Chapter 16 of 23

Chapter 15

He's The Campus Heartthrob2,309 words~12 min read

Nakatulala lang ako habang gulat na nakatingin sakanya.

Agang-aga kasi bulaklak agad ang bumungad sakin dito sa tapat ng pinto ko. Take note wala pa ako sa labas mismo ng pinto.

"Flowers." pambungad niya sakin.

Kahit gulat pa rin ay tinanggap ko pa din ito. Sayang naman kung hindi ko kukunin. Tulip's pa naman, favorite flower ko kasi.

"T-thank you." nahihiya kong sabi at dahan dahan na kinukuha ang bulaklak.

Napangiti na lang siya ng tuluyan ko na itong makuha.

"You like it?" nakataas kilay niyang tanong.

Dahan dahan akong tumango.

Ngumiti na lang siya.

Kung nagtataka kayo kung bakit may pa bigayan ng bulaklak, ay dahil sa nangyari kahapon. Wala sa sarili akong napatango nun. Gulat pa din kasi ako sa nangyari kaya, ito na.

Pero hindi naman ako nagsisisi kasi crush ko din naman siya.

Hehehehe. Secret lang. Shhhh.

Ang gwapo niya ngayon!

Kahit naka suot lang siyang school uniform. Ang hot niya pa din.

How to be you po? Hehehehe.

Nabalik na lang ako sa ulirat ng magsalita siya.

"Hey. Tara na, baka ma-late pa tayo." aya niya.

Dali-dali naman akong tumango.

Oo nga noh!

Baka ma-late pa kami!

Pumunta na kami sa labas, pero dumiretso siya sa parking lot.

Dala niya siguro yung kotse niya.

Hinintay ko na lang siya, pero may pumarada na agad na BMW dito sa harap ko.

Ang ganda!

Gusto ko din niyan!

Di ko makita kung sino yung tao sa loob kasi tinted yung kotse.

Pero unti-unti yun bumababa at bumungad yung tao sa loob.

Napanganga na lang ako.

Ang gwapo naman ng driver.

Pano ba naman, eh si Clark lang naman ang may-ari nitong kotse sa harap ko.

Gulat pa din akong nakatingin sakanya. Pero ang loko nakangisi lang na nakatingin sakin.

"Hop in." sabi niya.

Walang pag aalinlangan akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko pa lang ay nilibot ko yung tingin sa loob.

Grabe! Napaka linis! At ang bango pa!

Nakatingin lang siya sakin. At binabasa yung reaksyon ko.

Pinaandar niya agad yung kotse nung tapos na akong libutin ang sasakyan niya.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa university, kasi hindi naman masyadong traffic.

Pero pagka tapak pa lang namin sa loob ng gate. Nasa amin na agad ang mga mata nila. May mga nag bubulungan tungkol samin, bakit daw kami magkasama. At ang sasama din ng tingin ng iba sakin. Parang papatayin nila ako sa binibigay nilang tingin sakin.

Peo rinig na rinig ko ang bulungan nilang.

'Bakit sila magkasama?'

Yun ang mga tanong nila.

Bakit ba big deal sakanila na magkasama kami? At hindi naman kami magka holding hands, at hindi niya naman dala bag ko.

Nasa likod niya lang nga ako. So anong chini-chismis nila?

Hayst. Ewan ko.

Si Clark nga walang pakialam, ako pa kaya.

Nakarating agad kami dito sa classroom. At lahat ng na dadaanan namin bulungan agad.

At pati ba naman dito sa room. Samin agad ang tingin nila.

Pero hinayaan ko na lang. Bahala sila sa buhay nila.

Dumiretso na ako sa upuan ko. At pati na din siya. Actually, magkatabi pala kami. Hehehe.

Ilalabas ko na sana yung notebook ko ng may kumalabit sakin.

"Good morning." nakangiting bati ni- hindi ko pala alam pangalan niya.

"Good morning din" nakangiti kong sabi.

Tumingin muna siya sa katabi ko at halatang nahihiya siya. Pero binalik niya din agad sakin ang tingin niya.

