chapter 30
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
Third person Pov:
"Hindi namin gagawin ang gusto niyo kung walang kapalit" tatalikod na sana sila nang magsalita ang nasa harapan
Inilabas ng isa sa kanila ang limang ginto at inilapag sa lamesang pumapagitna sa dalawang grupo
"Ayan ang limang ginto, siguraduhin niyong magagawa niyo ang kagustuhan namin"
"Huwag kayong mag alala" kinuha nito ang limang ginto at inilagay sa loob ng pouch na nakapalibot sa kaniyang bewang "hahanapin namin ang kahinaan ng Prinsesang yun at agad naming sasabihin sa inyo"
Cazimiya Pov:
Bumahing ako nang ipagpag ko ang telang nilabas ko galing sa bodega ni Mary, may nakita kasi kaming mga kuting sa likod bahay ni Mary mukhang inabandona nang magulang kaya kinuha nalang namin at napagdesisyunang alagaan, kaya ngayon ay gumagawa kami ng paghihigaan ng mga kuting, nang matapos mapagpag ang tela ay bumalik na ako sa pwesto nila Mary, karga karga ni Victoria ang isang kuting na kulay puti
May malaking kahon sa harapan nila kaya doon ko inilagay ang tela at pinakiramdaman kung malambot ba o hindi, umalis si Mary para magpainit ng gatas para sa mga kuting na ito, tatlo ang kuting sakto para sa aming tatlo nila Victoria, kay Victoria ang puti kay Mary ay kulay itim habang sakin naman ay kulay tsokolate, nag iisip pa kami ng ipapangalan, natawa nalang kami kanina nang maisip ang tatlong prinsipe.
"Maayos na ba ang hihigaan nila?" Tanong sa akin ni Victoria
Tumango ako at inilagay na namin sa loob ng kahon ang mga kuting, napangiti ako at hinimas ang isa sa kanila....hindi ko pwedeng iuwi ito sa palasyo dahil hindi ko sila mababantayan ng maayos ganun din kay Victoria kaya kay Mary muna titira ang tatlong mga kuting plus si Mary ay may kaalaman na kung paano mag alaga ng mga hayop, tutulong nalang kami ni Victoria sa mga kakailanganin ng tatlong mga kuting
"Ano pa ang kailangan nila?" Tinignan ko si Mary na may dala nang gatas na nakalagay sa mangkok
"Wala muna ngayon Cazimiya" sagot nito sa akin
Lumuhod ito sa harapan ng box, inilapat niya ang hintuturo sa mangkok at nang maitaas niya na ang hintuturo ay may maliit na gatas na sumama doon, ngumiti muna siya bago itinapat sa isa sa mga kuting ang kaniyang hintuturo at nanlaki ang mata mamin ni Victoria nang sipsipin ng kuting ang hintuturo ni Mary, ganun ulit ang ginawa ni Mary sa dalawa pang kuting tumigil lang ito nang makitang busog na ang tatlo
"Gigising sila kapag nakaramdam ng gutom" sabi samin ni Mary
"Hindi ba nila hahanapin ang kanilang ina?" Tanong ni Victoria
"Hahanapin nila"
"Kung ganon ay iiyak sila?" Tanong ko
Tumango si Mary
"Huwag niyo masiyadong laruin, kargahin at hawakan dahil maliliit pa sila" pag papaalala ni Mary "may naisip na ba kayong ipapangalan sa mga kuting niyo? Ako meron na"
Nagliwanag ang mata namin ni Victoria at hinihintay ang sasabihin ni Mary, ano kaya ang ipinangalan niyo sa kuting niya?
"Ano?" Victoria and i asked
"Miry, para malapit sa Mary na pangalan ko....maganda ba?" Nahihiyang napayuko ito at nilaro ang mga daliri
Nag thumbs up ako habang si Victoria naman ay masayang tumango, maganda naman ang Miry, all girls ang mga kuting walang isang lalaki
Nag simula na ding mag isip si Victoria, ilang minutong tahimik ang paligid pero nawala din ang katahimikan nang dumating ang tatlong prinsipe at lumapit kaagad sa amin, nakaupo pa din kaming tatlo sa damuhan kaya tumingala nalang kami para tignan sila, napangiwi ako nang ilapat ni Raefon ang kaniyang palad sa ibabaw ng ulo ko sabay silip sa laman ng kahon
"Saan niyo yan kinuha? Ibalik niyo yan" sabi nito tsaka ginulo ang aking buhok
Sinamaan ko siya ng tingin
"Iniwan na sila ng ina nila kaya kami na ang mag aalaga" inikutan ko ng mata si Raefon dahil naiinis nanaman sa kaniya
Hindi na ata mawawala inis ko sa lalaking to eh
Pumwesto si Albert at Edward sa magkabilang gilid ko kaya nakailang ikot na ako ng mata sa kanila, si Raefon ay dumiretso sa malaking bato at doon umupo
"Tory nalang ang ipapangalan ko" ani ni Victoria
Pumalakpak ako
"Ano ang ipapangalan mo sa alaga mo?" Nilingon ko si Edward na nakangiti at inayos ang uniporme ko ng makita niyang medyo gusot iyon
"Wala pa nga akong naiisip" ngumuso ako at niyakap ang tuhod
I heard Albert chuckled na sinabayan din ni Raefon at Edward, maya maya ay pinanliitan ko sila ng mata
"May naisip na ako!" Napatayo ako at tumawa ng malakas
Nakita ko ang paghanga ng tatlong prinsipe
"Are!"
