MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED)·Chapter 20 of 42·6 min
Chapter 16 : Jamaica's debut
1 Month later
SHANTAL GOLDEN ROSE LEE POV
Isang buwan na simula ng magpunta ako sa mansion. Nakabawi na sa pagkatruma si ace at mommy na rin ang tawag niya sa akin.
Ang saya lang ng may mommy na natawag sayo, si ace minsan ang nagiging stress reliever ko.
Kami naman ni joshua ay nakaisang buwan na noong july 26, Akala ko nga di na niya naalala ang araw na yun. Ba naman di ako pinuntahan o tinawagan man lang kahit text eh.
Naalala ko pa nga yung suprise niya kaya pala di ako binabati.
Dalawang araw na akong di pinapansin ni joshua, gosh ang cold niya pa.
Wala naman akong ginagawang masama ah.
Kainis naman oh! Ngayon first monthsarry namin wala man lang siyang text. Hayst baka nakalimutan niya.
Magfofour na ng hapon pero wala paring paramdam siya, pati nga sila kathy eâ
Tok tok tok
Baka si joshua na iyon. Nagmadali akong pumunta sa pinto para pagbukas sa pag aakala kong siya iyon, ngunit sila jamaica lang pala.
"Pasok kayo" matamlay kong pagpapatuloy sa kanila.
"Anong nangyari sa mukha mo't nakabusangot ka?" Tsk
"Wala" wala lang naman nakalimutan lang niyang monthsarry namin. Gusto kong idugtong yun pero baka asarin lang ako.
"Maligo ka na dali may pupuntahan tayo, bilis galaw galaw" pagmamadali sa akin ni kathy.
"Bakit ba?" Ayaw ko ng lumabas ngayon eh.
"Basta maligo ka nalang at aayusan ka namin, dalian mo na hinihintay ka na dun"
"Tsk" di ko na lang pinansin yung huling sinabi niya.
Nagmadali akong maligo dahil yun ang sabi nila. Hayst pag di ako natuwa sa pupuntahan namin nako lagot talaga sa akin ang mga ito.
Isang oras lang nila ako inayusan. Pinagsuot ako ng red shoulder short sleeve dress at high heels black.
Light make up lang ang inilagay nila habang nakalugay lang ang buhok ko.
"Tara na, excited na ako"
Sumakay na kami sa isang kotse na kakasya kaming apat, yeah apat lang kami. Si kate, kathy at jamaica.
Ang ganda ng mga liwanag na nagmumula sa mga building. Lahat kasi ng nadadaanan naming ay building, tingin ko ay papunta 'to sa mga kainan.
Tama nga ako maya maya kasi huminto na kami sa isang luxury restaurant.
Anong gagawin namin dito?
"What are we doing heâ"
Di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang nawala ang mga kasama ko.
Nandito na kasi ako sa loob ng restuarant, tapos wala pang mga tao.
Ano ba yan iniwan na ako ng lahat ,char.
Inilibot ko ang paningin ko ng biglang namatay ang mga ilaw.
"Shit! What happening here?"
Di naman ako takot sa dilim, ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako yung feeling na may kasamang saya.
Bigla na lang nabuhay ang mga ilaw kasabay nag pagkanta ng isang taong kanina ko pa hinihintay.
Playing: Having you near me by bugoy drilon
Kingina talaga! Akala ko pa naman di niya na naalala.
Naiiyak ako sa mga nakikita ko, mga litrato namin tuwing kaming magkasama. Yung minsan ay pinilit ko siyang magpic.
Haha nakakatuwa yung mukha niyang nakasimangot pero ang cute.
Pagkatapos niyang kumanta ay lumapit ito sa akin na may dalang bucket of rose flower.
"I hate you! Akala ko nakalimutan mo na" sabay sampas ng mahina sa dibdib niya.
