Chapter 21 of 21

CHAPTER 20

FRIENDSHIP Into LOVERS1,360 words~7 min read

CHRISTIAN Point Of View.

"Ano bang gagawin ko. halos ayaw kumain ni Ica, ilang araw na siyang walang tulog Jay." Sambit ni Tristan. kaya agad kong tinignan si Ica na naka tingin lang sa kabaong ng mommy niya. at tulala kaya tumayo ako para lapitan siya.

"Wala kang dapat gawin bro, wag ka lang umalis sa tabe niya." Sambit ko sa kaniya at tinapik ko siya sa braso niya maski si Tristan, halatang problemado na din at nag aalala na kay Ica.

Tumabi ako sa kinauupuan ni Ica daig niya pa istatwa naka tulala padin ito habang umiiyak.

"Ica mag pahinga kana muna ilang araw kanang walang tulog simula ng makalabas ka ng hospital, kame na muna mag babantay dito" Sambit ko sa kaniya ng hawakan ko ito sa kamay niya.

Umiling lang siya saakin at saka tumingin kaya agad kong pinunasan mga luha niya na pumatak sa mga pisngi niya.

"Ayoko dito lang ako sa tabi mama" Sambit niya habang pinipigilan niyang maiyak.

"Pero Ica.. Hindi matutuwa si Tita Niña na makita kang nag kakaganyan diba nga ayaw na ayaw ni Tita na nag kakasakit ka? please, mag pahinga ka muna" Sambit ko sa kaniya pero hindi ito nag salita at umiyak na lang kaya agad kong isinandal ang ulo niya dibdib ko. "Shh... tahana nandito naman kame may mag aalala sayo okay" Sambit ko sa kaniya habang pinapatahan siya sa pag iyak.

"Jay" Tawag na sambit ni Joyce saakin kaya agad ko siyang tinignan.

Ibinigay niya saakin yung hawak niyang pagkain at saka tumingin kay Ica na nag aalala "Pilitin mo namang kumain si Ica baka mag kasakit na siya niyan eh" Pabulong na sambit  at agad niyang inilapag yung dala niya sa lamesang nasa harapan namin. at nag paalam ulit na tutulong kila Dessie at Ally.

"Ahhhh...." Sambit ko ng lagyan ko ng kanin at ulam yung kutsara para subuan siya.

Tinignan niya lang ako at ibinalik ulit ang tingin niya sa mama niya. "Wala akong ganang kumain" Sambit niya.

"Kahit ilang subo lang Ica"

"Ayoko."

"Apat na subo lang ng pagkain"

"Ayoko."

"Sige tatlong subo na lang"

"Ayoko nga sabe! pwede ba iwan mo ako sabing ayokong kumain! bakit ba ang kulit nyo!" Galitna sambit niya saakin. kaya napatingin saamin yung lahat ng mga nikikilamay sa kanila.

"Ica! ano ba.. sumusobra kana. nag aalala lang naman yang kaibigan mo sayo pasalamat ka nga inaalala ka oang bata ka!" Galit na sambit ng isa sa mga tita ni Ica siya yung may galit sa mommy ni Ica dati at pilit na sinisiraan sila noon.

"Ano bang pakelam mo! bakit ba nandito ka ha!" Galit ding sambit ni Ica sa kaniya.

"Aba't bastos kang bata ka! sumusobra kana!!" Agad kong hinawakan yung kamay ng Tita niya para pigilan siyang sampalin si Ica.

"Pasensya na po okay lang naman po saakin, pero wag na wag nyo pong sasaktan si Ica." Sambit ko sa kaniya tinignan niya lang ako ng masama at tinignan niya din si Ica.

"Maribel anong nangyayari dito?" Nag tatakang tanong ni Tito Min at tinignan kaming dalawa ni Ica.

"Napaka bastos ng pamangking mong yan! ganyan ba pinalaki ni Niña yan ang maging bastos!"Sambit ng Tita niya mag sasalita pa sana si Ica ng pigilan siya ni Tito Min at ng ilayo niya saamin yung Tita ni Ica para dalhil sa labas

Naupo si Ica at umiyak nanaman ulit ito "Shhh.. Ica tahana... wag mo na lang pansinin yung mga sinasabe niya, Sorry kung pinipilitvpa kita kanina dapat-" Sambit ko sa kaniya ng yakapin ko siya hindi ko na natuloy yung huling sasabihin ko ng mag salita siya.

"Jay... bakit yung mama ko pa? pwede namang iba kung masamang anak nga talaga ako dapat hiniling kong si Tita Maribel na lang ang nawala hindi ang mama ko dahil masama ang ugali niya." Umiiyak niyang sambit saakin niyakap kong ng mahigpit si Ica hanggang sa humagolgol na ito ng Iyak.

