Unedited...
"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong niya kay Bia nang pumasok sa classroom.
"Hindi kasi ako nakatulog," sagot ni Bia.
"Bakit? Inlove ka na?"
"Hindi ah! Sa ating dalawa, ikaw nga 'tong inlove eh," sabi ni Bia.
"Oh, eh? Anong problema?"
"Kulang nga sa tulog. Oh, andiyan na pala ang friends mo," sabi niya.
"Marinig ka nila, sige ka. Baka mamaya, upakan ka nila," pananakot ni Danica.
"As if takot ako sa kanila. Matapang lang naman kasi sabay sumugod pero kapag one on one, lalabanan ko talaga sila!"
Natawa si Danica. Basagolera kasi si Bia noon. Ito ang babaeng hindi talaga titigil hanggat hindi makaganti.
"Yaan mo na sila," sabi ni Danica.
"Danica," tawag ni Paula na lumapit sa kanila. "Morning."
"Hi," bati rin ni Danica.
"Di ba madalas kayong nagkasama ni Pablo?" tanong ni Jean na lumapit kay Paula para harapin sina Danica.
"Noon 'yon, hindi na ngayon," sagot ni Danica.
"Tumigil na ba talaga si Pablo sa panliligaw sa 'yo?" usisa ni Paula.
"Oo," pag-amin ni Danica. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiti ni Paula.
"Bakit? Wala ka pa ring pag-asa kay Pablo!" sabat ni Bia kaya gigil na hinarap siya ni Paula.
"Kinakausap ka ba namin?" mataray na tanong ni Jean.
"Bakit ninyo natanong?" sabat ni Danica.
"May nasabi ba siya sa 'yo tungkol kay France? Totoo bang may fiancée na si France?" tanong ni Jean.
"Ha? Sino nagsabi sa inyo niyan?" takang tanong ni Danica na biglang kinabahan. Kalat na ba?
"Si France mismo," sagot ni Paula. "Pero I think nagjo-joke lang siya."
"Ah, baka joke nga niya," ani Danica na medyo nakahinga nang maluwag.
"Ay, true 'yon!" sabat ni Bia pero agad na kinurot ni Danica sa tagiliran para manahimik.
"Hindi ka ba tatahimik?" gigil na tanong ni Jean.
"Hindi kasi wala na kayong pag-asa kay Pablo lalo na kay France! Sorry, mga taken na ang crush ninyo!" sabi ni Bia na walang balak urungan ang mga ito.
"At sino ang papatulan nila, ikaw?" ani Jean na kulang na lang ay sabunutan si Bia.
"Hindi man ako basta ang mahalaga, hindi rin kayo!" sagot ni Bia. Pinagtulungan siya ng mga ito noong isang araw, pwes, gaganti talaga siya para manahimik na ang kaluluwa niya.
"Uy, Danica, tawag ka ni France," sabi ni Lara nang pumasok kaya napalingon sila sa pintuan. Nasa labas nga si France kasama sina Pablo at Jannah.
"Excuse me," paalam ni Danica saka lumabas.
"Hi," bati ng dalaga na hindi makatingin kay France.
"Hello, France," bati ni Jean nang sumunod kay Danica.
"You forgot this," ani France sabay abot ng cellphone niya.
"Ha? Saan mo naâsalamat," pasalamat niya na hindi na tinuloy ang sasabihin dahil baka mapahamak pa siya.
"France, nag-breakfast ka na ba?" tanong ni Jean.
"Yeah," sagot ni France.
"Ay, sayang naman. Sabay na sana kami sa inyo," ani Paula.
"I ate already kasama ang fiancée ko," sagot ni France kaya pinanlakihan ni Danica ng mga mata si France.
"Nandito ang fiancée mo?" tanong ni Paula.
"Yeah," sagot ni France.
"Taga saan ba siya?" tanong ni Paula.
"France, tara na!" agad na yaya ni Jannah dahil baka kung ano pa ang masagot ni France. Hindi pa naman niya bet ang ugali ng mga kaharap niya. Unang kita pa lang niya, napa-plastic-an na siya.
"Nagmamadali ka, Jannah?" tanong ni France.
