chapter 13
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
Nagising ako ng marinig ang pagtunog ng bintana, napatingin ako sa orasan at nakitang hating gabi na, mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at binuksan ang bintana tsaa sumilip sa baba nakita ko si Mary at Victoria na kumakaway, ngumiti ako at kumaway pabalik...kinuha ko ang kumot na pinagtatali ko kanina tsaka itinapon ang dulo nun sa dalawa at ang kabilang dulo naman na ngayon ay hawak ko ay itinali ko sa paanan ng kama, bago tumakas nag iwan ako ng sulat para kay Rosie sinabi kong aalis muna ako at huwag siyang mag alala dahil kaya ko na ang aking sarili at kung maaari ay huwag niyang ipagalam sa kaniyang kasamahan lalo na kay ama na wala ako sa palasyo.
"dahan dahan" mahina nilang pagpapaalala sakin
Pinadulas ko ang sarili pababa, niyakap agad ako ni Victoria ng makalapit sila sakin.
"ngayon ko lang nagawa ang bagay na ito" ani nito sakin
Tumango si Mary tsaka tinulungan akong buhatin ang mga gamit na dala ko.
"hindi ka ba pagagalitan ng iyong ama?" tanong ni Victoria
Naalala ko muli ang pag uusap naming dalawa ni ama sa kaniyang opisina, hindi niya ako mapipigilan sa mga kagustuhan ko...at kung malaman man niya ang tungkol dito sa pagtakas ko ay aakuin ko ang ibibigay niyang parusa.
Umiling ako kay Victoria.
Humikab ako ng makarating na kami sa bahay ni Mary dito na kami magpapalipas ng gabi, nandito na din ang mga gamit ni Victoria dahil bukas ng umaga nandito na din ang tatlong prinsipe, kumabaga dito sa bahay ni Mary ang meeting place naming lahat. Binaba ko na ang dala dalang backpack tsaka pagod na umupo sa upuan na gawa sa kahoy, kumuha si Mary ng maiinom at binigyan kaming dalawa ni Victoria.
"nawala ang antok ko ah" natawa si Victoria sakin at nilahadan ako ng tinapay
"nakakawala nang antok ang pagtakas sayo Cazimiya" Victoria said
"nakakakaba" segunda naman ni Mary
Katahimikan ang sumunod na nangyari.
Nagkatinginan kaming tatlo at pinasadahan namin ang aming sarili sabay hagalpak ng malakas, muntik nang mahulog sa kinauupuan si Mary dahil sa pagtawa si Victoria naman ay eleganteng tumatawa habang ako halos marinig na sa buong bayan ang pagtawa ko, hindi ko alam kung bakit kami ngayon natatawa ngunit kapag napapatingin kaming tatlo sa isa't isa muli nanaman kaming hahagalpak.
Hawak hawak sa tiyan na pinatigil ko na sila.
"dahil hindi naman tayo makatulog sabihin niyo nalang sakin kung ano ang mga tipo niyo sa isang lalaki" ngumiti ako ng makitang namula ang mukha ng dalawa
Nag iwas sila ng tingin sain kaya napakunot ang noo ko.
"nahihiya kayo?" humagikhik ako at napailing
"i...ikaw ba?" tanong sakin ni Mary "ano ang tipo mo?"
Bigla ko siyang naalala, bumagsak ang dalawa kong balikat kasabay nun ang tipid kong ngiti.
"ang tipo ko? Gusto ko yung mabait, matulungin, at kapag nakagawa siya ng mali ay alam niyang humingi ng tawad" marami man siyang napapaiyak na babae ay hindi naalis ang pag kagusto ko sa kaniya "mahilig din sa libro!"
"may nagustuhan ka na ba Cazimiya? Kanina habang binabanggit mo ang mga tipo mo sa isang lalaki ay parang kumikinang ang mga mata mo parang alam mo na kung sino ang tinutukoy mo....pwede mo bang ipaalam saming dalawa ni Mary kung sino ang maswerteng lalaking bumihag sayo?" puno ng kuryusidad na tanong sakin ni Victoria
Umiling ako.
"nasabi ko na ang tipo ko, kayo naman"
"iniiwas mo ang katanungan---"
"meron na akong napupusuan" pag amin ko
Lumapit sakin si Victoria.
"ano ang ngalan ng napupusuan mo ngayon?"
"hindi ko na sasabihin ang ngalan niya Victoria"
Tumingin na ako kay Mary dahil sobrang lapit ng mukha ni Victoria sakin, hindi din nakaligtas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak nito sa baso.
Tinanong ko si Mary kung ano ang tipo niya sa lalaki.
Ngunit si Victoria ang sumagot at umayos na ng upo.
"ang tipo ko ay mga katulad mo" seryoso itong nakatingin sakin
Yumuko si Mary, anong meron kay Victoria?
