Back
/ 38
Chapter 2

Chapter 1: Bawal Ang Clumsy!

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler's POV:

Sabi nila, ang unang  araw dapat sa trabaho, dapat memorable. Well, mission accomplished.

Iba ang buhay sa probinsiya. Doon, kahit hindi ka nakaayos, tanggap ka ng mga tao. Pero dito sa Maynila? Feeling ko, pati hangin, may dress code.

Pweeeee

Ako nga pala si Skyler Ramirez, 23 years old, at bagong empleyado ng Cruz Enterprises. Ito na ang simula ng corporate journey ko. At kung suswertehin, baka dito ko na rin matagpuan ang forever ko. Charot!!

Mission: Survive the First Day dapat ngayons!

Pagmulat ng mata ko, napansin ko agad ang kisame ng apartment ko—may bagong crack na naman. Nice. Baka sa susunod, hindi na lang tubig ang tumulo diyan kundi mismong ihi ng mga pusa.

Pero keri lang. Bagong simula ‘to!

Tumayo ako, suot ang paborito kong butas-butas na tsinelas. Napatingin ako sa sahig kung saan nakatayo ang isang malaking container ng tubig. Dahil, of course, walang tubig sa gripo. Buti na lang, nag-igib ako kagabi. Isa lang ang natutunan ko sa Maynila so far: Kung wala kang diskarte, magdusa ka.

Kakalipat ko lang kasi Dito kahapon e Buti may free container Sila, maliit kasi itong apartment kasya ng pangtatlohan.

Nakalimutan ko na kasi ilagay sa cr kasi sobrang pagod ako kagabi.

Inestretch ko muna ang mga katawan ko sabay tulak sa container kasi mabigat to e.

Ok!

1

2

3

Go!!!

Yahhhhhhhhhh!!!!!!!

Tulak ko pa.

Napangiwi ako sa sakit.

Ay putek.

Kaya pa to!

yahhhhhh

Hangang sa malapit na siya sa cr ko, agad ko naman ito pinihit ang doorknob at binuksan sabay balik aa pisteng container to.

Ok!last nalang!

Yahhhhhhhhh!!

Binilisan ko pa hangang sa loob ng cr.

Yes!!!! Makakaligo na ako!!!!

Kinuha ko agad Ang tuwalya ko at pumasok sa loob, Pero napaigtad ako sa lamig.

Ihhhhhh lamig!!

Matapos ang “tabo-tabong liguan challenge,” sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay. No wax, no gel, just vibes. Sinuot ko ang polo kong medyo lukot kahit sinubukan kong plantsahin gamit ang kamay kagabi. Slacks na tinupi nang dalawang beses dahil masyadong mahaba, at sapatos na minana ko pa kay Papa. May konting gasgas na, pero pinunasan ko nang maigi para magmukhang mamahalin.

Handa na ako. Kuno!!

--

Umalis na ako sa bulok Kong apartment at naglakad pero malayo pa kasi dito ang mga sasakyan.

Bago ako sumakay ng jeep, kailangan ko munang bumili ng kape—hindi dahil sa antok, kundi para magmukha akong empleyado na alam ang ginagawa nila. Kasi diba, ang mga professional, laging may dalang coffee? So dapat, ako rin, dapat feeling professional naman tayo charrot!

Pumila ako sa isang convenience store malapit sa sakayan ng jeep. Pagdating ko sa counter, napatingin ako sa menu pero napa taas akong kilay. Ang mamahal pala ng kape sa Maynila!

"Sir, ano po?" tanong ng crew.

"Ah, uhm... ‘yung ano po… ‘yung may discount?"

"Wala po kaming discount sa coffee, Sir."

Edi Wala!

Napangiti ako nang pilit. "Ah, sige, ‘yung pinakamura na lang."

Naglabas ako ng bente pesos, sabay bulong sa sarili, "Lord, sana masarap ‘to."

Habang hinihintay ang order ko, napansin kong ang ibang customers, naka-business attire. Ako lang ang mukhang excited na estudyanteng papasok sa unang araw ng klase. Pero okay lang. Ang mahalaga, may dala akong coffee props hehehehe

Matapos ang matinding budget breakdown, sumakay ako ng jeep. Hindi ko kabisado ang ruta, kaya nagkunwari akong chill lang habang panay ang silip sa Waze. Bawal magmukhang lost boy baka maholdap.

Halos isang oras akong nakarating sa distinasyon ko.

Pagdating ko sa Cruz Enterprises, muntik akong mapatili sa gulat. Ang laki ng building! Ang linis! Pumasok na ako sa loob syempre pinakita ko muna Kay manong guard Yung Id Kong mukhang sabog sa picture pero Wala ako pakels!