"Are?" Nagtataka nilang tanong sa akin
"Oo, Are ang pangalan ng kuting ko" bumalik ako sa pagkakaupo at hinimas ang ulo ng kuting na mahimbing na natutulog "Albert, Raefon at Edward....pinaghalo ko lang yung first letter ng kanilang mga pangalan, at Are ang kinalabasan"
"Kung ganon ay kami na ang ama at ikaw ang ina nang kuting na iyan?" Albert snakes his arm around my waist
"W....Wala akong sinabi" lumayo ako sa kaniya ngunit bumangga naman ako kay Edward, hahalikan na sana nito ang pisngi ko nang tumayo ako at pumagitna kay Mary at Victoria
"Nandiyan na ang karwahe ko, kailangan ko nang umuwi"
tumayo si Victoria at pinagpagan ang uniporme tsaka nagmamadaling kinuha ang bag sa loob ng bahay ni Mary at walang paalam na umalis kaya tumayo din si Mary upang maglinis na sa loob ng kaniyang bahay, naiwan ako sa tatlo at kita ko ang ngisi nila sabay na lumapit sakin kaya pinalobo ko ang loob ng bibig tsaka umiling ng lahadan nila ako ng kamay
"Hindi pa ako uuwi" tinignan ko ang mga kuting na pilit na isinisiksik ang kanilang mga katawan sa isa't isa
"Mag gagabi na" Albert
"Hindi pa nga ako uuwi, tsaka wala ang ama sa palasyo" bago pa ako makatingin sa kanila ay may dalawang kamay ang lumapat sa magkabila kong kili kili at walang hirap akong inangat "Raefon!" Pinanlisikan ko to ng mata
"That's why were going home" he said and smirked
"Huwag niyong sabihin sa akin na sa palasyo kayo tutuloy? Hindi pwede, ayoko" kumatok ako sa bintana ni Mary "Mary, ang mga kuting iiwan na namin, uuwi na ako eh"
Napatigil ito sa pagwawalis ng sahig at lumabas ng bahay
"Sige, ingat kayo...ako na bahala sa mga kuting"
"Sabihin mo lang kung may kailangan ang mga kuting para mabilhan natin sa bayan"
Nauna akong sumakay ng karwahe, umusog ako ng sumunod ang tatlo pero sa harapan ko sila umupo at tumitig kaagad sa akin, dapat pala ay hindi naimbento ang face to face chairs sa loob ng karwahe nakakailang tuloy
"Hindi ba kayo napapagod sa akin?" Bored kong tanong "hindi ba kayo nagsasawa?" Kumunot ang noo nilang tatlo "uhmm..si Victoria sobrang ganda bagay kayo sa kaniya"
"Ano ang gusto mong sabihin?" Edward
"Ang gusto mo ba ay magustuhan namin ang iyon kaibigan?" Edward
Siya naman talaga ang dapat niyong magustuhan at hindi ako eh, bumuga ako ng hangin at sinandal ang ulo sa bintana nang may makita akong bulto sa di kalayuan at sinusundan nito ng tingin ang karwaheng ito.
"You're going to stay here with us and you're not going anywhere" seryosong sabi ni Raefon sa akin
This is definitely a threat!
"We can't help that we have a dangerous attraction towards you" kibit balikat na segunda ni Albert
Nginitian lang ako ni Edward.
Hayyyss, kahit anong gawin kong pagpapaalis sa kanila ay walang nangyayari pinapagod ko lang ang sarili ko, simula na ata para tanggapin ko talaga ang lahat ng ito, parang gusto ko nalang tuloy tumalon sa bangin at hindi na magising pa.
(Naghahanap ako ng mga kwento na mala costa leona ang dating, suggest naman diyan oh)