Alam niyo yung feeling na parang na stiff neck kayo?
Pero ako ito, hindi lang leeg ang na stiff, pati yung buong katawan ko na ata. Kasi hindi ko na ginagalaw ang katawan ko sa sobrang kaba.
Nakaupo lang ako dito sa sofa habang tulala pa din. Pano naman kasing hindi matutulala?
Eh yung first kiss ko!!
Wala na yung first kiss ko!!
Kinuha na ng tukmol! Huhuhuhuhu! Hindi ko matanggap!!
Kaya ang masasabi ko na lang... Farewell virgin lips ko! Huhuhuhu!
Andito pa kami sa condo ko at wala kaming kibuan na dalawa.
Habang abala naman siya sa pag sulat sa activity namin. At napansin ko na namumula ang leeg niya at tainga. Diba ang ibig sabihin pag ganyan.. kinikilig?
Oh my god! Kinikilig ba siya?!
Bakit naman siya kikiligin?
Ewan.
Narinig ko siyang tumikhim kaya napatingin ako sakanya. Pero hindi naman siya nakatingin sakin.
I-I'm done with this" utal niyang sabi.
Mabuti nga at natapos niya na. Pero wala akong naitulong sakanya. Baka sabihin niya sa prof. na siya lang ang guawa at hidi ako isabay. Kinuha niya na kasi lahat eh. Kaya ano pa maitutulong ko?
Hayst.
"Wala akong naitulong sayo" mahinang sabi ko.
"It's okay. I don't mind."
Yes!
Mabuti nga. Ang bait niya naman hehehe.
"I think I should go home now." sabi niya habang tumitingin sa labas. Tinignan ko din ito at madilim na nga.
"Ihatid na kita sa labas." sabi ko at tumayo na.
Tumayo na din siya. At inaayos ang mga gamit.
"Hayaan mo na lang diyan, ako na lang ang mag aayos niyan mamaya." sabi ko at inagaw ang mga papel na hawak niya.
Nakakahiya naman kung siya pa ang papaayusin ko ng gamit. Siya na nga ang sumagot at sumulat tapos siya pa mag aayos. Edi wala na akong naitulong. Bukod sa pagiging cute. Ahihihi. Charot lang hehehe.
"Okay." nasabi niya na lang.
Nauna na kong lumabas kaya sumunod na siya.
Hindi kami nagkikibuan sa loob ng elevator. Nakatingin lang ako sa number na bumababa. Habang siya naman ay nasa unahan ang tingin.
Di ko pa din kasi malimutan yung kiss!
Punyetang kiss yan!
Tumunog na yung elevator kaya lumabas na kami. At dumiretso sa parking lot para hanapin yung kotse niya.
Nauuna siyang maglakad at nasa likod niya lang ako.
Hindi din siya kumikibo tulad sakin. Siguro di niya pa din nalimutan yung nangyari kanina. Sino naman ang makakalimot nun kung yun ang first kiss mo diba? Kesa naman baliwalain mo na lang yun.
Nakita kung huminto na siya sa pag lalakad kaya inangat ko na ang tingin ko. Nakayuko kasi ako habang naglalakad.
Humarap na siya sakin at pilit akong tinitignan pero sandali lang yun kasi umiiwas agad siya. Pati tuloy ako hindi makatingin sakanya.
Hayst.
Ilang minuto din bago siya magsalita.
"Uhm... Una na ako." aniya.
Tumango ako at pilit na ngiti.
"Ingat ka." nasabi ko na lang.
Tumikhim muna siya bago ulit nagsalita.
"Ano... yung nangyari kanina. Kalimutan na lang natin yun." nahihiyang sabi niya.
Sabagay... tama naman siya. Para hindi na kami magka-ilangan na dalawa.
Pero pano ko yun makakalimutan kung first kiss ko yun? Hindi ko naman agad yun makakalimutan.
Pero sana nga maalis na sa isip ko.
"Sige." tanging sabi ko.
Ngumiti na siya sakin na parang walang nangyari kanina. Kaya ngumiti na din ako.
"Got to go." sabi niya at turo sa likod niya. Tinanguan ko na lang siya at ngumiti. Pumasok na siya sa sasakyan.
Hihintayin ko muna siyang makaalis bago ako pumasok.
Binaba niya yung salamin ng kotse niya at tumingin sakin. Nagtaka naman ako.
Hindi muna siya nagsalita at tinitigan lang ako.
Magtititigan na lang ba kami?!
Ngumiti siya at nagsalita.
"Goodnight Riah" nakangiting sabi niya.
Nanlaki naman ako ng tawagin niya ako sa nickname ko.
