Back
/ 39
Chapter 35

chapter 33

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

Nasa labas ng bintana lang ang tingin ko habang nakasakay sa karwahe ni Albert, nasa harapan ang tatlong prinsipe at ramdam ko ang titig na binibigay nila sa akin na para bang lahat ata ng galaw ko ay gusto nilang makita pati ata ang pawis na namuo sa noo at tumulo pababa sa pisngi ko ay pinanonood nila, kaya ayokong kasama sila sa iisang karwahe dahil naiilang ako, makakapag relax sana ako habang papauwi sa palasyo pero hindi ko nagagawa dahil sa kanila

Nagpakawala ako ng buntong hininga, narinig ko ang pag papatunog ni Edward ng leeg at mga daliri at nawala ang titig nila sa akin parang may umagaw ng atensyon nila kaya tinignan ko kung saan sila nakatingin, kumuyom ang kamao ni Albert tsaka ako tinignan, maya maya ay naglabas ng espada si Edward at binuksan ang pintuan ng karwahe si Raefon naman ay lumabas habang umaandar pa ang karwahe at pinagilid ang nagpapaandar ng karwahe at siya na ngayon ang nagpapaandar, kaya bumilis ang tibok ng puso ko sa nangyayari.

Napatili ako ng bumangga sa amin, napatakip ako sa tenga ko, hinila naman ako ni Albert at kinulong ang aking mukha sa dalawa niyang palad.

"Ipatitigil ni Raefon ang karwahe---"

"Anong nangyayari? Sino ang mga humahabol sa atin? Natatakot ako" nag papanic kong sabi

"Shhhh"

Pinakita nito ang panyo na kinuha niya sa loob ng kaniyang bulsa

"Ipantatakip ko ito sa iyong mata ngayon at ititigil ni Raefon ang karwahe, huwag kang matakot nandito lang kami, kami na ang bahala....huwag ka lang aalis dito sa loob ng karwahe"  mahinahon niyang sabi

Tumango ako, ngumiti muna ito sa akin at hinalikan ang aking noo bago itinali sa aking ulo ang panyo, itim na lamang ang nakikita ko at rinig ko ang espada ni Edward na mukhang tumatama sa kapwa espada, naramdaman kong isinandal ako ni Albert sa kinauupuan at nilagay sa ibabaw ng aking hita ang kanilang mga bag na niyakap ko naman kaagad.

"Huwag kang lalabas dito, tutulungan ko lang si Edward" bulong nito at hinaplos ang aking pisngi

"M...Mag iingat kayo"

Wala nang tao sa loob ng karwahe, tumigil na din ang karwahe at naririnig ko ang pakikipaglaban ng tatlo, sa mga boses na naririnig ko hindi lang bilang sa daliri ang mga kalaban madami sila. Bakit hindi kasi naimbento ang smartphone dito! Sana kanina ko pa tinawagan si Rosie upang magpadala ng mga guards dito! Aishhhh ang kailangan ko lang gawin ngayon ay tumahimik at hindi umalis sa pwesto.

"Prinsesa Cazimiya" narinig ko ang pagtawag nang nagpapaandar ng karwahe namin kanina

"Prinsesa Cazimiya" tawag niya muli

"Bakit?"

"Tumakbo ka na papaalis, padami nang padami ang mga kalaban"

"Hindi pwede, sinabi sa akin ni prinsipe Albert na hindi ako maaaring umalis dito"

"Prinsesa Cazimiya ikaw nalang ang pag asa namin, mauna ka na at humingi ng tulong, kapag tumagal pa ito maaaring mawala ang tatlong prinsipe"

Tinanggal ko ang panyong tumatakip sa aking mata, natigil ako sa paghinga nang may tumakip sa bibig ko, ulo hanggang paa ay nakabalot ng itim na tela at hiwa na ang leeg nang lalaking kumakausap sa akin kanina, pilit kong pinalalayo ito sa akin pero mas dumiin ang panyong pinantatakip niya sa bibig ko

"Hmp hmp"

"Binayaran lang kami" ani nito

Nang makaipon ako ng lakas at malakas ko siyang itinulak at nanginginig ang aking tuhod na lumapit sa pintuan ng karwahe at binuksan iyon pero hindi kaagad ako nakalabas dahil nahawakan nito ang paa ko

Nagawi ang tingin ko sa naglalaban, ang tatlong prinsipe ay napapaligiran nang mga kalaban at nakita kong may mga daplis na sila ng espada, gusto ko mang humingi ng tulog ay hindi ko magawa, kailangan ko din silang tulungan hindi pwedeng wala akong ginagawa dito.

