Back
/ 38
Chapter 23

Chapter 22: Decision

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Tangina, ano 'to? Tug-of-war?!

Parang eksena sa teleserye sa kdrama putek!, hawak-hawak ako nina Sir Ezekiel at Zachary habang parehong nakabusangot. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa, parang kahit sino sa kanila ready nang sumuntok. Ako naman? Well...

Ako lang naman 'tong parang batang laruan na pinagtatalunan!

"Guys... ahh... pwede bang bitawan niyo na ako? Kasi feeling ko mahahati na ang kaluluwa ko sa gitna niyo," reklamo ko, pero wala ata silang naririnig dahil pareho lang silang hindi gumalaw.

"Skyler is coming with me. We have dinner plans," madiing sabi ni Sir Ezekiel, hinigpitan pa lalo ang hawak sa akin.

"Really? Kasi Skyler and I were supposed to have a dinner date," ganting tugon ni Zachary, sumeryoso na ang mukha niya.

Date?! DATE?! Putek, wala namang ganun sa usapan ah!

Nagpalinga-linga ako, hinihintay na may dumaan na security guard na magsasabing bawal ang gulo sa parking lot, pero mukhang malas ako ngayon.

"Wait lang, guys! Pwede ba akong mag-decide para sa sarili ko?" sabat ko, sabay pilit na binawi ang kamay ko mula sa kanilang dalawa.

sheeshhh ganito pala sa feeling pinag aagawan ka!

Nagkatinginan sila, at for once, buti na lang at nagkaintindihan silang bitawan ako. Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sarili ko na humagulgol sa sakit.

Hoy, hindi naman ako stress ball para pisilin ng ganito!

Tumingin ako kay Zachary, na mukhang nagaalalang nakatingin sa akin. "Zach, pasensya na ha... pero may dapat lang akong pag-usapan kay Sir Ezekiel ngayon."

Nakita kong saglit na lumungkot ang mata niya bago siya ngumiti nang pilit. "Ah, ganun ba? Sige, naiintindihan ko naman. Next time na lang siguro tayo magkakasama, hmm?"

Napangiti ako sa kanya. "Oo naman, Zach. Promise, babawi ako!"

Tumango siya bago tumingin kay Sir Ezekiel. Parang may tahimik silang pag-uusap gamit lang ang mga mata nila, isang bagay na hindi ko maintindihan pero parang puno ng tensyon. At mas lalo lang akong kinabahan.

After a few more seconds, Zachary finally sighed and stepped back. "Sige, ingat ka, Skyler."

Tumango ako at pinanood siyang sumakay sa kotse niya bago umalis. Nang makalayo na siya, saka lang ako napatingin kay Sir Ezekiel.

hindi man lang nagpaalam ki sir tsk tsk....

Tumingin ako kay sir ezekiel,napagtanto ko hawak niya ang wrist ko,"Pwede mo na bang bitawan ang pulso ko, Sir? Baka isipin ng ibang tao na kinikidnap mo ako," biro ko.

kumunot ang mga noo niya sabay irap.

binitiwan niya ang kamay ko at sinamaan lang ako ng tingin. "Sumakay ka na."

Napanguso ako. "Wala man lang please? Ang sungit naman."

Pero hindi niya na ako pinansin, kaya wala na rin akong choice kundi sumakay sa kotse niya. Habang nasa loob, wala siyang imik habang nagmamaneho. Ang bigat ng atmosphere, parang anytime may sasabog.

Ako na 'to, ako na ang makikipag-usap.

"So... saan tayo kakain? Sa mamahaling restaurant na bawal ang pangit? Baka hindi ako papasukin, Sir."

Wala pa rin siyang reaksyon, pero parang may konting ngiti akong nakita sa gilid ng labi niya. HA! Points para kay Skyler!

"Tara sa isang tahimik na lugar," sagot niya sa wakas. "diba gusto mo malaman kung bakit kita pinagiingat kay zach.."

Napakunot ang noo ko. "ay oo nga pala!"

Tumingin siya saglit sa akin bago muling binalik ang tingin sa daan. "be ready..."

Napalunok ako. Bakit parang biglang ang seryoso nito? At bakit biglang parang may kung anong bumilis sa tibok ng puso ko?

baka. Siguro gutom lang ako.

Tumahimik na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sir Ezekiel. Para akong nasa mystery movie na wala akong kaalam-alam kung anong mangyayari sa susunod na eksena. Dapat ba akong matakot? O dapat ba akong maghanda sa kung anong sasabihin niya?

putek nagugutom na ako!

"Skyler."

Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin, pero ramdam ko ang bigat ng sasabihin niya. "Bago tayo kumain, gusto kong maintindihan mo kung bakit kita pinapaingat kay Zachary."

Huminga ako nang malalim at tumango. "Okay, Sir. Nakikinig ako. Pero puwede bang may kasamang pagkain? Mas magaling akong makinig pag busog." wala sa sarili kong sabi.

parang gusto ko bawiin yung sinabi ko sakanya! nakakahiya sky! baka sabihin niya patay guts ka..

nag nod naman kaad siya at nagpatuloy siya sa pagmamaneho at maya-maya lang ay huminto kami sa isang private restaurant. Ang klase ng lugar na parang hindi mo pwedeng pasukin kung hindi ka mayaman.