Panu niya nalaman?!
Nagdududa na talaga ako sa lalaking to.
Hmmm.
Magsasalita na sana ako ng inunahan niya na ako.
"I will never forget this night. This is the best night ever." huling sabi niya at pinaharurot na ang kotse.
Nakaawang lang ang labi ko habang nakatayo pa din at nakatingin sa papalayong kotse niya.
Best night ever? Pano naging best to? Hindi ba siya galit na ako ang nakakuha ng first kiss niya?
Andami ko na tuloy tanong sa sarili ko.
Imbes na magalit ako kasi nakuha niya ang first kiss ko. Pero sa loob-loob ko natuwa ako kasi siya ang nakakuha ng first kiss ko.
Nawewerdohan na ako sa sarili ko.
Di naman ako to.
Hayst.
Pumasok na ako sa loob kasi mukha na akong baliw na nakatayo lang habang tulala. Mapagkamalan pa ako.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi na ako kakain kasi busog na busog na ako sa pag mukbang namin ng tukmol. Street foods ba naman.
Nagmuni-muni muna ako bago matulog.
-
Antagal naman niya.
Ilang minuto na lang darating na yung prof. namin.
Hindi ba siya papasok? Bakit naman kaya?
Ano ba yan! Bakit ko ba yun iniisip?! Kainizzz.
Siguro ganito talaga pag nasanay kana sa prisensya ng isang tao. Hahanap hanapin mo siya pag di mo nakita.
Kanina pa ako nakaupo dito at hinihintay na dumating siya.
Tama ang iniisip niyo. Si tukmol nga ang hinihintay ko. Wala pa kasi siya. Dati kasi siya palagi ang nauunang pumasok kesa sakin. Kaya nakakapagtaka talaga kasi wala pa siya.
Nakita kong bumukas yung pinto kaya nabuhayan ako, baka kasi si Clark na yun.
Hinintay ko pang pumasok yung taong bumukas ng pinto pero nabigo naman ako ng hindi siya ang pumasok. Napasibangot agad ako.
Bakit ba hinihintay ko yun?!
Narinig ko naman na bumukas na naman yung pinto kaya napatingin na naman ako.
Pero hindi si Clark ang pumasok kundi so Zander.
Kaya natuwa naman ako kahit papano. Kasi meron akong ka close dito bukod dun kay tukmol. Pero hindi naman kami masyado close. Parang komportable lang kami sa isa't isa.
Kinaway ko ang kamay ko para makuha ang atensyon niya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Lumapit siya sakin at naupo.
"Hi." bati ko sakanya pagkalapit niya pa lang.
"Hi din." bati niya habang naka ngiti.
Ambait talaga neto!
Sana ganyan na lang lahat ng tao.
"Siguro hindi papasok ngayon si Clark." aniya
"Siguro" nagkibit balikat na lang ako.
Kung papasok yun, kanina pa dapat yun andito. So it means hindi siya papasok kasi wala pa siya.
"Can I sit beside you?" tanong niya.
"Oo naman." nakangiting sabi ko.
Nag kwentuhan muna kami habang hinihintay yung prof. Masaya din siya kausap. At tsaka hindi ka maiilang kasi hindi ka naman niya babarahin sa mga rant mo. Ang iba kasing mga tao hinuhusgahan na agad nila.
Kaya ang masasabi ko na lang ay mabait talaga siya. Super!
Kaya crush ko talaga siya. Ahihihihi. Secret lang natin yun. Shhh.
Pero ayaw ko naman umamin sakanya kasi baka ma basted ako.
Iiyak ako niyan. Huhuhuhu. Luh?! Ang OA.
Charot lang yun hehehehe. Hindi naman ako iiyak kasi crush ko pa lang naman siya at hindi ko pa siya mahal. Okay?
Habang nag ke-kwentuhan kami ay dumating na ang prof. kaya umayos na ako ng upo. Nakaharap kasi ako kay Zander eh.
"Pass now the activity that i gave you yesterday." sabi nang prof. namin
Kaya kinuha ko na sa bag ko yung activity. Wala pa yun na pangalan namin na dalawa kaya nilagyan ko na. Inuna ko yung pangalan niya bago sakin. Siya kasi ang gumawa nun eh. Kahiya naman kung unahin ko yung pangalan ko.
Kinokolekta na ng isa kong kaklase yung mga papel kaya binigay ko na sakanya.
"I will give you another activity. And this is also by partner. Kung sino yung partner niyo kahapon ay yun din ang partner niyo ngayon." paliwanag ni prof.
