Chapter 6 of 21

CHAPTER 5

FRIENDSHIP Into LOVERS893 words~5 min read

ANNAH Point Of View

"Wala naman kaming nakitang mali sa mga bone ng mga daliri mo sa paa"

Sambit ng doctor sa kaniya yun lang yung mga naiintindihan at narinig ko sa dami ng mga sinabe niya.

"Buti na lang makakapag laro kapa pala."

Seryosong sambit naman ni Tristan sa kaniya. Ng maging maayos naman lahat ng results at nabili na din yung mga medicine na mga dapat na iinumin Christian ay nauna na kaming lumabas. at nag punta na ng parking lot at hinintay sila.

"Pasalamat ka pwede pa kong mag laro kung hindi Ikaw talaga pag lalaruin ko"

Sambit niya saakin at saka tumawa at ng aasar nanaman.

"Sorry na nga diba. Kase kung di ka ng iinis at nang aasar diyan edi sana di kita matatapakan."

Sambit ko na lang sa kaniya at saka siya tinarayan.

"Wow. Kasalanan ko pa pala".

Pang aasar nanaman niyang sambit.

"Alam mo di talaga na bubuo ang araw mo pag isa saamin di mo inaasar at binubuwesit no Jay."

Sambit naman ni Ica sa kaniya.

"Kayo kase talaga happy pill ko"

Sambit niya at saka tumawag ng mapang asar na tawa.

"Buwesit ka talaga"

Asar na sambit ko at padabog na pumasok sa loob ng sasakyan.

Hanggang sa loob ng sasakyan ay wala pading tigil si Christian sa kaka asar sakin pati si Ica ay inaasar na din.

"Ang seryoso nyong dalawa diyan"

Sambit ni Christian ng lumingon ito kung saan naka upo sila Dessie at Ally.

"Iniisip namin ni Des kung paano kanamin ihuhulog dito sasakyan"

Sambit ni Ally sa kaniya.

"Ang ingay mo talaga nasaktan kana lahat eh dapat pala yang bibig mo na lang para manahimik kaman lang"

Dagdag na sambit ni Dessie sa kaniya. Tumawa naman kaming dalawa ni Ica sa mga pinag sasabe nila Dessie at Ally sa kaniya.

"Ang sama ng pag uugali nyo"

Pag tatampong kunwari lang naman ni Christian. Kaya pinalo tuloy siya ni Dessie ng manila paper sa ulo niya.

"Aray! Ah ganyan nyo ba ko alagan napaka mapanakit nyo namang mga nilalang."

Sambit niya saamin habang kumakamot pa ito sa ulo niya kung saan siya pinalo ni Dessie.

"Masasaktan ka pa lalo pag hindi ka pa tumigil!."

Seryosong sambit ni Ally sa kaniya habang nasa byahe kame papauwi ay nakaramdam naman ako ng gutom.

"Kain muna tayo nagugutom na kase ako. kuya tabi mo na lang muna po yung sasakayan doon banda sa may kainan"

Sambit ko habang naka hawak sa tiyan ko. at saka ko binuksan ang sasakyan. at bumama.

"Gutom ka nanaman? halos kakain lang natin bago umalis"

Sambit ni Ica saakin ng bumaba din ito ng sasakyan kaya nag si babaan na din ang iba.

"Kaunti lang nakain ko kaya na gugutom pa din ako"

Sambit ko na lang sa kaniya at inunahan sila sa pag lalakad papasok sa karenderya

"Halos siya kaya naka ubos ng dala ni Tristan kanina"

Dinig kong sambit ni Christian, pero hindi ko na lang ito pinansin pa.

Pag pasok ko sa loob ay dumeretso na agad ako sa mga nag titinda doon para makita kung ano ang mga lutong ulam.

"Ate mag kano po isang order neto?"

turo ko sa adobong manok. agad naman lumapit sa tabi ko si Christian

"Miss ayun akin yung Chicken Curry dalawang order niyan"

Sambit ni Christian sa babaeng tindera kaya agad akong napa tingin sa kaniya.

katakawan naman ng isang to. dalawa talaga?

"Dalawa? grabe ka naman."

Natatawang sambit ko sa kaniya. tinignan. niya naman ako habang naka kunot ang mga noo nito.

"Kay Ally kase yung isa. wag kang ano."

Sambit ni Christian. saakin.

"Anong inorder nyo?"

Sambit naman bigla ni Tristan. agad naman sinabe ni Christian ang order niya at ng kay Ally.

"Tatlo mo na bro si Des pa." Sambit ni Tristan

"Mechado daw ang kay Des, Miss isang Mechado" Sambit ni Christian sa babaeng tindera.

"Apat na order na Menudo ang saakin miss." Sambit naman ni Tristan.

"Magkano lahat yung akin ate?"

Tanong ko sa tindera ng iniabot niya na saakin yung order ko.

"75 po ma'am lahat" sagot naman saakin nung tindera.

"Sa kaniya mo na ate kunin yung bayad neto"

Sambit ko at saka iniwan silang dalawa.

Maya maya ay sumonod naman na din sila Tristan at Christian saakin.

"Kapal talaga ng mukha neto ako pa talaga pinag bayad"

Sambit ni Christian saakin habang tawa lang naman ng tawa si Tristan sa kaniya.

"Wala akong small bills eh"

Natatawang sambit ko na din sa kaniya.

"Lalo naman ako alam mong cards ang gamit ko. sa tingin mo ba may card machine sila dito t*nga wala pang bayad lahat to"

Sambit ni Christian kaya napa tingin kaming lahat sa kaniya.

"Enjoy your lunch"

Sambit niya habang tawang tawa.

agad naman tumayo si Dessie at Ally at nag punta sa tindera para sana mag bayad pero bayad na daw naman pala ang lahat.

"Alam mo nakaka buset kana" Sambit ni Des sa kaniya.

"Mabilaukan ka sana" Sambit naman ni Ally sa kaniya at sinamaan niya din ito ng tingin.

"Kayo na nga tong ni libre ganyan pa kayo wala man lang Thank you?"

Sambit niya saamin na nag tatampo

"Salamat." Sabay sabay naming sambit na akala mo ih may sama pa ng loob.

"Wow huh napilitan. welcome mga imortal."

Sambit ni Christian at sabay pa silang tumawa ni Tristan.

mga siraulo talaga.

TO BE CONTINUED..

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!