"Nagugutom na ako," reklamo ni Jannah.
"Pakainin mo nga 'yang girlfriend mo, Pablo!" malakas na sabi ni France kaya napatingin ang mga nasa paligid sa kanila.
"Girlfriend?" patanong na ulit ni Paula.
"Hear it right!" sagot ni Pablo sabay akbay kay Jannah. "I'm her boyfriend."
"Really?" bulalas ni Danica na masaya para sa dalawa.
"Ba't parang hindi ka naniniwala?" tanong ni France.
"I'm happy for them lang," sagot ni Danica.
"Tara!" yaya ni France saka umalis na.
"Bye, Danica," paalam ni Pablo.
"Bye, guys. Congrats sa inyo," bati ulit ni Danica.
Sumunod ang dalawa kay France.
"Ba't biglang nagbago ang mood ni France?" tanong ni Jannah.
"Ewan ko."
"Bitiwan mo na ako," sabi ni Jannah sabay alis ng kamay ni Pablo na nakaakbay sa kanya.
"Arte nito! Akbay lang eh."
"Ayaw kongâ" nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ni Pablo nang mahigpit.
"Ano, ha? Girlfriend na kita kaya part 'to ng obligasyon ko sa 'yo," sabi ni Pablo saka hinigpitan ang yakap kay Jannah nang makitang palapit si Komi.
"HâHindi ako makahinga," reklamo ni Jannah sabay tulak sa binata pero ang higpit talaga.
"Anong drama 'to?" tanong ni Komi nang makalapit.
"Pakialam mo?" tanong ni Pablo sabay bitiw kay Jannah. "Naglalambing lang ako sa girlfriend ko."
Napatingin si Komi kay Jannah.
"Anong pangba-blackmail ang ginawa niya para mapasagot ka?" tanong ni Komi.
"Ginayuma," nakangiting sagot ni Jannah kaya napa-smirk si Komi at nilagpasan sila.
"Ikaw Jannah, bakit ganyan ka? May gusto ka rin ba kay Komi?"
"Masyado kang praning!"
"Eh crush ka niya eh."
Natawa si Jannah.
"May tama ka na sa utak, Pablo."
"Seryoso. Pero hindi ka na pwede eh."
"At bakit naman?"
"Kasi ipapakasal siya sa iba ni Dad," sagot niya.
"What? Seryoso ka? Anong taon na, uso pa ba 'yun?"
"Yeah," sagot ni Pablo saka inakbayan siya. "Kaya wag mo na siyang pangarapin, nandito na ako oh."
"Hindi ko siya pinapangarap," sabi ni Jannah saka tumingala sa binata. Gusto sana niyang idagdag na ito ang matagal na niyang gusto pero natatakot siya na baka magbago ang pagtingin ni Pablo sa kanya. Sana talaga totoo na itong relasyon nila.
"Sabi mo eh," ani Pablo at lumapit kay France. "Tara, breakfast muna."
"Kayo na lang," sagot ni France. "Kumain na nga kami ni Danica."
Nagpaiwan siya. Biglang tumawag ang ina niya.
"Mom," bati niya. "Bakit gising ka pa?" Madaling araw pa lang kasi sa Madrid.
"I can't sleep," sagot ni Madrid sa kabilang linya.
"Saan na 'yong fiancée mo?"
"Nasa classroom nila."
"France, kung ayaw mo sa kanya, bumalik ka na lang dito sa Europa."
"Mom, nandito na ako tapos babalik na naman ako riyan."
"France naman. Hindi mo ba na-gets na baka pera lang ang habol niya sa 'yo?"
"So pangit ako, mom?"
"Syempre gwapo na gwapo ka pero ang daming babae na gustong makapasok sa pamilya natin at syempre gustong mapikot ka kaya France, sabihin mo lang sa akin kungâ"
"Hindi ganoon si Danica, Mom. Mahirap man sila pero sure akong hindi siya ganoong babae kagaya ng iniisip ninyo," depensa niya sa dalaga. "Pareho kaming may mali kaya willing naman akong panagutan siya."
"Do you love her?"
"It is my responsibility na pakasalan siya," sagot ni France.
"Yes or no lang, mahirap bang sagutin 'yon?"
