Back
/ 38
Chapter 20

Chapter 19: HUG

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Ezekiel's POV

Malamig ang hangin sa rooftop ng Cruz Enterprises, pero wala akong pakialam. Ang lahat ng iniisip ko ay umiikot sa isang bagay lang—isang bagay na wala akong kontrol.

Genevieve Laurent: I saw you with him. We need to talk.

she is watching,,

Napangisi ako nang wala sa oras. Ganoon kabilis? Alam kong hindi basta-basta nagpapatalo si Genevieve, pero hindi ko inasahan na mas mabilis pa siyang kumilos kaysa sa iniisip ko.

I knew it was Genevieve Laurent, the worst fucking fiancée. I thought I had no connection to them anymore? They won't leave me alone until I fall for this woman... fuck, Dad!

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag-iisip nang bumukas ang pinto ng rooftop. Ang tunog ng kanyang heels sa semento ay kasing tigas ng kanyang personalidad. Hindi siya nag-aksaya ng oras para lumapit at tumayo sa harapan ko, braso niyang nakapulupot sa dibdib niya.

"Ezekiel," malamig niyang bungad.

Hindi ako agad nagsalita. Sa halip, pinagmasdan ko siya—ang babaeng gustong ipilit sa akin ng pamilya ko. Nakasuot siya ng deep red na dress, ang itsura niya ay parang laging handa para sa labanan. At sa totoo lang, ganoon naman talaga si Genevieve—laging handang manalo.

Napatingin siya pababa sa telepono kong hawak. "So, hindi mo naisipang sagutin ang text ko?"

"Hindi naman kailangan," sagot ko, ipinasok ang phone sa bulsa. "Alam ko namang pupunta ka."

Tumaas ang isang kilay niya. "At bakit naman hindi ako pupunta? Nandito ako para sa'yo, hindi ba?"

Umiling ako. "Nandito ka kasi gusto mong siguraduhin na sumusunod ako sa plano ng mga magulang natin."

Tumawa siya, pero walang saya sa kanyang mukha. "Ikaw pa talaga ang may ganang sabihin 'yan? Ikaw ang hindi marunong sumunod, Ezekiel."

Napangisi ako. "Hindi naman ako kailanman naging sunod-sunuran, Genevieve."

"Alam ko." Matalim ang tingin niyang binalik sa akin. "At hindi ko gusto 'yon."

Nagtagpo ang mga mata namin, parehong puno ng tensyon. Hindi ako natitinag. Kung may isang bagay na hindi ko gagawin, iyon ay ang yumuko sa harapan ng kahit sino—lalo na sa isang bagay na hindi ko pinili.

"Alam mo na kung bakit ako nandito," she said, crossing her arms. "Your father expects us to make this work. And frankly, I know you're attracted to the same sex, but I won't allow it! We will get married whether you like it or not, and that's the agreement of our parents!

Napangisi ako ulit, mas matalim na ngayon. "Genevieve, hindi ito isang negosyo na pwedeng ayusin sa isang pirma lang atsaka who the hell are you to marry? You know my dad's crazy, and I'm not some damn dog to just follow them around!"

Napangitid siya. "Oh, Ezekiel. Alam kong hindi ka hangal. Alam mong hindi lang ito tungkol sa atin. Kung hindi mo ako kayang mahalin, fine. Hindi ako tanga para pilitin ka. Pero huwag mong isipin na may choice ka sa bagay na 'to."

Hindi ako umimik.

Lumapit siya, halos magkadikit na kami. "We were raised for this, Ezekiel. Hindi ako natatakot sa'yo. Hindi rin ako natatakot sa kung anong ginagawa mo sa likod ng plano ng pamilya mo."

Alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Alam kong alam niya. Pero hindi ako magpapahuli sa laro niya.

"Ikaw?" bulong ko, bahagyang yumuko para tingnan siya nang mas malapitan. "Takot? Hindi ko nga maisip na marunong kang matakot, Genevieve."

Ngumiti siya. Isang ngiting puno ng babala. "Tama ka. Hindi ako takot. Pero dapat ikaw, Ezekiel."

Tumalikod siya at naglakad palayo, iniwan akong nakatayo sa malamig na hangin ng rooftop.

Napapikit ako, sinapo ang sentido ko. Ang laban ay hindi pa tapos.

At alam kong magsisimula pa lang ito at hindi ako magpapakasal dito sa babae na to

Skyler's POV

Sa totoo lang, wala akong balak mapansin sa opisina. Ang gusto ko lang ay matapos ang trabaho ko nang hindi nadadapa, hindi natatapunan ng kape ang keyboard, at hindi nasisigawan ni Sir Ezekiel.

pero hindi naman ako kailan sinsigawan yun tss..

