ALLY Point Of View
Kung anong anong ayos na ang ginagawa ko dito sa kwarto. hindi ko parin makuha ang gusto ko. lipat dito lipat doon ng mga gamit.
"Hindi ka parin tapos diyan? kanina mo pa pina palipat-lipat yang mga gamit mo yang kama mo wag mong ilagay sa harap ng bintana dahil masama." Seryosong sambit ni mama ng pumasok ito sa kwarto ko at may dala-dalang pagkain sa tray at inilapag sa table ko.
"Hindi ko kase alam saan ko ilalagay itong ang panget kase ng ayos ma!" Sambit ko kay mama habang. inis na ko sa sarili ko.
"Tigilan mo na yan, at kumain ka muna anong oras na alas dose na ng tanghali hindi kapa nakakapag breakfast. tigilan mo muna iyan tawagan mo na lang si Drake para siya na mag ayos ng kwarto mo, ipapa design ko din sa kaniya yung kwarto ng dalawa mong kapatid." Utos na sambit ni mama saakin sakto namang kadarating lang ni papa.
"Ano nanaman yang ginagawa nyo?" Pag tatakang tanong ni Papa samin ni Mama.
"Tulungan mo nga yang panganay mo kanina pa umaga yan nandiyan" Sambit ni Mama tsaka lumabas ng kwarto ko
"Hindi kapa ba kumakain ng almusal? tigilan mo na yan ako na tatawag kay Drake, at bumaba kana din nasa baba si Jay" Sambit ni Papa saakin kaya nag taka naman ako dahil pag baba ko nandito nga si Christian nasa Dining table kumakain na kasabay nila Ysa at Noah na kumakain.
Kapal talaga ng mukong na to feel na feel at home.
"Tapos kana sa ginagawa mo? Kain na." Sambit. niya habang kumakain at may laman pa yung bibig.
"Anong ginagawa mo dito? kapal ng mukha talaga neto oh" Sambit ko sa kaniya at pumuwesto sa harapan niya agad naman ako nilagyan ng plato ni nanay inday.
"Ma, Pasok na kame. Teh alis na kame" Paalam ng dalawa kong kapatid saakin. at umalis na nga silang dalawa.
"Nood ka ng laro namin ah. diyan lang sa court." Sambit niya habang kumakain.
"Pumunta ka lang dito para sabihin na manood ako ng laro mo? Hoy!. may girlfriend ka diba at saka isa pa nasa kabilang street lang si Fate! bakit hindi siya ang yayain mong manood." Sambit ko sa kaniya at saka siya tinarayan.
"Umalis siya kasama parents niya. dali na manonood ka lang eh" Sambit niya at ng pupou eye pa talaga ang mokong
"Ayoko nga si Annah or si Ica, ayun paniguradong manonood yun kasama mo sa game si Tristan diba"
"Si Annah wala umalis daw kaya nga niyaya na kita para may kasamang manood si Ica" Sambit niya bago sumubo ng pagkain.
"Ayoko may ginagawa pa ko, busy ako!" Sambit ko kaniya at saka nag sandok ng kanin at ulam.
"Tito yung anak nyo ayaw pong manood sa laro ko oh, hindi manlang po ako susuportahan" Sambit niya kay Papa ng makita niyang bumaba ito.
"Manood kana ng laro ng kaibigan mo, tinawagan ko naman si Drake para ayusin yung design ng kwarto mo." Sambit ni Papa saakin agad naman akong nginitian ni Christian na nakakaasar.
"Oh, Tito oh!! tatangi pa HAHAHAHA..." natatawang pang aasar na sambit ni Christian nang akmang hahampasin ko pa sana ito
"Ally. minsan lang manglambig niyang kaibigan mo sayo pag bigyan mo na" Sambit naman ni Papa habang natatawa pa ito.
"Yuck!!! Pa. may girlfriend yan mangilabot ka nga ewww" Sambit ko sa kaniya agad ko naman tinarayan si Christian.