"Mom, please. Mabuting tao si Danica, okay? I assure you."
"By the way, balita ko nandiyan na ang kaibigan mo sa Pinas," sabi ni Madrid.
"Ngayon ata ang dating niya," sagot ni France. "Sige na, Mom. Okay lang ako kaya matulog ka na ulit, okay?"
"Hijo, marami pang babaeâ"
"Mom, dito na ang prof, bye!" paalam niya at agad na pinutol ang tawag. Napabuntonghininga siya habang binabasa ang pahabol na chat ng ina.
"Oh, natulala ka riyan!" tanong ni Gian na naupo sa tabi niya.
"Sina Mommy at Paris kasi."
"Ano naman ang mayroon sa kanila?"
"Hindi pa nga nila nakikita si Danica, parang ayaw na nila."
"Ganoon talaga sa una pero kapag nakita nila si Danica, for sure magugustuhan din nila."
"Sana nga," puno ng pag-asang sabi ni France. Hirap pa namang kalaban ng dalawang 'yon at para sa kanya, sobrang weak ni Danica para bumangga sa dalawa.
"Inlove ka na, dude!"
"Pinagsasabi mo?"
"Kasi worried ka para kay Danica."
"Worried lang, inlove agad? Hindi mo kasi kilala ang mag-inang 'yon. Paano kung gagawa sila ng paraan para lumayo sa akin si Danica?"
"Trust me, France. Inlove ka talaga. Kung lumayo man si Danica, eh di malaya ka na."
"Responsibilidad ko na pakasalan siya."
"Walang namimilit sa 'yo. Sa family background mo, walang makakabangga sa 'yo lalo na yung kagaya lang ni Danica. Ang sabihin mo, papakasalan mo siya kasi gusto mo rin, mahal mo na siya pero hindi mo lang maamin."
"Bahala ka nga sa isipin mo!" sabi ni France.
"Basta mahal mo na si Danica, period! Pero kung ako sa 'yo, aminin mo na kasi baka isipin ni Danica na napilitan ka lang kaya siya na mismo ang bumitiw at magparaya."
"Hindi naman siguro. May usapan naman kami."
"Hindi ka sure, diyan. Hangga't hindi pa kayo legal, pwede pa siyang maagaw."
"Subukan lang nila!" sabi ni France.
-----------------------
Pagdating ni Danica sa bahay, naamoy na niya agad ang niluluto ni France.
"Hi," bati ni Danica.
"Ang aga mo naman."
"May lakad lang ako kaya early pa tayo mag-dinner," sagot ni France at lumapit sa kanya saka hinapit siya sa bewang.
"MâMaliligo pa muna ako," sabi ni Danica na naiilang lalo na't hinahalikan siya ni France sa leeg. Pawisan pa naman siya kanina.
"Maligo ka na tapos kakainin kita."
"HâHa?" usal ni Danica.
Lumayo si France na pilyong nakangiti dahil namumula ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Ang sabi ko, maligo ka na tapos kakain na tayo," sabi ni France na hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Danica.
"SâSabi ko nga!" nauutal na sabi ni Danica sabay takbo papasok sa kwarto. Bingi nga siguro siya or pinagti-trip-an na naman siya ni France.
Naligo siya tapos nagbihis ng pambahay at lumabas.
"Dinner is ready, my fiancée," sabi ni France na kakalapag lang ng ulam nilang menudo sa table.
"Oh, menudo ang ulam natin ngayon ah," nakangiting sabi ni Danica.
"Menudo ba 'to? Akala ko afritada," natatawang sabi ni France.
"Afritada ba?" nalilitong tanong ni Danica.
"Hindi ko rin alam basta ito na 'yon," natatawang sabi ni France. "Para maiba naman."
"Oo nga," ani Danica saka napangiti. Puro na lang kasi sila adobong pusit, isda, sinigang at prito. Kumbaga kung sa istorya, ganun lang palagi ang ulam kasi wala ring alam ang author na isulat. Kahit nga menudo at Afritada, hindi rin nito alam ang pinagkaiba. Napatingin siya kay France habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato niya.
"Kain ka nang marami ha. Baka isipin nina Mama, ginugutom kita."