"Pwede ba tayong mag usap?" mahinang sabi niya.

Nagtaka naman ako pero sumunod na lang ako sakanya sa labas.

Pumunta siya sa corridor kaya dun din ako pumunta.

"Ano pala pag uusapan natin?" tanong ko.

Tumingin muna siya sa loob bago binalik sakin ang tingin. Bumuntong hininga siya.

"Grabe sis! Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan!" sabi niya habang pumapaypay gamit ang palad niya.

Tulala lang akong nakatingin sakanya. Kasi di ko naman alam kong anong ibig sabihin, kung bakit siya kinakabahan.

"H-ha, bakit naman?" takang tanong ko.

"Ano ka ba naman. Syempre andun si Clark. Ngayon lang ako nakalapit sakanya sa buong buhay ko." bakas pa din sa kaba ang boses niya.

Nakakunot lang ang noo kong nakikinig sakanya. Di ko ma gets sinasabi niya eh.

"Alam kong naguguluhan ka. Pero wala pa ako sa wisyo para mag explain." sabi niya.

Hinayaan ko muna siya.

"By the way, ano nga pala pangalan mo? Hindi ko kasi na tanong nung first meet natin." tanong ko.

Baka kasi hindi ko na naman matanong yung pangalan niya. At makalimutan na naman.

"Oo nga no. Hindi pala ako nag pakilala sayo. I'm Chelsea Navarro." nakangiting pakilala niya.

Ahh. Ganda naman ng name niya.

"Huwag kana mag pakilala kasi kilala na kita. You've already introduce yourself in class, so alam ko na." aniya.

Mabuti naman at kilala niya na ako. No pressure sa pagpapakilala.

"Uhm, girl..... I have something to ask for you. Pwede ba?" naiilang na sabi niya.

Kinabahan naman ako sa itatanong niya. Seryoso kasi siya eh.

Sana naman yung kaya kong sagutin.

"Sige, ano ba yun?" tanong ko.

Lumunok muna siya bago nag salita.

"Kayo na ba?" mahinang boses na tanong niya.

Di ko alam kung ano ang ir-react ko kasi di ko naman alam kong ano yung tinatanong niya.

Sinong kami?

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Uhm, i mean... boyfriend mo na ba si Clark?" mahina pa din ang boses niya.

Muntik na kong mabilaukan dahil sa tanong niya. Grabe naman mag tanong ang isang to?! Nakakakaba.

"H-hindi. Pano mo naman nasabi y-yan?" nauutal na tanong ko.

Ano ba yan bat ako nauutal?!

"Di mo ba alam?" nakakunot noong tanong niya.

"Alin naman?" balik kong tanong.

Nilibot niya muna ang tingin bago nagsalita.

"Kayong dalawa ang usap-usapan dito sa campus. Everyone knows na girlfriend ka ni Clark." dire diretsong sabi niya.

Nalaglag na lang ang panga ko dahil sa balita niya.

What?! Panong ako ang girlfriend niya?! Eh hindi naman kami! At nanliligaw pa lang siya! My god! Ang dami palang mga chismosa at chismoso dito!

"Hindi ko siya boyfriend at hindi niya ako girlfriend. Walang kami." pag depensa ko.

Pero gusto ko talaga na sabihin sakanya na nanliligaw pa lang siya, Pero baka isipin niya na ang yabang ko at kapal ng mukha ko na kaya akong ligawan ng campus heartthrob. Kaya hindi ko na lang sasabihin.

"Eh bat sinasabi nila na kayo na daw? Palagi daw kayong magkasama kaya sasabihin talaga nila na kayo na." aniya.

Umiling agad ako sakanya.

"Hindi kami. At mag kaibigan kami kaya palagi kaming magkasama. Bakit bawal ba akong sumama sakanya?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganun. Pero alam mo naman kung sino siya sa school na to diba?"

Dahil sa sinabi niya bigla kong naisip na siya pala ang anak ng may ari ng university na to.

