Back
/ 39
Chapter 18

chapter 17

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

"Prinsesa Cazimiya, hindi mo ba talaga ako isasama sa iyong lakad? Baka hanapin ka sakin ng mahal na hari, natatakot din ako na baka kayo ay mapahamak sa daan"

Lumingon ako kay Rosie na gustong gusto sumama sakin

"Huwag kang mag aalala babalik akong ligtas, may gagawin lang talaga ako"  ani ko

Tinulungan ako nitong alisin ang nakaharang sa butas ng pader, bago ako pumasok don ay nginitian ko muna si Rosie....katulad sa unang pagpasyal ko sa bayan ay panlalaki at komportable ang aking kasuotan, nakapa bilog ang mahaba kong buhok, lalaking lalaki ang datingan ko ngayon, hindi na ako naglagay ng pangharang sa mukha dahil sabi ni Rosie ay hindi naman nila ako mamumukhaan dahil ibang iba ang itsura ko, tama nga si Rosie dahil nang makapasok ako sa bayan ay hindi nila ako namukhaan, ngunit ang mga kababaiban ay hindi matigil sa pagtingin sakin na alam ko naman kung bakit.

Ang Cazim na nasa mundong ito ay talagang may dating, sayang nga lang dahil kailangan nitong mag ala prinsesa Cazimiya....

Habang naglalakad ako ay may humarang saking isang babae na may hawak hawak na mansanas.

"Ginoo tanggapin mo ang mansanas na ito, matamis iyan at talagang mapapabili kayo sa tindahan ko" malapad itong ngumiti at itinuro ang pwesto nito

Kinuha ko ang mansanas at naglabas ako ng ginto sa wallet na nakasabit sa bewang ko, gulat na tinignan ako nito at nagmamadaling kinuha kaagad sa palad ko ang ginto...hindi ko na ito pinansin pa.

"Maaari bang magtanong?"

"Sige lang ginoo" sabi ng matandang babae na nagtitinda naman ng mga laruang pambata

"May kilala ba kayong Dio?" Tanong ko

"Ayy kumanan ka lang, may makikita kang isang maliit na tindahan ng mga gulay nandon siya nagtatrabaho" nagpasalamat ako at naglapag ng ginto sa lamesa nito

Kumanan ako, maraming mamimili....gumilid ako ng may dumaan sa gilid ko mukhang nagmamadali dahil binabangga niya ang mga taong madadaanan niya, may malaki ding kariton ang sumisingit kaya naiipit na ako dito sa gilid, masikip na kasi ang daan dito kaya masikip....nakakita ako ng kahon na gawa sa kahoy kaya naisipan kong umakyat doon at pasadahan ng tingin ang buong paligid upang hanapin ang sinabi ng matanda, sa di kalayuan ay may mga babaeng nakapila sa isang tindahan, i squinted my eyes and i saw Dio, siya ang nagtatanong sa mga babaeng nakapila kung ano ang kanilang mga bibilhin

Tsk halata namang si Dio lang ang ipinunta nila don.

Bumaba ako at nagsimula nang sumingit, napapangiwi nalang ako kapag may sumisiko sakin at tumatapak sa sapin ko sa paa

"Huwag kayong magtulukan"

Naririnig ko na ang boses niya

Nakahinga ako ng maluwag ng mapunta na ako sa pwesto ni Dio, napatingin sakin ang lahat ng mga babaeng nakapila

"Sabi ko sayo Mira gwapo ang mga trabahador ni aling terry"

"Tignan mo ang kaniyang kutis, hindi halatang trabahador"

Hindi nila ako makikilala, kaya hindi ako pwedeng kabahan..nilagyan din ni Rosie ng pampakulay ang buhok ko ngunit maaalis din ang kulay kapag naligo ako o nabasa ang buhok ko, si prinsesa Cazimiya lang ang may kulay puting buhok kaya hindi ako pwedeng tumakas ng palasyo kapag hindi iniba ang kulay ng aking buhok, nung unang labas kasi namin ni Rosie upang pumunta dito ay may tumatakip sa aking buhok at mukha.

"Naligaw ka ata, bata?" Nakangiti ngunit nakataas ang isang kilay na naibaling ko ang tingin kay Dio na iniabot ang plastic na may lamang gulay sa isang babae

Ako? Bata? I cleared my throat tsaka, tinuro ko ang nakadikit sa pader

"Papasok ka bilang isa sa mga trabahador dito?" Tanong nito

Tumango ako

"Oo"

"Hindi pwede" may umakbay kay Dio, matangkad at malaki ang katawan "ang kailangan namin ay kayang magbuhat ng tatlong kahon na naglalaman ng gulay at gamit lang ang paa ay ihahatid mo iyon sa iba't ibang mga bahay"

Napatingin ako sa mga kahon na nasa loob ng tindahan, malalaki iyon, isang kahon pa nga lang ay magagawa nang takpan ang buo kong katawan.

"Ano, gusto mo ba?"