"ngunit babae si Cazimiya" Mary
Nanlaki ang mata ni Victoria parang ngayon lang nag sink in sa utak niya ang salitang nailabas niya, iniba nito ang ibig sabihin ng sinabi niya ang gusto niyang iparating ay gusto niya ang mga lalaking katulad sa ugali ko, tumango si Mary habang ako ay tahimik nalang na nakaupo at pinapanood sila.
Alas otso na ng umaga at nandito na sa harapan naming tatlo ang tatlong prinsipeng bihis na bihis, parang aatend ng party eh sa tabing ilog lang namin kami pupunta...
Nakasuot ako ngayon ng kulay ubeng bistida at bagsak ang puti kong buhok, si Mary naman ay naka simpleng pang bahay na damit at nakatali ang kaniyang buhok, gaya ng tatlong prinsipe mukhang dadalo din si Victoria ng party sa suot niya ngayon, napailing nalang ako at inayos na ang mga kaldero na dadalhin namin.
"let's take a rest first" uupo na sana si Raefon ng sipain ko papalyo ang upuan dahilan ng pagkabagsak ng pang upo nito sa sahig
I bite my tongue to prevent myself from laughing.
Akala ko ay magagalit ito sakin pero tumawa lang ito at sinuklay ang kulay itim na buhok.
"you know how to play a game now huh?" ani nito at tinulungan siyang makatayo ni Edward
"bakit mo naman itinulak papalayo ang uupuan niya Cazimiya?" tanong sakin ni Albert
Ngumuso ako at nauna nang lumabas, habang naglalakad kami papasok sa kagubatan ay hindi matigil si Victoria makipag usap kay Mary mukhang mag kasundo na sila ngayon habang ang tatlong prinsipe ay nasa dulo at may sari sariling mundo...pinulot ko ang stick na nadaanan namin at iwinagayway iyon, wala naman daw mga mababangis na hayop dito sa gubat kaya wala na din kaming dapat pang ipag alala.
"waah!"
Napatingin kami sa sumigaw.
"anong nangyari?" lumapit si Mary sa tatlong prinsipeng hindi mapakali at nagtata talon
Sumunod si Victoria na lumapit, naiwan akong nakatayo lamang sa unahan at pinapanood kung paano matakot ang tatlong prinsipe sa isang palakang napadaan lang sa harapan nila, maya maya pa ay may naisip akong ideya...humahagikhik akong palihim na kinuha ang maliit na palaka at itinago sa likod ko.
"ano ba ang ikinatitili niyo diyan?" lumapit ako sa tatlo.
"wala!" chorus nilang sabi
"weh?" paninigurado ko "imposible namang wala, hindi naman kayo titili na parang babae kung wala, diba Mary, Victoria?"
Tumango ang dalawa.
"s.....sabihin niyo lang sakin kung may l......lumapat na insekto sa katawan niyo, may dala akong maliit na boteng naglalaman ng likido na p.......pampawala ng kati kati kapag nakagat man kayo ng insekto" nauutal na sabi ni Mary
Ilang Segundo ang lumipas ng ngumisi ako at tinawag ang tatlo.
"may regalo ako sainyo!" nakangiti akong lumapit "ipagdikit dikit niyo yung mga palad niyo"
Ginawa nila ang sinabi ko.
Napansin kong alanga bahid na reklamo sa mukha ni Raefon, lahat sila ay parang nanalo sa lotto.
"ipikit niyo ang mga mata niyo walang didilat kapag hindi ko pa sinasabi ah!"
Napansin ng dalawa ang nasa likod ng kamay ko kaya sinenyasan ko silang huwag maingay.
Dahan dahan kong inilabas ang palaka na nasa likod ko at ipinatong sa mga kamay ng tatlo, kumunot ang noo nila.
"ang gaspang" Albert
"what's this? It's sticky..." Raefon
"pwede na bang magmulat ng mata?" Edward
"sige," sabay sabay nilang minulat ang mga mata at tumingin sa hawa hawak "TADA!!!"
"WAHHHHHH"
Napatakip nalang kaming tatlo sa tenga ng malakas silang sumigaw at itinapon sa malayo ang palaka, kawawang palaka.
Nandidiri sila ngayon at nagmamadaling naghahanap ng paghuhugasan ng kamay, nakipag apir ako kala Mary at Victoria na tumatawa sa nakikita.
"lagot ka" sabi sakin ni Victoria
"buti hindi palakang walang lason ang naibigay mo sa kanila Cazimiya" sabi naman sakin ni Mary
"CAZIMIYAAAA"
"I think we need to run, hehehe" sumugod sakin ang tatlo kaya naiwan ko sila Mary at Victoria, I really need to hide mukhang babalatan na ako ng buhay ng tatlo