ALLY Point Of View
"Excuse me. dadaan ang mga dyosa!"
Sambit nila Roselle isa sa mga campus crush. maganda naman talaga siya dahil sa matangkad, maputi at medyong singkit niyang mga mata ayun nga lang eh kung anong kinaganda niya siya naman ang kinasama ng ugali niya.
"Alam mo Roselle, hindi ko alam kung sobrang confident mo lang sa sarili mo o sadyang makapal yang mukha mo. dyosa? huh!. saan banda teh.! dyosa ka ng ano?"
Pang babarang sambit ni Annah sa kaniya at saka niya pa ito tinarayan.
"Ows?.. talaga Annah! pasenya na kung nasasapawan ko ang ganda mo huh! "
Malditang sambit din ni Roselle sa kaniya.
"Jusko naman dito pa to mag aaway na dalawa talaga naman!"
"Wag mo ng patulan yan."
Pabulong kong sambit kay Anna.
"Nasasapawan? Roselle i remind you. never ako nasapawan ng kung sino sino. and besides my beauty is original. walang halong chemical!"
Sambit pa din ni Annah kay Roselle at saka ito tinignan mula ulo hanggang paa.
"Ano kaba tara na nga takaw ka talaga sa away!"
Asar kong sambit sa kaniya at saka siya hinila papalayo sa mga yun dahil paniguradong mag kakaroon nanaman ng away.
"Akala mo kung sino maganda! eh retokada naman. psh... baklang mukhang paa!"
Sambit padin niya habang tumataray pa ito.
"Bakla? anong bakla pinag sasabe mo diyan"
Pag tatakang tanong ko sa kaniya at tumingin pa sa gawi nila Roselle.
"Bakla. Becky. Baklush! lalaking nag paka babae jusko naman Ally di mo knows?"
Sambit niya saakin at tinarayan ako.
"Alam ko ang ibig sabihin ng bakla timang! i mean why should you call her bakla?"
Seryosong sambit ko sa kaniya.
"Duh! it's him not her. transgender yan. nag palagay lang ng dibdib ang isang yan. kung umasta akala mo may pechay na nilabas eh talong nga nung inuluwal siya ng ina niya."
Sambit padin ni Annah nasa ganun kaming sitwasyon ng dumating sila Ica at Tristan.
"Oh bakit ganyan mukha mo Annah, daig mo pa yung pinagsakluban ah"
Natatawang sambit ni Tristan ng sabihin niya iyon
"Utang na loob naman Tris, pati ba naman ikaw? nag papasalamat nga ako't wala si Christian ngayon eh. pero ikaw naman ang pumalit! proxy ka?"
Sambit padin ni Annah sa kaniya.
"Proxy? no I'm not.. HAHAHA"
Natatawang sambit na lang ni Tristan sa kaniya.
"nagugutom nanaman ako"
"Tara meryenda muna tayo sa canteen"
Pag yayang sambit ko sa kanilang tatlo.
Habang papunta kaming canteen ay naka salubong naman namin sila Leon at Des
"Oh... wala kayong klaseng dalawa?"
Tanong agad ni Ica sa kanila.
"May meeting biglaan lahat ng teacher sa senior High building"Sambit naman ni Leon
"San kayo pupunta?" Takang sambit ko sa kaniya
"Sainyo, pupuntahan sana namin kayo" Sambit ni Des
"Sakto pala. pupunta kami sa canteen para mag meryenda sama na kayo" Sambit ko sa kanilang dalawa.
"Teka nasan si Christian hindi nyo ata kasama." Pag tatakang tanong ni Des.
"May pupuntahan daw siya sabe niya" Sambit ko naman sa kaniya
"Makikipag landian lang naman yun" Si Annah
"Oh ayan na pala siya.. san ka galing?" Takang sambit ni Des kay Christian na kararating lang sa kung saan kame naka tayo ngayon.
"May inutos lang saakin sila Ma'am Joyce. bakit saan ba kayo pupunta?" Pagtataka niyang tanong.
"Sa canteen mag memeryenda daw sila" Sambit ni Des sa kaniya.
"Meryenda agad? nakapag lunch na ba kayo? mag la-lunch pa lang oh" Sambit niya at saka ipinakita saamin yung oras sa cellphone niya.
"11:50 palang mag la-lunch na agad kayo?" Sambit niya padin.
"Pake mo ba! alam mo dami mong dada. sumama ka lang kung gusto mo" Pagtataray na sambit ni Annah sa kaniya. na nauna naman siya maglakad saamin.
nang nasa canteen naman kame ay agad na kaming umupo sa puwesto namin.
"Ayos mukha hoy!" Pang aasar na sambit ni Christian kay Annah ng mahinang paluin niya ito sa ulo gamit ang pamaypay na hawak niya.
"Ay!! king ina mo ka! lumayo layo ka nga't baka ikaw ang hampasin ko" Inis na Inis na sambit ni Annah kay Christian.
Nang makarating naman sila Tristan at Leon ay naupo na din ang mga ito. habang kumakain kame ay bigla naman pumunta sila Roselle sa harap ng table namin.
"Hi Christian and Tristan." Malanding sambit ng kasama ni Roselle.
Napatingin ako kay ica ng tarayan niya ang bumati sa boyfriend niyang si Tristan.
"May bangaw ba kayong naririnig?" Sarkastikong sambit naman ni Annah saamin.
"Here we go again" Napapabuntong hininga na lang ako sa kaniya.
"Excuse me! Sinong langaw?" Galit na sambit ni Roselle.
"Ikaw at yang mga alagad mo." Sambit padin ni Annah.
Sobrang galit ni Roselle sa kaniya ay agad siyang susugurin nito at sasampalin. pero agad naman siyang napigilan ni Annah.
"Wag na wag mong susubukan na gawin yang binabalak mo dahil baka bumalik sayo" Malditang sambit mi Annah sa kaniya. ata saka ito itinulak palayo at saka ito bumalik sa kina uupuan nya. "Ano wala kayong balak umalis!" Sambit niya sa mga ito.
"Ang init naman ata ng ulo mo ngayon" Seryosong sambit ni Christian kay Annah habang may nginunguya ito.
"Oo! at wag kanang dumagdag pa." Ani ni Annah
"Maupo kana nga lang at kumain diyan. may period kaba at galit na galit ka" Sambit naman ni Ica sa kaniya.
Nang matapos na kaming kumain ay naisipan naman naming tumambay malapit sa mini park ng school malapit din sa council building.
"Oo nga pala. magiging candidate ba kayo for students council?" Seryosong sambit ni Des. kaya agad kaming na patingin sa kaniya.
"Candidate for SC? diba Ica kayo na ang papalit sa mga aalis na Student council?" biglang sambit ni Annah saamin.
"Ayun ang sabe ng dean. ang tatakbo na lang for candidate is yung mga representative by level" Sambit naman ni Ica.
"Hmm?? may ganun ba?"Pag tatakang sambit bigla ni Christian.
"Oo meron sinabe na nga ng dean at kasasabe lang ni Ica diba edi meron ngang ganun" Sambit ni Annah sa kaniya at saka naman niya tinarayan si Christian
"Oh kalma, wag kang magalit nag tatanong ng maayos, dapat pala nag dadala kayo ng BP tumataas naman dugo ng kaybigan nyo oh kaunti na lang may lalabas ng usok sa ilong." Natatawang sambit ni Christian at saka inasar nanaman si Annah
"Ang gulo gulo talaga ng circle of friends ko na to!"
TO BE CONTINUED.....
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!