Chapter 19 of 21

CHAPTER 18

FRIENDSHIP Into LOVERS1,556 words~8 min read

ICA Point Of View

"Kanina kapa hinahanap ng mama mo bakit ngayon ka lang." Salubong na tanong saakin ng isa sa mga tito ko na si Tito Erman.

"Dumeretso po kame kila Dessie" Sagot ko ng ilapag ko yung bag ko sa upuan sa may sala at dumeretso sa kusina kung nasaan si Mama na naabutan kong nag luluto. "Mama..." Sambit ko sabay yakap sa kaniya.

"Nandito kana pala, bakit ngayon ka lang ha?" Sambit ni mama ng yakapin niya din ako pabalik.

Bumitaw naman ako sa kaniya sa pagkakayakao niya. "Dumeretso po kase kame kila Tristan para mag Meryenda tapos ayun kila Dessie naman po kame tumambay hindi kayo sumama kila Tita Rica?" Pag tatakang sambit ko sa kaniya.

"Nag ka emergency sa Office kaya hindi na ko sumama pa, ayusin mo na ang mga plato sa lamesa tawagin mo din pala ang mga tito mo't kakain na tayo" Sambit agad ni mama ng utusan niya ako.

Nang matapos kong ayusin yung mga platos sa lamesa ay lumabas muna ako sa kusina para tawagin sila tito sa may sala ng mapansin kong parang namimilipit nanaman si mama sa sakit at naka hawak ito sa bandang tiyanan niya.

"Ma, ayos ka lang po? parang napapadalas nanyang pananakit ng tiyanan mo, nag pa check uo kana po ba?" May pag aalalang tanong ko kay mama.

"Ayos lang ako" Ngiting sambit niya saakin habang namimilipit parin siya sa sakit " May nakain lang siguro akong hindi magandansa tiyan ko sige na tawagin mo na ang mga tito mo" Sambit niya padin saakin kaya inalalayan ko naman siya para umupo muna pero sabe niya ay kaya naman niya kaya lumabas na ko sa kusina para tawagin sila tito sa sala na, nanonood nanaman ng palabas na gera.

"Tito kakain na daw sabe ni ma-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makarinig kame ng nabasag mula sa kusina kay dali dali akong tumakbo pa balik sa kusina.

Naabutan ko si mama na nakahiga na sa sahig habang wala na itong malay

"MAMA!!.... mama... gumising po kayo. mama!" tawag na sambit ko na takot na takot at sobrang kaba.

"Tumawag ka ng ambulance ngayon na" Dali-daling utos ni Tito Erman sa isa kong tito na agad naman siyang tumawag ng ambulance.

"Mama....!!!! mama ko...." Iyak ko ng sambit

"Nancy gumising ka Nancy!!" Tawag ni Tito sa mama ko hababg tinatapik niya ang pisnge ni mama para gisingin ito pero Hindi parin ito gumigising.

"Ma.... gumising po kayo mama" Iyak ko pading sambit sa kaniya.

Agad na dumating yung isa kong Tito na may kasamang medic agad nilang tsinek ang pala pulsuhan ni mama at binuhat para ilagay sa dala dala nilang higaan at ipinasok sa loob ng ambulance si tito erman na lang ang sumama sa ambulance at agad itong umalis

iyak padin ako ng iyak habang naka yakap sa tito ko. "Tito si mama po, mama ko..." Iyak ko pading sambit sa kaniya

"Tahana Ica. magiging okay din ang mama mo tatawag naman si Kuya erman para balitaan agad tayo." Sambit ni Tito saakin habang pinapatahan ako. pumasok na agad kame sa loob ng bahay iniwan naman ako ni tito sa may sala para kuhanan ako ng tubig.

"Ica.." boses ni Joyce at Niyah yung naririnig ko mula sa labas ng bahay naman pero dahil sa nangyari kay mama ay hindi ko sila pinansin. kaya si ang lumabas para papasukin sila Joyce at Niyah sa bahay ng maiabot niya ang tubig saakin.

"Ica.." Sambit ni Joyce saakin ng lumapit siya at saka ako niyakap kaya napaiyak nanaman ako.

"shhhh... tahana magiging okay din si Tita. ah Tito min ano po bang nangyari?" Pag tatakang tanong naman agad ni Niyah.

"Bigla na lang kaming nakarinig na namay nabasag sa kusina pag dating namin nakita na lang namin si Nancy na walang malay" Sambit ni Tito sa kanila.

"Mama ko.." naiiyak ko na lang na sambit.

"Ica, tahana puntahanan na lang natin si tita saan ba dinala si tita saanh hospital ba?" Pag tatakang tanong naman ni Joyce.

"Hindi ko alam eh" sambit ko habang humihikbi dahil sa pag iyak ko.

"Huh? ano!. Sige sige pupunta na agad kame ni Ica diyan" Dinig kong sambit ni Tito min ng may tumawag sa kaniya..

"Tito bakit po ano pong nangyari?" kabadong sambit ko habang pilit na pinipigilan ko ang pag iyak ko

"Doon ko na lang sasabihin sayo. kaylangan na nating mag punta ng hospital. kukunin ko lang ang susi ng sasakyan" Sambit niya at dali daling umakyat. ng makuha na ni Tito min yung susi ay dali dali kaming sumunod sa kaniya at sumakay ng sasakyan.

"Ano po bang nangyayari Tito ano pong sabe ni Tito Ermen.." pag tatakang tanong ko padin hindi ko na alam gagawin ko sa mga oras na ito dahil sa narardamang takot at kaba.