"Bitawan mo ako---"

Hinila nito ang paa ko kaya paupong napalapit ako sa kaniya, akala ko ay sasaktan niya ako gamit ang kaniyang patalim na hawak pero laking gulat ko nang hubaran niya ako, naestatwa ako at hindi maigalaw ang aking kamay upang sampalin siya ng tuluyang naalis ang bisitidang suot ko at tumambad sa harapan niya ang hubad kong katawan

Kahit may nakatakip sa bibig nitong tela ay halata pa din ang ginawa nitong pag ngisi

"Maaaring hatulan nang kamatayan ang iyong ama dahil sa pagtatago ng totoong kasarian ng kaniyang anak" nanginig ako at nagmamadaling isinuot ang bisitidang inalis nito

"Walang kasalanan ang ama!" Sigaw ko

"Cazimiya!" Sigaw ng tatlong prinsipe at mukhang galit na ang mga ito

"Paalam sa masasayang araw prinsesa Cazimiya--prinsipe Cazim"

"P....Paano--"

Binaba nito ang telang tumatakip sa mukha at nanlumo ako sa nakita

"Gerick? Bakit?" Halos pabulong ko nalang na tanong

Napangiwi ako ng hawakan nito ang braso ko ng mahigpit

"Trabaho lang"

"N...Nasaan si Dio? Anong ginawa mo kay Dio?!" Tumulo ang luha sa aking pisngi, traydor na luha!

"Huwag kang mag alala, natutulog siya ng mahimbing ngayon, napagod sa ginawa namin kagabi," kumuyom ang kamao ko "ah huwag ka munang umiyak, umiyak ka kapag nasa harapan mo na ang iyong ama at pinapanood mo siyang pugutan ng ulo"

Nang marinig nitong papalapit na sa amin ang tatlong prinsipe ay kaagad na siyang lumabas sa pintuan at walang hirap na sumakay sa kabayo at mabilis niya itong pinatakbo

"Cazimiya!" Tinulungan nila akong makaupo

"Alam na nila ang tunay na ako at kapag ikinalat nila ay hahatulan ng kamatayan ang ama"

Nagkatinginan ang tatlo

Nakauwi na kami sa palasyo hindi muna sa palasyo ko kundi sa palasyo ni Albert, nasa loob kami ng kwarto at pinahiram ako ni Albert ng damit dahil punit na ang bisitida ko, malaki ang damit nito kaya tinupi ko nalang ang mga dulo upang makagalaw ng maayos

"Si Gerick! Ang kasintahan ni D...Dio, wala siyang balak na saktan ako, wala silang balak. Ang balak nila ay masigurado na isa akong prinsipe at hindi prinsesa, sabi nito ay may nag utos lang sa kanila" kwento ko

"Magpahinga ka na muna Cazimiya, kami na ang bahala sa lahat" Edward

Napasabunot ako sa buhok

"Pero ang buhay na ni ama ang nakasalalay---" lumapit ako sa tatlo at pinaupo sila sa mahabang sofa

Tahimik kong kinuha ang mga gamot sa ibabaw ng lamesa

"Linisin ko ang mga sugat niyo" ani ko sa tatlo

"Ngunit may gasgas ang iyong palad" Albert

"Huwag nang matigas ang ulo Cazimiya, magpahinga ka na" pagod na sabi ni Raefon at minasahe ang sintido

Hindi ko sila pinakinggan at kahit labag sa kanilang kalooban ay nilinis ko ang kanilang mga sugat, tuluyan na talaga akong nagbago.

(Take care and always eat me---este vegetables, always eat vegetables heheheh)

Share This Chapter