Pero hindi ko naman kasalanan na palagi siyang sumasama sakin o kaya palagi kaming magkasama.

"Oo, pero....." di ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Magkaibigan lang ba kayo?" tanong niya sa kalagitnaan ng pag iisip ko.

Dahil sa sinabi niya sumagot agad ako.

"Oo nga. Mag kaibigan lang kami. Walng iba." nakataas kamay ko pang sabi.

Ngumiti na lang siya.

"Concern lang ako sayo. Alam kong alam mo na maraming nagkakagusto sakanya dito. Pwede nilang gawin ang gusto nila. Baka kasi anong gawin nila sayo." may bahid na pag aalala sa boses niya.

Parang nanlambot naman ang puso ko dahil may isang tao na nag aalala pala sakin.

Nginitian ko siya.

"Huwag kang mag alala, kaya ko ang sarili ko." pangungumbinsi kp sakanya.

Niyakap niya akong mahigpit at ginantihan ko naman ito.

Saktong pagkalas ng yakap namin ay ang pag ring naman ng bell, hudyat na mag sisimula na ang klase.

Pumasok na kami sa loob at pasalamat namin kasi wala pa yung prof.

Dumiretso na siya sa upuan niya at ganoon din ako.

Naka upo lang si Clark at seryosong nakatingin sa harapan.

Hinayaan ko na lang yun at umayos na din ng upo.

Agad din naman natapos ang klase at lunch break na.

Tinignan ko si Clark, di pa kasi siya gumagalaw para pumunta sa cafeteria.

"Clark... hindi ka ba mag lu-lunch?" tanong ko.

Bumaling ang tingin niya sakin at seryoso akong tinignan.

Bakit parang galit siya? Kanina ang sweet tapos ngayon galit? May bipolar ba to?

"No. If you want to lunch, then go. I don't care. And don't talk to me." may bahid na galit sa boses niya kahit mababa naman ang tono ng pananalita niya.

Nagtataka naman ako kung bakit galit siya.

Wala naman akong ginawa.

Di ko na lang yun pinansin at mag isang pumunta sa cafeteria.

Mag papasama sana ako kay Chelsea pero kasama niya mga kaibigan niya. At si Zander naman ay absent. Palagi naman absent ang isang yun.

Kaya wala akong choice kundi kumain ng mag isa.

Uwian na kaya andito ako sa labas ng gate naghihintay ng masasakyan.

At kahit sinabihan ako ni Clark kaninang umaga na sabay kaming umuwi ay umuna na ako.

Masama kasi ang loob ko kasi hindi niya talaga ako pinapansin.

Kainis.

Habang naghihintay, may pumaradang kulay itim na kotse sa harapan ko.

Pero bumaba naman agad gung bintana kaya nakita ko siya sa loob.

Nakatingin lang siya sa unahan at hindi ako binabalingan ng tingin.

"Get in." aniya. Pero sa unahan pa din ang tingin.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nag kunwari na humahanap ng masasakyan.

"Fuck. I said GET. IN." nakaharap na siya sakin. At masama ang tingin.

Pero hindi ko yun pinansin kasi nagulat ako sa pagtaas ng boses niya sakin.

Bat niya ko tinataasan ng boses?

Umatras ako at takot na tumingin sakanya.

Dahil sa ginawa ko napagtanto niya kong anong ginawa niya. Agad lumabot ang ekspresyon niya sakin.

"I'm sorry. I was just mad. Promise I won't do it again.

Get in now. Please, baby." his voice softened.

Agad naman akong pumasok kasi nangangalay na ang binti ko kakatayo.

Pagkapasok ko ay hindi ko siya pinansin.

Pinaandar niya na ang sasakyan at nag maneho na.

Pag karating namin ay hindi muna ako bumaba. Hinihintay ko siyang may sabihin.

Tinignan ko siya pero nasa harapan lang ang tingin niya.

Galit na naman.

May bipolar talaga to.

Teka.... Diba ako dapat ang galit, eh bakit siya na?

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa din siya nag sasalita.

