Back
/ 39
Chapter 7

Chapter 6

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

"prinsesa Cazimiya"

Dinilat ko ang isa kong mga mata at muling sinarado ng bigla nalang buksan ang kurtina ng kwarto ko dahilan ng pagliwanag nang buong paligid, I groaned and tightly hugged my pillow.

"Im sleepy" I said and yawned

"ngunit hinihintay kayo ni prinsesa Victoria sa baba"

"who?" tamad tamad akong sumandal sa headboard ng kama "princess Victoria?"

Tumango ito at tinupi na ang aking kumot, ano naman ang balak ng prinsesang iyon dito? Sa pagkakaalam ko kagabi lang kami nagkita at nagsama, naligo na ako, inayusan ako ni Rosie bago kami lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, tumango ako sa isang gwardya ng ituro niya kung saan si prinsesa Victoria, pumasok kami sa isang kwarto kung saan doon lagi pinapapunta ang mga bibisita dito sa palasyo.

Napatayo si prinsesa Victoria ng makita ako.

Hindi ko nanaman mapigilang mapatulala sa kagandahan niya.

Palihim kong kinurot ang sarili at nagtungo sa isang bakanteng upuan, pumuwesto si Rosie sa likod ko at yumuko.

"bakit ka nandito?" hindi ko naman gustong sungitan tong magandang dilag na nasa harapan ko ngunit inistorbo niya ang pagkakatulog ko, madaling araw na kaming nakauwi galing sa palasyong Escalus!

Dalawang oras pala ang tulog ko!

Sino ang hindi maiinis don?

Ngumiti ito at nilapag sa lamesa ang hawak hawak na basket, binuksan niya iyon at inilabas ang tatlong tinapay na may asukal sa ibabaw, tinaasan ko siya ng kilay.

"I baked some bread for you" she said while smiling

Kumulo naman kaagad ang tiyan ko kaya kumuha ako ng isang tinapay at tsaka kinagatan iyon, tumango tango ako at nag thumbs up, masarap ang gawa niya ahh...mas nagpasarap ang palaman na nasa loob ng tinapay, nang makitang nasasarapan ako sa pagkain ng tinapay ay agad siyang tumayo at tumabi sakin, tinaas ko ang isa kong kamay at sinenyasan siyang umusog ng unti papalayo sakin.

She's clingy!

Hindi pa kami close ngunit kung makadikit sakin parang sampung taon na kaming magkakilala, I crossed my arms and stare at her for a second.

"you're beautiful" I blurted out

Namula ang mukha nito at nag iwas ng tingin sakin.

"t....thank you"

Hindi pa ata sanay na may nag co-compliment sa kaniya.

"bakit ka nga pala nandito? Anong kailangan mo sakin?" tanong ko at inubos na ang tinapay na hawak hawak

"im here para sabihin sayo na hihintayin kita sa school bukas" she cheerfully said

Bukas na pala ang simula nang pasukan.

Humikab ako at tumango.

"yun lang ba?"

"inaantok ka pa?" pumikit ako at nilingon siya sabay bukas ng aking talukap at pinanlakihan siya ng mata.

"look at my eyes, princess victoria" kinagat nito ang dulo ng dila at binigyan lang ako ng napakatamis na tawa

"sorry sa istorbo, yayayain din sana kitang mamasyal sa bayan ngayon ngunit inaantok ka pa naman---"

"sasama ako"

"marami pa namang araw na pwede kitang ayain, kailangan mong magpahinga ngayon rpinsesa Cazimiya---"

"ahhhh, sawang sawa na akong matawag na prinsesa cazimiya pwede bang cazimiya nalang? Ako nahihirapan sa inyo" reklamo ko

"kung ganon Victoria nalang din ang itawag mo sakin"

Tumango ako at tumayo na, sabay kaming lumabas ng palasyo, lumapit samin si Andrey na mukhang kakatapos lang itrain ang mga baguhang kasamahan nito.

"saan ang lakad niyo prinsesa cazimiya?" tanong nito

"pupunta kami ni Victoria sa bayan"

"ilabas ng karwahe----" bago pa matapos ni Andrey yang kaniyang sasabihin ay pinatigil ko na siya

"maglalakad kami" sabi ko at tinignan si ang katabi na nakatingin din sakin "ikaw baka gusto mong magkarwahe total mukhang hindin ka pa naman sanay sa lakadan"

Umiling si Victoria.