Lalo na ngayong nararamdaman kong may bumabagabag sa kanya.

"Skyler, focus," bulong ko sa sarili ko habang sinusubukan kong tapusin ang report na kailangan niya. Pero paano ako makakapag-focus kung sa tuwing nadadaanan niya ako ay parang may bagyong paparating?

Ang usual na malamig niyang presensya ay mas matigas ngayon. Mas seryoso. Mas may bigat.

At hindi ko alam kung bakit.

parang wala sa mood siya pero infairness kinilig ako kagabi ahihihi

"Oy, Skyler," bulong ni Karen ng lumapit sakin. "Anong ginawa mo? Bakit parang galit na galit si Boss?"

"Ha? Anong ginawa ko?" balik-bulong ko. "Promise, wala akong natapon ngayong araw tsaka walang kapalpakan hehehehe"

"Eh bakit parang gusto niyang manapak ng tao?"

Napalingon ako kay Sir Ezekiel. Nakatayo siya malapit sa bintana ng opisina niya, nagbabasa ng isang papel, pero halatang hindi talaga iyon ang iniisip niya.

Nagkataon lang ba na mas matindi ang init ng ulo niya ngayon?

O may kinalaman ito sa nangyari kagabi?

"Ano hayaan mo nalang siya baka busy hehehe"

Napa ah nalang siya at umalis.

Hindi ko maiwasang maalala ang ekspresyon niya nang umalis ako sa rooftop. Hindi ako sigurado, pero para bang may gusto pa siyang sabihin—isang bagay na hindi niya kayang bitawan sa harap ng ibang tao.

At ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mag-alala.

Ang sigurado lang ako, hindi ko na ito matatakasang basta-basta.

bumalik ako sa paggawa ng report ko pero palihim ko tititignan sa office ni sir

hay.. ano ba naman ginagawa mo bat ang sungit mo ngayon..

"oh milktea mo" napalingon ako si zachary malawak ang ngiti niya "bat ang tahimik mo ngayon sky.."

"busy kasi ako paggagawa ng report na atsaka wala naman ako dahilan para magingay" sabay inom ko ng milktea na dinala niya habang dumudot dot sa keyboard na hindi tumitingin sakanya

"skyler"tawag niya pero hindi ko nilingon

"ano ba yun?"

"skyler"tawag niya ulit

"bakit ba?" hindi ko parin nililingon kasi busy ako sa pagtype.

"skyler.." hindi ko pinansin

kalma self minsan lang akong busy na todo

"skyler" tawag nanaman niya

"sky-"

iritadong nilingon ko siya pero ayun ang loko nakangiti parang ultimo nagpapacute.

e di sana all happyyyyy

napabuntong hininga nalang ako at kunot noo ko siyang tignan

"bakit ba? tawag ka ng tawag sa panga-" lumapit ang mukha niya sakin at bigla nalang niya punasan ang hinlalaki niyang daliri sa gilid ng labi ko.

nanlaki mata ko kasi ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa

"kanina pa kita tinatawag kasi may chocolate sa labi mo" amoy ko ang mint ng hininga niya nanlayo bigla ako sakanya

kasi naman feel ko namumula ang mga pisngi ko.

"an- ano b zah-ary pwe-pwede mo nama- man"piste bat ako nabubulol umayos ka skyler!!

hayyy

tumayo ako at tumakbo papunta sa cr narinig ko pa nga tinatawag ang pangalan ko

pagkadating ko dun tinignan ko sa sarili ko sa salamin.

putek! namumula ang pisngi ko

alam ko sa sarili ko bakla ako pero hindi ko maiwasan mailang sa ginawa niya..pwede naman tawagin niya ako may dumi sa gilid ng labi ko bat may pa ganun!

lumabas na akong cr kaso parang gusto ko tuloy pumasok sa loob.

"skyler..naiilang ka ba sakin or uncomfortable about what I did earlier?" nagalalang tono niya

pero hindi ako makapagsalita parang may bumara sa leeg ko

"I promise I will never do anything uncomfortable like that again."sabay yakap sakin na ikinalaki ng mata ko "i promise.."

"an- ano zach- ok la- lang" pilit ko hindi mabubulol pero shutangina naman.

""Shh, just let me hug you." bulong niyang sabi at lalo niya hinigpitan pagkakayakap niya sakin

napatingin ako sa may dulo nandun si sir ezekiel may hawak na cellphone at isang kamay niya nakapasok sa bulsa niya.

pero teka? bat ang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin samin.

nakatingin kami sa isa't isa

Share This Chapter