chapter 23
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
Si Rosie at Mary ang nag ayos ng aking mga kagamitan dito sa aking tutuluyang kwarto, malaki ang bawat mga kwarto sa palasyong ito at talagang pinaghandaan ang lahat dahil malinis na malinis ang paligid ni isang alikabok ay wala kang makikita, malaki din ang kama pwedeng apat na tao ang matulog may malaking cabinet na nasa gilid ng bintana may mini chandelier sa kisame kulay puti ang pintura, bilog na carpet na nasa sahig sa harapan ng kama at full body mirror may mini bookshelves, mini sala at may isang higanteng upuan na sa tingin ko ay hindi ko naman magagamit dahil sobrang taas
matapos kong pasadahan ng tingin ang kwarto ay tinungo ko naman ang pintuan na mukhang pintuan ng banyo pumasok ako sa loob at nakita ko na may bathtub na hugis bilog na gawa sa matibay na kahoy ang nasa gitna at nang nilapitan ko ay naamoy ko kaagad ang amoy gatas na lagi kong ginagamit panligo sa palasyo at may mga kulay pulang rose petals din na mas nagbibigay bango sa panligo ko, ayos na din ang ganitong size ng kwarto at banyo sakto lang para tuluyan ng isang tao dahil sa palasyo namin ay halos buong barangay na ang pwedeng manirahan sa kwarto ko,nakakasawa din ang ambience
lumabas na ako ng banyo, wala na akong magawa....tulog si Victoria gusto atang magpuyat mamayang gabi habang ang tatlong prinsipe naman ay nowhere to be found hindi ko din pwedeng puntahan sila Mary at Rosie dahil hindi ko naman alam kung saan ang pagtutuluyan nila at tsaka mahigpit na pinagbabawal na magkita ang katulong ng mga prinsipe't prinsesa kapag wala namang kailangan pang iutos dahil dito sa palasyong kanluran mayroon kaming sariling katulong, at kapag lalabas ng palasyo pwede kong makasama sila Rosie at Mary pero hindi ko kailangang mag alala dahil sabi ng hari parang magbabakasyon lang din ang mga isinama naming mga katulong dito, magkakaroon din sila ng party at sayawan
lumabas ako sa kwarto at nilakad ang may kahabaang hallway, may mga prinsesa akong nadadaanan at lahat sila ay napapalayo sakin, nagpalit ako ng damit kaya nakasimpleng bistida lang ako na kulay ube at flip-flops may dala dala din akong pamaypay dahil ang init init ng panahon ngayon, nakataas din ang buhok ko dahil pinagpapawisan ako ng malala!
"prinsesa Cazimiya may ipag uutos po ba kayo?" nilapitan na ako ng magiging katulong ko ng isang linggo
"tatawagin kita kapag may iuutos ako" sagot ko
Yukong umatras ito
"Prinsesa Cazimiya" nilingon ko kung sino man ang tumawag sa aking pangalan at nakita ko ang isang prinsipeng ngayon ko lang nakita na luapit sakin at kinuha ang aking kamay tsaka hinalikan ang likod ng aking palad na ikinataas ng aking kilay "kinagagalak kong makita ang napakagandang dilag ng palasyong Cadrica, marami akong naririnig tungkol sayo"
Ahhh, hindi na ako nabigla dahil halos lahat ng royal family ay kilala ako
"kinagagalak din kitang makilala, ipagpaumahin ngunit ano ang iyong ngalan? Ngayon lamang kita nakita"
"ako si prinsipe David, ang prinsipe ng palasyong kanluran" napa O ang bibig ko at tumango "umuwi ako kaagad galing sa pag gagala dahil nabalitaan kong ngayon ang araw ng punta niyo dito"
"hindi ko alam na may anak ang hari ng kanluran"
Natawa ito, pantay pantay ngipin niya at ang puti puti din parang sagana sa toothbrush at toothpaste, fair skin, slim, neat black hair, tall, dark brown eyes.....i admit he's attractive mahahawa ka din kapag nakangiti ito
"ngayon ay alam mo na" ani nito "saan ka pupunta? Gusto mo bang gumala sa labas ng palasyo? Maaari kitang samahan kung hindi mo mamasamain"
"uhmm, mainit ang panahon nakakatamad, kaya dito muna ako at hihintayin ang kaibigan kong gumising"
Sinundan ko siya at napunta kami sa likod ng palasyo kung saan nandito lahat naka display ang kanilang mga alak na nasa malalaking jar, pinakita nito sakin ang kanilang masasarap na alak na sampung taon nang tinatago upang mas sumarap pa ang lasa...binuksan nito ang takip tsaka kumuha ng dalawang maliit na baso nang malagyan niya ang baso ko ng alak ay nagpasalamat ako at inisahang lagok, gamit ang likod ng palad pinampunas ko iyon sa aking bibig
Ang sarap nga! Ngayon lang ako nakatikim ng alak na sobrang sarap, worth it naman pala ang sampung taong paghihintay! Kung ganito ang alak sa palasyo namin ay sigurado akong araw araw ay umiinom ako
Humingi pa ako na ikinatawa nito, hanggang maka apat na baso ako ng alak..