Pano yun? Wala naman si Clark kaya wala akong partner. Bakit kasi nag absent yun? Kainizzz.
Ayan tuloy di ko magagawa ang activity.
Hayst.
May kumalabitsakin kaya napatingin naman ako.
Si Zander.
"Tayo na lang ang partner. Wala naman yung partner natin parehas kaya tayo na lang." aniya
Oo nga no! Bat di ko naisip yun.
"Sige. Pero papayag ba si prof?" nag aalalang tanong ko.
Baka kasi hindi pumayag. Edi parehas kaming walang points. Sayang naman.
"I'll ask" sabi niya at tumayo na at lumapit na.
Nakita ko na lang na tumango yung prof.
Bumalik si Zander na nakangiti. Sana pumayag.
"Ayos lang daw ba?" tanong ko pagkalapit niya pa lang.
"Yes" nakangiting sabi niya.
Yey!!!
Mabuti nga at pumayag si prof. Kasi kung hindi. Lagot na.
Binigay na samin yung papel. Konti lang naman yun kaya madali namin natapos. Kami pa nga ang nauna. Yung activity kahapon parehas lang din, yung situation lang ang naiba. Inaral ko kasi kagabi kung pano na sagutan ni Clark yun kaya ayun na gets ko agad. Hehehe.
Pinasa na namin yun kay prof. Hinintay niya pa matapos ang iba namin na kaklse bago umalis. Sumunod naman ang prof. namin sa history at mabilis din natapos. Hanggang umuwian na.
"Hatid na kita." sabi ni Zander habang andito na kami sa labas ng gate.
"Nakakahiya naman. Aabang na lang ako ng masasakyan ko." pagtangi ko.
Hindi naman siya nag patalo kaya andito na kami ngayon sa sasakyan niya.
Pilitin ka ba naman? Sinong hindi makakatanggi diyan? Diba?
Pinaandar niya na ang kotse niya at umalis na kami.
Habang nasa biyahe kwentuhan lang kami about sa mga hilig namin.
Nakakatuwa talaga siya kausap eh. Hehehe. Ang cute.
Huminto na ang kotse sa tapat ng building ng condo ko. Alam niya na kung saan ako nakatira kasi nakapunta na siya dito. Yung gabing hinatid niya ako.
Para kaming mag jowa nun. Hihihihi. Pero hindi naka HHWW.
Sayang.
Pero ayos na yun. At least diba?
"Salamat sa paghatid. Ingat ka." paalam ko at ngumiti naman siya at tumango.
Bumaba na ako at pumasok na sa loob.
Pagkarating ko sa loob ng condo ko umupo agad ako sa sofa.
Nakakapagod din kahit wala naman akong masyadong ginawa.
Hinilig ko yung ulo ko sa headrest ng sofa at pumikit.
Nakaidlip din ako ng ilang minuto.
Nagpalit ako ng damit ko bago kumain. Nagutom kasi ako.
Habang kumakain narinig kong tumunog yung selpon ko. Tinignan ko agad yun baka kasi si mama.
Hindi nga ako ngakamali.
Binuksan ko yun at binasa
From Mama:
Anak pasensya kana kasi di na ako nakakatawag sayo. Naging busy kasi ako dito eh. Umalis kasi yung amo ko kaya ako nag bantay ng mga bata.
Nireplyan ko agad siya.
To Mama:
Okay lang po mama. Basta mag ingat kayo diyan ha.
Binaba ko na yung selpon ko at nagpatuloy sa pagkain.
Narinig ko na naman na tumunog yung selpon ko. Si mama siguro.
Pero hindi yun si mama. Napakunot noo na lang ako ng makitang si tukmol yun.
Bat nag chat to?
Binuksan ko yun.
From Tukmol:
Hey. I heard that there's an activity. And it's by partner. Who's your partner?
Nagtaka naman ako sa tanong niya. Ang dating kasi parang possessive boyfriend siya.
Nireplyan ko naman agad.
To Tukmol:
Zander.
Maikling reply ko.
Nag chat na naman siya.
From Tukmol:
Tss.
Akala ko pa naman ang haba ng reply niya. Tss lang naman pala.
To Tukmol:
Bakit pala hindi ka pumasok ngayon?
Tanong ko.
From Tukmol:
Why? You miss me?
Ayy tarantado! Kapal ng mukha.
To Tukmol:
Asa. Seryoso ako. Bakit nga hindi ka pumasok ngayon?
Tanong ko nanaman.
Kulit kasi eh.
Nabilaukan ako sa nireply niya sakin.
From Tukmol:
I can't sleep last night because of the kiss.
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!