FI 19
FAKE IT | A KENTIN AU
"Why are we summoned here?" Tanong ni Josh.
Nagkatinginan sina Justin at Ken saka tumango. Tiningnan naman sila ng mapang-usisa ni Stell. Si Paulo naman ay nakahalukipkip.
"Since kayo lang naman ang mga kaibigan namin-"
"What? Friends niyo na kami? Talaga?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Josh. To the rescue naman agad si Stell sa kanya at hinagod ang likod niya.
"Hindi ba? Okay. Hindi na lang namin sasabihin." Pabirong sabi ni Justin.
"No! Spill the tea na!" Pag-alma ni Josh na ikinatawa ng magjowa.
"I have a class in 10 minutes." Singit ni Paulo sa usapan.
"Okay. Okay. 'Wag ka ng maexcite Josh kasi alam mo na." Napaisip naman si Josh sa ibig sabihin ni Ken. Nang maalala na niya ay napatakip siya na bunganga. "Oo. Tama ka. Kami na ni Justin."
Napanganga si Stell sa rebelasyon ni Ken sa kanila. Hindi siya makapaniwalang ang matagal na niyang crush na si Justin ay napunta kay Ken.
"Wait! WAIT! WHAAAT?! KAYO NA?! KAYONG DALAWA?!?!" Turo niya sa magjowa at tumango silang dalawa.
"Ang OA nito. Umupo ka nga." Hinila ni Josh si Stell paupo.
"Okay lang sa'yo Justin? 'Di ba ex niya ang kapatid mo? Wait lang! Hindi pa maprocess ng utak ko." Napahawak si Stell sa ulo niya na gulung-gulo na.
"Paano nga pala si Jewel? Okay lang ba sa kanya? Okay lang ba siya? 'Yon talaga gusto kong itanong eh. Pwedeng sa akin na lang si Jewel?" Malungkot na sabi ni Josh nang maalala ang crush niyang si Jewel.
"Justin is Jewel." Pagsiwalat ni Paulo. Napalingon agad sina Josh at Stell sa kanya.
"WHAAAAT?!" Sabay nilang sigaw dahil sa pagkabigla.
"They're the same person. Jewel is fake." Dagdag pa ni Paulo.
"At paano mo naman nalaman?" Tanong ni Josh na hindi pa rin makapaniwala.
"Oo nga! Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Stell na mas lalong hindi makapaniwala.
"I caught Justin on the act." Nalaglag ang panga ng dalawa.
"So pareho tayo ng taong nagustuhan?" Tanong ni Josh kay Stell.
"Parang? Para tayong mga tanga." Napatakip ng mukha si Stell.
"Sorry guys. Hindi naman namin intensyon na lokohin kayo. Actually, wala naman talaga sa plano namin na dalhin pati rito sa school ang pagpapanggap. Kaya nga hindi niyo nakikita si Jewel 'di ba?" Paliwanag ni Justin.
"Kung hindi dahil kay Paulo . . . hindi na dapat nagpakita pa si Jewel sa inyo. Wala sanang problema." Pasaring ni Ken. Inirapan naman siya ni Paulo.
"Why is it my fault?" Pag-alma ni Paulo.
"Kasi epal ka."
"It's not my fault that you two were being so obvious." Nagkabatuhan ng masasamang tingin ang dalawa.
"Naku! Baka dito pa kayo mag-away dalawa." Awat ni Justin.
"Woah. Hindi pa rin ako makapaniwala." Sabi ni Stell sabay iling.
"Sorry guys. Binabagabag na rin ang kalooban ko kaya gusto ko na rin talagang aminin sa inyo." Sabi ni Justin.
"Sinabi ba ni mommy sa'yo na kami na ni Justin?" Tanong ni Ken kay Paulo.
"No. Like what I have just said awhile ago, you two were so obvious. You were holding each others hands in the public as if no will see."
"Sabi ko naman sa'yo eh! Ang kulit mo kasi." Hinampas ni Justin si Ken sa balikat.
"So alam na pala nila Tita." Tumango si Justin. "I'm happy for you both."
"Thank you Pau." Sagot ni Justin.
"Legal na pala sa parents. Ano pa ba ang magagawa natin? Hahadlang pa ba tayo sa pagmamahalan nila? Masakit man pero tatanggapin ko na lang. Mawawala rin 'to." Natawa sila sa sinabi ni Stell. "So kelan ang kasal?"
Nasamid si Justin sa sarili niyang laway dahil sa narinig.
"Bakit naman napunta sa kasal ang usapan?" Tanong niya.
"Okay. Hindi pa pala. May pag-asa pa ako." Binatukan ni Josh si Stell.
"Ilang segundo mo pa lang tanggap tapos babawiin agad. Siraulo." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Josh.
â
"Date tayo." Nakapangalumbaba si Ken habang nakaharap sa jowa niyang busy sa ginagawa niya. "Jah, date tayo."
"Kakadate lang natin no'ng weekend 'di ba?"
"Hindi naman 'yon date eh. May date ba na sa bahay niyo tapos sa bahay namin? 'Yong totoong date kasi." Nakanguso nitong sabi.
"Hay naku. Ang clingy mo. Hindi bagay sa'yo."
"Gano'n?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay niyakap niya sa kaliwang braso si Justin. "Akala mo 'yon na 'yon? Mas may iki-clingy pa ako."
"Layuan mo nga ako!" Pilit niyang tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kanya pero mas hinigpitan pa lalo ni Ken ang pagkakayakap. "Hindi mo ba nakikitang busy ako?"
"Ayoko! Dapat sa akin ka lang busy."
"Siraulo! Paano ako matatapos nito?! Kung tinulungan mo kaya ako rito para matapos na?"
"Basta ba magdi-date tayo."
"Oo na!" Sa tuwa ni Ken ay mabilis niyang hinalikan si Justin pagkatapos ay nagkunwaring wala siyang ginawa at kinuha ang plates nito.
"Siraulo." Mahinang sabi ni Justin habang pilit tinatago ang mga ngiti niya.
â
"Wow Justin. May secret admirer!" Bungad ng kaklase nila nang makarating sila sa room nila.
Nakita ni Justin ang isang bouquet ng bulaklak sa desk niya. Kanino naman 'to galing? 'Pag ito galing kay Stell, naku talaga! Kukutusan ko talaga 'yon!
Tiningnan niya ang bouquet at may nakalagay na card dito kaya binasa niya ang nakasulat.
Binaling niya ang atensyon sa jowa niya na tuwang-tuwa sa ginawa nitong surpresa.
"Sabay naman tayong pumasok ah, paano mo nalagay ang bulaklak dito?" Bulong ni Justin.
"Inutusan ko si Paulo." Natawa silang dalawa. Hindi makapaniwala si Justin na napasunod ni Ken ang pinsan niya sa mga ganito.
"Siraulo ka talaga."
"Kinilig ka naman." Panunukso ni Ken.
"Hindi." Sumimangot si Ken. "Oo na. Konti."
â
"Uy nakita ko kung sino ang naglagay ng bulaklak sa table ni Justin."
"Sino?"
"Si Pres."
"Woah! Talaga?! I never thought. Sabagay gwapo rin naman talaga si Justin. Gwapo na maganda."
"Bagay sila 'di ba? Acckkk! Kinikilig ako!"
Nagpanting ang tenga ng magkaibigang Josh at Stell sa narinig na chismis.
"THE HECK?!?" Sabay nilang sabi.
To be continued . . .
[vee: Thank you so much for appreciating this story. It means a lot to me. ð«¶ð¥¹]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