Siniko ni Dio ang kasama niya bago ako nilapitan

"Patawad sa iniaasta ng kaibigan ko" paghingi nito ng paumanhin

"Ahh ayos lang yun, n...nandito lang ako para b...bumili ng gulay"

Kumunot ang noo nito

"Akala ko ba ay gusto mong----"

Tinaas ko ang dalawang kamay at iwinagayway iyon sa harapan niya, mababali ang buto ko kapag tinanggap ko ang trabaho na to....hindi ko naman kayang bumalik sa palasyo na bali ang buto, baka hindi na ako pagbigyan ni Rosie na makatakas

Parang penguin ang lakad kong pumunta sa dulo ng pila, naghampasan ang mga babaeng nangunguna sa pila at maya maya ang pagpapatama ng tingin sakin, yumuko na lamang ako, paano ko makakausap ng maayos si Dio? Nakakaselos kapag inaangat ko ang aking mukha dahil nakikita ko lamang ang mga ngiting ibinibigay niya sa mga babae

Paano kung mandiri siya sakin kapag sinabi kong gusto ko siya?

"Ano ang ngalan mo?"

"C....Cazim" ngumiti ito

"Mahaba ang pila"

Oo nga pala, ako na pala ang bibili at pipili ng gulay....ilang minuto na pala akong nakapila, buti naman at ako na ngayon ang nasa harapan niya, binagalan ko ang pamimili ng bibilhing gulay upang matagal kong maramdaman ang presensiya niya sa aking harapan

"Saan ka nakatira Cazim?" Tanong nito sakin

"Ahhhh...." napakamot ako sa braso, hindi ko alam ang mga pangalan ng lugar dito "h...hindi ko maaaring sabihin"

"Ganun ba? Ako nga pala si Dio....ngayon lang kita nakita kaya hindi ako matigil sa pagtanong sayo, kung nakukulitan ka man sakin ay---"

"Hindi, ayos lang saking kausapin mo ko"

"Bilis, may mga naghihintay pa" muli nanamang pagsabat ng kaibigan ni Dio

Pahuli kaya kita sa mga guards ko, papansin...killjoy.

Naglabas ako ng tatlong ginto

Nakarinig ako ng bulungan, nagkatinginan si Dio at ang kaibigan nito

"Mayaman siya"

"Kaya pala ganiyan ang kutis"

"Makakabili ng ako ng mga gusto ko gamit ang tatlong gintong iyan"

Kinuha ni Dio ang mga ginto at isinauli sakin

"Bakit?" Nagtataka kong tanong

"Dalawang pilak lamang ang kailangan mong ibayad, Cazim" ani nito

"Ngunit wala akong pilak dito" kinuha ko ang wallet ko at naghanap ng pilak, ang nakita ko lamang ay sampung ginto "tanggapin mo na"

"Hindi pwede Cazim, mukhang hindi ka pa sanay humawak ng pera"

Mukhang ayaw niyang tanggapin, nag isip ako ng paraan

Napangiti ako at tinignan si Dio

"Kunin mo na ang tatlong gintong ito, huwag kang mag alala, simula ngayon ay dito na ako bibili ng mga gulay...ang tatlong gintong iyan ay pambayad ko kapag bibili ako ng gulay dito"

Walang nagawa si Dio kundi tumango

Maya maya pa ay nag sigilid ang mga tao, gumilid din ako at sinubukang sumilip...nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tatlong prinsipeng nag uusap habang naglalakad

"Mukhang mag eensayo ang tatlong prinsipe"

Narinig ko pa ang ilang bulungan, sa dulo ng daan na ito ay may malawak daw na lupain kung saan doon nag eensayo ang tatlong prinsipe ng espada

Napamura ako sa isipan ng mapatigil sila mismo sa harapan ko

Nakilala ba nila ako?!

"Dito ka pala nag tatrabaho" narinig kong sabi ni Albert

Si Dio ang kausap nila

"Magandang umaga mga prinsipe" yumuko ito upang magbigay galang

"Tsk, how did she even like you?" Raefon

"Alam mo bang ang tindahan mo ang nagpapasikip sa daan na ito?" Edward

Halos lahat ng mga nasa daan na ito ay halos babae na bumibili ng gulay kala Dio

"Ipagpaumanhin niyo po ang kaabalahang idinudulot namin sa daan na ito, hayaan niyo pong kami ay lumipat" magalang na sabi ni Dio

Ikinuyom ko ang kamao ko, bakit ba nila pinakikialaman ang trabaho ni Dio?! Kung magpatuloy nalang kaya sila sa paglalakad at hindi mameste ng buhay ng iba?

Nag iwas agad ako ng tingin sa tatlong prinsipe ng mapatingin sila sa akin, wag kang magpahalata at baka maparusahan ka ng ama.

Akala ko ay wala na sakin ang tingin nila kaya nung sumilip muli ako sa ginagawa ng tatlo ay nakangisi na sila

Nagsimula na muli silang maglakad, nakatingin na lamang ako sa likod ng tatlong prinsipe hanggang makarating na sila sa dulo, bumilis ang tibok ng puso ko ng sabay silang tumingin sakin at ngumisi.

Be careful

They mouthed

(🖤🖤🖤🖤🖤)

Share This Chapter