chapter 15
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
Kagat kagat ang ibabang labi na pilit kong tinutuon ang atensyon sa pamimingwit ng isda, mahigpit na din ang hawak ko sa hawakan ng pamingwit ngunit hindi ko pa din mapigilang mapatingin sa gawi nila Mary, sa kabila ng tawanan at pag uusap nilang lahat rinig na rinig ko pa din ang pagtibok ng puso ko para akong nakikipaghabulan dahil sa bilis nun, nanginginig ang mga kamay ko, pinagpapawisan din ako kahit na malakas ang pag ihip ng hangin.
Mayabang na tumayo si Raefon na nasa tabi ko upang ipakita ang kakahuli pa lamang niyang malaking isda, pumalakpak ang lahat ako naman ay hindi mapigilang ikutan siya ng mata, nakakainis! Hindi lang siya ang nakakainis kundi silang tatlong magkakaibigan, nang makapunta na dito ang pinsan ni Mary ay agad silang lumapit sakin at tinabihan, hindi man lang ako hinayaang tignan ng mabuti ang mukha ng pinsan ni Mary at hindi lang ako nakipag shake hands.
Ngunit nung makita ko na nang malapitan ang mukha ng pinsan ni Mary ay hindi na ako mapakali at gusto ko na itong lapitan ngunit ang tatlo nanaman ay hinaharangan ang dadaanan ko upang makalapit sa pwesto nila Mary.
"Hindi pa nakakuha!" Dinuro ako ni Raefon at binelatan, pinakita sakin ang nahuli nitong isda "ok lang yan aking mahal na prinsesa maganda ka pa din naman kahit walang huli"
Everyone's laughed except for me.
Nahihiya tuloy akong tumingin sa pinsan ni Mary dahil baka makita ko itong tumatawa din, ngumuso ako at sinipa ang maliit na batong nasa paanan.
"Kung sa tutuusin ay mas maraming nahuling isda si Dio kaysa sayo" bulong ko sa sarili
"Narinig ko ang iyong ibinulong Cazimiya"
Nilingon ko si Edward na nasa kaliwa ko naman habang si Albert ay nasa kanan ni Edward, tinaasan ko siya ng kilay.
"Totoo naman ang sinabi ko----"
"Ano ang pinag uusapan niyo?" Ipinatong ni Raefon ang braso sa balikat ko kaya lumayo ako sa kaniya, kung nakamamatay lang ang masasamang tingin ay matagal na siyang nakahandusay sa damuhan at inuuod na
"Pinag uusapan namin si Dio" i hissed "sabi ko mas magaling pang mamingwit si Dio kaysa sainyo"
Pinanlakihan ko ng mata ang tatlo, sabay sabay silang tumingin sa kani kanilang mga timba, si Albert at Edward ay nakahuli nang dalawang isda habang si Raefon ay apat, matapos nilang tignan ang mga timba nila ay sunod nilang tinignan ang mga nahuling isda ni Dio....napangiti ako, dalawang timba na puno ng isda.
"Marami siyang nahuli ngunit makakakain ba natin yang lahat mamayang gabi?" Tanong ni Albert
"Hindi din natin alam kung malinis ba ang isdang nahuhuli niya" segunda ni Edward
"Edi yang mga nahuli niyong isda ang kainin niyo, ang arte niyo" tumayo ako at kinuha ang timba na wala pa ding lahat kahit ni isang isda
"Saan ka pupunta?" Tanong nilang tatlo sakin
Tinuro ko ang gawi nila Mary
Ang layo layo nila Mary samin, these three annoying prince dragged me here.
"Ayaw mo ba kaming kasama?" Edward asked at ibinaba ang pamingwit tsaka tumayo
Pilit na ngumiti ako, ayan nanaman silang tatlo haharangan nanaman nila ako para hindi ako makaalis sa pwesto ko, para silang mga batang ayaw paalisin ang kanilang nanay
"Umalis nga kayo sa dadaanan ko"
Itinaas ng tatlo ang kanilang mga kamay tsaka gumawa ng bilog, nasa loob ako ng bilog at sobrang lapit ng mga katawan nila sakin
I groaned
"Anong nangyayari diyan?" Tumingin ako kay Victoria, napatayo ito at lumapit samin
Nagmamakaawa ko siyang tinignan mukhang na gets naman niya ang gusto kong ipaalam, pinalayo niya ang tatlo sakin at nang makaalis ako sa bilog na ginawa nila ay mabilis akong nagtago sa likuran ni Victoria.