Pagpasok namin, sinalubong kami ng isang waiter at dinala sa isang private room at umupo na kami pareho. Tahimik lang si Sir habang nag-oorder, pero kita ko sa mukha niya na seryoso siya. Wala ang usual niyang malamig na anyo—mas parang may iniisip siyang malalim.

brrr ang lamig sa loob!

Nang makaalis na ang waiter, doon lang siya muling nagsalita. "Skyler, gusto kong malaman mo na hindi kita tinatakot. Gusto ko lang na alam mo kung sino talaga si Zachary."

Napakunot ang noo ko. "Ano bang meron kay Zach, Sir? Bakit parang napaka-big deal nito? May utang ba siya sa'yo? Hindi naman siguro ako ang gagamitin mong pang-singil, 'di ba?"

Huminga siya nang malalim, bago ako tinignan nang direkta sa mata. "Zachary... minsan nang nakulong."

ha?!!

Parang tumigil ang mundo ko. "Ano?! Ano'ng ginawa niya? Nagbenta ng pekeng Gucci? Nanghula ng mali?"

Napailing siya, halatang hindi natatawa. "Skyler, seryoso 'to."

"Okay, okay! Sorry!" Tumikhim ako at umayos ng upo. "Sige nga, anong nangyari?"

"At hindi lang 'yon. Muntik na siyang makasuhan ng mas malala pa."

Nanlaki ang mata ko. "Sir, hindi ko maintindihan. Paano? Bakit hindi ito alam ng iba? May loyalty card ba siya sa kulungan at nagka-discount sa kaso?"

Nagtagal ang titig niya sa akin, parang nag-aalangan kung dapat niya ba talagang sabihin o hindi. Pero sa huli, nagsalita siya. "Dahil ang pamilya niya ang nagtakip ng lahat."

Napakurap ako. "Wait, wait. Sir, rewind. Anong ibig mong sabihin?"

Nagpatuloy siya. "Alam mo bang minsan na siyang nahuli sa tangkang panggagahasa?" para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw sa kinaupuan ko,

tangina...........

kaya pala pinapaingat ako sakanya, kaya,t pala kapag kasama ko si zach nakatingin sakin sir ezekiel, Pakiramdam ko bumagsak ang katawan ko sa kinauupuan ko. "Zach... ginawa niya 'yon?"

Tumango si Sir Ezekiel. "Pero dahil mayaman ang pamilya niya at malakas ang koneksyon nila sa Roswell Company—na siya ring koneksyon ng pamilya ko—hindi lumabas sa publiko ang kaso."

Biglang parang ang bigat ng hangin sa paligid. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Si Zachary... kaibigan ko siya. O at least, inakala kong kilala ko siya.

"Skyler," tawag ni Sir Ezekiel, dahilan para magbalik ang ulirat ko. "Alam kong malapit kayo ni Zachary, pero gusto ko lang malaman mo ang katotohanan. Para makapagdesisyon ka kung gusto mo pa rin siyang lapitan."

Hinawakan ko ang baso ng tubig sa harap ko, pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal ang panginginig ng kamay ko. "Sir... bakit ikaw lang ang nakakaalam nito?"

Napakagat siya ng labi. "Dahil nandoon ako nang mahuli siya. Ako ang nakakita."

Napahawak ako sa bibig ko. "Sir... seryoso ka? Wala bang hidden camera 'to? Baka prank lang?"

baka mamaya pinaprank niya ako.. tas nandito si Jose Manalo at Wally Bayola yung wow mali nilang prank show.

palihim ko tinitignan kong may camera sa loob ng vip room at tumingin sabay tingin kay sir.

Napangisi siya nang bahagya, pero agad din siyang bumalik sa seryosong tono. "Gusto mong i-check kung may mga camera sa paligid? Wala 'to sa prank show, Skyler."

ay putek!

"Wait, let me process this. So, si Zachary... nakulong? At ikaw lang ang may alam?" Napaisip ako saglit. "Paano kung may secret villain arc lang siya? Alam mo 'yun, 'yung parang sa mga drama na kunwari good guy pero may dark past? Hindi kaya ganun 'yun?" wala sa sarili kong sabi

Napangisi si Sir Ezekiel, umiling nang bahagya. "Sana nga, drama lang 'to. Pero totoo 'to, Skyler."

putek..umurong yung gutom ko sa mga nalaman ko..

Bumuntong-hininga ako. "At isa pa, Skyler... ikaw ang tipo niya."

hala!!!

Parang may kung anong dumagundong sa dibdib ko. Napaatras ako sa kinauupuan ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Ikaw ang gusto niyang makuha. At hindi ko hahayaang mangyari 'yon."

anong tipo niya ba? yung baduy rin manamit kagaya ko? o sadyang tirador talaga siyang mga baduy ikkkk skerriiiiiii

Napalunok ako. "Pwede bang pabilisan natin ang pagkain at umalis na tayo? Kasi baka mamaya naka abang na si zach sa labas.."

Napangiti si Sir Ezekiel, pero may bahagyang lamig sa mata niya. "Huwag kang mag-alala. As long as I'm around, hindi kita hahayaang madikit sa kanya."

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

ang mga puso ko..

Huwag kang mag-alala. As long as I'm around, hindi kita hahayaang madikit sa kanya.

shit!

bakit ganito pakiramdam ko..

tangina.!

Parang gusto ko na lang mag-resign at bumalik sa probinsya namin para magtanim ng kamote.

Share This Chapter