"ayos ka lang prinsesa Cazimiya?" tanong sakin ni David
Tumango ako
"nakalimutan kong pigilan ka sa pag inom, madaling makalasing ang alak na napili ko"
"huwag kang mag alala, ayos lang ako, hindi pa naman ako lasing" nag thumbs up ako sa kaniya "nga pala ilang taon ka na?"
"16"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan buti hinawakan agad nito ang braso ko
"may problema ba Prinsesa Cazimiya? Mukhang lasing ka na talaga kailangan na kitang ibalik sa iyong kwarto baka pagalitan ako ni ama" tumayo ito at nilagay ang isa kong braso sa balikat niya at inalalayan akong makatayo
"ang bata mo pa pala, isang taon ang tanda ko sayo pero ang unfair dahil parang nasa 20s ka na dahil sa tangkad mo" sabi ko
"marami ngang nagsasabi sakin niyan"
"look oh dulo nalang ng flip flops ko ang nakalapat sa lupa" tinuro ko ang flip flops ko sa kaniya
"flip flops?" naguguluhang tanong niya sakin "ano ang ibig mong sabihin?"
"flip flops, hindi mo ba alam yun? Ang ibig sabihin nun tsinelas....." pinalo ko braso nito
"ahh, prinsesa Cazimiya bubuhatin kita kaya huwag kang mabibigla" nakangusong tumango ako
Binuhat ako nito at walang hirap na naglakad
"so strong" I chuckled
He chuckled
"prinsipe David, ano po ang nangyari kay prinsesa Cazimiya?" tanong ng isang katulong
"maraming nainom na alak, kasalanan ko ito dahil ko napagsabihan, pakihanda ng kaniyang kwarto"
Pumasok kami sa loob ng palasyo, I squinted my eyes to see my sorroundings clearly ng malapit na kami sa kwarto ko naaninag ko kaagad ang tatlong matatangkad na lalaking nakasandal sa harapan ng pintuan ng kwarto ko
"ako si prinsipe David kinagagalak ko kayong makilala, ano ang ginagawa niyo sa harapan ng kwarto ni Prinsesa Cazimiya?" tanong ni David sa tatlo
"bakit buhat buhat mo si Prinsesa Cazimiya?" Albert
"lasing ba siya?" lumapit si Edward at nilapitan ang ilong sa aking bibig, nakiliti ako ng dumikit ang buhok nito sa aking noo
I giggled
"tsk, give her to me" inagaw ako ni Raefon sa mga braso ni David "you can go now, kami na bahala sa kaniya"
"hindi ko siya pwedeng iwanan dahil ako ang dahilan kung bakit siya nalasing, at hindi ko alam kung kaano ano kayo ni Prinsesa Cazimiya"
Napapikit si Raefon kaya tumingala ako
"kaibigan kami ng prinsesa Caziiya, huwag kang mag alala hindi namin siya gagawan ng masama" Albert
Binuksan na ni Edward ang pintuan ng kwarto bago ako mapasok tinignan ko si David at kinawayan, nang makapasok sa loob inilapag ako ni Raefon sa kama I yawned at niyakap ang unan na itinabi sakin ni Edward
" ang ama" I murmured
"what?!" inis na tanong ni Raefon
"calm down" Albert
"calm down? Hindi mo ba nakitang karga karga nung lalaking yun si Cazimiya?! He even touched her, that damn kid" Raefon
"hindi lang ikaw ang nagtitimpi ngayon pero----" hindi ko na narinig pa ang sunod na sasabihin ni Edward at Albert ng lumayo sila sakin at nagbulungan
"ang ama..." muling nadulas na salita sa aking dila
Umupo ang tatlo sa kama at pinag gitnaan ako, inalis ni Albert ang unan na yakap yakap ko at ipinalit ang kaniyang hita, ginawa kong unan ang hita nito habang si Raefon naman ay nasa kabila at nakalapat ang dibdib sa aking likod habang nilalaro ang aking buhok lastly si Edward na nasa paahan ko at inaalis ang suot suot ko pang tsinelas
"we love you Cazimiya, samin ka lang" Raefon
"ngunit ang ama...."
"hmm?" nilapit ni Edward ang mukha sa akin at binigyan ng halik ang aking tenga "we can't hear you" he whispered
Hindi na ako nakasagot dala sa kalasingan at kaantukan nakatulog na ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari