Nandito na ako sa bahay at nakahiga lamang sa kama. Iniisip ang nangyari kanina.
Muntik na kong mamatay.
Mabuti na lang at dala ko yung inhaler. Thanks to mama, for reminding me.
Pero ang nasa isip ko talaga ay si Clark. Nawewerdohan ako sa kinilos niya kanina. Nakatungo lang siya at hindi na nagsalita.
Pero kong iisipin niyo kung galit ba ako sakanya. Syempre hindi, wala naman siyang kasalanan sa nangyari. At tsaka aksidente yun kasi hindi niya alam na may asthma ako.Hindi ko naman siya sinabihan.
Tapos nung uwian na namin mabilis lang siyang umalis at dumiretsyo sa kotse niya at pinaharurot yung sasakyan.
Tatawagin ko pa sana siya pero hindi niya ako pinansin o kaya tinapunan man lang ng tingin.
Hayst.
Bahala na lang bukas.
Pumikit na ako at natulog.
-
"I heard what happened yesterday. Are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni Zander.
Andito na kami sa room at nakaupo. Sa tabi ko siya nakaupo o sabihin na natin sa upuan ni Clark.
Tumango na lang ako at ngumiti.
"Okay na." sabi ko habang naka thumb's up pa.
Nakahinga naman siya ng maluwag.
"That's good."
Wala kaming prof. ngayon kasi may meeting ang mga faculty members. Kaya masaya ang mga classmate ko. Pero eto ako ngayon nakatunganga lang sa unahan.
Si Zander naman nag c-copy ng notes, ilang araw kasi siyang absent kaya kailangan niyang maghabol.
Di ko nga alam kong anong dahilang ng pag absent niya palagi. Gustuhin ko man tanungin pero nahihiya ako, baka sabihan niya pa ako na nakikialam ako sa buhay ng iba.
At tsaka wala din si- shock's! hindi ko pala natanong yung pangalan niya. Ang tanga ko.
Tanungin ko na lang siya pag pumasok. Mukha kasing absent eh.
At mukhang absent din si Cla- bigla na lang bumukas yung pinto. Hindi pala siya absent kasi andito na.
Agad na nagtama yung mata namin pero agad din nalipat yung tingin niya sa katabi ko na busy sa pagsusulat. Nakita kong kumuyom yung kamao niya.
Akala ko papaalisin niya si Zander pero nilagpasan niya lang kami at dumiretso sa upuan niya kahapon. Di ko na lang yun pinansin at umayos na lang ng upo.
Agad din na dumating yung prof. namin at nag simula ng magturo.
Actually gets ko naman ang lesson kasi naturo na to kahapon. Parang review din to. Madali na kasi ang exam kaya dapat ay may maksagot kami.
Madali lang natapos ang klase at lunch break na.
Inayos ko na yung gamit ko at tumayo na para pumunta sa cafeteria.
"Hintayin moko." rinig kong sabi ni Zander. Nag aayos na din kasi siya ng gamit, mabuti nga at tapos na siyang mag notes.
Gaya ng sabi niya ay hinintay ko nga siya.
Habang hinihintay ko si Zander ay tinignan ko muna ang gawi ni Clark. Nakaupo lang siya at diretso lang ang tingin sakin. At magkasalubonv din ang kilay niya.
Ano na naman kayang problema nito?
Inalis ko na lang ang tingin ko sakanya at pumunta na sa pinto.
Lumabas din agad si Zander at pumunta na kami sa cafeteria.
As usual ay mga masasarap na naman ang pagkain dito, pero nga lang ay ang mamahal. Kaya ang ending ay yung mura lang ang binili ko.
Pagkatapos kong umorder ay humanap na akong upuan namin. Nauna kasi ako na mag order.
Umupo na lang ako sa two seats dito sa gilid.
Lumalakad na si Zander palapit samin habang nakangiti.
"Yan lang sayo?" tanong niya pagkalapit.
Tumango ako.
"Ang mamahal kasi pagkain dito, kaya ito lang ang afford ng pera ko." natatawa kong sabi.
"Hati tayo dito." sabi niya at binibigay sakin yung ibang ulam niya.
Nagulat na lang ako na halos na saakin na ang pagkain niya.
"Tama na yan. Lahat na lang sakin. Ayan tuloy walang natira sayo. Hayst." sabi ko at binibigay din yung iba sakanya.
Isang ulam lang ang kinuha ko sakanya.
Mabilis din natapos ang lunch break kaya bumalik na kami sa classroom.
Nag kekwentuhan lang kami papunta sa room namin. About lang naman sa mva inaaralan namin at hobbies na din. Get to know each other na din.
Pag pasok namin sa room. Nakita ko si Clark na nakaupo na sa tabi ng upuan ko.
Bakit lumipat na siya? Akala ko ba ayaw niya na akong katabi?
Hindi ko na lang yum pinansin at dumiretso na sa upuan ko, actually katabi ko lang siya.
Hindi ko siya binalingan ng tingin kasi alam kong nakatitig siya sakin. Natatakot akong magkasalubong ang tingin namin kasi may something sa mga tingin niya.
Si Zander ay dumiretso na din sa upuan niya at dumokdok na naman sa lamesa. Inaantok siguro.
Hinanda ko na yung notebook ko para sa next subject. Para hindi ko na kuhanin mamaya.
Ilang oras din bago dumating yung prof. Meron daw kasi silang meeting kanina. Kaya na late siya ng ilang oras.
As usual, nag lesson lang naman at nag pa activity. Hindi naman ako nahirapan kasi gets ko na yung lesson.
Hanggang sa natapos na ang labat kong klase at uwian na naman. Ang bilis talaga ng oras pag di mo pinapansin.
Nakatayo na ako dito sa labas ng gate at naghihintay ng masasakyan. Medyo matagal pa akong naghintay bago makasakay, ang dami kasing estudyante, nag sabay kasi yung uwian ng juniors, senior's at kaming mga college.
Pagdating ko sa apartment ay nagbihis na ako at naghanda na ng makakain.
Ginawa ko na din yung assignment namin, baka kasi pagalitan kami ng prof. pag hindi gumawa.
Nag mu-muni-muni lang ako dito sa kwarto ko ng tumunog ang phone ko.
Nakita ko yung calling card nk mama.
Sinagot ko agad ito.
"Hello anak, kamusta ka diyan? Sorry ha, hindi na ako nakakatawag sayo, busy kasi eh. Sorry nak." bungad ni mama pagkasagot ko pa lang ng tawag.
"Ayos lang mama, naiintindihan ko po. Ikaw po ba, kamusta kana?" tanong ko.
Narinig kong tumawa ng mahina si mama.
"Eto ayos lang naman. Pero miss na miss ko na ang unica hija ko." ramdam kong nakangiti si mama habang sinasabi yun.
Napangiti din tuloy ako.
"Miss din po kita mama." sabi ko.
Ilang oras din kaming nag usap ni mama, nag kwentuhan kami tungkol sa pag aaral ko. Sinabi ko na running for dean lister ako, kaya tuwang tuwa si mama. Pero nag paalam din agad siya kasi mag luluto pa daw siya.
Masaya kong binaba ang phone ko kasi nakausap ko si mama.
Nakaidkip ako nv ilang minutl pero nagising din naman ako dahil sa ingay ng phone ko, may tumatawag kasi.
Nagtataka kong tinignan ang number, unregistered kaso dito sa phone ko.
Sino kaya to?
Pero sinagot ko din naman. Baka kasi importante.
Hindi muna ako nagsalita, hinihintay ko kasing ito munang tumawag ang una na magsalita.
Ilang minuto ang lumipas bago ko narinig na nagsalita na ito.
"Riah." dinig kong sabi sa kabilang linya. Husky ang boses nito.
"Hello. Sino to?" tanong ko, hindi ko kasi kilala ang boses.
Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.
"It's me, baby." paos niyang sabi.
Nagulat na lang ako dahil sa tawag niya saakin.
Isa lang ang alam kong tumatawag din sakin ng baby, pero impossible.
"S-sino ka?" kinakabahang tanong ko.
"I'm here outside your door. Can you let me in?" aniya.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sakanya. Dali-dali akong thmayo at pumunta sa pinto.
Hindi ko muna binuksan at sinilip muna sa peep hole.
Gulat na lang akong napatingin sa nakatayo sa labas habang hawak ang phone at nakayuko. Nakasuot lang siyang hoodie at pants.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Saka lang nag angat ang tingin niya ng nakatayo na ako sa harap niya.
Pumungay ang mata niya ng makita ako at may guhit na ngiti sa labi.
"A-anong ginagawa mo dito?" utal kong sabi.
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Naiilang ako sa titig niya.
"Gusto mo bang pumasok?" tanong ko.
Tumango agad siya.
Binuksan kong maluwag ang pinto para makapasok siya.
Sumunod naman siya sakin.
Pero bago pa ako maka pasok sa pinto ay hinigit niya ako kaya napatalon ako sa gulat. Hanggang sa naramdaman ko na ang braso niyang pumupulopot sa bewang ko.
Nahigit ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Pero mas hindi ako makahinga ng maramdaman ko ang baba niya sa balikat ko.
"I fucking miss you, baby." bulong niya sa leeg ko dahilang para mag sitayuan ang balahibo ko.
"I'm so sorry, about what happened yesterday. I regret it so much, baby. Forgive me, please?" bulong niya sa taenga ko.
Pero hindi ako makasagot dahil sa kabang nararamdaman ko.
Pero laking gulat ko ng marinig ko na siyang humihikbi. Tumataas baba na ang balikat niya.
Oh my god!
Gulat akong napaharap sakanya at taka ko siyang tinignan.
"W-why are you crying?" gulat kong tanong.
Mas lalo din lumakas ang hikbi niya. Kaya mas lalo akong nataranta.
"I-im sorry, I-i didn't know you have asthma. I-im sorry. S-sorry. C-can you forgive me? please. I-i cant take it, s-seeing you with other g-guy." Utal utal niyang sabi habang humihikbi.
Naawa naman ako sakanya.
"It's okay. Wala kang kasalanan, hindi mo naman kasi alam. Don't cry na, okay?" sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.
Hindi ko alam kong bakit ko to ginagawa, baka kasi gusto ko lang mapagaan ang loob niya.
Medyo humina na ang pag hikbi niya at tumingin na saakin.
"Y-your not angry?" tanong niya.
Umiling naman agad ako.
Ngumiti na siya at bigla na lang akong niyakap.
Natigilan ako sa ginawa niya pero ginantihan ko din naman siya. Pero mas lalong humigpkt ang yakap niya sakin at hinigit pa ako palapit sakanya.
"I like you... so much." dinig kong sabi niya.
Parang huminto ang mundo ko at hindi na makagalaw dahil sa sinabi niya.
D-did he just say, h-he like m-me?
Do i like him?
I dont know.
Mag sasalita na sana ako perl inunahan niya na ako. Pero dahil sa sinabi niya bigla na lang napanganga ang bibig ko at gulat na nakatingin sakanya.
"Can I court you?"
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!