Chapter 21: secret
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.
Skyler's POV
Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa desk ko, pero kahit anong pilit kong bumalik sa trabaho, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. I meanâfiancée?!
Ezekiel Cruz, may fiancée?!
I know it's normal for someone like himâCEO, mayaman, pogi (aminin na natin, okay?)âpero bakit parang big deal sakin? Hindi naman ako affected... hindi dapat ako affected. Pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Parang nawala yung appetite ko kahit may libreng donut si Karen sa desk ko.
Minsan lang 'to, tapos mawawala rin. Tama? Tama...
affected ba talaga ako?
sinapak ko mahina ang mukha ko.
"Skyler, bakit para kang nasapian?" bulong ni Karen, siniko ako nang mahina. "Parang kanina ka pa tulala d'yan."
"Ha?" Napakurap ako. "Hindi ah, nag-iisip lang."
Ngumisi siya. "Let me guess, tungkol kay Sir Ezekiel?"
ayan nanaman po siya
"HUH?" Masyado yatang malakas ang reaction ko kasi napatingin sakin yung ibang officemates.
"Shhh, ang ingay mo! Ano na naman bang ginawa ni bossing?"
Bumuntong-hininga ako. "Karen, alam mo ba na may fiancée si Sir?"
Nanlaki mata niya. "SERYOSO?!"
"Sshhh!" Tinakpan ko bibig niya. "Oo, at ang pangalan niya? Genebe-Genevieve Laurent."
inang pangalan ko ang hirap bigkasin
Napakurap si Karen. "Genevieve... Laurent? Yung anak ng may-ari ng Laurent Holdings?"
Wait. Ano? Laurent Holdings?
"Pamilyar ka sa kanya?" tanong ko
"Duh, of course! Sikat yung pamilya nila. Pero ang tanong... bakit parang hindi mo alam?"
luh bakit kilala nila si babaeng luya?!
Ngumuso ako. "Eh kasi, wala namang nagsabi sakin, 'di ba tsaka helloo..baguhan palang ako dito?"
"Teka, teka, teka. Paano mo nalaman?"
Nag-exhale ako ng malalim. "Kanina. Lumapit siya sakin. Sa harap ni Sir. At proudly niyang sinabi na siya ang fiancée ni Sir Ezekiel."
Nanlaki ang mata ni Karen. "Ano ang reaction ni Sir?"
inang to umaandar nanaman ka tsimosahan niya.
"Ewan, parang nag-shut down siya. Tapos sinabi niya 'It's complicated.'"
"Ooohhh, may something! Alam mo 'yan, Skyler! May tinatago 'yang si bossing."
Nag-roll ako ng eyes. "Huwag kang chismosa, Karen."
"Eh ikaw rin naman eh! Kung di ka interesado, edi sana di mo tinatanong!"
Napapikit ako. Gusto ko nga bang malaman kung anong meron?
Before I could answer that question, biglang bumukas ang pinto ng opisina. And speak of the devilâ
"Skyler."
Biglang nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Ezekiel.
Parang na-sense niya ang gulat ko kasi napakunot-noo siya. "May problema ba?"
I swallowed. "Ah, wala, Sir."
"Tara sa office ko."
Napatingin ako kay Karen, halatang kinikilig siya. Ano ba, Karen! Wag kang ganyan!
Tumayo ako at sinundan siya papunta sa opisina niya. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami doon.
sa totoo lang.. nauutot ako..CHAR!
Pagkapasok, agad siyang sumandal sa upuan niya at tinitigan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umalis baka abutan nanaman kami ni babaeng luya..si genebere
napabuntong hininga ako
"Sir?"
"Alam kong marami kang tanong."
Ay, hindi na ako magpapanggap? "Uh... medyo."
"sit" agad naman ako umupo at tinignan ako, Nagtagal ang titig niya bago siya nagsalita. "Si Genevieve... matagal na siyang nakatakdang mapangasawa ko."
I swallowed. "So... arranged marriage?"
Tumango siya. "Matagal nang plano ng pamilya namin. Hindi ko choice."
Nagpanting ang tenga ko. "Teka, Sir. Kung hindi mo choice, bakit hindi mo tanggihan?"
Ngumiti siyaâpero hindi yung usual na confident smile niya. Mas parang... pagod? "If only it were that easy, Skyler."
goo easyyy on me baby~
Tahimik akong napatingin sa kanya. Ano bang meron? Bakit parang ang daming tinatago ni Sir Ezekiel?
Ilang minuto kaming hindi nagsalita. Tahimik lang siya, nakatitig sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi pero naiilang ako na ako pramis..
"Skyler."
"Hmm?"
Bumuntong-hininga siya, parang may pinipigilan. "May gagawin ka mamayang gabi?"
Nagtaas ako ng kilay. "Uh, matutulog?"
Biglang nawala ang tensyon sa mukha niya, at sa halip, may bahagyang ngiti siyang bumungad. "Samahan mo akong mag-dinner."
Napasinghap ako. Wait. Ano?!
"bakit po sir"
biglang kumunot ang mga noo niya "anong bakit?masama ba na samahan ako mag dinner ng isang employee ko?"
nga naman.. pero why mee?!papayag ba ako?
tumikhim naman ako sabay ayos ng upo "si-sige na nga..pero sa isang kondisyon"
wow ha skyler!may pa decision ka pa nalaman..baka nakalimutan mo boss mo yan!
