad di ba, firstime ni Danica rito? Syempre ang mura ng Trevi rito sa Europe kaya baka kako kung pwede ipag-shopping namin siya ni Mommy? Syempre gift na rin namin sa kanya sabay gala na rin," sabi ni Paris.

"Sya nga ba o kayo?" sabat ni France.

"Kami!" sagot ni Madrid saka pinandilatan ang anak.

"Bukas," sabi ni Elias.

"Kyah! Talaga, daddy?" tili ni Paris. "No limits?"

"May card naman kayo," sabi ni Elias pero sya ang nagbabayad ng credit card ng mag-ina niya.

"Yehey! You're tbe best, dad!"

"Dad, you spoil them!" sabi ni France.

"Libre naman namin si Danica," sabi ni Paris saka ipinulupot ang kamay kay Danica. "Ako ang bahala sa 'yo, sis! Bili tayo ng latest model na ikaluwa ng mga mata ng fake friends mo!"

Ngumiti si Danica pero hindi niya alam kung paano mag-reak sa dalawang babae. Sobrang nakakailang. Isa pa, hindi siya maka-relate sa mga ito pero subukan pa rin niya alang-alang kay France.