"Wag ka ng umiyak, pag nakikita ko kayong umiiyak nasasaktan ako please Ica tumahan kana. I promise you, na po protektahan kita sa mga taong gustong manakit sayo nandito lang ako kame mga kaibigan mo si Tristan, kaya wag na wag mong iisipin na nag iisa ka nandito kame" Sambit ko sa kaniya. ng humiwalay ito sa pagkakayakap saakin.

"Gusto nyo" Sambit bigla ni Ally ng alukin niya kame ng hindi ko alam kung ano ba yung kinakain niya. kung ano ano na lang kase kinakain ng babae'ng to parehas sila ni Niyah.

"Ano yan?" Tanong bigla ni Ica sa kaniya.

"Graham at Ice Cream" Sambit niya at ngumiti pa saamin.

"Anak ng GRAHAM? at Ice Cream sa burol? seryoso ba to?"

"Graham at Ice Cream ano to birthday party bakit may ganyan?" Seryosong sambit ko sa kaniya.

"Bakit pang birthday lang ba yung graham at Ice cream? may Coffee Jelly at salad pa nga sa kusina eh" Sambit niya saakin at saka ako tinarayan.

"Pwedeng akin na lang yung Ice Cream mo Ally?"  Sambit naman ni Ica kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kukuhanan na lang kita" Sambit ni Ally kay Ica, pero pinigilan siya ni Ica at gustong gusto niyang kunin yung kay Ally kaya binigay na lang ni Ally sa kaniya agad.

"Dapat pala kanin at ulam inalok ko sayo" Sambit niya na agad naman tumingin sa kaniya si Ica "Ay kain tayo may shanghai doon wait kukuha ako di pa kase ako kumain" Sambit nito kaya agad kong pinanlakihan ng mata. Hindi nanaman kumain ng pananghalian ang isang to kahit na kaylan talaga.

"Huh? Hindi kapa kumain? bakit?" Sambit naman ni Ica sa kaniya na nag tataka.

"Oo, pero ngayon lang lang pero si Joyce same kayo na wala pang kain, ayaw niya ding kumain kase hindi pa daw din kumakain" Sambit niya alam kong nag kukunwari lang si Ally. na gumana naman ito kay Ica.

"Tara sa garden nyo nandoon ata silang lahat para makakin na din tayo sabay sabay lalo na si Joyce at ikaw" Sambit niya napatingin muna siya sa mommy na naka himlay at tumingin kay Ally na naka ngiti lang sa kaniya at saka siya tumango. at tumayo kaya sumunod naman agad ako sa kanila.

Pag dating namin sa Garden ng bahay nila sa likod ng bahay nila ay Nandoon sila Joyce, Niyah, Dessie, Leon Trixie at Annah. Agad na sinalubong ni Joyce si Ica. at alalayan na maupo ito sa tabi niya.

"Nasan si Tristan umuwi?" Pag tatakang tanong ni Ica sa kanila.

"Hindi, Kumuha lang ng makakain wait puntahan ko lang tapos kuhanan na din kita ng foods mo" Sambit naman ni Niyah at tumayo sa pagkakaupo nito para bumalik ulita sa loob.

Maya-maya ay bumalik na din si Niyah. sabay na silang bumalik ni Tristan dito na dala dala ang mga pagkain. tumabi naman agad si Tristan kay Ica ng ibutan niya ito ng pagkain

"Kumain kana masarap yan favorite mo panaman yang Shanghai" Ngiting sambit sa kaniya ni Tristan na nginitian naman siya agad ni Ica.

"Sorry... sorry kung nahihirapan kayo saakin ah" Biglang sambit ni Ica. Habang naka yuko ito kaya nagkatinginan naman kaming lahat sa isa't isa.

"Walang nahihirapan isa saamin Ica, wagkang mag alala. ang mahalaga ay kakain kana yeheyyy!!" Sambit ni Ally na parang batang tuwang tuwa

"Ang importante at lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari nandito lang kameng mga kaibigan mo para sayo, Hinding hindi ka namin iiwan diba nga best friend forever tayo" Sambit naman ni Niyah.

"Alam ko na guys!!.. Let's make a promise to be best friend forever" Sambit ni Joyce at inilahad niya yung kamay niya.

Ipinatong naman agad ni Niyah yung kamay niya sa kamay ni Joyce na ginawa din ni Ally, Dessie, Leon, Trixie, at ni Annah kaya gumaya nadin kaming dalawa ni Tristan. tinignan pa namin si Ica dahil parang ayaw niya pa ata pero agad naman niyang ipinatong yung kamay niya sa kamay ni Tristan.

"Friends Forever!" Sambit ni niya at saka ngumiti.

"Friends forever. year by year upon this we will always swear...." Sabay sabay naming sambit lahat at sabay sabay din namin itinaas mga kamay namin..

And i promise i will always to protect you no matter what happens.

Contents
Contents
Next

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!