"Hindi a. Palagi mo nga akong pinagluluto kaya palagi akong busog."
"Gusto mo subuan pa kita?" pilyong tanong ni France.
"Wag na! Kaya ko namang sumubong mag-isa!" sagot niya sabay irap sa binata.
"Waiting for it."
"Ha? Ang alin?"
"Nevermind," ani France. "Kain ka na."
Nagsimulang sumubo si Danica pero nagtataka sa mga ikinikilos at pinagsasabi ni France na hindi niya maintindihan.
Naunang matapos si France.
"Ako na ang bahalang magligpit nito after kong kumain." Napansin kasi niyang panay ang tingin nito sa cellphone at may tumatawag nang ilang beses pero hindi nito sinasagot.
"Sure ka?"
"Oo naman. Ikaw na nga ang nagluto eh," sagot niya.
"Oh, thank you," ani France saka pumasok sa kwarto. Nang lumabas, nakabihis na ito.
Lumapit siya kay Danica saka yumuko at hinalikan sa kanang pisngi. "Bye. Chat kita kapag pauwi na ako ha. May kikitain lang akong kaibigan."
"Ingat ka."
Nang makalabas si France, niligpit niya ang pinagkainan nila saka naglinis muna ng bahay kahit na maayos naman ito. Laking pasalamat lang niya dahil hindi burara si France sa loob ng gamit. Kahit na ang kwarto nito ay maayos tingnan.
Nanonood siya ng TV nang may nag-doorbell.
"Ang aga mo namangâ" natigilan siya nang makita ang napakagandang babaeng nakatayo sa harapan niya na may dalang maleta. "MâMay kailangan ka?" Pakiramdam niya para siyang dinalaw ng isang anghel. Balingkinitan ang katawan, maliit ang mukhang at ang tangos ng ilong nito.
"Who are you?" salubong ang kilay na tanong nito na halatang nagulat din nang makita siya. "Where's France? Oh, by the way, I'm his Princess."
"KâKakaalis lang niya," sagot ni Danica.
"What?" hindi makapaniwalang wika nito. "Are you his maid?"
Natigilan si Danica. Ganun na ba siya tingnan? Kung sabagay, sa ganda nito at sosyal tingnan, nagmumukha nga siyang katulong lalo na't nakapambahay lang siya. Shorts at maluwag na damit pa naman ang suot niya pero hindi niya ito sinagot.
"Saan na si France? Tawagan mo ang boss mo!" utos nito.
"Ikaw na lang ang tumawag sa kanya," sabi ni Danica dahil hindi naman sila madalas nagtatawagan ni France. "Kaano-ano ka ho niya?"
"I'm his fiancée," taas noong sagot nito na para bang ito ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. "And you?"
"Danica," pagpakilala rin ng dalaga. Bigla siyang nanlumo sa narinig pero sinubukan niyang maging normal ang kilos sa kaharap. "PâPasok ka," alok niya kahit na ang totoo ay gusto na niya itong tadyakan paalis.
"Dito ka rin ba nakatira?"
"Ahm..."
"Nevermind," ani Princess saka tiningnan si Danica mula ulo hanggang paa. "Mag-hotel na lang ako dahil tingin ko ikaw yata ang pumikot sa fiancée ko? Well, hindi na nakapagtataka kung bakit palaging wala si France sa bahay na ito."
Naikuyom ni Danica ang kamao. Hindi iyon ang usapan nila ni France. Ang sabi ng binata, pareho naman silang may kasalanan at may gusto sa nangyari pero bakit pagdating sa ibang tao, siya ang namikot? Kung sabagay, alangan naman aamin ito. Nakakatampo lang kasi may fiancée na pala ito at sobrang bagay sila. Sa mukha, katawan at sa pera. Nagmumukha siyang langgam na babangga sa elepante.
"Si France na lang ang kausapin mo at kung palagi man siyang wala, mabuti nga! Isa pa, mas okay na hindi na rin siya umuwi pa rito! Pakialam ko!" sagot niya saka pabagsak na isinara ang pinto. Nagtitimpi lang siya pero hindi naman siya papayag na bastusin siya sa pamamahay niya!