"Haha hon di ko makakalimutan yun noh. I'm just preparing for this. Alam ko namang mahal na mahal kita" nakayakap nitong sabi
"Hmp! I love you too, thank you for this suprise i loved it"
"Your welcome, happy first monthsarry hon"
"Happy first monthsarry too hon"
He started to kiss me on my lips, di pa sana siya magpapawat kung di lang may sumigaw sa amin, walang iba kung di si louis.
"Dude respeto naman nandito pa kami oh"
Nagtawanan na lang kami. My first monthsarry with him, with my friend is the best.
Nakapameeting na rin kami sa Wilford university, nagkaroon ng i month practice ang napag usapan at dito gaganapin sa university namin kaso di natuloy dahil nagkaproblema ang isang school kaya naman ngayong August na lang itutuloy, august 10.
Dahil aug. 2 ngayon ay malapit na. One week na sportfest iyon.
Linggo ngayon at debut na ni jamaica.
Nandito ako ngayon sa mansion ng mga lee, naghahanda dahil 4 pm na at 6:00 pm ang start ng party.
NANDITO na kami nila kuya sa labas ng mansion nila jamaica kasama sila ate Samantha. Umuwi pa dito si ate samantha para lang makaattend ng debut ng bunso namin.
Nakasuot siya ng green tube dress. Ang ganda nga bagay na bagay sa kanya si kuya sandro naman ay nakablack suit habang ang necktie ay kulay green para daw parehas siya ni ate samantha na partner niya.
Ako naman ay nakapurple dress. Tapos ang nakapagwapo kong boyfriend ay katulad lang din ng kay kuya sandro necktie lang din ang naiba dahil purple ang kanya.
Si kathy syempre pink, yun ang gusto niya eh para nga siyang barbie sa suot niya. Si kambal ang partner niya na pink ang necktie, ayos lang naman daw sa kanya basta makapartner lang ang pinky girl niya. Corny.
Si kate na manhater namin nakacocktail dress tapos katabi niya ngayon na naglalakad papasok si louis.
Si sundy naman ay nakadark blue dress na bagay na bagay sa kanya. Kapartner niya si kuya mark. Kung tinatanong niyo kung sino ang kapartner ni birthday girl si kuya salder lang naman.
Naglakad na kaming lahat papunta sa likod nila kung saan nandun ang party. Sa garden kasi gaganapin lalo na malaki ang lugar dun at may hagdan pa.
Madami ng nandun ng makapasok, marami din ang pumabati sa amin, lalo na sa akin dahil isa akong model kaya naman asar na asar na ang boyfriend ko.
Nakahawak pa yan sa bewang ko na parang ayaw na akong pakawalan.
"Hon ngiti ka, wag kang sumimangot papangit ka bahala ka madadaig ka ng iba dyan"
"Kainis ba naman halos napapatingin sayo yung mga lalaki, akin ka lang Hon, madamot ako."
"Haha opo sayo lang ako, i love you hon"
"I love you too" he kissed me on my forehead.,
"Good evening everyone, this is special that for Valdez family dahil ngayon na ang debut ng kanilang prinsesa, so let's welcome valdez family. Marcos valdez, Jane Valdez, Mark Valdez please come here on stage"
"Good evening everyone. Thank you for attending in our princess birthday, enjoy!" Sabi ni tito marcos
"Let's welcome out debutant with her partner, Jamaica Valdez with Salder Rock Lee"
Bumukas ang pinto sa taas ng hagdan at nakita namin dun ang dalawang tao isa si kuya salder at si jamaica naman ang isa.
Nakasuot ng red gown si jamaica na babagay talaga sa kanya.
Naglakad na sila pababa. Nagpalakpakan lang kaming hanggang makarating sila sa unahan.
[Fast forward na natin di ako mahilig sa mga ganyan, sorry.]
Nakakapagod yun ah kahit paupo upo lang ako.
Ang regalo ko kay jamaica ay books at loptap na bagong labas ngayon. Gusto niya kasi yun kaso di pa nga napapalabas sa market pero nakagawa ako ng paraan para lang makabili. Ganon siya kahalaga sa akin.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!