Chapter 6: Distraction
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.
------------------------------------------------
Skyler's POV
Alam mo yung feeling na bagong ligo ka, tapos paglabas mo ng bahay, naulan ka agad? Yun yung buhay ko ngayon sa opisina. Akala mo fresh start na ako, pero nope, parang ako pa rin yung favorite target ng Murphy's Law: Anything that can go wrong will go wrong.
As usual, agahan ko pa rin late. Pero! At least hindi na ako tumumba sa sahig today, ha! Progress is progress eyy!
Pagpasok ko sa office, lahat ng tao parang busy, pero ako? Busy magdasal na sana walang mangyari ulit na nakakahiya.
"Skyler!" si Karen, biglang sumulpot sa tabi ko. "Galing daw yung team niyo sa meeting with Sir Ezekiel kahapon? Kamusta naman? Hindi ka ba... alam mo na, natunaw sa tingin niya?"
"Ha? Bakit ako matutunaw?" I answered,
Anong pinagsasabi nitong bruha na to? Char!
"Come on, Skyler! He's hot. Pero ang sungit. Parang kapag tumingin siya sa'yo, kaya niyang i-judge lahat ng decisions mo sa buhay." Tumawa siya, pero ako? Napailing na lang.
Napangiwi ako sakanya.
"Karen, hindi ko siya type, okay? Tsaka... baka siya yung natutunaw kapag tumingin sa akin."
Aaminin ko gwapo si sir Pero 3 percent ko lang siya krass!! Ideal type ko siya pero ayaw ko sa masungit!
"Sure ka, Skyler? Kasi iba yung mga ngiti mo lately." She winked, and Bago ako makasagot, umalis na siya.
Hala! Baliw...
Habang nasa desk ako, busy sa paggawa ng report, narinig ko yung click-clack ng mamahaling sapatos sa sahig. Lumingon ako nang konti, at ayun na nga. Si Sir Ezekiel. Parang nag-shoot ulit yung heart rate ko sa 200 BPM.
He walked straight to my desk, hawak ang isang folder. "Skyler," malamig niyang sabi.
"Yes po, Sir?" I asked, tumayo agad ako dahil parang hindi appropriate na naka-slouch ako habang kinakausap siya.
"Submit this report to the finance department. Now." Iniabot niya yung folder na parang hindi na kailangan ng explanation. Pero bago siya makaalis, nag-freeze siya saglit, tiningnan yung desk ko, tapos bumalik yung mata niya sa akin.
"Skyler..."
"Sir?"
"Do you live on this desk?" tanong niya, tinuturo yung kalat ko. May mga sticky notes, candy wrappers, at kung anu-anong bagay na hindi ko na natanggal dahil sa ka-busyhan ko.
Ay pakshit!
Napakamot ako sa ulo. "Ah, sorry po, Sir! Ayusin ko na po 'to."
He sighed. "Clean your space. It's not a playground."
"Yes po, Sir!" I said, pero nung paalis na siya, hindi ko napigilan mag-whisper, "Playground? Bakit, sir, gusto mo mag-slide?"
"Excuse me?" sabi niya bigla, sabay lingon.
Oh my God, narinig niya!
"Ah, wala po, Sir! Sabi ko po... ready to glide!" sabay awkward na thumbs-up.
Tumango lang siya, pero sure ako naramdaman ko yung very light na smirk bago siya tuluyang umalis.
Pagbalik ko sa desk pagkatapos ihatid yung report sa finance, nakita ko si Zachary na nakatayo malapit sa desk ko.
"Skyler! Kamusta ka naman? Mukhang hectic ang araw mo ah," sabi niya habang naka-lean sa cubicle wall ko.
"Ah, okay lang naman! Pero, alam mo yun, parang laging may surprise sa trabaho. Ikaw? Chill ka lang ba lagi?"
Para kasi wala Naman siyang ginagawa bukod sa pagtsitsek ng mga papel at yuyuko sa desk niya at matutulog.
Ang totoo? Empleyado na siya Dito?!
Tumawa siya, yung tawa na parang ang gaan ng buhay niya. "Hindi rin, pero alam mo na, smile lang kahit stressful."
"Wow, Zach. Ang ganda ng philosophy mo sa buhay. Turuan mo naman ako!" sagot ko, sabay fake na iyak.
He laughed and handed me a coffee. "Oh, eto, Skyler. Mukha kang kulang sa kape eh. Para naman may extra energy ka."
"Grabe, ang bait mo naman! Salamat, Zach!" sabay inom ng kape.
"Skyler, baka pwede tayong mag-lunch mamaya?" tanong ni Zach bigla.
"Ah... Sige!gusto ko yan"
Sabay higop ng kape.
"Sige see you later!" Sabay ngiti sakin at umalis.
Ting!
Meron tumunog sa cellphone ko at alam ko email ko Yun, Kaya't agad ko naman ito kinuha sa table ko at binasa
CEO Ezekiel
Skyler, my office. Now!
Nalaglag ang panga ko at sabay tumayo at sabay karipas ng takbo papunta sa office niya.
Ano nanaman ba kailangan nito?!
Pero nakaramdam akong kaba pero wala naman akong ma alala na gumawa ng kapalpakan ah?
---
Office
Pagkapasok ko, tahimik lang siya. Nakaupo siya sa desk niya, busy sa laptop, pero ramdam ko yung intensity ng presensya niya.
"Sir?" I asked after a few seconds.
He looked up, staring straight into my soul. "Skyler, I'm assigning you to a project next week. It's critical, and I expect nothing less than excellence. Can you handle it?"
Ay puteksssss!
"Ah... of course po, Sir!"
Pero deep inside, nagpa-panic na ako. Ano bang project 'to? Bakit ako agad? Hindi ba obvious na disaster magnet ako?!
"Good." He leaned back on his chair. "Also, stay away from distractions."
"Distractions, Sir?"
"Yes. Like unnecessary conversations with coworkers."
Ha?!bakit?!
"Bakit po sir?" Agad naman siya napataas ng kilay.
"I saw you on the CCTV. Didn't your sir denli tell you that it's prohibited to talk to your co-workers while working? Don't do it next time."
Ah kaya pala..
"Ah... noted po, Sir!" Pero gusto ko nang tumawa kasi parang si Sir Ezekiel mismo yung natya-challenge.
"Anything else, Skyler?" tanong niya, raising an eyebrow.
"Wala na po, Sir. Salamat po!" sagot ko.
"Ok so back to work.." umalis na ako sa office niya.
Pagbalik ko sa desk, nakita ko si Zach habang nakangiti sakin.
"Skyler, tuloy tayo sa lunch?" tanong niya.
Tumango lang ako at ngumiti. Pero habang naglalakad kami papunta sa cafeteria, nararamdaman ko na parang may matang nakasunod sa amin. Tumigil ako saglit, lumingon, at ayun na nga. Si Sir Ezekiel, nasa hallway, nakatingin sa amin may dalang mug naka poker face.
Kaya't agad ko iniwas ang tingin ko sakanya.
"Skyler, okay ka lang?" tanong ni Zach.
"Ah, oo! Tara, let's eat!" sagot ko
Pagkatapos ng lunch, habang papunta na ulit sa desk ko, may biglang nag-text sa phone ko. Unknown number.
Unknown Number:
Skyler, come to my office after work. There's something we need to discuss.
Shit. Si Sir Ezekiel ba 'to? Ano na naman kaya ang kailangan niyang sabihin?!Tsaka pano niya nakuha phone number ko?!!