"what's that condition?" sabi niya
"ano..sasabihin mo sakin bat pinapa ingat mo ako kay zachary.."
bigla nalang nagbago ang expression niya at seryosong tumingin sakin kaya't bigla akong kinabahan.
"sure.., but you might regret it once you find out." bigla nalang siya tumayo at sinuot ang mamahaling coat niya "I have a meeting to attend. After you finish work, just head straight to the parking lot, and I will pick you up in 6pm." at binuksan na niya ang pinto at iniwan akong maraming tanong.
habang tumagal ako dito sa trabaho ko, akala ko kilala ko na ang mga pagkatao nila pero hindi pa..
baka mamaya may bagong plotwist akong malalaman..baka si karen isa siyang super hero or si zachary na nakikita ko, multo pala tas may mga third eye ang mga nagtatrabaho dito! ikkkkkkkk CHARRRRRRROOOOTT
umalis na ako sa opisina ni sir at pupunta na sa department room pero hindi ko inaasahan makita si zachary sa halway habang naka kaway sakin nakangiti, kumaway rin agad ako sakanya kunyare parang walang nangyare sa sinabi ni sir.
"san ka ba galing?sky?" sabay akbay sakin.
"ano ba bitaw nga! naiinitan ako!" pagtataray ko sakanya kaya't tinawanan lang ang nitong loko na to pero inalis rin naman niya. " jan lang ako sa office ni sir"
"bakit?pinagalitan ka ba niya" alalang tanong niya
"hindi naman..pinakita ko lang so report ko.." pagsisinungaling ko,wala kasi siya nong pinatawag ako ni sir kanina.
"ah sige haha halika sabay na tayo bumalik sa department natin.
nagnod nalang ako tsaka sabay kami bumalik sa trabaho namin.
halos pareho kami busy sa ginagawa namin sa trabaho hangang sa gumabi na kaya't marami na rin umaalis ng mga employee namin dito. tumingin muna ako sa orasan at nagbilang
5
4
3
2
1
6pm na~
inayos ko na rin ang table ko at tumingin sa maliit na salamin ko dito sa desk.
ayan haggard na..nakakahiya naman maki pag dinner kay sir, kinuha ko ang baby Johnson ko sa bag at naglagay muna akong pulbo sa facelak ko.
"sky sabay na tayo umalis" sabi ni karen habang naglalagay foundation sa mukha..
naol mamahaling avon foundation! nahiya naman yung johnson powder kong dala!
"hindi pwede..mauuna na ako kasi may nagiintay sakin.."
"sino?" Gulat niyang sabi pero unti unting ngumiti siyang nakakaloko "sky ah..sino ba?
ayy nakalimutan ko tsismosa pala ito pero wala akong oras sabihin sakanya baka umusok ang ilong ni sir sa kaantay sakin/\.
"ay basta sakin nalang yun!" sabay kuha ng bag at tumakbo palayo sakanya narinig ko pang tinatawag niya ako.
binilisan ko pa mag takbo pero punyemas! hindi ko alam ang kotse ni sir ang lawak pa naman ng parking area dito!
bwisit andaming mamahaling kotse naka parada dito.
beep beep!
"AYYYY SHUTANGINAAAAAA!" napamura akong lakas dahil sa gulat ko at tinignan kong masama sa likuran ko tsaka bigla nalang binuksan ang pintuan ng kotse niya at lumabas si zachary habang tumatawa
lintik to!
"animal ka!" hinampas ko siya sa braso "pano kapag nahimatay ako dito!ha! pano hindi ako makaka uwi sa samin sa probinsiya pag ako nahimatay sa gulat!!ha! Ha!"sunod sunod ko siyang hinampas pero mahina lang baka mapikon to sakin.
"ang o.a mo naman po sky hahahaha" tawa niya habang hihimas ang braso niya.
napabusangot ako "ayy ewan ko sayo!"
"sino ba kasi hinahanap mo?panay takbo ka dito sa area? sabi niya kaya biglang lumaki ang mga mata ko
ay pakshit!si sir ezekiel!
"hatid na kita sky sainyo" presenta niya habang naka ngiti
"ay hindi pwede! may iaantay ako dito!"sabi ko sakanya pero kumunot ang noo niya
"sino?"
sasabihin ko ba?
"si si-"
beep beep!
pareho kami napalingon sa gilid at biglang bumukas ang pinto ng kotse niya at lumabas si sir ezekiel nakabusangot
"what took you so long sky?!"sabi niya ng makalapit sakin
"kanina ko pa kasi hinahanap yung kotse mo sir hindi ko kasi alam kong anong color ng car mo hehehe" sabay piece sign kaya inirapan nalang niya ako
"whatever..let's go" sabay hawak sa wrist ko na ikinabigla ko sabay hila sakin pero bago yun may humawak rin sa kamay ko.
""Where are the two of you going?"tinignan ko si zachary ang seryoso ng mukha niya.
"an-"
"We have dinner plans, so could you plss let him go?"hinila niya akong malakas kaya't napasubsob ako sa dibdib niya.
OI ANG BANGO!
"Actually sir ..Skyler and I have a dinner date too." hinila rin ako niyang malakas kaya't napasubsub ako sa dibdib rin niya.
Oyyy Amoy axe!
Pero...
TANG INA! AKO NASASAKTAN SA PAGHILA HILA SAKIN!
Tinignan ko silang dalawa halos mapatampal aking noo dahil ang sama ng tingin nila sa isa't isa