"Ica kumalma ka muna please" Pag aalalang sambit ni Niyah saakin. dahil sa bilis ng pag papatakbo ni Tito Min ay nakarating na agad kame ng hospital.

"Tito sagutin niyo na po ako ano po bang nangyayari si Mama Okay na po ba!" Inis na tanong ko dahil sobra na ang kabang nararamdaman ko..

"Kuya Erman nasan si ate Nancy!" Sbit ni Tito sa kaniya agad akong tinignan ni Tito Erman at niyakap ako ng mahigpit.

"Wala na. wala na ang mama mo ica" Sambit ni Tito Erman saakin halos manigas ako sa kinatatayuan ko nung sabihin yun ni Tito saakin doon ko din nakitang tumulo ang luha niya at ni Tito Min.

"Hindi!!! hindi totoo yun!!!.... hindi ito totoo!!!!! mama ko!!!! ang mama ko!!!!"

"HINDI-HI-HINDI!!! HINDI YAN TOTOO!!! HINDI YAN TOTOO!!.... MAMA KO!!! AAAAHHHHH!!!!!..... TITO HINDI YAN TOTOO!!!!!!!" Sigaw na sambit ko sa kaniya habang umiiyak halos mag wala na akonsa hospital.

"Ica! tama na..." iyak na awat na sambit din nila Joyce at Niyah saakin.

"Hindi!!!.... mama ko!!!! gusto ko makita mama ko!!!"

Sinamahan agad ako ni tito sa dulo ng hospital at huminto kame sa isang malaking kwarto doon na may naka lagay sa itaas ng pinto na "Morgue" Pag pasok namin sa loob ng kwarto na yun may nakita agad akong nakahiga na tao at may takip na puting kumot sa buong katawan na unang lumapit doon si tito. pag ka lapit ko ay agad niyang binuksan yung putik tela na naka takip sa bandang mukha.

Doon na ako humagolgol ng sobrang lakas ng makita ko ang mama ko na sobrang putla na at wala ng buhay. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak ng umiyak. "HINDI!!! MAMA KO!!!! AAAAHHHHH!!!! MAMA!!!! paano na po ako....... wala si papa!!! tapos wala na kayo mama bakit?!!!! mama!!! ano na pong gagawin ko!!! ayoko mama gising ka diyan!!! please di ko kaya wala kayo sa tabi ko!!!!"

Agad naman akong inilayo ni Tito Erman sa katawan ng mama ko ng dumating na pala ang isa sa mga tao doon aasikasuhin na daw kase nila ang mama ko kaya mas lalo akong na umiyak at humagolhol hanggang sa nandilim na lang ang paningin ko.

"Ica!!...." Tinigkong tawag ni Tito Erman saakin.

"Mama? mama...!!" Agad akong napa bangon ng mapanaginipan kong umalis daw si Mama.

"Ica gising kana" Sambit ni Joyce saakin agad kong ginala yung paningin ko sa loob ng kwarto at ng tignan ko ang kamay ko ay may dextrose na ako

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Tristan saakin ng hawakan niya ang kamay ko.

"Tatawagin ko lang yung doctor sasabihin kong gising na siya. Jay samahan mo ko" Dinig ko namang sambit ni Ally na agad naman sumunod sa kaniya si Christian.

"Nasan ako? bakit ako nandito?" Pag tatakang tanong ko agad naman silang nag ka tinignan lahat sa isa't isa. "Si Mama? nasan si Mama?" Pag aalalang sambit ko" Pero agad silang umiwas ng tingin saakin.

"Ica, magpahinga ka muna" Sambit ni Joyce saakin doon nanaman ako nakaramdam ng takot at sobrang kaba

"P-please... si mama nasan mama ko!" sambit ko sa kanila pero tahimik lang sila kaya tatangkain ko na sanang tangalin ang dextrose sa kamay ki ng pigilan ako ni Tristan.

"Love, Hindi ka pa pwedeng lumabas kagigising mo lang eh mag pahinga ka muna please" Sambit ni Tristan habang pinipigilan niya akong tangalin yung Dextrose ko.

"Hindi!! gusto kong makita si mama ko!! Unalis ka nga diyan... ano ba!. sabeng alis!!!!" Sambit ko at malakas ki siyang itinulak kaya napa bitaw siya saakin at napa upo. agad kong hinugot yung Dextrose ko na nakakabit sa kamay ko para tangalin ng matangal ko na ay lalabas na sana ako ng pintuan ng maka salubong ko yung doctor at nurse agad naman ako hinawakan ng dalawang nurse sa mag kabilaang brasobko.

"Teka ano pong gagawin niyo sa kaibigan namin?" Nag aalalang tanong ni Niyah

"Doctor ano pong gagawin niyo?" Sambit naman ni Christian maski si Ally at Des sa nakikita ko sa kanila ay parang takot ang mga ito. may inilabas yung doctor na isang syringe at itinusok sa isa kong braso.

"Wag kayong mag aalala tinurukan ko lang siya ng pang pakalma, sige na ibalik nyo na siya sa higaan at lagyan nyo ulit siya ng dextrose." Sambit ng doctor.

Nakaramdam ako ng panghihina ng buong katawan ko hindi ako makagalaw at pakiramdam ko inaantok na ako. hanggang sa tuluyan na nga akong nakaramdam ng parang antok na antok ako ng sobra.

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!