"This is bullying" mahinahon na sabi ni Victoria sa tatlo
"Naglalaro lang kaming apat" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Albert
Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan ng walang emosyon ang mga mata nitong napatingin sakin, nakakatakot ang binibigay niyang tingin sakin para bang any minute lalapitan niya ako at babalatan ng buhay
Hindi ko na narinig pa ang mga pag uusap ng apat dahil naramdaman ko ang presensiya ni Dio sa likuran ko, nagtama ang mata naming dalawa....i gasped and pinched my hands, gusto ko nalang lumuha sa harapan niya at hayaan siyang patahanin ako, hahayaan ko siyang yakapain ako hanggang sa makatulog ako.
"Prinsesa, anong gagawin mo?" Hindi ko pinansin ang sinabi nito, nang makalapit na ako sa kaniya ay ako na ang unang yumakap
Bumilis ang pag hinga nito, i started to cry silently.
"I miss you.......Danny"
"C...Cazimiya, anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba?" Tanong sakin ni Mary
"Cazimiya come here" umiling ako ng marinig ang pagtawag sakin ng tatlo
Bago ako kumalas ng yakap kay Dio ay pinunasan ko muna ang luha ko, tumingala ako upang makita siya
Alam kong hindi siya ang Danny na palihim kong minahal nang panahong nabubuhay pa ako sa totoo kong mundo, hindi siya ang Danny na naging kaibigan ko, hindi siya ang Danny na mahilig sa libro, kamukha lang niya si Danny pero heto ako ngayon im so whipped, hindi ko magawang umalis sa tabi niya
"Dio"
Mukhang hindi pa ito maka move on sa ginawa kong pagyakap sa kaniya, i sweetly laughed.
"P...Prinsesa ipagpatawad niyo ako sa aking pagkatahimik, nabigla lamang ako sa nangyari" he bow.
"I like you" dumulas iyon sa dila ko kaya mabilis na tinakpan ko ang bibig
"You can't like someone you just met!" Rinig ko ang yabag ng tatlo na papalapit samin
Hinawakan ni Raefon ang braso ko at pinaharap ako sa kanila.
"Hindi maaari ang gusto mo Cazimiya" Edward
"Bakit hindi?" Nagtataka kong tanong at pilit inaalis ang pagkakahawak ni Raefon sakin
Mahinang tumawa si Dio at napakamot sa batok.
"Hindi ko maintindihan ang sinabi mo Prinsesa, ipagpaumanhin mo sana ako hindi ako makakaintindi ng salitang ingles" buti naman kung ganon kundi baka isipin niyang weirdo ako
"Maraming salamat sa pagturo kung paano manghuli ng isda, maaari ka nang umalis" pag papaalis ni Albert kay Dio
"Dito siya maghahapunan" tumango ako sa sinabi ni Victoria "kayong tatlo hindi ko alam kung ano ang iniisio niyo, if you don't want Mary's cousin it's better to make distance from him because we want him here"
Inenglish na ni Victoria upang hindi maintindihan ni Dio, katulad ko ayaw din ni Victoria na malaman ni Dio na ayaw sa kaniya ng tatlong prinsipe at gusto na siyang paalisin dito.
Marahas na binitawan ni Raefon ang braso ko at tumalikod tsaka sinipa ang upuan, hindi ko na binigyan pa ng tingin ang dalawa dahil baka hindi ko makayanan.
"Anong nangyari?" Tanong ni Dio kay Mary
Ngumiti ako at umiling
"Wala yun, ganun talaga silang tatlo madaling mainis pabayaan nalang natin maya maya din ay babalik sila dito" ani ko
Ngingitian ko sana si Victoria ng makitang nasa malayo ang tingin nito at nakahawak ang isang kamay sa braso
"Victoria?" Tawag ko sa kaniya
"Papasok lang ako sa loob" tinuro nito ang tent, tumango ako
(Harem)