Chapter 18 of 21

CHAPTER 17

FRIENDSHIP Into LOVERS1,114 words~6 min read

NOTE!!!: Sorry Sa Mga Wrong Grammar

DESSIE Point Of View

"Niyah ang tahimik mo naman ata." Napatingin ako ng sabihin ni Joyce yun sa kaniya.

"Ay bawal ba maging tahimik may kinakain kase ako te. oh gusto mo kalamares?" Sambit niya ng alukin niya si Joyce ng kinakain niyang kalamares

"Kung ano ano na lang yang kinakain mo. mamaya sumakit na lang bigla yang sikmura mo" Sambit naman ni Joyce sa kaniya

"Saan mo naman ba yan nabili?" Pag tatakang tanong ko naman sa kaniya.

"Doon. sa sakayan ng tricycle" Sagot naman agad niya.

"Ano na mga ate ko, saan na tayo nito pagka tapos?" Sambit naman ni Ica

"Ayaw ko pang umuwi sa bahay ma boboring lang ako" Sambit ni Niyah ganun din ang sinabe ni Joyce maski si Ica ay ayaw pa din daw nilang umuwi.

"Doon na lang tayo sa bahay sa rooftop tambay" Sambit ko na lang sa kanila na agad naman nilang sinang ayunan.

"Susunod na lang ako sa inyo uuwi muna ako sa bahay baka dumating na sila mama at Annah" Sambit naman ni Ate Trixie.

Nang makarating kame dito sa tapat ng bahay ay pumasok na agad kame, si Aling Nena ang sumalubong saamin at sinabe niya na umalis daw si mama kasama nila ang mama ni Ally

"Saan daw po sila nag punta Nay Nena?" Tanong kong sambit sa kaniya

"Hindi nasabe ng mama mo kung saan daw sila, baka naman namasyal lang" Sambit naman niya agad.

"Ah sige po, doon lang po kame sa rooftop pagawa na lang po kame ng makakain po namin salamat po" Sambit ko kay Aling Nena. Agad naman akong umakyat sa rooftop.

Pag dating ko ay nandito na sila naka upo na naka ayos na din pala yung lamesa.

"Des nasan yung basurahan nyo dito?" Sambit ni Niyah ng maubos niya yung kinakain niyang kalamares agad ko naman itinuro yung naka takip na basurahan na nasa likod ng pintuan.

"Pansin ko lang maski parents ni Tristan parang ayaw din kay Jeremiah bakit kaya?" Pag tatakang tanong naman ni Ally.

"Ang alam ko nag ka issue ata yung daddy ni Jeremiah sa mga HoA Officer, Kwento lang ni Tristan saakin ah" Sambit naman agad ni Ica

"Ayan nanaman sila sa mga issue na yan wala naman sila na papala sa mga ganyan eh" Sambit ko naman agad sa kanila.

"Ang liit na nga lang ng subdivision na to nag kakagulo pa sila" Sambit naman ni Niyah.

Napatingin kame ng dumating si Aling Nena dala dala niya ang meryenda namin French fries, Burger, Ice cream at may cake pa na isang box

"Ang dami naman po nito nanay nena, salamat po" Sambit naman agad ni Joyce ng tulungan namin si Aling Nena na ilapag ito sa lamesang nasa harapan namin

"Yung burger at cake dala ng mommy ni Didi. kararating lang nila nung tumawag kase ang mommy niya sinabe kong nandito kayo'ng lahat sa rooftop" Sambit niya saamin bago ulit siya bumaba at bumalik sa loob ng bahay.

"Until now Didi padin talaga tawag ni Nanay Nena sayo ano" Sambit naman ni Ica.

"Diba si Nanay Nena yung yaya mo nung bata kapa" Sambit naman ni Niyah

"Oo actually matagal nang yaya namin si Nay Nena, hindi pa nga pinapanganak si Ate yaya na nila mama si Nanay Nena" Sambit ko sa kanila Agad naman ako kumuha ng Fries.