"kaya kong maglakad" she said

-

Nasa bayan na kami, napapatingin samin halos lahat ng mga taong nadadaanan namin, sinilip ko si Victoria na nasa gilid ko at kinakausap ang nagtitinda ng magagandang hairpin, akala ko ay mag innarte siya sa ilang minutong paglalakad namin papunta dito sa bayan ngunit nakangiti pa din siya hanggang ngayon, sabagay pinaglihi ata ang babaeng to sa anghel.

Kapag pinagtabi kami ay halatang mas masama ako kaysa sa kaniya, nahuli ako nitong nakatingin sa kaniya, namula nanaman ang kaniyang mukha na ikinangiwi ko...what's wrong with her?

"p..pwede mo bang liitan ang iyong tangkad?"

Hindi na ako nagtanong pa, I bend my legs, hanggang dibdib ko lang ang tangkad niya...

Naramdaman kong may sinabit ito sa nakabun kong buhok.

"ayan"

Umayos na ako ng tayo at tinignan sa salaming nasa gilid ang inilagay nito sa aking buhok.

Kulay ube ang hairpin, simpleng bilog lamang ito ngunit napakaganda.

"sabi ko na nga ba babagay sayo yan" ani nito

Makukulay na bulakla naman ang pinili nitong hairpin, inutusan niya akong ilagay ang hairpin sa kaniyang buhok, napaikot na lamang ako ng mata at walang hirap na inipit iyon sa buhok niya .

"Rosie ang bayad"

Ngumiwi si Rosie at nilapit ang mukha sakin.

"prinsesa cazimiya nakalimutan kong magdala"

Haishhh.

Tumingin samin si Victoria.

"may problema ba?" tanong nito

"w....wala naman" ani ko

Inalis ko ang bracelet na nakasuot sa aking palapulsuhan at nilapag sa lamesa ng tinderong nagbebenta ng hairpin.

"m....malaki ang halaga nito" ani ng tindero

"anong ginagawa mo cazimiya?" tanong sakin ni Victoria

"nagbayad sa hairpin" tinuro ko ang hairpin na kinabit nito sa buhok ko

Ngumuso si Victoria at binawi ang bracelet sa tinder at binigay sakin, naglabas ito ng tatlong silver na bato at iyon ang pinambayad sa tindero.

"hindi ko naman sinabing ikaw ang magbayad, ako ang nag aya sayo dito kaya sagot ko lahat" Victoria said

Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni rosie

Pumasok kami sa isang kainan ng makaramdam ng gutom, pinaupo ko na si Rosie sa gilid namin, may lumapit saming babae upang kunin ang order namin, ang bango ng niluluto nila marami ding tao na kumakain kaya sa tingin ko masarap talaga ang mga pagkain dito sa kainan na pinasukan name.

"nakapagtatakang wala kang bantay na kasa kasama kung saan ka magpunta" tanong ko kay Victoria

Nagulat ito sa tanong ko, ilang minuto na ang lumilipas ngunit hindi pa din siya nasagot kaya napailing nalang ako at pinabayaan nalang siya, kung ayaw niyang sumagot hindi ko siya pipilitin, nakakatamad na ding magsalita ng magsalita.

-

"salamat sa pagsama sakin sa bayan"

Binigyan ko lang siya ng tango, pinapanood ko itong pumasok sa karwaheng sinakyan niya kanina upang makapunta dito.

"see you tomorrow" she said

Tumalikod na ako sa pagod na naglakas patungo sa sala ng palasyo, ang laki na ng tiyan ko halos lahat ng kainan sa bayan ay pinasukan namin....si Victoria ang may sala pinilit niya akong kumain ng kumain, para siyang hindi nabubusog.

Lumapit samin ang isang katulong "prinsesa cazimiya, pinatatawag kayo ng mahal na hari" ani nito

Tumango ako at pumunta na sa opisina ng aking ama.

"pinapatawag niyo daw ako ama?" lumapit ako sa kaniya ngunit hindi umupo sa isa sa mga upuang nasa harapan ko

"bukas na ang pasukan Cazim" seryoso ang kaniyang boses "gaya ng sinabi ko sayo kagabi huwag na huwag mong hahayaang may makaalam ng sekreto mo, naiintindihan mo ba?"

"opo ama, naiintindihan ko"

"kung gayon ay magpahinga ka na"

(Sorry for being inactive, may problema lang ako ngayon kaya baka hindi muna ako makakapag update ng mga ilang araw, salamat sa mga naghihintay ng update ko bawi nalang ako next time)

Share This Chapter