"Manood kana yayayain kanaman din ni Ica mamaya dahil wala din kasama yun manood" Pag pupumilit na sambit niya.
"Oo na sige na! ng manahimik na yang imortal mong ispirito! anong oras ba yung laro nyo ulit?" Asar na sambit ko sa kaniya.
"Mga 3pm susunduin na lang kita kung hindi ka masundo ni Ica, Para sure na manonood ka talaga" Sambit niya.
"Si Leon? hindi makaka laro yun diba Anniversary ata nila ni Des ngayon. sino ang mag sa-sub sa kaniya." Pagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Kapatid mo" Naka Ngiting sambit niya pa.
Agad naman nag sa lubong yung mga kilay ko sa sagot niya.
"Nakita mong pumasok sa school tapos sasabihin mo siya yung mag lalaro?" Sambit ko sabay irap na lang sa kaniya.
"3pm pa naman yung game at saka 2pm ang uwian sa school ng kapatid mo so makakapag laro pa siya" Sambit niya sabay kaming na patingin sa sala ng marinig namin buses ni Ica na hinahanap ako.
"Oh! Aga-aga may impakto agad dito?" Natatawang sambit ni Ica kay Christian habang nakaturo pa ito sa kaniya.
"Manahimik ka diyan payat oh! kumain ka dito ng magka laman laman naman yang katawan mo" Pag aasar din sa kaniya ni Christian.
"katatapos ko lang mag breakfast! grabe ka ang aga-aga nandito kana agad kila Ally. para mang buset?" Sambit sa kaniya ni Ica.
"Ikaw sana ang bubusetin ko kaso naalala ko pala na tulog mantika ka. dadaigin mo pa ata si sleeping beauty" Sambit niya at inasar niya pa si Ica kung ano man sinabe niya ay hindi ko na rinig kase biglang nag ring yung phone.
"Alam mo kahit na kailan buset ka talaga! bakit nandito tong bff mo Ally?" Pag tataray na sambit ni Ica saka miya inirapan si Christian.
"Wow. so hindi mo pala ak-----" Hindi na natapos ni Christian yung sasabihin niya ng salpakan siya ni Ica ng pagkain sa bibig.
"Shut up ka diyan ka lalaki mong tao ampaka bulak-lak niyang bibig mo." Iritang sambit ni Ica sa kaniya at na upo naman ito sa tabi ko
"Ano tingin mo sakin taong bulak-lak?" Kunot noong tanong na lang ni Christian kay Ica.
"Hindi ang tingin ko talaga taong damo ka. hmm pina ganda ko lang naman" Pag tataray na sambit ni Ica sa kaniya na pa buntong hinga na lang ako ng malalim
"Oo nga pala bakit nandito ka?" Pag tatakang tanong ni Christian sa kaniya.
"Gagala kame ni Ally di ka pwedeng sumama" Pag tataray pading sambit ni Ica, sa kaniya
"Hindi talaga ako sasama sainyo ginagawa niyo kong taga bit-bit ng mga pinamili nyo" Sambit na lang ni Christian sa kaniya.
"Oo nga pala nood tayo ng laro ng mga to baka kase matalo pa tong mga panget na to" Natatwang sambit ni Ica at saka itinuro si Christian
"As if papa talo kame sa mga yun." Pag yayabang na sambit ni Christian. uminom muna din siya ng tubig at saka ng paalam na mag paparactice na muna sila
"Kita mo yun kanina na hindi pa masyadong mainit mga hindi mga nag papractice tapos ngayon na mainit na saka mag papractice? mga utak nga naman ng mga yun may mga saltik talaga." Pag tataray na sambit ni Ica
"Hayaan mo sila, ganyan mga trip ng mga yan Eh, HAHAHAHAH" Natatawang sambit ko na lang sa kaniya
TO BE CONTINUED....
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!