Pagkapasok ko sa loob.

Puteks! Ang lamig ng aircon! Pati sahig, parang pwede mong higaan!

Lumapit ako sa reception. At doon ko nakita ang isang babae na mukhang beauty queen pero mukhang mataray siya. Ang receptionist na parang hindi pinaproblema ang presyo ng bigas charring!

"Good morning po! Ako po si Skyler Ramirez, bagong empleyado!" sabi ko nang may ngiti.

Napatingin siya sa akin, saglit na tinapunan ng tingin ang outfit ko, tapos bumalik sa ginagawa niya.

"Welcome, Sir. Second floor po, HR Department." sabi niya bago ako tinanguan.

Ay Grabe Naman to Hindi marunong ngumiti!ganito ba dapat ang mga employedo dito?nakapoker face?o Sadyang nabaduyan siya Sakin?

Dahil hindi ko alam kung paano sumagot nang hindi mukhang tanga, ngumiti na lang ako ulit. “Thanks, Miss! Ang ganda niyo po today!”

Napatingin siya sa akin saglit. Pero wala pa ring emosyon. Stone-cold beauty. Respect.

Tseee Jan ka na nga!

---

Pagdating sa elevator dala Dala ko syempre yong mumurahin Kong kape, pero pinilit kong mag-blend in. Tumayo ako sa sulok, hawak ang kape ko na parang diploma. Lahat ng empleyado, tahimik at busy sa cellphone nila. Ako lang ang mukhang tourist.

Pagdating namin sa floor ko, nagmadali akong lumabas. At doon ko nagawa ang unang pagkakamali ko sa corporate world.

May basang bahagi ang sahig.

At sa malas ko, DOON AKO SUMAKTO.

"Ay, gago—!"

Pero huli na. Nadulas ako. Slow motion levels.

At hindi lang ako basta nadulas—tumilapon din ang kape ko.

At guess what? Diretso sa isang lalaking naka-suit na mukhang leading man sa K-drama.

Aba, hindi lang siya basta gwapo—CEO pala siya.

Yes. Si Ezekiel Cruz mismo.

Nakita ko kasi siya sa internet!pero ang gwapo niya sa personal.

Pero tangina!!!!!!!!!!!!!

Napatigil ang lahat. Kung may background music ang buhay ko, malamang yung suspense na parang may mamamatay sa eksena.

Agad nakarinig akong bulungan sa gilid ko.

Tumingin ako sa kanya, tapos sa kape sa suit niya, tapos balik ulit sa kanya.

SH*T.

Nataranta akong lumapit sakanya.

"Sir! Pasensya na po!" utal-utal kong sabi habang nagmamadaling hinugot ang panyo ko.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, expressionless pero halatang naiinis. Yung tipong hindi siya sumisigaw, pero nararamdaman mong gusto ka na niyang ipa-terminate.

"Mr. Ramirez, tama ba?" malamig niyang tanong.

Luh? nakilala mo na agad ako?

"Opo, Sir! Ako nga po… Sorry po ulit!"

Dahan-dahan niyang inayos ang coat niya. Yung tipong rich people move na ‘pag galit sila, hindi sila nagwawala—nag-aadjust lang ng sleeves nila.

"Try to manage your… tendencies," sabi niya.

Tendencies? Ano ako, may criminal record?

"Or else," dagdag niya, "this will be your last day."

T*ngina. First day ko pa lang, baka last day ko na rin.

"sorry po talaga sir..." Sabay bow pero nilagpasan niya ako.

Shit!!!! Skyler!!! Nakakahiya ka!!

Umalis akong nakayuko kasi nakakahiya! First day ko pa Naman Dito! Pero narinig ko parin ang mga bulungan nila.

Habang tulala ako sa hallway, biglang may lumapit sa akin—isang babaeng naka-ID, mukhang empleyado rin.

"Skyler, diba?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "Uh, oo?"

"Ako si karen, HR Assistant pero iisang department tayo. Dito ka assigned! Halika, ipapakita ko ‘yung workstation mo." Sabay ngiti Sakin at naunang lumakad.

Naol! Ang puti ng ngipin niya ah! Pero mas ok na to kaysa yung girl kanina.

Sinundan ko yung karen hanggang sa desk ko. Habang naglalakad, nararamdaman ko pa rin ang mga matang nakatingin sa akin. Lahat sila, siguro iniisip kung ako ba ‘yung dahilan ng bagong stain sa suit ng boss nila.

Pag-upo ko, napabuntong-hininga ako.

First day mo pa lang, Skyler, pero feeling mo na-evict ka na sa PBB House.

Pero hindi ako pwedeng sumuko.

Probinsiyano man ako, pero hindi ako basta-basta bibitaw.

Share This Chapter