"Diba Ally babalik na yung yaya nyo sino nga ulit yun?" Pag tatakang sambit naman ni Joyce sa kaniya.

"Si Yaya Melanie, sa lunes pa dating niya" Sagot naman niya.

"Nasan na si Ate Trixie? chat nyo na nga" Sambit naman ni Niyah. habang hinahalo yung Juice

"Oh ito na pala si Ate Trixie eh" Sambit ni Ally sa agad naman na upo si ate Trixie sa tabing upuan ni Joyce.

"Anyari sayo teh. bakit ngayon ka lang? napag chismisan na namin lahat ngayon ka lang dumating" Natatawang pag bibirong sambit ni Niyah sa kaniya.

"Grabe kanaman sa lahay pili lang pinag chismisan" Pang gagatong na sambit naman ni Ica.

"Sorry, sila Mama at Annah kase nag tatalo kaya inawat ko muna sila" Sambit ni Ate Trixie.

"Ayan ang chismis HAHAHAA. joke oh bakit naman nag nagtatalo ang mag ina?" Sambit ni Niyah

"Nalaman ni Mama ang tungkol sa kanila ni Jeremiah" Sambit na lang ni ate Trixie

"Nalaman? paano?" Pag tatakang sambit ko sa kaniya maski si Ally ay napakunot na lang ng noo. nag ka tinginan pa kameng lahat sa isa't isa.

"Sinabe ba ni Jay?" Pag tatakang sambit ni Ally?

"Kahit talaga yun si Christian wala sa hulog!" Sambit naman ni Ica.

"Shhh.. ano ba naman kayo malay mo hindi siya, saan ba na laman ni tita Ange?" Pag tatakang sambit naman ni Joyce.

"Sa mga chesmosa ano?" Sambit naman ni Niyah.

Agad naman bumuntong hinga ng malalim si Ate Trixie.

"Kila Aling Marites, nag punta kase doon si Aling Marites kasama niya si Aling Marisol, tapos nag kwentohan lang sila ayun nagalit na si mama kay Annah after that" Pag kukwentong sambit ni Ate Trixie sa amin.

"Bagay na bagay talaga sa kanila yung name nila ano si Marites na chismosa tapos si Marisol na solsol ay pak ang combination HAHAHAHAH." Natatawang sambit naman ni Niyah

"Woi mamaya niyan may makarinig sayo eh" Pag sasaway na sambit naming dalawa ni Ally

"dami daming panagalan na ganun no hindi lang sila" Sambit naman ni Niyah kaya napapa iling na lang kaming dalawa ni Ally.

"Anong nangyari kay Annah?" Pag tatakang tanong ko sa kaniya

"Nandoon nag kulong sa kwarto niya" Sagot naman ni Ate Trixie.

"I'm sure tatanungin kayo nila Tita about that issue." Sambit naman ni Joyce

"Basta ako wala akong alam diyan" Sabay naming sambit ni Ica..

"Oh wag kayong tumingin ng ganyan saakin lalo naman ako no" Sambit naman ni Ally na tinawanan naman namin.

"Sus ikaw lang ang sinasabihan ni Annah ng mga secret niya eh" Pag bibirong sambit naman ni Ica sa kaniya.

"Ano ka ang alam ko kaya nililigawan siya ni Jeremiah, hindi naman niya sinabe na sila na pala" Sambit naman ni Ally

"So sa tingin nyo ilang days na kaya sila?" Pag tatakang tanong ko sa kanila.

"Baka naman weeks na kamo sila hindi lang sinasabe sainyo." Sambit naman ni Niyah.

"Or maybe a month na silang mag jowa" Sambit naman ni Joyce.

"Grabe naman sa months tapos hindi niya talaga sinabe no" Sambit ko na lang.

"Baka tama nga naman si Joyce baka nasa isang buwan na silang mag boyfriend/girlfriend hindi lang sinasabe talaga nito ni Annah" Seryosong sambit naman ni Ate Trixie. napa inom na lang tuloy ako sa hawak hawak kong Juice habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila.

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!