"C-clark.... galit ka ba?" basag ko sa katahimikan.

Bat ako nauutal?

Pero wala pa din siyang kibo.

"Uyy... pansinin mo naman ako." pilit ko.

Wala pa din.

"Clark."

Wala.

Pero magsasalita na naman sana ako nang unahan niya ako.

"I was just fucking mad. I heard what you said earlier." nakatingin na siya sakin.

Anong narinig niya. Wala akong maalala.

"Ano yun?" tanong ko.

"You just said 'magkaibigan lang kami'. Remember?" nakataas kilay niyang tanong.

Ahh. Yung sinabi ko kay Chelsea.

Tsaka ano ba dapat ang isabi ko. Eh hindi naman kami.

"Ano ba dapat kong sabihin? Dapat ko bang sabihin na tayo? Eh wala namang tayo." nakakunot na sabi ko.

I heard him chuckle.

"Yeah. You're right. We're not a couple. I'm just your suitor. A fucking suitor. How can I forget that." he said with a sarcastic tone.

Nakatingin lang ako sakanya. Walang kibo.

Ilang minuto munang katahimikan bago ako nagsalita.

"B-baba na ako." paalam ko.

"Salamat pala sa pag hatid." sabi ko bago buksan ang pinto.

Bababa na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

Nagtataka naman akong napalingon sakanya.

"I'm sorry, about what I said earlier."

Nakayuko niyang sabi.

"Okay lang yun." sabi ko at pinaharap sakin ang mukha niya.

I can see regret in his eyes and also sadness.

Tinitigan ko muna siya ng matagal hanggang sa dumapo ang tingin ko sa labi niya.

Hinihipnotismo niya ako na dapat ko siyang halikan.

Pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Bawal. Baka magalit siya.

Pero may sariling utak ang labi ko at patuloy na lumalapit sa labi niya.

Napapikit na lang ako ng tuluyan ng mag dikit ang labi namin.

I heard him gasp.

Pero hinayaan ko na lang. Hanggang sa naramdaman kong humahalik na siya pabalik.

I want to stop myself, but my body wants it.

Patuloy pa din kami sa paghalikan hanggang sa lumalalim na ang paghalik niya sakin.

He's being aggressive now. So do I.

Kinalas ko na ang halikan namin kasi nauubusan na akong hangin.

Habol ko ang hiningang nakatingin sakanya at ganoon din siya.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa.

Hanggang sa lumandas ang tingin niya sa labi ko.

Agad niyang hinawakan ang batok ko para mapalapit sakanya. Walang pag aalinlangan niyang inilapit ang labi niya sakin.

What's wrong with me?

Humalik na din ako pabalik sakanya. He's urging me to open my mouth so I do it.

I can feel his tongue exploring every corner of my mouth. It feels so good.

Bumaba ang kamay niya sa bewang ko at pinisil yun.

Because of that I hear myself moan.

Dahil dun ay bigla siyang natauhan at agad humiwalay sakin.

Ako naman ay takang nakatingin sakanya. Bakit parang bitin ako?

Self kalma!

I heard him cursing non-stop.

Sinabunutan niya din ang buhok niya.

"Please. Don't do it again. I  don't know if I can control myself, if we go further." nahihirapang sabi niya.

Pero.....

"But-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"No buts. Don't fucking do it again. I'm begging you. I won't take the chance that your in heat. Fuck. I'm in heat too." Nahihirapan niyang sabi.

"O-okay. S-sorry pala." nahihiyang sabi ko

"No. Don't sorry. It's my fault. I should have control myself." aniya.

Tinanguan ko na lang siya. Pero bago bumaba ay ninakawan ko siya ng isa pang halik.

Nabigla naman siya sa ginawa ko. At nakita kong umiigting ang panga niya. Kita sa mukha niya ang pag pipigil.

Hindi ko din alam kong bakit ko yun ginawa. Gusto ko pa kasi eh. Ang damot niya lang.

"Fuck. Baby, why are you doing this to me." nahihirapan niyang sabi.

•••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!